Chapter 34 - TBAB: 32

Now playing: Ang wakas - Arthur Miguel ft. Trisha Macapagal

Violet POV

Mabilis na napatakbo ako sa pintuan, kung saan basta na lamang ipinasok ng dalawang armadong kalalakihan si Katie sa loob ng kuwarto kung nasaan ako.

Awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko nang makita ang kanyang itsura. Gulo-gulo ang buhok nito, marumi ang suot na damit dahil sa dumi at alikabok, panay pasa at sugat din ang ibang parte ng kanyang mga braso at hita.

Mabilis na niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit habang hindi naman nito napigilan ang mapangawa agad. Nanginginig ang buong katawan nito, marahil sa takot, sa gutom at walang tubig na naiinom.

"I-I'm sorry..." Agad na paghingi ko sa kanya ng tawad. "I'm sorry dahil nangyayari ito." Umiiyak na paghingi ko sa kanya ng tawad.

Hindi ko mapigilan ang maawa at ang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Dahil naman kasi talaga sa akin kaya nangyayari ito sa kanya ngayon eh. Sa kanilang dalawa ni Nicole.

Pagod na pagod at nanghihina ang buong katawan na isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad." Sabi nito sa mahinang boses. "Hindi mo naman kasalanan na nagustuhan ka niya eh. O maging ni Nicole. Kagusto-gusto at kamahal-mahal ka naman kasi talaga, V." Dagdag pa niya.

"Wala sa'yo ang problema. Ang problema eh 'yung hindi matanggap ni Aisha ang naging resulta, kaya nagkakaganyan siya." Napatingala ito sa akin kaya yumuko rin ako para salubungin ang mga tingin niya.

Binigyan niya ako ng isang ngiti kahit na namumungay na ang mga mata niya sa pagod. Dahan-dahan din na hinawakan niya ako sa aking pisngi. "I'm so lucky...and blessed. Kasi binigyan ako ni Lord ng pagkakataong mahalin at makilala ang isang tulad mo."

Dahil sa sinabi niya ay isa-isang nagpatakan na naman ang mga luha ko.

"Alam mo? Kung pinipili mo na lang ako no'n dahil ayaw mong masaktan ako at alam mong mahal kita, makikiusap sana ako sa'yo na 'wag na eh. Pero am glad ngayon na pinili mo na rin siya," Napalunok ito bago muling napayuko. "si Nicole." Pagpapatuloy niya.

"K-Kasi nung araw pa lang na kahit paulit-ulit mo akong pinipili pero nagkaroon ka ng iba, nasaktan mo na ako no'n eh. Kung ipagpapatuloy mo pa na piliin ako, mas lalo lang akong madudurog. Kasi magkasama nga tayo, pero ibang tao na ang palaging nasa isip mo. Alam mo 'yung feeling na nasa tabi nga kita...pero parang hindi kita kasama?"

Napatawa siya ng mahina. "Wala lang. Sinasabi ko lang 'to kasi ito 'yung nararamdaman ko. Alam ko naman na may pinili ka na eh. At hindi na ako 'yun. 'Di ba?"

Muling niyakap ko lamang siya ng mahigpit habang nakasandal lang ang kanyang ulo sa aking balikat. Hinahayaan ko lang na magsalita siya at sabihin 'yung mga bagay na gusto niyang sabihin sa akin.

"Kaya pakiusap, palagi mong pipiliin kung saan ka mas sasaya ha? Hindi naman kita pipigilan eh. 'Wag mong pigilan ang sarili mo kung sa kanya ka naman talaga masaya. Kung siya naman talaga ang mahal mo at kailangan mo, magpapalaya ako. Hindi naman natin kailangang ipilit pa eh. Kung hindi na ako ang mahal mo wala na akong magagawa pa." Patuloy lamang sa pangingilid ang aking mga luha habang pinapakinggan siya.

Ramdam na ramdam ko kasi ang panghihina sa boses niya, 'yung sakit at kirot sa bawat sinasabi niya at ang kagustuhan na tuluyan nang makalaya.

"Ayaw ko lang din kasing dumating 'yung araw na pagsisisihan mong pinili mo ako. Dahil hindi mo sinunod ang sinasabi ng puso mo." Napahinga ito ng malalim.

"Katie...tatandaan mo palagi na kahit anong mangyari, andito pa rin ako para sa'yo. Hindi na man partner mo katulad ng dati, pero bilang kaibigan mo. K-Kung hindi ka pa man handa ngayon, hihintayin ko ang araw kung kailan magiging okay---"

"V, tanggap ko na." Putol nito sa akin. "Hindi mo na kailangang hintayin kasi nung araw na sinabi mong hindi na ako at may iba na, alam ko na. Minahal mo naman talaga ako, alam ko 'yun. Pero nagwakas nga lang." Natatawa na wika niya.

"Pareho naman tayong nagsugal at tumaya para sa isa't isa. Walang may pagkukukang, sadyang hindi lang talaga tayo ang nakatadhana. Parehas nating pinili ang isa't isa noon, pero ngayon, pareho natin sanang palayain ang mga sarili natin. Ikaw kung saan ka mas sasaya at ako kung saan magiging malaya." At noong sandaling sabihin niya ang katagang 'malaya' doon na siya napahagulhol.

"Gusto ko nang maging malaya, V. Kaya noong nalaman kong magkasama na kayong muli ni Nicole sa kabila ng mga pagbabanta ni Aisha, for the very first time, nakaramdam ako ng kapayapaan kasi alam kong pinili mo na 'yung gusto mo. Hindi dahil sinabi ko o napipilitan ka lang, kundi dahil 'yun ang sinasabi ng puso mo."

Hinawakan nito ang kamay ko.

"Mahal kita, Violet. Sobra! Pero kailangan kong mas mahalin ang sarili ko kaysa ipilit pa na ibalik 'yung tayo. 'Wag kang mag-alala, 'di naman ako mawawala. Salamat ha? Kasi...binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka."

"Salamat din, Katie. Alam mong minahal kita. At hindi rin ako mawawala. Palagi pa rin akong nandito para sa'yo ha?"

Napatango ito atsaka kapwa namin binigyan ng ngiti ang isa't isa, kahit na mayroong luha pa rin sa aming mga mata.

Maya-maya lamang din ay muling nagbukas na ang pintuan ng kwarto kung nasaan kami ni Katie. Pumasok muli ang dalawang kalalakihan at walang awa na kinuha siya mula sa mga bisig ko. Kasunod ng mga ito si Aisha at Chase na ngayon ay parang gago kung makatitig sa akin.

"T-Teka saan niyo siya dadalhin? Ano ba!" Nagpupumiglas na sabi ko sa mga ito.

"Don't worry, V. Mamamasyal lang kami." Ngingiti-ngiti na wika ni Aisha pero nagkaroon ako ng pagkakataon para mahawakan siya sa kanyang damit at mabilis na hinigit palapit sa akin.

Mabilis na isinandal ko rin siya sa pader. Halatang napalakas ang pagtama ng likod niya rito pero pilit na itinago niya ang nararamdamang sakit.

"Ow, I like that. Hard!" Pang-aasar na dagdag pa niya bago napatawa. "Wanna kiss me?" Sabay taas baba ng kanyang kilay na wika nito pero muli ko siyang tinignan ng masama.

"Ako lang naman ang kailangan mo, 'di ba? 'Wag mo nang idamay si Katie at pakawalan mo na siya!" Naluluha ang mga mata na utos ko sa kanya.

Pero malakas na itinulak lamang niya ako dahilan para mapabitiw ako sa kanya. Agad naman na inayos niya ang kanyang suot na damit at taas noo na muling ibinalik ang mga mata sa akin.

"Mahal kita pero hindi mo ako pwedeng diktahan, Violet. Ako pa rin ang masusunod dito. At kung kailangan kung burahin si Katie at Nicole sa buhay mo, gagawin ko---"

"Anong sinabi mo?! Si Nicole?" Biglang sabat ni Chase at lalapitan na sana nito si Aisha para sapakin pero mabilis na nahaplot ni Aisha 'yung baril ng kasahan niyang lalaki at walang awa na pinaputukan si Chase sa kanyang hita. Dahilan para mapahiga ito, habang mangiyak-ngiyak na namimilipit dahil sa sakit.

Kapwa naman kami napatili ni Katie dahil sa gulat at lakas ng putok ng baril.

"Ikaw na wala ka namang kwenta!" Sigaw sa kanya ni Aisha. "Kung gusto kong iligpit ka, nauna ka na sa kanila. Pero 'wag muna ngayon, kailangan pa kita eh." Pagkatapos ay muling ibinalik sa akin ang mga mata at binigyan ako ng ngiti.

"Let's go?" Nakangiting wika nito. Agad na pinusasan din ako at ipinasok sa parehong sasakyan kung saan nakasakay si Katie.

Mas mabuti na iyon atleast magkasama kami ni Katie. Alam kong hindi siya mag-isa.

Agad na binuhay ang makina ng sasakyan at pinasibad ito papalayo patungo sa kung saan at hindi ko rin alam. Dahil parehong nilagyan ng takip ang mga mata namin ni Katie, upang hindi namin siguro makita ang aming dinaraanan. Hindi ko nga alam kung ano bang binabalak ni Aisha eh.

Tanghaling tapat kasi ngayon at tirik na tirik ang araw. Ayaw niya naman sigurong may makakita o makahuli sa kanya na mga pulis.

Ngunit maya-maya lamang ay bigla na lang napa-preno ang sasakyan na halos masubsob na kami dahil sa lakas ng pag-break nito.

"Tang*na! Nahanap na nila tayo!" Rinig kong sigaw ni Chase na sa tingin ko ay nakaupo sa passenger seat.

"Ano pang ginagawa niyo? Iatras niyo na ang sasakyan at humanap kayo ng ibang daan. Mga b*b*!" Utos naman ni Aisha sa kanila.

Ngunit sa tingin ko ay na-corner na sila dahil hindi na magawa pang makaalis muli ng sasakyan.

"May sasakyan din sa likuran." Wika ng isang lalaki. "We've been cornered, Aisha."

Napahinga ng malalim si Aisha bago may inutusan sa kanyang mga kasamahan. Naramdaman kong umalis din si Aisha sa tabi ko at bumaba rin ng sasakyan. Tatlo kasi ang sasakyan na gamit namin, iyong nasa gitna na sasakyan, doon kami nakasakay ni Katie. At 'yung nasa unang sasakyan naman at nasa hulihan ang magsisilbi nilang pang harang kung sakaling magsimulang magbarilan.

Naging pagkakataon ko naman iyon para tanggalin ang takip sa aking mata dahil hindi naman niya ako pwedeng saktan. Tinanggal ko rin ang takip ng mga mata ni Katie.

Mabuti na lang at mabilis na nahanap ng aking mga paningin ang susi ng pusas kaya agad ko rin na nakalasan si Katie at pati na rin ang aking sarili. Lalabas na sana kami ng sasakyan noong magsimulang magpaputok ang isa sa mga kasamahan ni Aisha.

Mabilis na napayoko kami ni Katie habang tinatakpan ko naman siya ng aking katawan. Napasulyap ako sa bintana, at doon, nakita ko si Nicole na mayroong mga kasamang armadong mga kalalakihan.

Kasama niya rin si Skyler na siyang abala sa pagpapaputok ng baril.

Habang ang nasa may unahan naman, ay ang magpinsan na kaibigan nito na armado rin. Mayroon din silang mga kasamahan na armadong mga kalalakihan.

Lalo naman na hindi ko mapigilan ang mag-alala nang ibinalik ko ang aking paningin kay Nicole. Paano kapag tinamaan siya ng bala? Pero hindi ko naman pwedeng iwanan si Katie.

Hays! Bahala na nga. Sabi ko sa aking sarili.

Mahigpit na hinawakan ko si Katie sa kanyang braso. "Kaya mo bang tumakbo?" Tanong ko sa kanya.

Napalunok ito ng mariin bago napatango.

"Good. Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo. Okay? Bahala na kung saan basta makahanap lang tayo ng mapagkukublian." Muli itong napatango.

"O-Okay." Pagpayag ni Katie.

Kaya naman nagsimula na rin ako agad sa aking pagbilang at noong umabot na sa tatlo ay mabilis kaming lumabas ng sasakyan at kumaripas ng takbo papalayo kina Aisha. Agad kami nagtago sa pinakamalapit na punong kahoy at doon nagkubili.

Napalunok ako nang mariin noong sandaling mapansin ko na si Nicole at Skyler na lang ang naiiwang nakatayo sa sasakyan kung saan sila nakakubli kanina. Karamihan sa mga kasamahan nila ay sugatan na at iyong iba ay wala ng buhay.

"Shit! Shit! Shit!" Hindi ko maiwasang mapamura sa aking sarili.

"Violet!" Rinig kong sigaw ni Nicole.

Akala ko tinawag lamang niya ang pangalan ko, pero nagulat na lamang ako noong sandali na bigla itong tumakbo patungo sa amin ni Katie.

Mabilis naman ang mga mata na nahanap ng aking paningin si Aisha na diretsong nakatutok lamang ang mga mata kay Nicole. Agad n'ya itong tinutukan ng baril habang tumatakbo.

Sabay na napasigaw sina Chase at Skyler sa pangalan ni Nicole para pigilan ito dahil siya ang patatamaan ni Aisha. Habang ako naman ay sasalubungin sana ito sa kanyang pagtakbo nang biglang ipinaputok na ni Aisha ang baril na hawak niya.

Pero...

Gayon na lamang ang laking gulat ko noong sandaling si Katie ang biglang bumagsak sa lupa habang hawak-hawak siya ni Nicole. Hindi ko namalayan na tumakbo rin pala siya para salubungin at iharang mismo ang kanyang katawan kay Nicole.

Para akong awtomatikong napako sa aking kinatatayuan, napatulala ako, nabingi at hindi na marinig pa ang mga putok ng baril sa kapaligiran noong sandaling isigaw ko ang pangalan ni Katie.

Isa-isa na muling naglaglagan ang mga luha ko at mabilis na lumapit sa kanya. Habang si Nicole naman ay gulat na gulat at hindi makapaniwala sa ginawang pagsagip sa kanya ni Katie.

Iyon din ang naging pagkakataon ni Aisha at ng mga kasamahan niya para makatakas sila. Nawala ang atensyon ng lahat sa kanila dahil sa biglang nangyari at ginawa ni Katie.

"Katie." Umiiyak at nanginginig ang boses na pagbanggit ko sa pangalan niya noong makita ko na naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Tulong! Please!" Paghingi ko ng saklolo.

"Please, Nicole." Umiiyak na pakiusap ko pa. "D-Dalhin natin siya sa hospital."

Napatango naman ito kaagad at tumayo pero pinigilan siya ni Skyler. "Ako na ang magmamaneho." Wika nito at mabilis niyang ipinarada ang sasakyan sa aming harapan.

Agad naman na tinulungan ako ng ilang kasamahan nila na naiwan para maisakay si Katie sa sasakyan.

Mabilis na pinasibad ni Skyler ang kotse papalayo patungo sa pinakamalapit na hospital.

Mahigpit na hinawakan ko si Katie sa kanyang kamay. Habang nakaupo ito sa tabi ko at maingat ko siyang inaalalayan. Dahan-dahan at nanginginig naman na inabot nito ang pisngi ko.

"Masaya ako..." Nakangiting sabi niya.

Kahit panay dugo na ang bunganga niya. Nagawa pa rin niyang ngumiti.

"Masaya akong nailigtas ko siya. 'Yung taong...'yung taong mahal ng...mahal ko."

"Please, wag ka munang magsasalita. Save your energy hmmm? Please." Pakiusap ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy pa rin siya.

"Kasi kahit na...kahit mawala na ako, makakasama mo pa rin siya. May makakasama ka. S-Si Nicole...iingatan mo siya ha? A-Alagaan mo siya nang...n-nang higit sa pag-alaga mo sakin n-noon." Lumuluhang sabi niya.

"Araw-araw mong sabihin sa kanya...na...m-mahal na mahal mo siya. Okay? A-Araw-araw mong piliin na mahalin siya at...at iparamdam sa kanya kung gaano...k-kung gaano...siya kahalaga...P-please. Mangako ka."

Napatango ako ng maraming beses habang humihikbi. "P-Promise..." Ngumangawa na sabi ko. "Please, 'wag ka nang magsalita pa."

"G-Good..." Wika nitong muli bago napaubo ng dugo. "Kasi araw-araw akong...m-manonood sa l-love story ninyo...'wag n'yong...'wag n'yong pababayaan ang isa't-isa." Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata habang tinitignan ako bago muling binigyan ako ng isang ngiti.

"Mahal na mahal kita, Violet." Dagdag pa niya.

"Please, please don't say that. Please hold on, makakarating tayo ng hospital. Malapit na tayo, Katie---" Natigilan ako sandali bago muling napayuko at inalog siya.

"Katie?" Kasabay noon ang tuluyang pagbitiw ng mga kamay niya sa aking pinsgi.

"Katieeeee!!! Aaahhhhh!!!" Napapahagulhol at sigaw ko sa pangalan niya habang yakap-yakap siya. "Nooo! Please! K-Katie!"

"Katie please, wake up!!!!" Noon din ay napahinto bigla sa pagmaneho si Skyler. Dahil katulad ko ay lumuluha na rin ito. Hanggang tuluyang maabutan kami ng ibang mga kasamahan nila kung saan kasama nila si Nicole.

Mabilis na lumapit sa akin si Nicole at niyakap ako.

"Wala na siya. Wala na si Katie." Ngumangawa na sabi ko sa kanya.

Ang sakit. Ang sakit na gano'n lang babawiin ang buhay ni Katie. At ang masakit pa ginawa niya iyon para sa akin.

PARA SA AKIN!

Ngayon, paano ko mapapatawad pa ang sarili ko? Paano? Kung alam ko na ako ang dahilan at ang pinagmulan ng lahat.