Chapter 28 - TVMAE 27

Chapter 27: 

Unexpected Visitor

Jane POV

"GISING NA SIYA, CALL THE DOCTOR HURRY UPPPPP!!!"  Naagaw ang pansin ko ng sumigaw si Annah, automatic na nakaramdam ako ng kaba at pagtataranta, thank you Lord! 

"Goshh!"

"Lyn?"

"Umayy you're awake!"

"Thank you God!!!"

"Ano'ng nararamdaman?"

"May masakit ba?"

"What do you want?"

Natataranta naming tanong. Kumpleto kaming lahat ngayon  at saka nandito si Zander at Laurence. Hindi pa nagpapakita dito sa amin si Evans, sabi ni Zander hindi niya raw kayang makita na ganiyan ang kalagayan ni Lyn. 

"Don't make any move, let's wait for the doctor command," sabi ko sa kanila. Maghintay muna para walang sabit. 

Nakatingin lamang si Lyn sa kisame na walang expression sa mukha, nakablanko lamang. Mabuti nagising siya bago isagawa ang operasyon, isang oras na lang sana kung di pa siya nagigising kukunin na ang bata sa tiyan, ilalagay sa incubator. 

Bumukas na ang pintuan at doon niluwa ang doctor, dalawang nurse at si Joli, siya kasi ang tumawag ng doctor. 

Lumayo muna kami kay Lyn para makalapit na ang doktor at maasikaso ng maayos si Lyn. They checked every body parts, the vital signs and whatever. 

Ganoon pa rin ang expression ni Lyn, kumukurap-kurap lang ito habang nanatiling ganoon. Hindi siya tumingin sa amin. 

"Ano'ng nangyari po sa kaniya doc?" Tanong ni Grace ng mapansin ang kilos ni Lyn. 

"Maybe a little bit conscious," sagot nito saka inayos ang mga gamit. Okay na raw si Lyn at gayun pa rin kailangang hindi ito ma-stress at layo-layo muna sa mga heavy emotions. Kailangan nitong maging okay and stable lang siya, baka makaranas ng emotional breakdown. 

"Just see me in the office, if you need something, excuse me." Paalam ng doctor at sumunod naman ang dalawang nurse. 

"Are you okay Lyn?" Lapit ko sa kaniya. She just shook her head and a fresh tear came out. Shakk!  Di ito puwede. 

"Hushhhhh," ika ko sabay punas ng kaniyang mga luha.  Inalalayan namin siyang makasandal sa headboard ng hospital bed para maging mas comfortable siya. 

"Pa..hi...ngi n-ng tu..bi...g," paos niyang sabi kaya mabilis kaming kumilos. 

"Tubig dawww,"

"Water,"

"She need to drink,"

"I GOT IT!" Sigaw ni Annah na may dala-dalang isang baso ng tubig. Pagkalapit niya ay binigay niya ito agad kay Lyn na agad naman nitong kinuha.

"Be careful Lyn,"

"Woahh easy,'

"Just take it easy,"

"WHAT???"

Bulalas namin dahil sa paraan ng pag-inom niya. Inubos niya ang lahat sa isang tungga lang. Gosh ganiyan ba siya kauhaw? Siguro ikaw nga mahigit dalawang araw hindi nakainom ng tubig, tingnan natin kung hindi ka mauhaw ng sobra. 

"I-I want more," sabi niya para magulat kami at agad naman ito inabutan ni Grace ng isang 1000ml na mineral water, naku sis grabe ahh.

"Grabe girl ahhh, pampanigurado," sambit ni Joli, inismiran niya lang ito. Ang dalawa talagang ito. 

Hindi nag-alinlangan na hinablot ito ni Lyn at walang anu-anong iniinom ito straightly, jusko normal pa ba iyan? Para siyang uhaw na uhaw na kalabaw ito ayyttt! 

"Woahhh, tama na Lyn ang dami na," awat sa kaniya ni Elle. Hindi siya nito pinakinggan bagkus ipinagpatuloy ang pag-inom.

Halos makalahati niya na bago siya tumigil sa pag-inom. Habol-habol niya ang kaniyang hininga, ayan kasi tuloy. Naubusan yata ng tubig sa katawan ammmp! 

Pagkatapos niyang uminom, nagutom yata siya kaya binigay namin lahat ng gusto niyang kainin puwera sa mga pagkain na hindi siya puwede. 

Sinabayan na lang din namin siya. Mas okay na siya ngayon, parang masasabi mo na si Lyn na ang kasama mo.

Halos nakatulala lamang ito na para bang may iniisip ng sobrang lalim, kapag napapansin namin ay gumagawa kami ng paraan para libangin siya at mapasaya. 

Niisa sa amin ay walang nagtanong tungkol sa pagkikita nila. Para saan pa, eh alam naman namin na hindi iyon nangyari ammmp, worse nalagay pa sa bingit ng kamatayan ang buhay niya. 

*Tok tok tok*

"May bisita ka yata agad-agad girl," sambit ko sa kaniya. Sakto talaga na natapos na itong kumain. Medyo  okay na siya ngayon, ngumingiti na at nakikipag-usap. Pero alam niyo 'yong pilit na ngiti, ayan. 

"Oh what an unexpected visitor," narinig namin na sabi ni Elle kaya agad kaming lumingon sa likuran kung sino ang bisita o bwesita na 'yon. 

Halos mabilaukan ako sa sinisipsip kong juice ng makita ko kung sino ito.  Bakit siya nandito?  Nakss. 

"Am I not welcome here?" Salita niya para umayos kami. 

"U-uyy cous ikaw pala, upo ka," bawi ko sa pagkasurprisa ng makita ko ang magaling kong pinsan. Oo Isaac Rios is here ackkkkk! 

He's wearing black from head to toe, grabe may lamay ba? Ang pangit naman ng suot niya. 

May dala-dalang isang bouquet ng bulaklak at saka sa isang kamay isang basket ng prutas. Nag-abala pa siya. May pa-flowers pa talaga. 

"Bakit ka nandito?" Napatingin ako kay Joli ng magtanong ito ng ganiyan agad, umay. 

"Why is there something wrong?" Kibit-balikat na sagot nito sabay lapag ng dala niya sa mini table. Wow ha, nagdala ng flowers, hindi man lang nag-abalang ibigay ito sa bibigyan, naku! 

"Yes mayro'n, huwag mong masali-sali si Lyn sa mga collections mo Isaac!" Woah that's right Joli. Kahit na pinsan ko 'to, hinding-hindi ako papayag na ganyanin niya si Lyn. 

"What? I just came here to tell you about the result and besides I don't have plans to do that to her psh!" Makapagsalita 'tong mokong na para bang hindi papasa sa standards niya si Lyn. Woyy Lyn has both beauty and brain.

"No need to tell. We know from the start it's positive, tama ba kami?" Eksena naman ni Annah. 

"Yeah but still weird tss," sagot niya lamang. Naku Isaac  magiging ama ka na accidentally ammp! 

"At ikailang ulit din naming sasabihin sa'yo na wala kang responsibilidad, just act nothing para wala ka ng problema," sabi ko naman sa kaniya. Makakaya namin na palakihin ang bata na kami lang, beside may pag-asa pa si Evans kaya may kikilalanin itong ama. 

"If I only let that happen, if you don't mind. Can I talk to her in private?" Tanong nito para kumunot ang noo ko. Para saan? Bakit kailangan na private pa. 

"What?"

"No!"

"Gano'n ba 'yan kaimportante?"

"Baka ano pang gawin mo kay Lyn,"

"Its a No!"

Tutol namin. Kahit pinsan ko 'to pero wala akong tiwala dito pagdating sa babae. Baka umiral pagkabaliw nito pshhh! 

"Let him be para wala ng problema,"

Natigil kami sa pagtututol ng magsalita si Lyn. What?  Nag-iisip ba siya? 

"Are you sure Lyn?" Panigurado ko sa kaniya. 

"Yes, iwanan niyo muna kaming dalawa," sabi nito ng di man lang tumitingin sa amin. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana. 

"Okay," sagot ko na lang at agad tumayo para lumabas. Pinaglilisikan ko muna ng mata si Isaac na pambabanta na rin baka kung anong gagawing masama nito sa kaniya. Ano kayang pag-uusapan nila? Baka kung anu-ano ang ilalagay nito sa kukote. 

Lumabas kaming lahat sa room na may labag sa loob,  nakaka-curious kasi eh. 

"Just calm down babe, di naman gano'n ka grabe si Isaac," sabi ni Zander habang niyayakap si Grace, ang PDA niyo po ammp! 

"Iba talaga kapag babae dude HAHAHA," sambit naman ni Laurence, paki nila. Wala akong paki kung masyadong OA na sadyang nag-iingat lang 'no. 

Umupo na lang kami sa waiting area, kaysa dumudungaw sa salamin na bintana wala naman din kaming maririnig. Mamaya na lang, tatanungin si Lyn diba. 

Elle POV

Few minutes ago, di pa rin sila tapos mag-usap, naku naman! Ang haba naman siguro ng pinag-uusapan nila. Ako at si Jane na lang ang natitira dito. 'Yong iba ayon kakain muna raw sila. Eh kami? Mas pinili naming mananatili na lang muna. 

*Kringgggg*

Inagaw ang atensiyon namin ng tumunog ang phone ko. Tumayo ako at dumistansya bago sinagot. 

"Hello?" Salita ko, unregistered number kasi. 

"Elle si Grace 'to, number 'to ni Zander," narinig ko sa kabilang linya. 

"Ahhh akala ko kung sino na, bakit napatawag ka?" 

"Baka maya-maya pa ako makabalik diyan, kayo na muna bahala kay Lyn,"

"Ahh, oo naman. Hindi pa nga rin sila tapos mag-usap ammp,"

"Seriously?  Kanina pa 'yan ah?"

"Kaya nga ehh,"

"Naku, sasamahan ko lang si Zander, after nito balik din ako agad,"

"Sige Grace," sagot ko. Lumingon ako kay Jane ng kinakalabit ako nito. I just give her a what expression. 

"Punta muna ako CR ihing-ihi na ako," sabi niya. Tumango na lamang ako. 

"Dadaan ka ba sa bahay bago pupunta dito sis?" Tanong ko kay Grace, akala ko nakapatay na. 

"Siguro, bakit may ipapadala ka ba?"

"Uhmm pakidala mo na lang ako ng damit na pangtulog," 

"Ahh sige Elle noted,"

"Yiiee salamat,"

"Welcome, sige na Elle papatayin ko na,"

"Sige sis ingat mwuah,"

"Bye-bye, igat din kayo diyan," sagot niya bago pinatay ang tawag. 

*Tot tot tot*

Binaba ko ang phone ko, pagtingin ko sa pintuan naka-semi open na ito, sa wakas tapos na rin sila sa pag-uusap. 

Si Evans 'yon ah, 

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata, siya talaga 'yan. 

Naglalakad ito paalis na may dalang bulaklak at prutas din. 

Tumakbo ako at hinabol siya. 

Bakit siya aalis na agad? Siguradong hindi ito pumasok dahil bitbit niya pa ang mga dala niya. 

"EVANS!" Tawag ko sa kaniya ng medyo malapit na ako sa kaniya. Huminto naman agad siya.

Paglingon niya, nakita ko ang namumulang mukha at mata niya.

"Uhm di ka ba p-papasok muna?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit na ako habang hinahabol ang hininga ko, grabe ang hahaba kasi ng paa tas ang bilis pa maglakad ammp.

"Ikaw pala Elle, siguro hindi na. Seems she's enjoying with him," sagot niya at tumingin lang sa kawalan. Naku!

"Huwag mong sabihin sa kaniya na dumalaw ako," dagdag nito. Nasasaktan kayo pareho, nakikita ko sa mga mata niya.

"Ikaw na lang ang magbigay nitong prutas, masasayang lang din iyan," salita niya habang nanatili lamang akong minamasdan ang bawat kilos niya. Naiiyak, may lalaki talaga na madaling maiyak.

"At itong bulaklak na rin, ikaw na bahala diyan, alis na ako, salamat," abot niya sa akin sa mga dala niya at kinuha ko naman ito na walang salita.

Tumalikod na siya at mabilis na naglakad paalis.

Shakk Evans is in pain, gano'n din si Lyn nasasaktan ito. Mapapataob ka na lang talaga dahil ikaw mismo mararamdaman at makikita mo ang sakit. Sa bawat bigkas niya ng salita, ang tono niya ay sobrang lalim na sobrang lungkot. Makikita mo sa mga mata niya at sa expression ng mukha niya. Huwag kang mag-alala Evans, gagawa kami ng paraan. Huwag lang kayong manghina at mawalan ng pag-asa. Let's go Team EVSLYN!!!