Chapter 32 - TVMAE 31

Chapter 31:

Engage

Lyn POV

"Ilang days na lang ang bibilangin langga, makikita na rin natin si baby," sabi nitong katabi ko para ngumiti ako ng sobra. Sarap naman sa pakiramdam, walang iibang sasarap pagtanggap ka ng buong-buo ng iyong tinatangi. Thank you Lord sobra!!!

"Nakaka-excite nga ga ehh, but and the same time natatakot ako," sagot ko sa kaniya. Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto ako. Naglalakad kasi kami sa park na malapit lang sa amin, alas sais pa ng umaga, nagsimula na ng exercise para di masyadong mahirapan sa labor.

Humarap siya sa akin at pinatingin niya ako sa kaniya.

"Don't be scared langga, hindi kita papabayaan, okay?" Sincere niyang sabi para kumalampag ang puso ko ng sobra, ackkkk!

Hinawakan ko ang kamay niya at hinimas-himas ito, tumango na lamang ako at pumikit, kaya mo ito Lyn huwag panghinaan ng loob, maraming naniniwala at nagmamahal sa iyo.

"Ayan, very good," sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko dahilan para dumilat ako, thank you so much for always with me langga. Buti na lang hindi ka tuluyang nawala sa piling ko.

"Asusss sweet ahh, halika na nga, para makapagpahinga na tayo," sabi ko sa kaniya at hinila siya. Hinawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko. He intertwined our hands and we continue to walk. Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Parang kailan lang sa libro lang ako nakatuon, ngayon may boyfriend na tapos soon may baby na rin. Hindi natin talaga mahuhulaan ang mangyayari sa'yo bawat araw.

"Ikaw talaga, ang ilap mo talaga. Pagdating sa sweet, umiiwas ka ehh, ayaw mo ba sa sweet?" Tanong niya para ikapula ko. Langyang tanong 'yan, siyempre nakaka-awkward kasi mga ganiyan eh, tapos di ako sanay.

"Siyempre gusto, n-nahihiya lang eh," sagot ko sa kaniya at nakatuon lamang sa daan. Aasarin na naman ako niyan dahil pulang-pula na ako sa hiya na may halong kilig. Kahit sabihin na natin na medyo matagal-tagal na rin kami pero umayyy walang araw na di ko naiisip na totoo ba itong nangyayari sa akin ackkkk!

"Tss you're so cute," sabi niya para mapangiti ng wagas. Alam mo 'yong kinikilig ka na but in a silent way owshiiiii.

"Tumahimik ka nga ammp," kunwari naiinis kong sabi sa kaniya pero tinawanan lang ako, ayan mang-aasar na naman. Buti nga di na nag-e-english 'yan eh, may bayad kasi chuss HAHAHAHA. At alam niyo ano ang bayad, walang kiss. Kaya ayon ang mokong game na game pffttt. Puwede namana konting mix ng english basta dominant ang tagalog, valid 'yon.

Pagkadating namin sa puwesto namin, sa ilalaim ng malaking punong may nakaukit na Lyn love Evs tapos date kung kailan kami nagsimula yiiiiiieee.

Nilapag niya ang picnic mat, nakaplano na kasi ito, sabi niya mag-time together daw muna kami, owshiii! Baka kasi raw kapag lumabas na si baby, wala na akong time sa kaniya, sa amin. Selos na agad ang mokong wala pa nga eh ayttt.

Kinuha ko ang fresh milk at uminom, di na ako medyo nahihirapan sa pagbubuntis, marami ang tumutulong at nasasandalan tapos nakapag-adjust na sa nangyayari.

"Come here, upo ka na," aya niya sa akin ng naayos na niya ang picnic mat. Inalalayan niya akong umupo.

"Be careful," bulong niya sa akin at dahan-dahan naman akong umupo. Mahirap kasi makaupo agad-agad . Di tulad ng di ka buntis, kahit anong oras at bilis gusto mong upo, magagawa mo. Ibahin mo pag buntis ka na mare.

Tiningnan ko siya ng may pagtatanong ng umupo ito sa likuran ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Ang posisyon namin ay nakaupo kaming dalawa habang nakasandal ako sa dibdib niya at yakap-yakap niya naman ako.

"What? Gusto ko lang yakapin ang asawa ko," depensa niya, ayttt galing talaga magpakilig nitong mokong ehh ammmp!

Sumandal na lang ako sa dibdib niya at ninamnam ang eksenang ito.

Ang ganda sa pakiramdam na ganito, ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat mo, ang sobrang refreshing.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagpasok ng kaniyang kamay sa likod ko.

"Let me do this for you," malumanay niyang sabi para pumikit na lang ako at di umangal.

"Dahan-dahan lang," sabi ko sa kaniya at sinimulan niya na ang pagpunas ng mga pawis ko. Alagang-alaga ako ehh.

After niyang magpunas, nilagyan niya pa ako ng pulbo at nilagay ang face towel sa likod ko, owshii suwerte ko naman sa lalaking ito.

"Ayan feel better?" Tanong niya, ngumiti na lang ako at hinalikan ang pisngi niya para magulat ito at namula ang mukha lalo na ang tainga. Ang cute, 'yan ang effect ng halik ko sa kaniya yiieeee.

"Iba talaga ang kiss mo ahh *chuckle*," nakangiti niyang sabi habang sumisiksik sa leeg ko, asuusss nahiya 'yan ehh.

"Ang bango naman ng baby ko," sabi niya at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"After mong manganak ga, magpakasal na tayo,"

0-0

0-0

0-0

"ANO'NG SABI MO?" Nagulat kong tanong sa kaniya, pero tinawanan niya lang ako. Langya ano ba ang trip nito ammp. 18 pa lang ako at saka siya 20 pa, goshh!

"Ang cute ng reaction mo langga pfftt, pakasal na kasi tayo," ulit niya dahilan para magulat at di ko alam kong ano ang sasabihin ko. Ang babata pa namin para sa bagay na iyan diba? Ackkk!

"S-seryoso b-ba 'yan?" Natataranta kong tanong sa kaniya dahilan para mawala ang tawa niya at nag-iba ang facial expression niya, hala? Nagtanong lang naman ammmp.

"Of course, God knows how much I meant it," sabi nito at may kinuhang pulang maliit na box, shakk!!

*Dug *Dug * Dug*

"MY GOSHHH EVANS!!!" sambit ko at napatakip na lamang ako sa sa mukha, ackkkkk!!!

Ganitong-ganito 'yong mga nababasa ko ehhh.

Is he proposing?

Goshhh heart, kumalma ka muna ackkkkkkk!

"Matagal ko ng gustong ibigay to sa'yo langga," sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Napaka-sincere ng pagkasabi niya.

Hindi ako umimik dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko aishhhhh!

Ano ba kasi ito?

Goshhh!!!

Mahal niya ako,

Mahal niya rin ako,

Ang sobrang suwerte ko nga sa kaniya.

Sasabay na lang tayo sa agos ng buhay.

Ackkkk!!!

Unti-unti niya ng inangat ang maliit na box para buksan ito kaya pumikit na lang ako habang nanginginig, goshh ito na ba Lord? Siya na ba talaga?

"Langga can you be my Tungsten, Iodine and Iron forever?" Narinig kong salita niya para magkarera ang dibdib ko umayyyyy!!!!

*Dug Dug Dug Dug*

May pa periodic elements pang nalalaman, ehh ang easy lang niyan ehhh!

"O-of c-ourse!!!" Sigaw ko at dinahan-dahang minulat ang mga mata ackkkk!

O-O

O-O

O-O

O-O

O-O

"LANGYA ANO 'YAN EVANS?" Halos lahat yata ng dugo ko umakyat sa ulo ko. He's getting into my nerves arghhh!!!

Kaninang excitement ko ay napalitan ng pagkadismaya. Jusko assuming kasi!

Tumalikod ako sa kaniya at nag-unahan ang mga luha. Goshh naiiyak ka na naman Lyn, stop it. Ano ba'ng trip nito? Ammp.

Sino bang di mainiis, ehh hindi singsing ang laman ng kahon na 'yon. Oo hindi singsing kung hindi isang parang pugad ng ibon tapos may isang gold na itlog, paki ko kung ano ang itlog na 'yon. Paki ko ba!

"Hushhhh chill lang, hushhh wag kang umiyak diyan," hawak niya sa akin pero inalis ko ang kamay niya. Kainis ahh, nahiya ako do'n ahhh.

"Taray naman ng fiancee ko, harap ka kasi," bahala ka, seryoso na 'yon ehh tapos ganito.

Lumipat siya ng puwesto, pumunta siya sa harapan ko at tiningnan siya ng masama habang pinupunasan ang mga luha, walang hiya talaga.

"Hushh na, ganito kasi ito, buksan mo pa ang egg diyan mo makikita ang hinahanap mo," paliwanag niya at hahalikan sana ako sa noo pero umiwas ako. Kainis kasi.

"Again, Will you be mine forever?"

Napatingin ako sa kaniya ng makita ko ang laman ng golden egg ay isang golden diamond na may kulay rosas na pendant ackkkk!

My ganiyan pala? Langya ngayon ko lang ito nalaman ammmp!

Sino inventor nito?

Bitter siguro, di nakaranas ng proposal ammp!

"Hey you're spacing out, sorry for making you cry," sabi nito at inipit ang mga iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. Aishh!

"Oo naman, mokong ka!" Sigaw ko sa kaniya na may halong iyak. Tumawa naman ito at nilagay sa daliri ko ang singsing.

Napaiyak ako lalo ng saktong-sakto ito sa daliri ko. Sobrang bagay and comfortable sa daliri ackkk!

"Thank you, I love you langga," sabi niya at hinawakan ako sa balikat at pinagdikit ang aming mga noo, ano ba 'yan ang aga-aga pero ang dami ng nangyayari ackkkkk!

"I love you more langga," sagot ko sa kaniya and we both plastered a very sweet smile. He held my chin and our lips met.

On this day, I'm no longer single anymore, I will be Evans wife soon. I will be Edelyn Sanchez Madrigal soon and I can't wait for that day ackkkkk!