Chapter 29 - TVMAE 28

Chapter 28:

I Miss Him

Lyn POV

"Kain na Lyn," ikailang ulit ng sabi na 'yan ni Annah sa akin. Wala akong ganang kumain, wala akong nararamdaman na gutom sa aking sikmura, tanging ang naghihingalong dibdib acckk!

Lord bakit di niyo pa binigay sa akin 'yon? Alam kong mali magtanong sa iyo, siguro nasaktan lang ng sobra.

Tumalikod ako sa kanila, humarap ako sa puting pader. Ayaw kong makita nila akong nagdadalamhati pa rin. Alam niya ba, alam niya ba ang nangyari sa akin? Ganiyan na ba siya kaayaw sa akin para hindi bigyan ng pansin.

Langga, miss na miss na kita :(

Napapapikit na lamang ako sa aking naiisip, alam kong bawal sa akin ang ganito, pinipilit ko nga eh pero di talaga, wala kang magagawa kapag puso ay nasugatan.

Napatakip na lamang ako sa bibig ko para hindi makalikha ng ingay, sumisikip na naman ang dibdib ko sa sakit at nagsiunahan ang mga luhang kanina pa gustong kumuwala pero pinipigilan ko.

Miss ko na siya sobra.

Miss ko na ang mga yakap niya.

Mga halik niya.

Ang amoy niya.

Miss ko na kung paano niya ako itrato.

I miss you so much Ga,

I miss you Evans,

I'm really sorry for causing you pain.

"*hik*" di ko napigilan ang emosyon ko at napahagulgol ako sa iyak.

"HUHUHUHUHU," wala na, di ko na alam kung paano titigil ito. Ang sakit kasi, alam niyo 'yong parang pinipiraso-piraso ang puso mo, ang sakit lang ackkkk!

Now I know kung ano sa pakiramdam ang mga ito, parang kailan lang nababasa ko lamang ang mga ito, ngunit ngayon nararanasan ko na talaga. Ang sakit pala. ︶︿︶

"Lyn?"

"Shak are you okay?"

"May masakit ba sa iyo?"

"Hushhhhhhh,"

"Please calm down hushhhh,"

"Lyn listen to us, huwag masyadong magpapadala sa emosyon, nakakasama 'yan sa inyo ni baby hushhhh na,"

"Hussshhhhhhh!"

Pilit nila akong pinapaharap sa kanila, pero nagmamatigas ako. I tried naman, I try na wag na lang isipin ang nangyari at siya pero hindi eh, kaya pasensiya na kayo. Alam kong madami na kayong ginawa para sa akin, ayaw ko na dagdagan ang problema niyo.

"Hey Lyn, hushhh na pleaseeee," napaiyak ako ng sobra ng niyakap ako ni Joli. Bakit ganoon? Kapag may mag-comfort sa iyo, mas lalong napapaiyak ka.

"Hushhhh tahan na, magiging okay rin ang lahat, okay," sabi ni Grace at hinahagod ang likuran ko.

"Inhale, exhale ka nga diyan sis," Elle.

"Mas mabuting sabihin mo sa amin kung ano ang 'yan," Jane.

"Huwag ka na nga iiyak diyan, naiiyak na rin kami ehhhh," drama ni Annah. Hayyyysss ang mga saviours ko sa buhay talaga.

"Hushh na diyan, sige ka gusto mo paglabas ni baby sa tummy mo nakasimangot," biro ni Elle kaya natatawa ako na naiiyak aishhhhhh sabi ko nga.

"Sira ka talaga Elle pfftt," natatawang sabi rin ni Jane ammmp, okay they win, it made me smile.

"Ayan, ngiti ka lang, para kapag lumabas ni baby nakangiti rin yiiieeee," parang timang na sabi ni Elle para ngumiti ako ng tuluyan, one of my precious.

"Sige na kumain ka na para di lang nakangiti si baby, healthy pa," dagdag pa ni Annah, ayytt sorry baby.

"Ayan here kainin mo ito, then after drink your milk and eat fruits," narinig kong sabi ni Joli kaya pinahiran ko muna ang mga luha ko tapos umayos. Sumandal ako saka nilagay ni Grace ang overbed table at nilagay ni Joli ang kakainin ko, may rice, vegetable soup, one slice of fried fish, one glass of milk and fruits gaya ng one slices of watermelon, slice ripe mango, slices apple, two bananas at saka tatlong bahagi ng orange lamang.

"Uubusin mo ang lahat na iyan Lyn, pambawi ng lakas," sabi ni Jane, ackk why so all bossy.

Alam niyo 'yong makakain ka na lang dahil ang bossy ng mga kasama mo. 'Yung tipong may parusa ka kapag di mo sinunod ang mga gusto nila ackkkkk!

Hindi na lang ako umimik at nagsimulang kumain. They just gave me thumb up sign saying na very good.

"Eat well Lyn," sabi ni Grace, ngumiti na lamang ako while chewing my foods. Tumango ito at saka bumalik sa dating ginagawa.

Grace POV

A few minutes ago, natapos ng kumain si Lyn. Eager na eager na talaga ako, kaming malaman kung ano ang pinag-usapan nila ni Isaac kahapon. After kasi raw nilang nag-usap nagpahinga agad si Lyn kaya di na lang nagtanong sila Annah. Hayysss hayaan niyo na, broken 'yan ehh.

"Alam kong may itatanong kayo sa akin pfftt," ngising sabi ni Lyn para maagaw ang pansin namin. Of course alam niyang may lahi kaming marites pero marites within our lives, may gano'n? Siyempre mayro'n kami bleee.

"At alam mo na rin kung ano ang tanong namin," dagdag naman ni Jane. Siyempre kilalang-kilala na ang isa't-isa eh.

"Pffftt your curiosity will drive you crazy, sabi nga nila," pang-aasar ni Lyn while eating banana. Ayan banana is one of the fruits we needed everyday.

"Sinabi mo pa ammmp," segunda ni Joli. Pfftt nababaliw na talaga, nababaliw na sa kakaisip kung ano ang pinag-usapan nila ni Isaac, bakit pa kasi may pa talk in private pang nalalaman ammmp!

"Pfttt relax," asar ni Lyn ulit. Pa-suspense pa eh.

"So, sabi ni Isaac kahapon na," putol niyang sabi ng sumubo siya ng saging aytttt.

"NA?" Koros namin na tanong, aytttt pabitin talaga.

"Sabi niya sa akin kahapon na, he wants to have a connection for this baby, gusto niya na kahit papaano ay magiging part siya nito, sabi ang parents niya hiningian na raw siya ng anak ammmp," sabi niya ng walang putol-putol. Nakatuon lamang ang atensiyon namin lahat sa kaniya, marites na kung marites ammmp.

"Bakit hindi na lang siya gagawa in a purpose talaga," sambit ko sa kanila. Bakit di na lang siya gagawa diba? Yeah we can't deny the fact na without his seeds hindi magkakaroon ng baby, but again sana di rin makakalimutan na isang aksidente lamang ang lahat.

"Kaya nga, bakit pa siya magsasayang ng panahon dito," sang-ayon ni Joli. Kung gugustohin niya talaga, magagawa niya naman aright,

"You know what, maybe Isaac is a kind of playboy, jerk but he has a good heart seal inside," salita ni Lyn para magulat kami. Paano niya nasabi?

"How come you come up with that conclusion?" Tanong ni Jane sa kaniya. Jane is Isaac cousin so maybe dunno.

"Wala lang ramdam ko lang, diba alam niyo naman na gano'n siyang tao, pinagtabuyan natin diba na di niya kailangang panagutan ito. If he's totally jerk then bakit di niya hinayaang mabalewala niya lang ito, try to think with it," sagot ni Lyn. Tama, she has a point naman.

" Madali lang kasi manghusga, kung ano ang nakikita sa labas 'yon ang paniniwalaan natin," dagdag niya pa. Nanatili lamang kaming tahimik at naghihintay sa mga sasabihin niya pa. She's always has a point.

"Ako naniniwala ako na may kabaitan din iyan sa loob, naniniwala ako na may rason kung bakit siya nagkaganiyan, maybe his past," sabi niya ulit. Iba talaga ang takbo ng isip mo Lyn.

"Yeah, you're right," eksena ni Jane para sa kaniya naman kami nakatuon.

"You mean?" Tanong ko sa kaniya.

"Few years ago, Isaac is victim of fake love," kuwento ni Jane dahilan para di ko alam kung ano ang magiging reaction ko. I won't deny na isa ako sa mga humusga kay Isaac sa pagiging ganiyan niya, shakkk!

"Say what?" Gulat na sabi ni Joli. Sino ba'ng hindi magugulat ackk!

"Isaac once a very kind, cheerful and a good son. Wala ka talagang maging problema sa kaniya. He's very in love sa girlfriend niya. His girlfriend is just simple, that's why na ginawa niya ang lahat para dito, binigay niya lahat ang mga luho at mga gusto niya. Not until the girl cheated on him worse is sa kuya niya pa, ang sabi ng girl ginawa niya lang daw tulay si Isaac para makilala ang kuya nito at maakit. After that, nagbago na si Isaac, hindi na siya nakakausap ng maayos at di na niniwala sa pag-ibig. Umibig din siya ng lubos at sobra ngunit sakit at poot ang pinalit nito," Jane.

Speechlesss.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Nanatili kaming tahimik dahil siguro sa narinig namin, para kaming nilibing sa sarili naming hukay. Hindi ko akalain na may ganiyang karanasan pala si Isaac. Bakit ngayon pa lang kasi sinabi ito ni Jane. Di ko inaasahan 'to.

"Kung nagtaka kayo kung bakit ngayon ko lang ito sinabi, ayaw na ayaw na ni Isaac na marinig at makalat ito. Ayaw niyang malaman ang storya niyang ito, kaya kung maaari hanggang sa atin na lamang ito," pagsusumamo ni Lyn.

Pasensiya na Isaac sa mga pinapakita namin sa iyo ng masama. We judge you na wala namang sapat na basehan.

"At isa pa wag niyong bagohin kung ano ang trato niyo sa kaniya, makakahalata siya at patay ako nito," sabi niya ulit.

Tumahimik na lamang kami at tumango. May rason pala talaga kung bakit nagkaganiyan siya, pero di naman tama na gagawin niya ang mga ganoon sa mga babae, paglalaruan dahil may karanasan siya. Everything happens for a reason.