Chapter 28 - TBAB: 26

Now playing: Kung Malaya Lang Ako - Kris Lawrence

Violet POV

Lumipas ang dalawang araw na makasama ko si Nicole ay ako na mismo ang nagyaya kay Katie para sa isang lunch date.

Alam ko kasi na hindi na naman ito kakain ng tanggalin dahil nakasanayan na niya. Syempre, bumabawi nga ako sa kanya, 'di ba? Ayokong magpaka-iresponsableng girlfriend na naman at kailangan ko siyang alagaan.

Dahil sa wala na akong trabaho sa umaga kaya mas marami na rin akong oras para sa kanya, kahit na siya ay ganoon pa rin, palaging abala.

Sinundo ko siya sa kanilang opisina para hindi na rin ito mag-abala na magmaneho pa. Ako na rin ang maghahatid sa kanya mamaya pagkatapos ng date naming dawa.

Simpleng restaurant at simpleng tangahalian lang naman ang pagdadalhan ko sa kanya. Naalala ko tuloy si Nicole, parehas kasi silang hindi maarte sa pagkain. At mas gustong-gusto nila yung mga putahe na bago sa kanilang panlasa.

Nicole ka na naman. Saway sa akin ng aking isipan.

"V, sure ka bang dito tayo kakain?" Namimilog ang mga mata na tanong ni Katie sa akin noong maiparada ko ang sasakyan.

Binigyan ko lamang siya ng isang malawak na ngiti.

"Ayaw mo ba? Eh nakita ko kasi 'to na sini-search mo kagabi sa internet kaya naisipan ko baka gusto mo. Mali ba ako?" Sabay kamot ko sa aking batok.

"Ano ka ba, V! Gustong-gusto kooo!" Malawak ang ngiti na sabi niya. "Thank youuu." Pagpapasakamat niya at lalabas na sana ako ng sasakyan noong muli siyang magsalita.

"And I love you." Dagdag pa niya.

Natigilan ako at mataman na napatitig sa kanya.

"You don't have to say it b--"

"I love you." Putol ko sa kanya bago mabilis na hinalikan siya sa kanyang noo.

"Let's go?" Tuluyang pag-aya ko sa kanya. Napatango ito at sabay na nga kaming lumabas mula sa loob ng kotse.

Pagpasok namim sa restaurant ay agad na sinalubong kami ng dalawang waiter. Iginaya kami sa may bakanteng table na mayroong dalawang upuan sa magkabilang gilid nito.

Isa itong Filipino Cuisine kung saan mga simpleng lutong bahay ang kanilang mga putahe. Ngunit kitang-kita naman na dinadayo ito ng mga taga malalayong lugar dahil sa dami ng kamilang costumers. Plus, ang ganda talaga ng review nila sa facebook page.

Kaya noong nakita ko iyong tinitignan ni Katie kagabi ay hindi ako nagdalawang isip na dalhin siya rito.

Agad na nag-order kami ng aming makakain. Si Katie ang may pinakamaraming inorder na hindi ko alam kung mauubos ba naming dalawa.

Nakakatawa nga eh. Palagi niya kasing sinasabi na diet siya, kaya madalas hindi siya kumakain ng lunch, pero kapag naman nasa harap na siya ng pagkain, hindi na rin naman niya mapigilan ang kumain ng marami.

"Ang dami mong inorder. Are you sure na kaya nating ubusin yung dalawa?" Natatawa na tanong ko sa kanya. Agad naman itong napatango at halatang tuwang-tuwa pa.

"Yes! Dalawa naman tayo eh. Atsaka tutulungan mo akong maubos yun." Sagot niya.

"Yung pinaka-bet ko dun 'yung Pinakbet with Bagnet. Plus yung kare-kare. Gosh!" Nagugutom na rin sa sabi ko sa kanya.

Napatawa ito ng mahina habang naiiling. "Ako naman lahat!" Sagot niya. "I'm so excited nang kumain." Dagdag pa niya. "After natin dito ice cream tayo, please?"

"What? Hindi pa nga natin alam kung mauubos ba natin lahat ng inorder mo tapos ngayon pagkain na naman agad ang nasa isipan mo?" Natatawa na tanong ko sa kanya in disbelief ngunit tinignan lamang ako nito ng masama.

"Fine!" Tumatawang pagpayag ko. "Just make sure na hindi ka aantukin pagkatapos." Paalala ko dahil marami pa siyang trabaho na tatapusin.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang ibang order namin. Unti-unting inihahain na iyon sa aming lamesa na halos mapuno na dahil sa dami. Pati nga iyong mga katabi naming table ay mapapa-smile kapag napapalingon sa amin.

Paano ba naman kasi daig pa namin ang may fiesta sa dami ng inorder ni Katie.

"Well, well, well. Hello, lovebirds!" Sabay kaming napalingon ni Katie sa nagsalitang iyon at kapwa rin nagulat noong makita namin si Chase na humahakbang papalapit sa amin. Nasa likuran naman nito si Nicole, na halatang gulat na gulat ding makita kami.

Mabilis naman akong nagbawi ang aking mga mata mula rito at muling ibinalik kay Chase ang aking paningin.

What the hell is he doing?

"Since nandito na rin naman pala kayo, why not maki-join na lang kami sa inyo?" Tanong ni Chase bago hinapit sa beywang si Nicole habang diretsong nakatingin sa akin.

Iyong para bang sinasabi niya na pagmamay-ari niya si Nicole at hindi ko pwedeng galawin. Napangisi na lamang ako bago napahinga ng malalim.

Agad na napansin ni Katie na hindi na ako komportable kaya siya na sana ang nagsalita, ngunit mabilis siyang naunahan ni Nicole.

"Chase, pwede bang sa ibang restaurant na lang tayo?" Seryoso ang boses na sabi niya. "Stop playing your stupid games." Dagdag pa niya at tatalikod na sana siya noong mahigpit siyang pigilan ni Chase sa kanyang braso.

"Dito tayo kakain." Tipid na sabi nito kay Nicole habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Halata sa itsura ni Nicole na nasasaktan na siya sa mahigpit na paghawak ni Chase sa kanya, kaya hindi ko mapigilan ang mapahawak ng mahigpit sa tinidor na nasa kamay ko.

"You know what? If you wanna join us, sure! No problem, Chase." Matigas ang boses na sabi ko sa kanya at agad na tinawag ang waiter para i-arrange at idikit na lamang ang isang bakanteng lamesa sa table namin.

"Violet, no!" Pagpipigil sa akin ni Katie ngunit huli na ang lahat.

"It's fine, Katie." Pagkatapos ay binigyan ko ito ng isang assurance smile.

Ipapakita ko lang kay Chase kung gaano siya ka gagong tao.

Hindi ko akalain na 'yung peaceful at masaya na lunch date na gusto ko para kay Katie ay naging disaster.

Noong naka-order na si Chase at Nicole ng kanilang pagkain ay sabay-sabay na kaming nagsimula sa pagkain.

Katabi ko si Chase, habang kaharap ko naman si Katie at nasa tabi nito si Nicole.

Tahimik kaming lahat habang kumakain at walang may gustong magsalita. Literal na naging awkward ang paligid. Habang tawa naman ng tawa si Chase na parang siraulo habang kumakain, halatang nanggagago lang naman at gustong magpapansin.

Dahil sa hindi ko na matiis na si Chase lamang ang parang asong maingay sa table namin, kaya nagsalita na ako.

Iniingatan kong huwag tapunan ng tingin si Nicole dahil sobrang nakakapanghina sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Okay na sana eh. Okay na sana na kahit hindi siya maging akin, pero 'wag naman sana kasing gagong katulad ni Chase 'yung ibibigay sa kanya.

Pero wala eh. And'yan na at hindi ko na kaya 'yung mga pagtawa at pagngisi ni Chase dahil si Nicole at Katie ang pinakaapektado sa aming apat.

"Grabe, Nic. Napagtitiyagaan mo talaga itong baliw na'to? Alam mo kung ako sa'yo, hindi ko na ito babalikan eh." Sarkastikong wika ko habang nakatingin ng diretso kay Nicole.

Halatang nagulat ito sa sinabi ko and so as Chase na biglang natigilan sa kanyang nakakabwisit na pagtawa.

"Anong sinabi mo?" Nanggagalaiti sa galit na napaharap ito sa akin. At pabagsak na inilapag ang kanyang hawak na tinidor at kutsara.

Hindi naman ako nagpasindak na nagbaling ng tingin sa kanya bago inulit ang sinabi ko.

"Ang sabi ko, BALIW ka." Madiin na sabi ko sa kanya. At hahawakan sana ako nito sa aking braso nang magsalita si Nicole.

"Chase, ENOUGH!" Maawtoridad na saway ni Nicole sa kanya.

"Enough?!" Bago siya nagbaling ng tingin kay Nicole. "At ipagtatanggol mo pa talaga itong kabit mo sa harap ko? Sa harap ng girlfriend niya? Mahiya naman kayo!"

Napalunok ako ng mariin. Pigil na pigil ang sarili na huwag sumigaw dahil konting-konti na lang ay sasabog na talaga ako.

"Nicole, please. Ilayo at iuwi mo na'tong boyfriend mo." Pakiusap ko kay Nicole ngunit hindi makatingin ng diretso sa kanya. Ayaw ko kasing makita at mabasa ang sakit na nararamdaman niya, kaya napapailing na nagbaling na lamang ako ng tingin sa ibang direksyon.

Naramdaman ko naman ang marahan na pag-abot ni Katie sa kamay ko mula sa ibabaw ng lamesa para kalmahin ako.

Mabilis naman na tumayo si Chase at mayabang na inayos ang kwelyo ng kanyang suot na polo.

"Magkikita pa tayo." Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Katie bago napangisi. "Hindi pa ako tapos sa'yo." Sabay duro nito sa akin at agad na tumalikod na pagkatapos.

Naiwan naman si Nicole na nakatayo sa aming harapan habang napapahinga ng malalim.

"I-I'm really sorry. Hindi ko naman kasi alam na dito ako dadalhin ni Chase, and I didn't know na nandito rin pala kayo." Paghingi nito ng tawad sa amin. "Lalong-lalo na sa'yo, Katie. I'm sorry that---"

"Dapat lang!" Putol ni Katie sa kanya at tinignan siya nito ng diretso sa kanyang mga mata. "Dapat lang na humingi ka ng sorry, Nicole. And please, do me a favor. Ayusin mo na iyang relasyon ninyo ni Chase para hindi ka kayo nakakadamay pa ng relasyon nang may relasyon---"

"Katie! That's enough!" Saway ko kay Katie pero tinignan ako ni Nicole ng 'It's okay' look.

"Tama naman si Katie eh. Nadadamay kayo sa magulong relasyon namin ni Chase. I'm really sorry." Nakayuko na paghingi muli nito ng tawad. Pagkatapos ay tumalikod na rin para sundan ang boyfriend niya.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala para sa kanya. Alam n'yo 'yung feeling na gustong-gusto mo siyang hawakan at pigilan pero hindi naman pwede lalo at may girlfriend kang kasama.

Haaay! Ang complicated lang.

---

Nicole POV

"Don't play a victim here, Nicole. Hindi ikaw ang biktima rito, hindi kayo ni Violet." Nagdadabog na sabi nito bago bumaba sa sasakyan.

Mula sa restaurant na pinanggalingan namin kung nasaan sina Violet at Katie kanina, ay dito sa Coffee Shop kami dumiretso.

Galit na muling napaharap ito sa akin.

"Ako at ang girlfriend ni Violet ang biktima rito. Niloko niyo kami pareho." Muling saad niya.

Habang ako naman ay tahimik lang na pinakikinggan siya. Hinahayaan na ilabas lahat ng sama ng loob niya at kayabangan.

"Kung ano man ang nangyayari sa relasyon natin ngayon, sa relasyon nila ngayon, choice niyo yun. Una pa lang alam niyo na ang mga possible consequences pero nagpatuloy pa rin kayo. Look what happened now." Dagdag pa niya bago nameywang at pumaroon at parito.

"I'm just protecting what's mine, Nicole. Katie is also protecting what's hers. Sana maintindihan mo kung bakit ko'to ginagawa." Napangisi ako dahil sa sinabi nito.

"Maintindihan? Bakit? Paano ko iintindihin iyang mga ginagawa mo? TAPOS na kami ni Violet, Chase. Ni hindi nga naging kami eh. Pinili na kita. At pinili niya ang girlfriend niya kaya ano pa bang gusto mo?!" Singhal ko sa kanya.

Pero mataman lamang itong napatitig sa mukha ko. Parang binabasa niya ang laman ng isipan ko.

"Ayaw kong saktan kita, Nicole. Pero I want you to understand, na mas nasasaktan ako knowing na niloko ako ng taong mahal ko. At lahat tayo tumataya at sumusugal dito. Kami ng girlfriend ni Violet. Sa magkaiba nga lang paraan pero lahat ng yun ay isa lang ang dahilan, ang pinagmulan at pinanghuhugutan namin, dahil pareho ninyo kaming pinagtaksilan. Kaya tanggapin niyo ni Violet, yung consequences na nangyayari ngayon." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at nauna na siyang pumasok sa loob ng Coffee Shop.

Habang ako naman ay napapasabunot sa sarili kong buhok. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Pero alam ko naman na kahit gawin ko yun, wala namang magagawa.

Kung hahayaan lang ako ng mundo na magmamahal muli? I hope doon na sa relasyon at taong deserve ko na. Gusto ko lang naman ng genuine na saya. Pero ang mali lang kasi nahanap ko yun sa taong pagmamay-ari na ng iba.

Sana lang din, kung magmamahal akong muli, I hope it is not with someone I cannot have. Kasi ang hirap. Ang hirap...