Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 11 - Kabanat 10

Chapter 11 - Kabanat 10

I feel exhausted. I just went out of the Veńu Restaurant. Katatapos lang ng meeting ko para sa isang Singaporean contract.

I moved my head from left to right. Sumakit ang leeg ko sa buong araw.

Nasa harap na ako ng sasakyan ko. Inilabas ko ang susi mula sa bulsa. Pumasok ako ng sasakyan. Hindi ko muna iyon pinaandar at isinandal ang katawan sa driver's seat. Hinilot ko ang sentido habang napikit ang mata.

Pagmulat ko ay napasulyap ako sa rearview mirror.

"Fuck!" gulat na sigaw ko.

Lumingon ako sa backseat ng sasakyan ko. Prente itong nakasandal doon at parang kanina pa ito doon.

"What on earth! How did you get in here. May super powers ka ba?!" walang kwentang sabi ko. Hindi na makapagfunction ng mabuti ang utak ko dahil na din sa gulat na makita siya dito. Kahit anino nga niya kanina hindi ko nakita kaya buong araw akong matamlay at walang gana.

"Sort of"

"Ano?" Pinagmasdan ko siya ng ilang sandali. "Nevermind. Pagod ako" masungit na sabi ko saka isinaksak ang susi sa ignition. Pinaandar ko na iyon paalis ng parking lot.

Wala akong imik. Paminsan minsan ay napapasulyap ako sa babaeng bigla bigla nalang sumusulpot. Mabuti sana kung nagpapakita naman ito kung kailan ko siya gustong makita. Pero hindi wala pa naman ako sa mood ngayon.

Mabilis kaming nakarating sa Condominium. Halos wala din itong imik na nakasunod lang sa likod ko hanggang sa makarating kami sa kanya kanyang unit. Binuksan ko ang unit ko ng walang isang sulyap sa kanya. Dirediretso akong pumasok sa kwarto at naghubad ng damit pagkatapos at tumapat na sa shower.

Matindi ang sakit ng ulo ko. Lalo na kanina sa Veńu restaurant. Si Rally ang hinayaan kong magclosed ng deal dahil may tiwala naman ako sa kanya. Ilang minuto kasi ako sa restroom kanina at daig ko pa ang may brain tumor sa sobrang sakit ng ulo ko.

Nang matapos ay pabagsak akong nahiga sa malambot na kama. Hindi na ako nag - abalang magsuot pa ng damit. Binalot ko ng comforter ang hubad na katawan. m

"Ara?" tawag ko sa labas ng kwarto nito. Ilang araw ko na siyang hindi nasisilayan. Ayon sa isang kawal na nakabantay malapit sa kwarto nito ay nasa loob na siya ng kanyang silid.

Wala akong narinig na tugon mula sa loob. Nakatulog na kaya ito?

Pinihit ko pabukas ang pinto. Nagulat ako na bukas iyon. Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at walang babalang pumasok sa loob. Maaaring tulog na ito ngunit nais ko lang siyang masilayan. Lumapit ang tingin ko sa kama nito pero wala ito doon. Malinis ang kama niya at walang bakas na galing siya doon.

Nasaan ito? Ang sabi ng kawal niya ay nandito lang ito at hindi pa lumalabas mula kanina.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong lumingon ngunit natulos bigla sa kinatatayuan. Maging ito ay ganun din. Ilang segundo at minuto lang kaming nakatingin sa isa't isa. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya. Maging ang pagtulo ng tubig mula sa buhok nito pababa sa maputi ang makinis nitong braso. Maging ang mga binti ay hindi nagpatalo. Nais kong punasan ang tubig na nakakapit sa katawan niya dahil sa inggit na naramdaman. Tumaas muli ang tingin ko hanggang sa leeg. Tumaaa ang sulok ng labi ko nang mapansin ang paglunok nito. Nakatapis lamang ito ng maiksing tela.

Kumurap kurap ito. Maging ito ay walang masabi pagkakita sa akin sa loob ng kanyang silid. Hindi ako sanay sa ganoong reaksiyon niya sa 'kin. Madalas ay wala akong mabasa sa mga mata nito tuwing magkaharap kaming dalawa.

"Ara" may intensidad ang pagtawag ko sa pangalan nito. Nais kong mapasampal sa noo ng makita ang pagpiksi nito. Ano bang nangyayari sa akin?

Nawalan ako ng kontrol sa isip ng ihakbang ko ang mga paa palabit dito.

Isa kang hangal! kastigo ko sa sarili.

Napansin ko ang nakabahid na gulat sa mukha nito sa ginawa ko.

"K-Kamahalan?" Nauutal ba siya. May epekto pa rin kaya ako sa kanya? Nagagalak ako sa kadahilanang iyon.

Palipat lipat ang tingin nito sa mata ko. Humakbang siya paatras ngunit nahawakan ko na ito sa braso bago pa siya muling umatras. Ang isang kamay ay pumalubot sa bewang nito.

Ilang dangkal nalang ang layo naman sa isa't isa. Natigil ako sa paglapit sa leeg nito.

"Lasing kayo, Kamahalan?"

Tama siya. Lasing nga ako bago nagtungo dito. Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Binabaliw ko ang sarili ko ng mga nagdaang araw. Wala naman itong ideya sa nararamdaman ko sa kanya pero bakit ako nagagalit sa kanya? Bakit iniiwasan ko siya? Wala itong alam. Wala itong kaalam alam sa totoong nararamdaman ko. Ngunit bakit ganito?

Nalulungkot ako sa kadahilanang wala siya sa harap ko para kumpletuhin ang araw ko. Kasabay din niyon ang takot na nararamdaman ko kapag nawala siya sa akin. Ilang digmaan ba ang susuungin niya ng wala akong takot na mararamdaman.

Kailan ba ako patuloy na mamumuhi sa kanya. Ngunit ang huling tanong ko kailang niya susuklian ang tibok ng puso ko na siya lang ang tanging hinahanap.

Nawalan ako ng malay. Ang yakap nito ang huli kong natatandaan bago ako bumagsak sa kanya.

Habol ko ang hininga. Para akong nawawalan ng bait habang sapo ko ang ulo at sumisigaw.

Bakita ko isinigaw ang pangalan na iyon. Sino ba siya?! Bakit mabigat ang nararamdaman ko sa dibdib pagkatapos kong mapanaginipan ang pangyayaring iyon.

Ara? Sino ka ba talaga.

Isang imahinasyon pero binabagabag nito ang isip ko.

Isang kalabog ang narinig ko sa balkonahe. Tumayo ako para sana buksan ang pinto ng balkonahe ngunit bumukas iyon. Nagulat ako ng makitang si Ckiara ang may kagagawan niyon.

Kumiling ang ulo ko at nagtataka sa reaksiyon ng mukha niya. Nakatingin ito sa kama ko at hindi sa mukha ko.

"N-Narinig ko ang pagsigaw mo. Nasa balkonahe ako kanina kaya akala ko ay may nangyari sayo. P-Pasensiya na"

Kinakabahan ba siya?

Pakiramdam ko nangyari na ito pero ito naman ang unang beses na nakita ko siyang kinabahan.

Tumikhim ito na parang may nais ipaalam ngunit hirap sabihin. Tumalikod ito at akmang aalis.

Nagulat nalang ako ng tumaas ang kamay ko para pigilan siya.

"Sandali!"

Shit! Bakit parang kinakabahan ako kapag nakikita ko siyang tumatalikod paalis. Naninikip din ang dibdib ko. Tuluyan ko siyang hila at niyakap patalikod. Nanigas ito sa ginawa ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

Alam ko ang pakiramdam na ito. Ang init na nagmumula sa kanya. Ganitong ganito ang reaksiyon ko sa panaginip na 'yon!

Ako nga ba iyon?!

"Ka-- Ahm- Magsuot ka muna ng damit" inalis nito ang dalawang braso na nakayakap dito saka nagmamadaling umalis.

Yumuko ako. Fuck!

Nakatayo ang bandana ng Pilipinas. Napapahiyang pumasok ako sa banyo.

***