Chapter 25 - TBAB: 23

Now playing: Just One Kiss - Loving Caliber Feat Mia Niles

Nicole POV

"Skyler, kailangan nating makabalik before midnight sa bahay. Saan ba tayo pupunta?" Naiinip na tanong ko sa kanya dahil basta na lamang ako nitong hinila palabas ng bahay namin kanina.

Ni hindi man lamang nagawa nitong magpaalam sa aming mga kaibigan at mga magulang.

Yes, nagtipon-tipon kaming magkakaibigan at pati na rin ang aming mga magulang para salubungin ang birthday ko. Of course, mawawala ba si Chase sa eksena? Syempre hindi.

Kaya nga nagulat na lamang ako noong basta akong kaladkarin ni Skyler patungo sa parking lot at basta na lamang isinakay sa kanyang kotse.

"Basta. Wag ka ngang OA?!" Saway nito sa akin bago napangisi.

"Hindi naman ako magtatagal. Ikaw lang." Pagkatapos ay napatawa siya bilang pang-aasar sa akin.

Napahalukipkip na lamang ako nang disoras habang napapailing.

At nagulat na lang ako noong sandali na huminto ito sa harap ng Baylight at agad na ipinarada ang kanyang sasakyan.

"And what are we doing here?!" Bigla akong kinabahan at nataranta dahil alam kong nandito ngayon si Violet. Kailan ba siya nawala sa bar na ito? Eh wala nga yata iyong balak na mag-resign eh. Masyadong na-e-enjoy ang pagtitimpla ng alak. Tss!

"Chill." Tipid na sabi niya bago binuksan ang pintuan sa kanyang tabi at tulayang bumaba na ng sasakyan. Agad na sinundan ko naman siya.

"What the fuck, Sky. Alam mo naman kung bakit iniiwasan kong pumunta rito tapos dadalhin mo pa ako rito?!" Inis na singhal ko sa kanya.

Pero mataman na pinagmasdan lamang niya ako na tila ba binabasa ang buong mukha ko.

"Now or never, Nic." Napapairap na sabi niya bago ako tinalikuran atr nagsimulang nang maglakad papasok sa entrance.

"SKYLER!" Malakas ang boses na saway at pagtawag ko sa kanya pero parang siraulong napatawa lamang ito atsaka muling napaharap sa akin.

"Ayaw mo bang mapanood siya?" Tanong nito dahilan para awtomatikong mapakunot ang noo ko. Muli itong lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ako sa aking braso para pwersahan na papasukin sa loob bar.

Pilit na nagpupumiglas ako pero ang siste, mukhang mas malakas siya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.

Agad na nakipagsiksikan kami sa maraming tao. Nagtataka naman na napapatingin ako sa buong paligid.

Bakit masyado naman yatang crowded ngayon dito? Anong meron? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok talaga sa bar nang biglang maghiwayan ang mga tao. At ang labis na ipinagtataka ko pa ay nagsisigawan ang mga ito habang binabanggit ang pangalan niya.

Ang pangalan ni Violet.

Nagtatanong ang mga mata na nagbaling ako ng tingin kay Skyler.

"Kakanta si Violet tonight, kaya ang daming tao. Alam mo naman, marami siyang fans at nagkalat lang sa kung saan." Paliwanag nito sa akin habang naglalakad patungo sa unahan para pumwesto bago napamusyon sa stage.

Mabilis naman na nagbaling ako sa unahan kung saan bigla na namang bumilis ang pagtibok ng aking puso, noong sandaling tumama ang aking mga mata sa mukha ng babaeng dalawang buwan ko nang hindi nakikita at hindi na rin naman magawang malapitan pa.

Napalunok ako ng mariin bago napayuko noong makita ko itong biglang napatingin sa aming direksyon. Naghintay ako muna ako ng ilang segundo at noong masigurado na wala na sa amin ang kanyang mga mata ay muli ko nang ibinalik ang aking paningin sa kanya.

Ngunit nagkamali ako. Awtomatikong napasinghap ako noong sandaling magtama ang aming mga mata. She didn't look away. She is now looking directly at me.

And I admit, I missed those beautiful eyes of hers while staring at me.

'I did a lot of bad things

Never did I give in

Just 'cause the thought of being vulnerable

Made me feel less than I am

I have never felt home

'Til you entered my door

And from that moment I knew

That our home is whatever you choose'

"Hello, everyone. Thank you for having me here tonight." Kusa na lamang na muling naging maingay ang buong paligid noong magsimula siyang magsalita.

Pero 'yung mga mata niya ang sarap tusukin lang dahil nakatutok lang ang mga ito sa akin, na para bang walang ibang nag-e-exist sa paligid niya kundi kami lamang na dalawa.

Napatikhim ako noong sandaling napansin ko na may mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Skyler bago siya tinignan ng masama.

"Thank you sa mga nagdayo pa talaga para marinig ang nag-iisang kakantahin ko tonight, I really appreciate you guys." Pasasalamat nito sa mga taong sumusuporta sa kanya ngayong gabi.

Kusa na lamang akong napangiti dahil ang ganda-ganda lang pakinggan ng boses niya. Napakasarap sa tenga. Hindi pa siya kumakanta niyan ha? At isa pa, hindi ko alam na kumakanta pala siya?

That's wow!

Another reason na naman ba kung bakit mas lalo ka na namang humahanga sa kanya? Tuyo ng aking isipan na agad ko ring iwinaksi.

"Before I start, I just want to say that this song is for a girl named Nicole who will be celebrating her birthday in just a few minutes." Sabi nitong muli. "And she is standing right now in front of me, in the middle of our other audiences tonight. Right there!" Sabay turo nito sa pwesto kung nasaan kami ni Skyler.

'I still think about you'

Rinig na rinig ko ang pag singhap ng mga tao noong napalingon sila sa akin, especially noong sandaling itinutok sa mukha ko ang spotlight. Argh! I hate spotlight. Mabuti na lamang at hindi nagtagal iyon.

Narinig kong naghiyawan ang mga manonood habang napapasipol naman ang iba.

"Ang hot naman niyan V!" Sigaw ng isang lalaki mula sa likod.

"Jackpot!" Pahabol na sigaw naman ng isang babae.

Mabilis na nagbaling ako ng aking mga mata kay Skyler.

Paano naman nalaman ni Violet na mag-bi-birthday ako? Tanong ko sa aking isipan na mukhang na-gets naman agad ni Skyler ang ibig sabihin ng mga tingin ko.

"What? Masama bang sabihin sa kanya na mag-bi-birthday ka?" Tanong niya sa akin na tila ba hindi man lamang naging big deal iyon.

Naluluha naman na sinuntok ko siya kanyang braso sa sobrang inis. Bakit naman niya kasi sinabi pa? Mas lalo tuloy akong nahihirapan na umalis ngayon sa bar na ito dahil nandito na naman sa dibdib ko ang kagustuhang makasama si Violet sa buong magdamag.

Pero hindi pwede! Hindi pwede dahil matagal na naming tinapos ang ano mang namamagitan sa amin two months ago. Mag-wo-walkout na sana ako nang awtomatikong matigilan dahil nagsimula na siya sa kanyang pagkanta.

'The best thing I did—and I want you to know

Was letting you in from that moment I knew

That you're all I missed

Baby, it took just one kiss

'Cause here in your arms I can finally let go

The rest of the world is outside when you make sure

I'm all you missed

Baby, it takes just one kiss'

Hindi ko alam. Pero kusa na lamang napako ang aking mga paa at hindi na tuluyang nakaalis pa noong marinig ko na ang boses niya. Awtomatiko na lamang ding naglaglagan ang aking mga luha, noong sandaling marinig ko ang lyrics ng kanta, para bang kusa akong ibinalik sa panahon kung saan unang beses kaming nagkita.

That one kiss I gave her that day will never be erased from my mind, and the moment she kissed me back is the reason why I fell in love with her. Kung bakit hirap na hirap akong maka-move forward ngayon.

'Many years have run by

Many tears have dried out

I know that I will be with you

As long as you still want me to

All the things we've been through

Everything's that's me and you

There isn't anything else that I

Wished I had done to be true'

Dahan-dahan na muling pumihit ako paharap sa stage at lakas loob na sinalubong muli ang mga tingin niya, ang mga mata niyang nagsusumamo na diretsong nakatingin lamang sa akin.

Dalawang buwan. Dalawang buwan na mula noong huling beses kaming magkita, hindi ko alam na pagtatagpuin kaming muli sa ganitong pagkakataon. Ngayon mas napatunayan ko lang sa sarili at mas naramdaman ko lang 'yung bigat kung gaano ko siya sobrang na-miss.

God! Miss na miss ko ang lahat sa kanya...

'Yeah, that's the thing about you'

Parang gusto kong tumakbo ngayon din papunta sa kanya, yakapin siya, halikan siyang muli sa labi niya at sabihin ng paulit-ulit ang salitang 'Mahal kita', 'yung bagay na hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Pero mas nananaig sa akin na itago na lamang iyon dahil hindi na rin naman mahalaga pang malaman niya.

'The best thing I did—and I want you to know

Was letting you in from that moment I knew

That you're all I missed

Baby, it took just one kiss

'Cause here in your arms I can finally let go

The rest of the world is outside when you make sure

I'm all you missed

Baby, it takes just one kiss'

Sa muling pagkakataon ay tila ba bumagal na naman ang pag-ikot ng mundo para sa aming dalawa. Pero alam kong this time, hindi na puro saya dahil kapwa may halong lungkot nang sumisilip sa aming mga mata.

Alam mo 'yung feeling na pagkatapos ng ilang buwan ay muli kayong nagkita ng taong mahal mo pa rin ng sobra? Pero hindi mo na siya magawa pang lapitan at dapat na maging kontento ka na lang sa malayo habang tinigtignan siya.

Gano'n ang nararamdaman ko ngayon.

Nakakalungkot.

Ang sakit.

'The best thing I did—and I want you to know

Was letting you in from that moment I knew

That you're all I missed

Baby, it took just one kiss

'Cause here in your arms I can finally let go

The rest of the world is outside when you made sure

I'm all you missed

Baby, it took just one kiss'

"Happy birthday, Nicole!" Damang-dama ko ang senseredad sa maikling pagbati nito sa akin pagkatapos ng kanyang kanta. Sa mga titig niya pa lang n'ya sa akin, alam ko na gustong-gusto niya rin akong yakapin.

Pero hindi na pwede eh. Hindi na talaga.

"Happy birthday, Nicole!" Sabay-sabay naman na sigaw at pagbati sa akin ng lahat ng tao na nanonood ngayon dito sa Baylight.

Habang iyong iba ay naghahagis ng beer as ere kaya may ilan na mga nabasang nanonood dahil dito. Habang iyong iba ay nagpapaingay ng baso at bote. Noon ko lang napansin mula sa wrist watch na suot ko, saktong alas dose na pala ng umaga.

Mabilis na pinunasan ko ang aking luha bago napayuko. Ngunit nagulat na lamang ako noong sandaling isa-isang may iniaabot na violet rose sa akin ang mga tao mula sa tabi ko, pati na rin iyong mga waiter, 'yung ibang mga nanonood, LAHAT ng mga tao na nandito sa Baylight. Habang binabati ako ng mga ito.

Halos hindi ko na mahawakan lahat, habang naglalaglagan naman ang iba sa sahig. Lumapit din sa akin si Skyler para tulungan ako at kunin na lang mula sa iba ang mga roses na hindi ko na kaya pang mahawakan.

Parang sabog na sabog ang utak ko na muling nagbaling ng tingin sa aking kaibigan. Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti. Iyong ngiti na naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

"Alam mo ba na one week niyang pinagplanuhan ito? Isa-isa niyang kinausap 'yung mga taong nandito para sa nag-iisang kakantahin niya ngayong gabi. Para sa'yo." Napatawa ito pagkatapos.

"Sinadya niya talagang papuntahin ka rito, para sa bagay na 'to." Paliwanag ni Skyler sa akin. "At least man lang daw may magawa siya para sa'yo sa araw ng birthday mo. Miss na miss ka na niya, Nic. Pero yun nga, hindi na pwede. Hehe."

Dahil sa sinabi ni Skyler ay muling napatingin ako sa buong paligid. Agad na hinahanap siyang muli ng mga mata ko, habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Pero bigo ako na muling makita pa siya. Kaya nanghihina ang mga tuhod na napayuko na lamang akong muli. Habang parang batang umiiyak na iniwan ng kanyang ina sa daan.

Gusto ko lang namang mag-thank you at mag-take ng risk na muling mayakap siya dahil sa ginawa niya para sa akin. Pero ang bilis naman yata niyang nakaalis. Naiiyak na sabi ko sa aking sarili at agad na niyakap na lamang ni Skyler para ako ay pakalmahin.