Chapter 36 - TBAB: 34

Now playing: Pabilin by Moira Dela Torre

Violet POV

Makalipas ang isang linggo, nang mailibing na ang bangkay ni Katie ay nagdesisyon ako na magpahinga na muna mula sa trabaho.

Hindi ko lang kasi kaya ang magtrabaho ngayon dahil sobrang nalulungkot pa rin ako sa nangyari kay Katie. Araw-araw ko pa ring sinisisi ang aking sarili.

Sana nagawa ko man lamang siyang protektahan noong mga sandaling iyon pero wala akong nagawa. At higit sa lahat, paulit-ulit akong nagagalit doon sa mga taong may dahilan ng pagkawala niya, lalong-lalo na kay Aisha.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. At sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan oras na madakip na siya ng mga pulis.

Disoras na ng gabi, tulog na rin ako noong makatanggap ako ng tawag mula kay Mama Pearl. She's asking me na pumunta sa address na ibinigay niya. Address na hindi ko pa napuntahan at hindi ko alam kung bakit ganitong oras niya ako kailangang papuntahin doon.

Ngunit kahit na ganoon ay nagmamadali pa rin akong umalis ng bahay at dumiretso sa address na sinasabi niya.

Medyo may kalayuan ang address na ibinigay nito, ngunit pinilit kong makarating doon sa pinakamabilis na kaya ko.

Nang makarating ako roon ay hindi ko mapigilan ang mapalunok sa aking sarili. Isa kasi itong lumang warehouse kung saan nasa gitna ng gubat. Madilim sa paligid nito at isang ilaw mula sa labas lamang ang nakikita ko.

Hindi muna ako kaagad bumaba ng sasakyan at sandaling pinagmasdan ko muna ang buong paligid.

Napakatahimik.

At wala akong ibang marinig kundi ang huni lamang ng mga palaka at gamu-gamo sa paligid.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago tuluyan nang lumabas ng sasakyan at humakbang papasok sa loob ng warehouse.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa mismong entrance nito ay nagulat na lamang ako noong biglang mayroon akong nakabanggaan. Napatili pa ito noong sandaling magkadaganan kami dahil parehas kaming natumba. Ako ang pumaibabaw sa kanya, habang siya naman ay nasa ilalim ko.

"Nicole?" Pagbanggit ko sa pangalan niya dahil sa amoy pa lamang nito ay kilala ko na agad kung sino siya. Kahit pa madilim at hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha.

"Violet?" May patataka rin sa tono ng boses nitong banggitin ang pangalan ko.

"Are you okay?" Concern na tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung may masakit ba sa kanya dahil sa pagdagan ko kanina.

"What are you doing here?"

"Nandito ka rin?!"

Chorus naming dalawa bago ako tuluyang tumayo at tinulungan siyang makabangon. Kapwa pinagpag muna namin ang aming mga sarili bago ko siya sinagot.

"Pinapupunta ako rito ni Mama Pearl. I-I don't know why." Sagot ko sa kanya.

"Me too!" Tipid na sagot niya. "Pinapupunta ako ni Mama Breeze---" Natigilan siya sandali.

"Magkasama sila?!" Chorus naming dalawa muli bago nagmamadali na tuluyang pumasok na sa loob ng warehouse.

Ngunit kapwa kami natigilan nang biglang mayroong pumalakpak at agad na lumiwanag ang paligid. Bumungad sa aming harapan ang mukha ng aming mga ina na naka-badass outfit. Katabi ng mga ito ang ina ni Skyler na si Mrs. Ross na nakasuot din ng ganoong kasuotan.

Naguguluhan at napapailing ako habang nakatingin sa kanila.

Nakipagdigmaan ba 'tong mga ito at ganito ang mga outfit? Parang gusto ko tuloy matawa sa mga itsura nila.

Nagtataka naman ang mga mata na nagbaling kami ni Nicole ng tingin sa kararating lamang na si Skyler habang hawak nito ang nakagapos na si...

"Aisha."

Awtomatikong naramdaman ko ang paggalaw ng mga panga ko noong makita ko siya. Lalong sumiklab ang galit na meron sa aking dibdib. Muling naramdaman ko ang puot na pilit kong pinipigilan dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni Katie.

"Siya ba ang hinahanap niyo?" Tanong ni Mama Pearl sa aming dalawa ni Nicole. Humakbang ito palapit sa amin habang diretsong nakatingin lamang sa akin ang kanyang mga mata.

She knows. Alam niya ang mga nangyari kaya niya 'to ginagawa. Alam niya ang lahat ng nangyari, lalong lalo na ang nangyari kay Katie.

"I'm sorry about what happened." Paghingi nito ng tawad noong huminto siya sa aking harapan. Agad din niya akong niyakap.

Iyong yakap ng isang ina na nagsasabing magiging maayos din ang lahat. Iyong yakap ng isang ina na nagsasabing palagi lamang siyang nandiyan para sa akin. Kaya naman dahil doon ay hindi ko napigilan ang muling mapaluha at napayakap na rin pabalik sa aking ina.

"You should have told me so I could have helped you. I am your fucking mother, Violet." Ramdam na ramdam ko ang concern sa kanyang boses. Nahihimigan ko rin na hindi nito mapigilan ang hindi masaktan para sa akin.

Kumalas ito mula sa pagyakap sa akin. Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata habang hawak nito ang magkabilaang pisngi ko.

"That's why now I have no choice but to intervene and cooperate with them." Sabay lingon nito sa ina ni Nicole at sa Ina ni Skyler. "Para mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Katie." Pagpapatuloy niya.

Napahinga ng malalim si Mrs. Sullivan bago ito lumapit sa akin at niyakap din ako.

"I'm so sorry for what happened, Violet." Buong puso na pakikiramay nito. "Kaya ibibigay na muna namin s'ya sa iyo." Sabay lingon nito kay Aisha kung saan nakagapos pa rin ito habang nasa likod niya si Skyler.

"You can do whatever you want to her before we hand her over to the police. It's up to you, Violet." Ang mama naman ni Skyler ang muling nagsalita. "It's your turn to talk to her. Because we know that there are many questions in your mind right now that only she can answer."

Napatango ako bago pinunasan ang sariling luha. Agad na naramdaman ko naman ang malamig na kamay ni Nicole na humawak sa kamay ko at marahan na piniga ito.

"It's okay. I'm just right here." Halos pabulong na ang boses na sabi nito sa akin bago ako binigyan ng isang ngiti. "We'll just wait for you here. I will wait for you. Hmmm?" Dagdag pa niya bago ako niyakap sandali at hinalikan sa aking pinsgi.

Napatango ako habang diretsong nakatingin lamang sa kanyang mga mata. Sa mga mata niya na siyang kumakalma sa aking nagagalit na damdamin.

"Thank you." Pagkatapos noon ay dahan-dahan na tumalikod na ako sa kanya at nagtungo sa silid kung saan ipinasok ni Skyler si Aisha. Sa silid kung saan kakausapin ko siya nang mag-isa.

---

Mayroong mahabang lamesa na gawa sa kamoy ang nasa pagitan namin ni Aisha. Nakaupo kami sa magkabilaang dulo nito, habang tahimik na nakayuko lamang siya.

Sa harapan ko ay mayroong nakalapag na dalawang kutsilyo, isang malaki at medyo may katamtamang laki lamang ang sukat. Meron din isang handgun na hindi ko alam kung mayroon bang lamang bala o wala.

Alam ko na isa rin itong test para sa akin. Test ng aking ina kung ano ang pwede at kaya kong gawin lalong-lalo na ngayon na punong-puno ng galit ang puso ko.

Wala sa bokabularyo ko ang manakit ng ibang tao. Pero sa mga sandaling ito, hindi ko mapigilan ang muling mapaiyak dahil sa galit na narararamdaman ko para kay Aisha. Literal na nanginginig ang mga kamay ko dahil gustong-gusto ko na siyang saktan ng sobra.

Bugbog sarado ang itsura nito na halos ay hindi na maipinta pa. Duguan ang kanyang suot na damit at panay galos ang kanyang braso na sa tingin ko ay maraming beses na tinamaan ng kutsilyo. Mayroong tama ng bala ang kanyang kaliwang hita kung saan panay ang pagdugo nito at umaagos lamang sa sahig.

Halatang nanghihina na rin siya pero pilit na nilalabanan niya iyon.

"Why?" Iyon lamang ang tanging katanungan ko sa kanya na gusto kong masagot niya. Hindi ko na kailangang isa-isahin pa kung bakit. Alam kong alam na niya ang tinutukoy ko sa isang 'bakit' na iyon.

Patuloy lamang sa pag-agos ang aking mga luha habang diretsong nakatingin sa kanya at naghihintay sa kasagutan niya.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay napatawa lamang ito. Iyong tawa na parang wala man lamang nararamdaman na kahit konting konsensya.

"Violet." Pagbanggit nito sa katawan ko. "Don't ask me why. Y-You can't stop me from liking you. And you can't stop people from protecting you, just like Katie did." Dagdag pa niya. "Pero 'di ba? Hindi naman talaga ako ang pumatay sa kanya. Nicole did. Si Nicole naman talaga ang patatamaan ko no'n, pero masyado siyang pabida at nagpaka-feeling superhero kaya siya ang sumalo ng bala---"

"STOP!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi 'yun gagawin ni Katie at hindi 'yun mangyayari sa kanya kung hindi mo na siya dinamay pa sa mga plano mo!"

Napatawa lamang ito ng pagak.

"At hindi 'yun mangyayari, kung ako ang pinili mo." Mahina ang boses na sagot niya sa akin. Kasabay ang isa-isang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.

Awtomatikong natigilan ako at para bang bigla na lamang lumambot noong makita ko siyang lumuluha. Ito kasi ang kauna-unahang nakita ko siya na umiyak sa harap ko.

"Hindi 'yun mangyayari kung una pa lang, ako na ang pinili mo, V." Pag-ulit nito sa kanyang sinabi. "Kasalanan ko ba? Nagmahal lang din naman ako. MINAHAL lang din kita---"

"Pero mali ang paraan pagmamahal mo, Aisha." Putol ko sa kanya.

"Mali? Bakit? Kailan mo masasabing mali at tama ang pagmamahal?" Natigilan akong muli sa tanong niya. "Nakikita mo lang naman na mali ang paraan ng pagmamahal ko dahil sa mga nagawa ko. Pero---"

"Kahit ano pang sabihin mong rason, mali pa rin na nandamay ka ng buhay ng iba. Sa tingin mo ba? Sa ginagawa mo? Sa nangyari kay Katie? Magugustuhan kita? P*t*ng*na, Aisha! Kinamumuhian kita!" Nanggagalaiti sa galit na wika ko.

Hindi ko namalayan na hawak ko na rin pala ang baril na nasa harapan ko, kanina pa. Dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya.

"Gustong-gusto kong maramdaman mo rin 'yung ginawa mo. 'Yung sakit na binigay mo sa mga taong dinamay mo!" Dagdag ko pa bago dahan-dahan na iniangat ang baril at itinutok sa kanya.

Ngunit hindi ko man lamang nakikitaan ito ng pagkatakot o kahit na konting pagkasindak.

"Sige! Go ahead, fire that gun." May pang hahamon na sabi nito sa akin bago napataas pa ng kanyang noo.

Lalo akong napapaiyak dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ko 'yun kayang gawin. At mas lalong alam ko na hindi iyon gugustuhin ni Katie na gawin ko para sa kanya.

Kaya sa halip na iputok ang baril kay Aisha ay muling ibinaba ko na lamang iyon habang ngumangawa. Napapailing na muling tinignan ko siya sa kanyang mga mata.

"Hindi mo kaya? Bakit? Go, ahead, Violet. Pull that fucking trigger and finish this! ANO PANG HININTAY MO?! TAPUSIN MO NA AKO!" Sigaw nito na animo'y desperada nang mamatay.

"Hindi ko kayang maging katulad mo." Saad ko habang napapailing.

Napatawa ito ngunit lumuluha. "Ouch! That's....harsh."

"Hindi ko kayang sikmurain na magiging katulad mo, Aisha." Pagpapatuloy ko. "I will let you live as long as you can in this world. I will let the law and your conscience prosecute you. Alam kong darating ang araw na hinding-hindi ka patatahimikin ng konsensya mo at wala kang magawa kundi pagbayaran ang lahat ng mga nagawa mo---"

"Violet...please...j-just end me." Pakiusap nito habang ngumangawa dahil alam niyang mangyayari at mangyayari ang mga sinasabi ko.

Muli akong napailing mariin.

"NO!" Matigas kong pagtanggi. "Gusto kong pagsisihan mo ang lahat ng mga nagawa mo paulit-ulit. At kahit na magsisisi ka pa, huli na ang lahat." Atsaka mabilis na pinunasan ko ang naiiwang luha na pumatak sa pisngi ko.

"This is the consequence of everything you have done, especially with Katie." Muling tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata. "Goodbye, Aisha. May you live long." Pagkatapos ay tinalikuran na siyang muli at kahit na paulit-ulit pa rin siyang nakikiusap sa akin habang tinatawag ang pangalan ko ay hindi ko na siya muling nilingon pa.

Agad naman na sinalubong ako ni Nicole ng yakap paglabas ko ng silid na iyon.

Alam ko sa sarili ko na tama lamang ang desisyon na ginawa ko. Hindi lahat ng masasamang bagay na nagawa sa atin ay kailangan na ibalik din natin sa mga taong nakasakit sa atin.

Sometimes, the best revenge is to forgive the people who hurt us and move on with our lives without them.