Chapter 30 - TVMAE 29

Chapter 29:

Discharged

Lyn POV

"Ano'ng sabi ng doctor sis?" Bungad agad na tanong ni Grace kay Joli nang pagbukas ng pintuan na lumabas si Joli. Pinuntahan kasi niya ang doctor ng tinawag ang watcher ko. Naks dami kong watcher naman. 

"Guess what? Makakauwi ka na Lyn yeheyyyyy!!!" Sagot nito na sobrang saya at patalon-talon pa sa tuwa. 

"Yeheyyyyy!"

"That's means na okay na ang condition niyo ni baby yiiieeeee!!!"

"Buti naman, kapagod din ang buhay sa hospital,"

"Sa wakas makakauwi na yeheyyyyyyy!!!!"

"THANK YOU LORDDD!!!!"

Ngumiti na lamang ako sa ginawa nila, kung gaano sila kasaya. Buti naman makakalabas na rin ako dito. 

Hayyysss,  makakalabas na lang ako dito, di man lang ako dinalaw. 

Napangiti na lang ako ng pilit sa naiisip ko. Siguro wala na talaga siyang paki sa akin. Siguro wala na talaga, siguro ayaw niya na akong makita. 

Dumungaw ako sa labas, but at least makakalabas na ako. 

"Okay ka lang ba Lyn," lapit at tanong sa akin ni Annah.  Lumingon naman ako at binigyan siya ng magandang ngiti like her. 

"Oo naman, at least makakalabas na rin ako," pilit kong ngiting sabi sa kaniya kahit alam kong naluluha na ako. 

Siguro, unti-unti ko na lang tatanggapin ang nangyari.  Baka ako na lang ang kumakapit sa amin. I need to let him go together with our memories para wala ng sakit ackkk! 

Pero paano???? 

"Anong oras ba raw puwede ng lalabas?" Tanong ni Elle kay Joli. Lima lang kami dito, wala si Grace may inaasikaso raw na importante. 

"Mamayang hapon daw, mga alas singko after the doctor roving," sagot nito at nagsimula ng magligpit. 

It's already 12:38 ng tanghali, tapos na rin kaming kumain. Buti naman ilang oras na lang makakaalis na rin. 

Inalis na rin ang suwero at nakakabit sa akin n dextrose kanina kasi nagkaproblema sa hose. Kaya nga akala ko tinawag si Joli para sa paglagay na naman sa akin, buti na lang okay na, nakahinga na ng maluwag.

Nakaupo lamang ako dito habang nakahawak sa selpon ko, ilang araw kaya 'tong di ko nabubuksan. Wala akong ibang binuksan kung di ang message and phone calls. Hayyyss kahit isang text or call man lang, wala. 

Ang alam ko di pa kami break, di niya ako sinabihin ng break pero ayaw niya na akong makita, pareho lang 'yan. Kaya tama na Lyn, tama na tanggapin mo na lang. 

Tiningnan ko sila habang busy sa pagliligpit ng mga gamit, mag-aapat na araw din kami dito. Hindi talaga nila ako iniwan kahit ano man ang mangyari, maraming maraming salamat talaga Lord dahil binigyan mo ako ng ganiyang mga kaibigan.  

Nakita ko ang mga tadtad na messages at calls galing kina Inay at Itay, ang mga taong pinakaimportante sa buhay ko. 

I type a message saying sorry dahil di ko nasagot ang mga texts and calls nila,  na okay lang ako. Hindi ko na sinabi sa kanila ang mga nangyayari sa akin, baka ano pa ang mangyari sa kanila, beside ayaw kong masasagabal pa ako sa pamumuhay nila. Ayaw kong dagdag isipin na naman. 

Hinagod ko ang tiyan ko, medyo malaki na ito kaya kitang-kita na ito sa mga tao. Okay lang 'yan, no need to hide malalaman lang din naman. 

Wala na kaming pasok dahil christmas break na.  Malapit na ang christmas, sana naman di tayo team sawi sa pasko. 

Ayan ka na naman Lyn, huwag ng aasa kasi, lalo ka lang masasaktan niyan. 

"Akala ko mag-celebrate tayo ng christmas dito sa hospital, buti na lang HAHAHAHAHA," biro ni Jane habang inaayos ang mga gamit niya. 

"Kaya nga," sang-ayon ni Annah. Sa Christmas di ako uuwi sa amin, papupuntahin ko na lang sila inay dito sa amin. Beside itong mga kasama ko may sariling pamilya ito para mag-celebrate ng christmas together. 

"Ikaw Lyn ano ba ang gusto mong iregalo ko sa iyo?" Tuon ng pansin sa akin ni Elle kaya tumingin ako sa kaniya. Nahh, wala na akong hihilingin pa. 

"Kaya nga, sa akin din ano ang gusto mo," dagdag pa ni Joli. Naku, no need to think with me. Okay na okay na sa akin na nandiyan kayo para sa amin. 

"Naku, having you all in my life is one of the greatest gift I ever received," nakangiti kong sagot sa kanila. Para matigil sila at lumingon sa aking nakangiti. Neyyy may nasabi ba akong mali? 

"Owshii how sweet naman girl," nakangiting sabi ni Joli at agad tumakbo palapit sa akin at niyakap ako aytt. Niyakap ko rin siya pabalik. 

"Iba talaga bumanat si Lyn, nakakakilig eh awiieee," sambit ni Jane at lumapit din sa amin. Sumunod naman silang dalawa ni Annah at Elle at nagyakapan kaming lima. Sayang wala si Grace. 

"Kahit wala na akong gift, sobrang dami ng gift binigay niyo sa amin 'no, salamat sa inyo," sagot ko sa kaniya at niyakap sila ng sobrang higpit. 

☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡☆

Nakasakay na kami sa van pauwi sa bahay. Medyo madilim-dilim na rin sa labas. Tahimik lang kami buong biyahe, may kaniya-kaniyang mga isip. Hayyysss! 

Wala na talagang pag-asa, kinalimutan na niya siguro ako. 

I deal with myself kasi, pag di niya ako dinalaw means kakalimutan ko na siya. Look, malapit na kami sa bahay, wala pa rin siya hayyyss. 

"Okay ka lang ba Lyn, ang lalim no'n ahh," tanong sa'kin ni Jane ng marinig ang buntong hininga ko aytttt. Magkatabi kasi kami kaya ayon narinig niya. 

"Yeah okay lang ako," tipid kong ngiting sagot nito. Sumandal na lamang ako at pinikit ang mata. Umalis ka sa isip ko muna Evans. 

Annah beep thrice ng nasa guard house na kami, papasok na kami sa subdivision ng bahay namin. Konting tiis na lang, makakapagpahinga na rin ng maayos. 

"Joli, wake up, malapit na tayo," gising ni Annah sa katabi niya while nagmamaneho ang isang kamay. Siguro sa pagod na rin nakatulog na, no worries Joli makaka-relax ka na ng maayos. 

Bumaba si Jane ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin para buksan ang gate. Ang dilim ng bahay, kahit isang ilaw di nabuksan. Akala ko ba nandito si Grace? Tinawagan na siya kanina ni Joli na nakalabas na ako sa hospital. 

As soon as Annah parked the car, nag-uunahan silang bumaba while ako bumaba na parang walang gana, na parang wala na sa sarili. 

Nakauwi na lang ako, ngunit wala pa rin siya. Wala na ba talaga akong halaga sa kaniya? Hayysss.

Nauna akong bumukas sa pintuan dahil inaayos pa nila ang mga gamit, ang tanging nadadala ko ay ang aking unan. Ehh ayaw nila akong pabitbitin eh, mabinat daw, grabe na talaga sila kaalaga sa akin ahh. 

Pagbukas ko ng pintuan, isang sobrang dilim na silid ang sumalubong sa akin, grrrrr!!! 

*Dug dug dug dug*

Baka may aswang umayyy, palapit na sina Annah kaya kinapa-kapa ko ang switch ng ilaw saka binuksan ito agad-agad. 

*Poopppppp*

*Pokkkkkkk*

*Pokkkkkk*

"WELCOME HOME LYNNNNNNN!!!"

"WELCOME HOME NAKKKKKKK!!!"

"ATEEEEEEEE!!!"

"SISSSSSS!!!"

Sumalubong sa akin ang putok ng confetti, ang sigawan nga mga taong mahalaga sa akin. I'm out of words to say. My expressions express what I felt. 

O-O

O-O

O-O

Napahawak ako sa bibig ko at napaupo dahil sa gulat, shemayyy!!!!

Nandito sila ni Inay at Itay pati mga kapatid ko, sinong nagpakulo nito????

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni inay, itay at mga kapatid ko at niyakap ako kaya di ko sinayang ang pagkakataong yakapin ng sobra dahil sa tuwa at saya na aking nararamdaman. 

"Tahan na inday, nakakasama 'yan sa bata," sabi ni itay para ngumiti ako na umiiyak. Pinahiran naman nito ang aking luha. Sobrang saya, ang saya-saya talaga. 

Pinatayo ako ni mama at tumingin sa kanila, may malaking naka-tarpaulin na,  " WELCOME HOME LYN" kasama ng mga pictures ko. Sa lamesa may handaan pa talaga, may lechon belly, desserts, fruits at kung anu-ano na mga pagkain. 

"Salamat sa inyo," tanging nabanggit ko lamang sa kanila. Nandito sila Zander, boyfriends nila, si Grace, sila inay.

"Yeheyyyy welcome home rin sa amin HAHAHA," biro nila Joli at pumasok na rin silang apat.

Owshiii, ang saya ko now, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Alam kong sina Grace na naman ang may pakulo nito, hindi talaga sila nagsawang surpresahin at pasayahin ako.

Ang saya pero may kulang, despite of how happy I am, may nararamdaman pa ring kurot at hapdi sa dibdib, 

Ikaw na lang ang kulang Langga, 

"OHH BAKIT NAIIYAK ANG LANGGA KO, SINO ANG UMAWAY SA'YO?" 

*DUG! DUG! DUG! DUG! 

Parang tumigil ang luha ko sa pag-agos ng marinig ko ang boses niya. 

Hindi ko alam ang gagawin pero gustong-gusto ko ng makita, mayakap, mahalikan, mahawakan. 

Kahit na halos humahagulgol ako sa iyak, lumingon ako kung saan narinig ko ang boses niya, God knows how much I miss him.

Napakagat na lang ako sa labi ng makita ko siyang nakangiti na may dala-dalang isang bouquet ng bulaklak palapit sa akin. 

"Ayiiiieeeee!"

"Akala mo wala na siya 'ano yiiiee!"

"Asuusssss!!!"

"Ngingiti na 'yan,"

"Ateee pogi ng kuya ko ahhh!"

"Dalaga ka na talaga Inday,"

"Owshiiii sweet,"

Di ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila. Nakapukos lang ako sa paglapit niya. 

"Tahan na, papangit niyan si baby," sabi niya ng makalapit sa akin. Umiyak na lamang ako at walang anu-anong niyakap ko siya ng sobrang higpit, 'yong tipong di masasaktan si baby. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko na maramdaman niya kung gaano ko siya ka-miss! 

"Langga Hushhh na, I'm really sorry sa ginawa ko sa'yo," bulong niya sa akin. Hindi pa rin ako sumagot, tanging iyak lamang. Wala akong masabi, hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko nawala na siya sa akin. Goshhh!  Maraming-maraming salamat Papa God,  I love you talaga mwuahhhh! 

"Sige kumain na tayo, hayaan na natin muna sila, their moments yiiieeeee!" Narinig kong sabi ni Grace at ang mga tawa at asar nila. Pero wala akong paki, basta ang alam ko gusto kong dumikit at yakapin ang lalaking ito. It might sound OA pero he is my strength. Lumalakas ako pag naandiyan siya. Mahina kasi ang tao pag mahina ang puso, kaya kapag ang puso na ang masugatan sigurado lahat ng bagay maapektuhan. 

"Hushh na, start from this day palagi na akong nasa tabi mo," bulong niya para kumabog ng sobra ang dibdib ko dahil sa tuwa. 

"Ang laki na pala ng tummy mo, bakit mo pa kasi nilihim sa akin ito, don't you trust me?" Tanong niya habang pinasok niya ang kamay sa suot ko at hinimas-himas ang tiyan ko, naramdaman ko naman ang paggalaw ni baby, owshii seems nagustuhan niya si Evans. 

"Y-you know, n-natakot lang akong mawala ka. S-sorry Gaaaaa," pautal-utal kong iyak. Thanks God, it's mean na tanggap niya na ako kung ano ang dinadala ko. Nagiging sang-ayon na ang lahat. 

"Shhhhh okay na, atleast may anak na tayo agad diba, if only you let me as the father of this child," sabi niya para napapapikit na lang ako dahil sa sobrang saya na aking nararamdaman. 

Kumalas ako sa yakap at nakangiting hinawakan ang dalawang pisngi niya. Sino ba ako para tanggihan iyon. 

"Of course naman you can. I love you," sagot ko sa kaniya. Parang kami lang dalawa dito kahit na alam namin na maraming makakita at makarinig kung ano ang ginawa namin. 

"Ohh that's good, thank you. So magiging daddy na ako? YEHEYYYY THANK YOUUUU!!!" Di ko inasahan ang magiging reaksiyon niya. Damang-dama ko talaga kung gaano siya kasaya, sumigaw pa talaga para maagaw ang pansin nila. 

"Yesssss! Iloveyoumoreeee," sambit niya at walang anu-anong niyakap ako ng mahigpit at saka hinalikan ako sa noo.  

Goshhh!  Nagiging okay na ang lahat. Maraming-maraming salamat talaga. The best day of my life!!! 

Thank you God!!!