Chapter 31 - TVMAE 30

Chapter 30:

Pool Party

Evans POV

Few months ago, nakikita na talaga ang tiyan ng langga ko. Ngayon na ang kabuwanan ni Lyn. Ilang araw na lang ang bibilangin lalabas na ang baby, maybe it an accident but I accepted wholeheartedly my fate to them, as an early daddy. Hindi kami nagpa-baby shower dahil ayaw ni Lyn, gusto niya surprise ang gender nito sa mismong kapanganakan. I can't wait to hold the baby, I can't wait to touch the cute fingers, I can't wait of that moment.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, nasa loob kami kung saan ang nursery room ni baby. Sky blue ang halos kulay nito. Aside sa favorite ito ni Lyn, pang-neutral daw puwede sa babae and lalaki. Tanging si Lyn lamang nakakalaam kung ano ang gender ni baby, no'ng time na nagpapa-ultrasound sila, ang time rin na muntik ng mabisto ammp!

Nakaupo lamang ako sa upuan habang busy na busy sila sa paglalagay ng kung anu-ano sa room ni baby. Ang sobrang supportive talaga ng mga kaibigan niya bihira na lang mga katulad nilang mga totoo.

"Ano ga, okay na ba ang room ni baby?" Tanong nito habang papalapit sa akin. Ngayon makikita mo talaga na nag-iba ang shape ng katawan nito, nagiging chubby na tapos ang laki na ng tiyan parang puputok na ehh. Ang cute para siyang winnie the pooh pfft!

"Okay na okay, I'm sure magugustuhan 'yan ni baby," sagot ko sa kaniya habang ngumingiti. Ang lalaki ng pawis niya, may aircon naman ahh. Ganyan talaga raw kapag buntis naiinitan, natural lang.

"Yeahh, nakaka-excite pero nakakaba," sagot nito. Nasabi niya kasi na takot siya baka ano ang mangyari sa kaniya during the delivery. I promised to her na nasa tabi niya ako sa panahong 'yan, I promised to her na sasamahan ko siya sa delivery room.

"Asuss don't overthink too much, alam mo namang nakakasama 'yan sa'yo, don't stress yourself langga," saad ko sa kaniya saka pinaupo sa kandungan ko. Pinahiran ko ang mga pawis niya gamit ang isang face towel. Para na talaga kaming mag-asawa na. Kulang na lang ang blessings from the church. Let's wait for the right time.

"Sweet mo talaga," sabi nito na namumula ang pisngi, what a cute creature. Ngumiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya.

"Ang ganda talaga ng soon to be wife ko," sabi ko para mamula siya lalo.

"Huwag mo akong binobola Evans," patay malisya niyang sagot at umiwas ng tingin sa akin, asussss kinilig lang 'yan eh, pakipot pa.

"Pffttt!" Bulalas ko at niyakap siya ng sakto lang, baka maipit si baby kapag hinigpitan eh. Pinasok ko ang kamay ko sa dress niya at hinagod-hagod ang malaki na niyang tiyan. I will do everything para sa magiging pamilya ko.

"AHEMM!"

"Hello nandito pa kami, baka nakalimutan niyo,"

Awiitsss haba ng hair girl ahh,"

"Sweet niyo naman,"

"Lakas maka-bitter ehh,"

"Owshiiiii!"

"Ang ganda niyo tingnan, let me give you a perfect shot," sabi ni Grace at di nagdadalawang isip na kinuha ang DSLR at kinunan kami without any hints ammp!

"Ayan maganda ang stolen lang," sabi nito at tiningnan ang mga kuha niya. Amp what's that? Di pa nga kami naka-ready eh.

"Sabi ko naman sa'yo na gagawa na lang tayo," sambit ni Pareng Zander sa girfriend niya. Naku bro mukhang mahihirapan ka diyan HAHAHAHA.

"TUMAHIMIK KA NGA DIYAN!"  Irap na sagot nito. Ohh diba kakasabi lang ehh pfftt.

"Asusss," asar nj Zander sabay yakap nito pero pinagkibit-balikat lang siya nito. Hindi ko talaga maisip na magiging ganito si Zander, like he's very different when it comes to Grace. We're childhood friends in California, he will just visit there often, his always reason for staying here because of his love. Ever since aside sa relatives niya, na-inlove lang siya ng ilang beses, at si Grace lang 'yon. I suggest find a man like Zander.

"So much for that, bababa na lang tayo, let's have a pool party," suggestion ni Elle. Well it's hot, puwede naman.

"That's a gret idea," sang-ayon naman sa kaniya ni Jane. Tumingin naman ako kay Lyn at accidentally nagkasabay kami sa paglingon kaya nagkadikit ang tungki ng mga ilong namin.

I gave her a genuine smile then she gave me a smile too that made me chuckle and made my day. I really love this girl, I really do.

" Who's in?" Our senses came back when Joli asked. Well, let's join!

" Meeeee!!!"

" Count me in!"

" Here,"

" Akooo!"

" Meeee!!!"

Lyn raised her arms and I raised my arms too. Seems everyone is raising and agreeing. See you in pool area *wink*

Joli POV

Why he's not answering my call arghhh! Where are you Laurence arghh you're freaking me out.

Ilang dialed na ba ang nagawa ko, kanina nag-ri-ring pa, but now arghhhh he off his phone!

"Di mo pa rin ba nakontak?" Tanong ni Annah ng bumalik ito sa kusina para ilabas ang mga foods.

"Yup, nakapatay na," sagot ko sa kaniya. I texted him a lot, kahit niisa wala man lang reply or what arghh!

"Siguro nawalan ng net, just chill!" Sabi niya, tumango na lang ako pero deep inside gusto ko ng sumabog.

"Ready na lahat sa labas, we can start na," sambit naman ni Jane ng pumasok ito sa kusina. Naka-ready na kaming lahat, naka-swimwear na kami lahat. At saka sina Inay at Itay tas mga kapatid ni Lyn ay nandito rin. They decided na di na uuwi hanggang after new year.

"Si Laurence hindi ba pupunta girl?" Dagdag niya pa that made me rolled my eyes up and down, aishhh!

"I'm still contacting him, mauna lang kayo susunod na lang ako," sagot ko  and try to call him again but arghh! He's still off!!!

"Sige sunod lang kayo," sagot nito sabay kuha ng whisky at mga shot glass, siyempre pag may party may alak talaga.

"Pakidala na lang ng wine at wine glass kapag pupunta ka na doon sis," sabi nito sa akin, tumango na lang ako bilang sagot.

I called him for once pero wala talaga kaya nilapag ko na lang ang phone ko sa ibabaw ng ref, bahala ka sa buhay mo, mag-enjoy naman ako kung wala ka.

Kinuha ko ang wine na sinabi sa akin ni Jane sa kaliwang kamay din mga wine glasses sa kanang kamay ko. Paglabas ko nakita ko agad kung gaano kasaya rito, kaya napapangiti na lang ako.

Si Tatay Eddie ay nag-iihaw tapos si Nanay Arlyn naman ay naghahanda sa lamesa, may mga foods na niluto niya, fruits and so whatever. Tapos ang kapatid naman ni Lyn ay nakatampisaw na sa mababaw lang na pool. At halos silang lahat nakaupo sa gilid ng pool at nakasawsaw ang kanilang paa sa tubig. Ang mga lalaki nagsimula ng mag-inom. Let the enjoyment begin.

"Ooh girl nasaan na ang boyfriend mo?"

"Joli, si Lau?"

Hayyss bat ba hinahanap ang taong wala naman dito. I just give them my "I don't know look" and look away. Binuksan ko ang wine na dala-dala ko at nilagyan ang baso ko then took it.

"Tulungan na kita diyan nay," sabi ko sa kaniya ng lumapit ako sa kaniya.

"Naku, huwag na," sagot naman nito. Ayyttt kahit napaka-simple lang ng buhay nila, ang saya-saya nila sobra.

"Di po ba kayo maliligo?" Tanong ko dito habang kumukuha ng marshmallow.

"Siguro mamaya na, ikaw bat di ka pa nakatampisaw diyan? Nasaan na pala ang iyong nobyo?" Again nasaan na naman ang unggoy na 'yon. Ehh kasi kami na lang yata ni Jane walang partner dito, ehh okay lang kay Jane kasi naman wala dito, 'yong akin aba't hanapin niyo wag niyo itanong sa akin.

"Ewan ko nay kung nasaan napadpad 'yon," sagot ko nito sabay inom ng aking wine. So happy for Lyn, wala ng secrets na kailangan na itago, lahat ay tanggap siya.

"Naku mukhang may magka-love qu----

"SORRY GUYS I'M LATE,"

Kahit di ko tingnan kung sino 'yan, alam na alam ko na pffttt. Bakit siya nandito? For what? Di na siya invited ammp!

"Hey baby, I'm really sorry," lapit niya sa akin at hinalikan ako sa noo ko pero di ako umimik. Wag mo kong mahalik-halikan unggoy ka.

Di ko siya pinansin at patuloy na ininom ang wine.

"Uyy pare buti nakapunta ka,"

"Shot,"

"Naku Lau!"

"Lagot ka talaga,"

"Mukhang may mangyayaring suyo time,"

"Suyo well,"

Sabi nila para mainis ako sobra hayysss huwag nila akong inisin lalo.

"Baby, sorry, na-lowbat ang phone ko kanina kaya di ko nasagot mga tawag mo," lowbat? May power bank naman siya laging dala-dala sa kotse niya ah. Bakit saan ba ito galing? Bakit wala akong alam?

Hindi pa rin ako umimik at nagpatuloy sa pag-inom at pagkain.

"Baby, kausapin mo naman ako," harap niya sa akin sabay hawak sa mukha ko pero pinagdidilatan ko siya ng mata, ayan matinag ka.

"Ammp, sorry na kasi," bahala ka diyan. Nakakainis ka sobra.

"Twerk ka muna pfft," inis ko sa kaniya para magulat ito na naiinis sobra.

"What the? Twerk? Ayaw ko nga," reklamo niya, ehh di wala.

"Ehh di kainin mo 'yang sorry mo," sagot ko sa kaniya saka umalis papunta sa pool, gusto kong magtampisaw para lalamig ang ulo ko.

"Seriously? Aishhh ano ba kasing trip mo arghhhh!!!" Bahala ka diyan, reklamo well.

"Oo na, aishhhh!" Yess, win. Humarap ako sa kaniya at nakakamot ito sa ulo na makikita mo talagang inis na inis na ito sobra.

"GOOO LAU, TWERK WELL PFFTTT," SIGAW KO SA KANIYA PARA TUMINGIN SILANG LAHAT DIN SA KANIYA.

"Baby naman aishhh!" Reklamo niya and without any moment, he started move his ass fast and tumakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at nahulog kami sa pool ng sabay.

Napapigil ako sa hininga ko ng nalublob na kami sa tubig, he tried to kiss me under the water pero hinawi ko ang mukha ko saka dahan-dahan kaming umangat sa tubig.

"W-WALANGHIYA KA, P-PAANO PAG N-NALUNOD AKO HA TSSKKK!" Inis kong sabi sa kaniya ng makaangat kami sabay punas ng aking mga mata, arghhhh!

"OWSHIII THAT'S SO SWEET!!!"

"AYIIIEEEE!"

"SMOOTHHHH!"

"TWERK KA NGA ULIT PRE, HANEP HAHAHAHAHA,"

"IBA TALAGA MAGALIT ANG ISANG JOLINA CORPUS!!!"

"PFTTTTTT!!!!"

"BWAHAHAHAHAHA,"

Narinig kong tawanan nila, di ko kasi inaasahan 'yon, ang bilis ng pangyayari sobra aishhh!

"Sorry na, I love you," bulong niya sa akin at hinalikan ako sa sa aking ulo, hayyttss sino ba naman ako para di matablan sa I love you ng taong mahal mo. Tatlong salita lang 'yan, walong letra pero napaka-powerful niyan.

"Duhh whatever, pinag-alala mo ako sobra," sagot ko sa kaniya at sumiksik sa leeg niya.

"Asuuss, I love you so much," sabi niya ulit. Nirurufok ako nito aishh!

"I love you more," bulong ko rin sa kaniya para ngumiti ito ng wagas. Nagpalublob kami ulit sa tubig and there our lips touched sweetly.

Everyone seems so happy, lahat ay may mga ngiti sa labi, lahat ay sobrang masaya. Sana nga walang kapalit ang kasiyahang ito. Sana nga, sabi kasi nila, "After Happiness there is sadness" I'm hoping this happiness will be continue forever and ever.