Chapter 43 - EPILOGUE

Now playing: How Deep Is Your Love - REYNE

Violet POV

Love is the most magical part of being human, but there are only so many ways to express to our partners how special they are. Through the ups and downs of major life events, to simply washing the dishes side-by-side or taking a drive to the grocery store together, sometimes it's just hard to find the right words to tell someone how much they mean to you.

Honestly, it's amazing how someone walks into your life, and you cannot remember how you ever lived without them. Katulad na lamang kung paano ko nakilala at natagpuan si Nicole. I mean, parehas kaming walang ideya na kami pala ang para talaga sa isa't isa.

We are just strangers to each other. We both don't know our destiny. We both can't see the future of who is really for both of us. But the future is really unpredictable. One day, we didn't know that we were going to marry each other.

Grabe! Minsan, naluluha na lang ako sa saya sa tuwing binabalikan ko ang mga araw kung paano kami nagsimula. Kung bakit at paano kami humantong dito.

Marami man kaming nasaktan noon. May mga tao kaming niloko at pinagsinungalingan. May mga nagbuwis ng buhay para sa aming dalawa, lahat ng iyon ay labis kong ipinagpapasalamat sa Maykapal. Dahil nalampasan namin ang lahat ng iyon ng magkasama at walang may sumuko sa aming dalawa. Parehas naming inilaban ang anumang meron kaming dalawa. At parehas kaming maraming natutunan na dadalhin namin hanggang sa ming pagtanda.

Ngayong mag-asawa na kami ni Nicole, hindi ko man alam kung ano ang mangyayari pa sa pagsasama namin. Pero sisiguraduhin ko na through thick and thin, kasama niya akong haharapin ang anumang pagsubok na darating sa amin. Magkasama naming lalampasan ang lahat.

I know, for me, I don't have to be a perfect wife. I just have to be myself and know how to prioritize my family. Kasi hindi na ako single pa. I'm a married woman now.

Wala namang perpekto, 'di ba? Aminin na natin, lahat tayo makakasakit at makakasakit ng mga partner natin. Pero ang importante naman doon eh parehas kayong nag-go-grow. Parehas ninyong willing ayusin ang mga bagay na hindi ninyo napagkakasunduan.

Hindi naman natatapos ang lahat sa pagiging mag-asawa. Dahil habang nagsasama kayong dalawa, maraming bagay pa kayong kailangan ayusin at i-work out sa isa't isa at individually. And marriage requires falling in love many times, always with the same person. Hindi ito isang bagay na kapag nariyan na ay pababayaan na lang.

Araw-araw dapat wino-work out pa rin. Lalo na kung bumubuo na kayo ng sarili ninyong pamilya.

Sa ngayon, two months old na ang baby namin ni Nicole.

Yes! Tama kayo, nanganak na siya. At ako na yata ang pinakamasaya sa buong mundo noong sandaling inilabas niya ang baby girl naming si Amara. She's a healthy and beautiful baby girl. Mayroon din siyang dimple.

I really can't wait to talk to her soon.

Napakasarap sa tenga ng tawa niya. At ang sarap-sarap niyang ihile sa tuwing umiiyak siya. Minsan, hindi ko mapigilan ang maging emotional sa tuwing makikita kong karga siya ni Nicole. Ang ganda kasi nilang pagmasdan. Hindi ko maipaliwanag minsan ang aking nararamdaman kaya iniiyak ko na lang 'yung saya na nararamdaman.

Sila na 'yung mundo ko. Ang buhay ko na hinding-hindi ko hahayaan na masira ng kahit na sino o kahit na ano. I wouldn't trade anything for what I have now. And I am beyond blessed dahil sila ang tahanan na inuuwian ko araw-araw.

Sa gabi, ako ang nag-aalaga kay Amara. Alam ko kasi kung gaano kapagod si Nicole sa maghapon na pag-aalaga sa kanya.

Totoo pala, 'no? Literal na nakakawala ng pagod kapag nakita mo na ang mag-ina mo pag-uwi galing sa trabaho.

May mga oras sa gabi na dinadala ko si Amara sa labas ng kuwarto, lalo na kapag umiiyak ito. Ayaw ko lamang din kasing magising si Nicole lalo na kapag sobrang himbing na ng tulog nito. Ako ang nagtitiyagang magbantay at mag-alaga sa anak namin.

Minsan nga kahit na hindi pa siya nakakapagsalita, kinakausap ko na eh. Tapos panay ngiti lang ang response niya sa akin. Gosh! Parang tinutunaw ang puso ko kapag ganoon.

At ang sarap-sarap sa pakiramdam na sambitin ang katagang 'anak'.

Tapos sa umaga naman, ako na rin mismo nagpi-prepare ng agahan nilang dalawa habang tulog pa si baby bago ako muling papasok sa aking trabaho. Because that's the only thing I can do and help her, to take care of her as well as our daughter.

Hayyyy! Wala na talaga akong mahihiling pa. Kundi ang ingatan, alagaan at busugin ng pagmamahal ang pamilya namin na binubuo ni Nicole.

Mahirap oo, pero masaya. Masaya ako na si Nicole ang taong ibinigay sa akin ni Bathala na makakasama ko.

Sobrang nagpapasalamat din ako sa aming mga magulang na sobrang mag-alaga sa amin. Sa mga kaibigan namin na grabe ang suporta. At sa lahat ng taong naniniwala na magiging mabuti kaming magulang kay Amara.

Hindi perpekto ang aming pagsasama. Pero para sa akin, nahanap ko ang perpektong babae na makakasama ko at sasamahan ako habambuhay. Ang beauty and brain na si Nicole Sullivan-Torres. Ang babae na habambuhay kong mamahalin at iingatan.

- THE END-

- No one loves accidentally. There are no such things because people live with many choices in their life. Loving someone is always a choice. It is our choice to fall in love with someone, so as to stay and continue to be in love with that person.