Chapter 33 - TBAB: 31

Now playing: Other Side - Ruelle

Nicole POV

Hinintay ko lamang na makatulog si Violet atsaka ako dahan-dahan at maingat na lumabas na ng kwarto. Kanina pa kasi ako hinihintay ni Skyler sa labas.

Wala kasi akong sasakyan dito at hindi ko naman pwedeng hiramin kay Violet ang kanyang kotse dahil tiyak na magtataka 'yun, kung saan ako pupunta na ganitong disoras na ng gabi.

"What took you so long?" Naiinip na tanong ni Skyler sa akin bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.

"Shut up! Hinintay ko lang na makatulog si Violet." Paliwanag ko sa kanya habang pinapasibad na nito ang sasakyan papalayo.

"Are you sure na hindi siya nagising?" Paninigurado na tanong nito sa akin.

Hindi na lamang ako sumagot at sa halip ay nagbaling na lamang ng tingin sa labas ng bintana.

"Anong status?" Pag-iiba ko ng topic.

"Ah, peace of cake lang 'yun." May pagmamayabang na sabi nito sa akin. "Wala namang ibang tao ang naroon kundi si Katie lang at si Aisha. Si Chase nasa kanilang bahay at nagpapakabaliw pa rin sa paghahanap sa'yo kung nasaan."

"Alam mo, akala ko pa naman matalino si Aisha eh. Inisip ko pa naman may mga kasamahan siya. Pero wala naman. Magaling lang yatang manindak." Dagdag pa niya.

Napahinga ako nang malalim. "Well, 'wag tayo masyadong pakampante. Hindi natin alam ang takbo ng utak niya." Wika ko.

Ayaw ko naman talagang pakampante. Lalo na ngayon na pwede niyang gamitin si Katie at ilayo si Violet sa akin.

"What about Sydney and Tabitha?" Paghahanap ko sa kanya sa dalawa.

"Si Tabitha, na kay Chase. Siya ang nagmamanman ngayon doon. Si Sydney naman nandoon kay Katie at Aisha. Kanina ko pa nga tinatawagan pero hindi sumasagot--- fuck!" Biglang pagmura nito at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.

Kusa naman na kumabog ang aking dibdib sa sinabi nito. Halos kulang na lang ay paliparin ni Skyler ang sasakyan makarating lamang agad sa lugar kung saan itinago ni Aisha si Katie.

Hindi nagtagal ay inihinto nito ang sasakyan sa likod ng isang abandonadong gusali at mabilis na pinatay ang makina at ilaw. Maingat din na bumaba ito agad ng sasakyan, may hawak itong Glock 19 sa kanyang magkabilaang kamay.

Awtomatiko naman na nanlaki ang mga mata ko. "I told you, walang magdadala ng baril!" Komento ko at mariin na saway na rin pero nauna na itong maglakad sa akin.

"And I also told you to trust me." Sagot nito bago napayuko habang hinahanap ng kanyang dalawang mga mata sa paligid si Sydney. "What if Aisha also has a gun? Edi tayo ang na-deads?" Pamimilosopo pa rin.

"Damn it! Nasaan na ba si Sydney?" Bulong nito at tuluyang pumasok na sa gusali.

Ngunit papasok pa lamang kami nang may makita akong nakahandusay sa may unahan. Mabilis na tinawag ko si Skyler at sabay kami na lumapit dito. Napatakip ako ng aking bibig noong sandaling makompirma na si Sydney nga ang nakita namin.

Agad naman itong nagising noong sandaling lapitan siya at ibangon ni Skyler.

"Oh, fuck!" Pag inda nito sa kanyang noo na ngayon ay duguan. Halatang may ipinalo sa kanya kaya siya nawalan ng malay. "T-They left."

"What?! Where are they?" Tanong ko.

"I-I don't know."

"How about Katie?" Dagdag na tanong ko pa.

"I-I don't know, Nic. I tried to save her pero masyadong mabilis si Aisha. Hindi ko na sila naabutan pa. I think kasama rin nila si Chase." Dagdag pa niya.

Napapasabunot ako sa aking buhok. "Maybe she knows that we will save Katie." Tugon ni Skyler.

"Wait..." Sabay kaming napalingon kay Sydney.

"What about Violet? Where is she?"

"Nasa hacienda. Bakit?"

"Wait, iniwan niyo siya nang mag-isa?!" Bigla na lamang itong naunang naglakad sa amin palabas muli ng gusali.

"Stupid!" Singhal nito sa akin. "You went to your girlfriend's ex to save her ass, then you left Violet all alone?!" Napapailing na sabi nito sa akin at mabilis na muli kaming sumakay ng sasakyan.

Si Sydney sa backseat, ako sa passenger seat, habang si Skyler pa rin ang magsisilbing driver namin ngayong gabi.

"Chill, Syd. She's safe there." Pagpapakalma sa kanya ni Skyler.

"Isa pa, walang nakakaalam ng hacienda na iyon nina Violet except us, right?" Pagsang-ayon ko naman. Pero napatawa lamang ng pagak si Sydney habang naiiling.

"Don't underestimate your enemy and besides---"

"Guys! Guys!" Rinig naming radio ni Tabitha. Mukha itong galing sa pagtakbo at hinihingal ng sobra.

"Please, hurry up! P-Papunta na...sila kay Violet. Alam na ni....a-alam na ni Aisha kung nasaan si Violet. I heard na papunta na rin si Chase kaya susundan ko siya." Hingal na hingal na sabi nito. "I'll meet you there." Pagkatapos ay nawala na ito sa linya.

"Fuck!" Napapa-face palm na pagmura ko sa aking sarili at agad na tinawagan ang cellphone number ni Violet pero nakakailang ring na ito hindi pa rin niya sinasagot.

"Please please please, pick up! Damn it!"

"Hey," Biglang hawak ni Skyler sa kaliwang kamay ko na nanginginig na sa pag-aalala. "We will get there on time. I promise." Pagbibigay nito ng assurance kaya napatango ako.

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya. Agad naman na binigyan ako nito ng assurance smile.

"Guys! Eyes on the road." Paalala ni Sydney.

Muli namang binilisana ni Skyler ang papatakbo kumpara kaninang papunta pa lamang kami.

Lihim din na nananalangin ako na sana makarating kami on time at maabutan namin si Violet ng ligtas. Gosh! Nagsisisi na ako kung bakit iniwanan ko siyang mag-isa kanina.

Talagang nananadya na si Aisha at ayaw nang magpapigil sa mga plano at balak niyang gawin.

---

Violet POV

Ang totoo niyan hindi talaga ako makatulog dahil sa sobrang pag-aalala para kay Katie. Alam ko kasi ang trauma na meron siya dahil kay Aisha. Ikaw ba naman ang ilang beses nang pagtangkaan ang buhay mo, hindi ka pa ma-tu-trauma?

Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala. Hindi dahil sa gusto ko pa siyang balikan at bumalik kami sa dating kami, kundi nag-aalala ako dahil minsan ko na rin siyang inalagaan at iningatan.

Aminin man natin o hindi, 'yung mga taong minamahal natin noon, mahal pa rin natin 'yan hanggang ngayon. Pero hindi na katulad ng pagmamahal na meron tayo para sa kanila noon. Dahil nasapawan na iyon o maaaring nabawasan na kaya hindi na kagaya ng dati.

I still love her maybe as a friend? Kaya ganito pa rin ako kung mag-alala para sa kanya. I mean, naging malaking parte siya ng buhay ko. At hindi na mawawala ang mag-alala ako para sa kanya.

Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag may ginawang masama sa kanya si Aisha. Baka ako pa mismo ang pumatay sa kanya.

Pinipikit ko lang ang mga mata ko. Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko sa pamamagitan ng pagyakap sa akin ni Nicole. Ngunit nagulat na lang ako noong sandaling unti-unting bumangon siya at marahan na hinalikan ako sa aking noo.

Napakunot ang aking noo. Lalo na noong sandali na maingat ang mga kilos na nagbihis ito ng kanyang damit panlakad.

May lakad o pupuntahan ba siya na hindi sinasabi sa akin? Tanong ko sa aking sarili. Napahinga ako ng malalim.

Kaya noong sandaling lumabas na ito ng kuwarto ay naging pagkakataon ko na rin iyon para mabilisang magsuot ng pants at nanghaplot lang ng kahit anong jacket mula sa closet.

Susundan ko si Nicole kung saan man siya pupunta.

Hays! Kung bakit naman kasi kumikilos siya nang mag-isa at hindi sinasabi sa akin ang mga plano niya? Hindi na nga ako mapakali sa pag-aalala para kay Katie, dinadagdagan pa n'ya. Paano kung siya naman ang mapahamak at may mangyaring masama sa kanya? Mas lalong hindi ko kakayanin, 'no? Tsk!

Mabilis ang mga kilos ngunit maingat na lumabas rin ako ng bahay para sundan siya. May huminto na itim na sasakyan sa tapat ni Nicole at mabilis din siya na sumakay rito.

Natataranta naman na napatakbo rin ako sa aking kotse, lalo na noong sandaling pinasibad agad ng driver nito ang sasakyan papalayo.

Kailangan ko silang sundan at hindi dapat sila mawala sa aking paningin.

"What the hell?!" Napapamura na wika ko sa aking sarili dahil para itong nakikipaghabulan kay kamatayan kung makapagpatakbo.

Napakabilis!

Ito yata ang kauna-unahang nagmaneho ako ng ganito kabilis. Hindi ko kasi pwedeng alisin sila sa paningin ko dahil paano kung mapahamak si Nicole?!

Huminto sila sa likod ng isang abandonadong gusali at pinatay ang ilaw. Kaya ganoon din ang ginawa ko. Noong sandaling lumabas na siya ng sasakyan ay lumabas na rin ako. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Looking for me?" Mabilis na napalingon ako rito.

"A-Aisha?" Gulat na pagbanggit ko sa pangalan niya noong makita itong nakangisi sa aking likuran.

Ngunit nagkibit balikat lamang ito at walang sabi na may itinutok sa akin. Hanggang sa natamaan ako sa aking dibdib at unti-unting nanghina ang katawan ko, nahilo, atsaka tuluyang nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako noong sandaling naramdaman ko na parang mayroong humahaplos sa pinsgi ko. At nung sandaling maimulat ko na ang aking mga mata ay mabilis akong napabangon mula sa aking hinihigaang kama.

"Hey, my queen." Pagbati sa akin ni Aisha.

"W-What are you doing here?! Where am I?" Nagpupumiglas na sabi ko sa kanya dahil naka gapos ang aking kamay at paa.

"Chill." Wika nito at dahan-dahan na lumapit sa akin para ako ay kalagan. "Syempre, hindi ko sasabihin kung nasaan ka." Bago ito napanguso at kunwaring hinalikan ako sa ere.

"Nasaan si Katie? At si Nicole? Anong ginawa mo sa kanila?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Sshh!! Don't worry, Katie is safe with me, and so as Nicole kung hindi siya patuloy na makikialam sa mga plano ko. At 'yun ay kung makikipag-make love ka rin sa akin." Pagkatapos ay nagpa-cute pa ito sa aking harapan.

"You know, matagal ko ring pinagplanuhan at pinangarap ito." Parang nag-di-daydream na wika pa niya. "Haaaay. Ang sarap pala sa feeling na ma-solo ka sa isang kwarto. Nakaka-WILD ng imagination habang pinagmamasdan kitang tulog kanina. Nakalimutan mo kasi yatang magsuot ng bra." Sabay nguso nito sa dibdib ko na mabilis ko namang tinakpan gamit ang jacket na suot ko pa rin mula kagabi.

"Gustong-gusto na nga kitang hubaran eh." Dagdag pa niya bago napatawa na parang tuwang-tuwa pa sa nakikita.

"I will never! You psychopath, Where's Katie? KATIEEEEEEE!!!" Bigla akong nagsisisigaw dahil gusto kong masigurado kung okay lang ba si Katie o hindi.

Hindi naman napigilan ni Aisha ang mapairap. Bago ito napa-cross arms.

"Ano ba! Ako na nga itong nasa harapan mo, kung sino-sino pang hinahanap mo!" Pagrereklamo niya.

"Kapag may nangyaring masama kay Katie o kahit na kay Nicole, ako mismo ang papatay sa'yo!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Oh! I'm scared." Wika nito na parang nang gagago lang.

"Love is complicated, isn't it? Atsaka, ang dami mong napapaiyak na babae 'no? Una, ako. Then si Katie, tapos si Nicole na ginawa mong kabit. Although, Nicole has a fault also. Kasi alam na nga niyang may jowa ka. Pumatol pa siya. Buti na lang ako, ikaw lang ang gusto. ba't kaya 'di na lang ako, 'no? Loyal na sa'yo, hindi ko pa hahayang may kahati ako." Pagkatapos ay napangisi itong muli.

Habang ako naman ay napatitig lamang sa mukha niya. Sinusubukang basahin ang kung ano mang tumatakbo sa isipan niya.

Alam n'yo, maganda naman talaga si Aisha eh. Swear, believe me or not ang daming nagkakagusto sa kanya noong college pa kami. Mas madami ngang manliligaw siya kaysa sa aming dalawa ni Katie eh.

Pero ewan ko ba! Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na jowain siya noon pa man. Isa lang siyang kaibigan at kaklase sa akin. Hanggang doon lang. Bagay naman na hindi niya matanggap-tanggap hanggang ngayon.

"Do not look at me like that---"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Putol ko sa kanya. "You don't just ruin other people's lives, Aisha. You are also destroying yours."

Pero parang baliw na nagpasayaw-sayaw lamang ito sa harap ko habang nagsasalita ako.

"Sorry, V. Everything is planned. This time, I will make sure you will be mine. At walang Nicole o kahit Katie ang makakasira noon." Pagkatapos ay tatalikuran na sana ako nito nang muli siyang natigilan.

"I'll give you and Katie a moment to talk. I think kailangan niyo yun eh." Wika niya bago ako muling binigyan ng isang ngisi na mayroong ibig sabihin. "Ang magpaalam sa isa't isa." Makahulugang dagdag pa niya atsaka tuluyang lumabas na ng kwarto.