Now playing: Ikaw lang - Nobita
Violet POV
Everything became light and smooth again after we handed over Aisha to the police.
May ilang linggo rin ang proseso na halos inabot ng isang buwan bago siya tuluyang naikulong na. My mother Pearl and Mrs. Sullivan made sure na hinding-hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. And so am I.
Hindi man ganun kasama ang puso ko at may konting awa pa rin na naiiwan para rito, pero kailangan niyang pagbayaran ang nagawa niyang kasalanan.
Kailangan niyang managot sa batas at pagsisihan ang lahat ng mga nagawa niya. Especially, kay Katie.
How I wish lang na kung nasaan man si Katie ngayon ay masaya siya.
But I know she is.
Dahil payapa na siya at hinding-hindi na muli pang makakaramdam ng kalungkutan, lahat ng mga naramdaman niyang pasakit dito sa mundo.
Sa ngayon, wala akong ibang gusto kundi malampasan ng tuluyan ang mga araw na ito at paparating pang mga pagsubok para sa buhay ko. Ganoon din para kay Nicole.
Unti-unti ko na ring natatanggap ang nangyari kay Katie. At isa sa nakakatulong sa akin ay ang ginagawa kong abala ang aking sarili sa trabaho. Hindi na bilang isang bartender, kundi bilang isang empleyado na ng T Corporation.
Oo, nagsisimula na ako ngayon sa kompanya ng aking ina. Ngunit katulad ng sinabi ko sa kanya, kailangan kong magsimula sa pinakailalim. Dahil gusto kong pinaghihirapan ang mga bagay bago tuluyang magpunta sa akin.
Samantala, naging abala naman si Nicole sa kanyang pag-aaral ngayon. Hindi pa kami nakakapag-usap muli tungkol sa aming dalawa dahil sa kanya-kanya naming schedule, pero nandoon pa rin naman ang communication.
Hindi ko siya maharap ng husto dahil masyado yata talaga akong inihahanda ni Mama Pearl para sa kompanya, kaliwa't kanan kasi ang mga pinupuntahan naming meetings at trainings. Halos wala na rin akong pahinga.
Ganoon din si Nicole. Bukod sa kanyang pag-aaral, naging mas abala pa ito sa kanyang negosyo. Palagi rin siyang nasa meetings with her parents. Kaya malabo talaga sa ngayon ang magkaroon kami ng oras para sa isa't isa.
But the good thing is, nagkakaintindihan naman kami. Kapwa namin nirerespeto ang responsibility at buhay ng bawat isa. Ang space ng buhay ng bawat isa. Ang importante naman ay nariyan parin kami para sa isa't isa.
Pero lately...na-realize ko, parang hindi na nagiging maganda ang araw-araw namin ni Nicole. Yes, hindi kami nag-aaway. Wala kaming tampuhan. Kalmado lang ang lahat para sa amin.
At doon, doon ako mas natatakot. 'Yun bang sa sobrang kalmado at kapanatagan, hindi kami nagtatalo at nag-aaway kaya parang mas nakakakaba.
Alam mo 'yung feeling pa na parang nawawalan na talaga kami ng oras sa isa't isa. Alam ko naman na kapwa namin pinipilit na bigyan ng oras ang isa't isa, kaya lang minsan...hindi na talaga kinakaya. Natatabunan na ng maraming gawain at kanya-kanyag responsibilidad ang oras namin para sa aming dalawa.
Alam kong kahit siya, nararamdaman niya rin 'yon. Nakikita niya rin' yun. At parehas kaming walang magawa sa ngayon, kundi ang magtiis at hayaan na lamang minsan na lumipas ang mga araw na hindi namin nakakausap ang isa't isa.
But please, don't get me wrong. Mahal na mahal namin ang isa't isa. May mga bagay at pagkakataon lang talaga na minsan, hindi kami ipinagtutugma.
Kaya naman, ngayong araw ng Linggo, ay pinilit ko talaga na hindi na muna maglagay ng kahit na anong schedule. Pinakiusapan ko na rin si Mama Pearl na ibigay niya muna sa akin ang araw na ito.
Miss na miss ko na talaga si Nicole. At gustong-gusto ko na siyang mayakap at makasamang muli.
Kaya kampante ako na gano'n din ang gagawin niya para sa akin. Para sa amin.
Pero kanina pa ako nandito sa lugar kung saan sinabi niyang hintayin ko siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakarating. Halos magdadalawang oras na akong nandito. Mabuti na lang at kahit papaano eh dala ko ang laptop ko. Kaya ginawa ko na lamang din na abala ang sarili ko para hindi masyadong mabantayan ang oras.
Balak ba niya akong paghintayin rito sa maghapon? Late na nga ang usapan ng pakikita namin dahil after lunch ang sabi niyang magkikita kami. Palubog na naman ang araw pero wala pa rin siya.
Hays!
Naiinip na muling nagbaling ako ng aking paningin sa paligid. Pero kahit na anong sign niya ay wala pa rin akong nakikita. Kanina ko pa rin tinatawagan ang telepono niya, pero ring lang naman ito ng ring at walang sumasagot.
Nag-aalala na rin ako. Kapag hindi pa rin siya dumating pagtapos ulit ng isang oras, mapipilitan akong tawagan na si Skyler para hanapin sa kanya ang kaibigan niya.
Malapit nang mag alas kwatro ng hapon. Nasaan na kaya 'yung babaeng 'yun? Hindi ba niya ako miss? Nalulungkot at nauubusan na rin ng pasensya na tanong ko sa aking sarili.
Napabuga ako ng hangin sa ere. Bahala na, basta hihintayin ko siya. Dumating man siya o hindi.
Ngunit lumipas lang na naman ang dalawang oras, magdidilim na ang paligid pero wala pa ring Nicole na dumadating. Noon naman nagpasya na akong umalis na lang at huwag na siyang hintayin. Tatawagan naman siguro ako no'n kung sakali.
Baka nakalimutan niya lang? O baka sa dami ng ginagawa niya nakalimutan niya na ngayong araw lamang ako pwede.
Hay! 'Di bale na nga.
Nakaligpit na ang mga gamit ko at handa na sana sa pag-alis noong biglang makita ko itong nagmamadali papasok ng Coffee Shop kung nasaan ako.
Hinihingal ito nang makarating sa harap ko kaya hinayaan ko muna na kalmahin niya ang sarili bago ito nagsalita.
"I'm so sorry..." Napapakamot sa kanyang kilay na paghingi nito ng tawad sa akin.
Mataman na tinignan ko lamang siya sa kanyang mukha. Ini-expect na magpapaliwanag siya. Kung nakalimutan lang ba niya o madami talagang siyang ginagawa kaya nakalimutan niyang naghihintay ako sa kanya.
"I'm so sorry, late ako." Dagdag pa niya bago napatingin sa paligid. Napailing na lamang ako bago muling bumuga ng hangin sa ere.
Alam ko namang hindi siya mag-e-explain, so what's the point na pumunta pa siya rito?
"Nakalimutan mo." Tatango-tango na sabi ko sa kanya.
Sincere naman na tinitignan niya akong muli sa aking mga mata. "I'm sorry." Muling paghingi niya ng tawad.
Pilit na pinipigilan ko ang aking sarili na huwag nang magsalita ng kahit na ano. Kasi ayaw kong makasakit at may masabi na pagsisisihan ko rin naman bandang huli.
"You know what? It's fine." Medyo sarcastic na ang boses ko.
"Galit ka ba? Nagtatampo ka? Sorry na." Pagkatapos umikot ito sa lamesa at tumabi sa akin bago ako hiyakap. "Sorry, V---"
"Nicole, stop saying sorry. Ni hindi mo naman sinasabi bakit ka nagso-sorry." Putol ko sa kanya at hindi ko na talaga maitago pa ang tampo at sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya.
"Naiintindihan ko naman na busy ka." Sabi ko sa kanya. "Pero sana naisip mo rin na gano'n din ako. Ngayon na lang tayo magkikita tapos late ka pa. I canceled all my schedule today just for you, tapos paghihintayin mo lang ako rito." Wala na. Hindi ko na napigilang maglabas ng sama ng loob.
Hindi naman na ito umimik pa at nakatulala lang sa baso na nasa kanyang harapan. Napahinga ito ng malalim bago nakangiti na muli akong tinignan. Iyong feeling na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Iyon bang parang dedma lang sa kanya. Kaya naman mas lalong napapakunot ang noo ko.
"Alam ko na, punta na lang tayo sa favorite spot mo. Game?" Tanong nito sa akin. "Uhmm, mag-take out na lang tayo ng foods or daan tayong drive thru. Doon na natin kainin. Okay ba sa'yo 'yun?" Dagdag pa niya.
"Sige na please. 'Wag ka nang magtampo. Babawi ako." Bago at hinalikan sa pisngi ko.
Ewan ko. Ang bilis mawala ng tampo at inis ko kapag ganitong hindi niya pinapatulan ang inis ko. Kaya naman walang nagawa na napatango na lang ako.
Hmp!
"Fine!" Kunot noo pa rin na pagpayag ko ngunit sa totoo lang konti na lang ay mapapangiti na niya ako.
Kaya gano'n nga ang ginawa namin. Kotse ko ang ginamit namin at iniwan na lang muna ang kanyang sasakyan. Nag-take out na lang kami ng aming pagkain mula sa pinakamalapit na Drive thru na nadaanan namin. Pagkatapos ay muling binaybay ang daan hanggang sa makarating sa aming destinasyon.
Habang kumakain kaming dalawa at kapwa nakaupo sa bubong ng sasakyan, tanaw ang napakagandang view ng city lights na nakikita mula rito sa itaas ng burol ay hindi ko mapigilan ang hindi lihim na pagmasdan si Nicole.
Medyo nangayayat siya ngayon. May kalaliman din at konting itim ang ilalim ng kanyang mga mata. Halatang stress ito. Ngunit nananatili siyang pinakamaganda sa mga mata ko. Marahil sa kanyang pag-aaral at pagiging abala sa negosyo nila kaya ganoon.
"Stop looking at me like that." Mabilis naman na napayuko ako. Napansin pala niya na nakatingin ako.
"I guess you don't take care of yourself anymore. You look exhausted." Komento ko. "Nangangayayat ka na rin. Uso ang magpahinga kahit sandali lang." Dagdag ko pa in a concern tone.
Napangiti lamang ito bago isinandal ang kanyang ulo sa akin habang ngumunguya ng burger.
"Panget na ba ako?" Tanong niya. "Hindi mo na ba ako love dahil haggard na'ko?" Dagdag pa niya habang napapanguso.
"Wag mo ngang isipin 'yan. Of course, I love you!" Kapwa pa kami nagulat at natigilan noong biglang lumabas iyon sa bibig ko. Iyon kasi ang kauna-unahang sinabi ko sa kanya ng harapan ang mga katagang iyon.
Hindi naman maitago ang kilig sa kanyang mga mata habang tinitignan ako.
"A-Ano ulit 'yung sinabi mo?" Pagpapaulit nito sa akin habang may nakakalokong ngiti.
"I said, no matter what you look like, you're still the most beautiful in my eyes---"
"Hindi 'yun ang sinabi mo---"
"Because I love you." Pagpapatuloy ko.
Awtomatiko naman itong napakagat sa kanyang labi at agad na hinalikan ako. Iyong halik na marahan at nararamdaman ang saya sa bawat paggalaw ng kanyang labi.
Nakangiti na muling ipinaghiwalay niya ang aming mga labi ngunit nanatiling magkalapit pa rin ang aming mga mukha. Kumikislap ang mga mata na tinignan niya ako.
"And I love you too." Bulong nito sa pagitan ng aming mga labi. "I love you so much, Violet Jimenez Torres." Sinasabi niya ang mga katagang iyon with my full name. Habang kumikinang ang kanyang mga mata. Habang may ngiti sa kanyang mga labi.
Ako na naman ngayon ang hindi maitago ang saya at kilig sa aking mukha. Kaya mabilis na napayakap ako sa kanya.
Gosh! Ang sarap palang marinig mula sa kanya ang matatamis na salitang iyon. Ang sarap-sarap marinig mula sa taong mahal mo.
Mabilis na hinalikan ko siya sa kanyang labi noong kumalas ako sa pagyakap sa kanya. At pinuno ng halik ang kanyang buong mukha habang tumatawa naman siya ng mahina.
"I love you. I love you. I love youuuu!!!' Paulit-ulit na sinasabi ko iyon atsaka muling niyakap na naman siya, ganoon din siya sa akin.
"Hindi ka na tampo?" Biglang tanong nito. Mabilis naman akong napailing habang tumatawa.
"Hindi na." Sagot ko. "Ano po 'yung tampo?" Dagdag ko pa bago kami nagtawanang dalawa.
"Wag ka masyadong kikiligin ha?" Wika nito habang nagpipigil ng kanyang pag ngiti at muling napakagat sa kanyang kinakain.
"Too late. Masyado na akong kinilig." Sagot ko naman.
"Tingin nga ng kinikilig?" Pang-aasar niya at pagkatapos ay natawa ito.
Para namang tanga na um-acting akong kinikilig sa harap niya. Atsaka muli na naman kaming nagtawanang dalawa.
"Pinagti-tripan mo'ko ah!" Sabay irap ko ngunit nakangiti.
"Hindi ah! Miss lang talaga kita." Sagot naman niya.
"And I miss you more!" Wika ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
Sinulit namin ang oras hanggang sa mag alas dyes ng gabi. Bago kami nagpasyang umuwi na dahil bukas ay may panibagong trabaho na naman kaming haharapin. At sigurado akong hindi na naman kami makakapag-usap dahil sa sobrang busy naming dalawa.
Ang importante kahit papaano ay nagkasama kami ngayong araw. Iyon naman ang mahalaga 'di ba? Ang i-appreciate ang binibigay na oras ng mga partner natin sa atin sa atin. Normal lang naman ang magtampo, pero minsan, kahit sagad na sagad na tayo, piliin pa rin sana nating intindihin ang bawat isa lalo na kung para naman sa kinabukasan ninyong dalawa ang inyong ginagawa
Mahalaga na sa isang relasyon ay kahit na gaano pa kayo kaabala sa kanya-kanyang ninyong buhay, huwag sana ninyong kalilimutan ang mag-spend pa rin ng kahit konting oras para sa isa't isa. Trust me, magiging worth it ang lahat kung ang relasyon ay pinagtitibay ng tiwala at walang hanggang pang-unawa.
Bigyan natin ng space ang mga partner natin. Pagod na nga sila sa araw-araw tapos dadagdag pa tayo? Tayo sana ang maging dahilan kung bakit kailangan nilang mag pursige pa at magpatuloy. Kung kaya namang intindihin, intindihin natin.
Because sometimes giving them space is also showing respect, because we know they need that to breathe. 'Wag masyadong demanding sa relasyon. Matutong umunawa at magbigay ng oras sa kanila para makapagpahinga.