Chapter 38 - TBAB: 36

Now playing: Surrender - Natalie Taylor

Nicole POV

Hating gabi na pero heto ako, binabaybay ang daan patungo sa bahay nina Violet. Bigla na lamang kasi akong nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang bagay na dapat ko nang gawin para sa aming dalawa.

Kailangan kong magsakripisyo para sa aming dalawa. Hindi ko gagawin ito para i-test ang relasyon namin, gagawin ko itong desisyon na ito para mas lalong pagtibayin ang aming relasyon. Para sa mas magandang bukas na naghihintay sa aming dalawa.

Minsan kasi talaga, kahit na nasa iisang relasyon na kayo. May mga bagay pa rin na kailangan ninyong ayusin individually. Lalo na kung ang kailangan mong ayusin ay ang iyong sarili. Hindi naman niya ako pwedeng ayusin, dahil unang-una, obligasyon ko iyong gawin para sa sarili ko. At responsibility kong baguhin ang sarili ko to be a better person for her.

Napahinga ako ng malalim noong sandaling tinawagan ko siya sa kanyang phone number. Maingat na itinabi ko ang sasakyan sa harap ng kanilang gate.

Nakakadalawang ring pa lamang ang kanyang cellphone nang sagutin niya ito. Halatang hindi pa rin siya tulog at alam kong abala pa rin siya sa kanyang trabaho hanggang ngayon.

"Hey, beautiful. Still awake? How are you?" Tanong nito bago napahikab pa sa dulo.

"I'm fine." Tipid na sagot ko sa kanya. "Still busy?" Ganting tanong ko rin sa kanya. "Late na ah." Dagdag ko pa. Ngunit natawa lamang ito sa kabilang linya kahit na halata naman sa boses niyang pagod na talaga siya.

"May problema ba?" Tanong nito sakin. Naramdaman niya siguro na ang seryoso ko kausap ngayon. Sandali akong natahimik bago muling nagsalita.

"V, can I talk to you?" Tanong ko sa kanya.

"You are talking to me right now." Sagot nito. Napakamot ako sa aking batok.

"I-I mean, can I talk to you in person? N-Nandito ako sa labas ng gate ng bahay niyo." Pagpapatuloy ko.

"What?! My gosh, Nicole! Disoras na ng gabi at bumiyahe ka pa talaga?" May pagkadismaya sa kanyang boses. "Gano'n mo na ba ako ka-miss?" Dagdag pa niya bago muling natawa ng mahina. "I miss you moreeee!" Biglang energetic na saad niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling tikom ang bibig.

"Alright. I think you're not in the mood. Hehe. Sorry po. Papunta na riyan. Kiss ko ha? Atsaka hug na rin. Hehehe." Makulit na pagpapatuloy niya bago ibinaba na ng tuluyan ang tawag.

Maya-maya lamang ay nakita ko na itong naglalakad palabas ng kanilang gate. Nakasuot na ito ng kanyang nighties at handa na sa pagtulog. Pero nagtatrabaho pa rin siya. Maybe because maraming kailangang tapusin pa na office works.

Mabilis na lumapit ito sa akin at agad akong niyakap. Kumalas ito atsaka ako binigyan ng mariin na halik sa aking labi.

"Mmmmwa! I miss you." Malambing na sabi niya bago ako muling niyakap at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ko.

"V, I need to talk to you." Muling sabi ko sa kanya dahilan para muling kumalas siya sa pag yakap at tinitigan ako ng maigi sa aking mukha.

"About what?" Tanong niya nang naguguluhan. Napahinga ito ng malalim bago napatango-tango. "Kasi kailangan din kitang makausap, Nic. And I think it's a good thing na pumunta ka na rin naman dito." Dagdag pa niya.

Hindi ako sumagot at nagpalinga-linga sa paligid.

"Gusto mo ba sa loob na tayo mag-usap o hanap tayo ng ibang place? Marami pa namang bukas ngayon na pwede nating puntahan---"

"No. It's fine. Okay na ako rito." I cut her off.

"V, you know I love you, right?" Dagdag ko pa. Napatango ito. "And you know how serious I am pagdating sa relasyon na'to." Pagpapatuloy ko.

"I know. And so am I, Nic. Lahat gagawin ko para sa relasyon na'to. Pero may mga bagay lang talaga minsan na kailangan nating iisantabi pansamantala at mga kailangang isakripisyo para sa mas maayos na future." Wika niya kaya ako naman ngayon ang nagtatakang napatitig sa kanya at napakunot ang noo.

Kasi parang tumutugma 'yung mga sinasabi niya sa gusto kong mangyari sa aming dalawa ngayon.

"So, don't tell me na alam mo na ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon?" Tanong ko habang napapangiti nang may pagkaalanganin.

Napatango siya. "Hindi naman ako manhid, Nic. Nararamdaman ko. And to be honest, 'yun din ang ilang araw nang gumugulo sa isipan ko." Sagot niya.

"Na mag-live in na tayo. Kasi ang hirap na ganitong araw-araw busy tayo masyado. At least kapag magkasama na tayo sa iisang bahay, we can be together and we can talk kahit na sandaling oras lang." Pagpapatuloy niya.

At sa totoo lang, nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil hindi iyon ang inaasahan ko. I don't know. Pero hindi na magbabago ang desisyon ko.

"T- That is not what I want to happen, V." Utal na wika ko bago napalunok ng mariin kasi alam kong masasaktan ko siya but I have to. "Wala akong plano na mag-live in tayo." Harsh pero gusto ko 'yung totoo ang maririnig niya. "For now." Dagdag ko pa.

"Because for now I want us to grow separately." Pagpapatuloy ko bago napaiwas ng tingin mula sa mukha niya.

"W-What?" Gulat ang mukha nito na tinitigan ako ng maigi sa aking mga mata. "Don't tell me..."

"Yes, I am breaking up with you, V." Lakas loob at walang kurap na sabi ko sa kanya.

"No. You're just kidding, right?"

"I am not, Violet." Titig na titig sa kanyang mga mata na sabi ko. Naiiyak na ako pero wala namang silbi. Kasi pansamantala lang naman ito eh. "Alam kong lately, naiisip mo na ring gawin 'to dahil sa higpit ng schedules natin. Pero hindi mo lang magawa. Well, ngayon ako na ang nagsasabi at gagawa for you, for us." Matigas na sabi ko sa kanya.

"Kasi hindi ko kayang gawin, Nicole. Naiisip ko pa lang para na akong pinapatay. But how could you?" Naluluha na sabi nito sa akin. Lalapitan ko sana ito pero lumayo siya agad ng isang hakbang mula sa akin.

"Next month, simula na ng internship ko. At aalis ako papuntang New York dahil dun ako magtatrabaho para sa branch ng kompanya ni Mama Breeze. Mas lalo akong magiging busy no'n, V." At nagsimula na ngang magsilaglagan ang aking mga luha. Mabilis na pinunasan ko iyon bago nagpatuloy sa aking sinasabi.

"Dito pa lang nga, halos hindi na kita mabigyan ng sapat oras. Hindi na natin mabigyan ng oras ang isa't isa. Paano na lang kapag malayo na ako? Isa pa, I don't think long distance relationship will work for us." Pagpapatuloy ko.

"Edi i-wo-work out natin. Wala namang imposible kung gugustuhin. Basta pagtatrabauhan natin pareho, Nic. 'Wag ka lang makipaghiwalay kasi hindi yun ang gusto ko---"

"Nic, I don't think kaya kong panindigan ang maging committed sa ngayon. I'm sorry." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Masyado na akong maraming iniisip ngayon, stress na stress na ako sa araw-araw at ayaw ko nang idamay ka pa dun. Ayaw kong ikulong ka sa akin na pwede ka namang maging masaya---"

"What the fuck? Ang lame ng excuses mo, Nicole. Hindi 'yan magwo-work sakin. Ano? Gusto mo pa ba akong manatili sa buhay mo o ayaw mo na? Padadaliin ko na lang para sa'yo. Para hindi ka na rin nahihirapan."

"Ang gusto ko, subukan mong intindihin yung mga sinasabi ko. Hindi ko lang naman 'to gagawin for myself. Gagawin ko 'to para sa atin. I want us to grow separately at gawin yung mga dapat nating gawin sa ngayon para kapag okay na, parehas na nating magawa yung mga bagay na gusto nating gawin nang magkasama. Hindi ako nakikipaghiway ngayon para maghanap tayo ng iba at magkanya-kanya na. Ang sakin lang, suportahan natin na mag-grow tayo ng hindi magkasama." Paliwanag kong muli sa kanya.

Napakagat ito sa kanyang labi habang isa-isang naglalaglagan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya muling nagsalita pa at umiyak lang siya ng umiyak. Hindi na rin niya ako matignan sa aking mga mata.

"Violet, please. Kausapin mo'ko." Pakiusap ko sa kanya.

"Tama ka." Napapatango siya. "Siguro nahihirapan lang ako kasi hindi ako naging handa. Pero may point ka naman eh. Kasi di ba? Nasa training pa lang ako ngayon sa T Corporation. Paano na lang kung ako na mismo ang magha-handle ng buong kompanya? Baka mas lalong hindi na rin kita mabigyan ng oras." Wika niya.

"I don't want to let you go, Nicole. Pero tama ka eh. We have to do this para sa mas maganda nating future. Kinakailangan nating unahin muna na gawin yung mga responsibility na meron tayo ngayon bilang anak ng mga magulang natin at kapag ready na tayo pareho, edi we can be together again." Pagpapatuloy niya.

Napasinghot ito bago malawak na napa-wide open arms.

"Come here!" Sabi niya. "Yayakapin lang kita. Pa-hug naman oh!" Dagdag pa niya.

Kaya naman mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya at agad na niyakap siya.

"I love you." Nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya bago siya hinalikan sa kanyang labi habang yakap niya.

Lumuluha na nag-kiss back ito sa akin ngunit sandali lamang.

"At mas mahal na mahal kita." Buong puso na sabi nito bago ako muling niyakap. Iyong yakap na nagsasabing kahit na anong mangyari, hindi siya mawawala. Yung yakap na nagsasabing malalampasan din natin ito.

Para kaming mga tangang nag-iiyakan, pagkatapos ay tatawa na naman at pupunasan ang luha sa isa't isa. Nag-stay pa siya ng ilang oras. Pinapasok ko na lamang din siya sa loob ng bahay, hanggang sa aking kwarto.

Sinulit na muna namin ang oras na pwede naming masulit dahil simula bukas. May kanya-kanya na kaming gagawin. At oo, masakit man sabihin pero simula bukas, ay wala nang kami.

Ngunit kahit ganoon ay mananatili pa rin ang communication namin sa isa't isa. Relasyong walang label, pero mahal ang isa't isa.

Napagkasunduan din namin na ako ang maghahatid sa kanya sa airport next month. At iyon na rin marahil ang magiging huli naming pagkikita sa ngayon.

Alam ko naman na gagawin namin ito para sa aming dalawa. At alam ko rin na darating din yung tamang pagkakataon para tuluyan na naming maitali ang aming mga sarili sa isa't isa.