I DON'T remember in my whole life, being embarrassed like this. I cursed silently as my gaze wandered back and forth on the road, and in the rearview mirror. Ckiara, on the other hand, was sitting comfortably in the backseat of my car.
Pinapanuod niya ang mga nagtataasang gusali na nadaraanan namin. Gusto kong isipin na ngayon lang siya lumabas ng ganito. Nakikita ko kasi ang paghanga niya sa mga nakikita.
Bumalik na naman ang alaala ko sa pangyayari kanina. Panay ang mahihina kong mura.
Teka? Ano naman kung nakita niya akong hubad. Hindi dapat ako naapektuhan ng ganito. Siya ang dapat mahiya dahil bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko ng walang babala.
Hindi iyon, Arrow. Ang dahilan ng pagkapahiya mo ay ang huling nangyari.
No. Shit! Shit!
Malamang ay naramdaman niya iyon nang yakapin ko siya mula sa likod. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Wala pang isang buwan ng makilala ko siya! Ngunit bakit sa tuwing nalalapit siya sa akin ay nais ko siyang yakapin ng mahigpit tulad kanina.
Ang pakiramdam na iyon ay parang kay tagal ko nang inaasam na maramdaman muli.
Nakakapanibago. Naninibago ako sa aking sarili. Unti - unting pumapasok sa balintanaw ko ang panaginip. Mahigpit ang hawak ko sa manibela.
Sinilip ko ulit siya sa rierview mirrorr.
Ipinasok ko ang kotse sa underground parking ng kompanya. Pagkatapos mai-park ang kotse ay mabilis akong umibis ng sasakyan.
Nagtaka ako nang sumunod siya sa akin patungo sa loob ng elevator. Hindi na ako nagkumento pa.
Namayani pa rin ang katahimikan sa apat na sulok ng elevator.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa 70th floor kung nasaaan ang opisina ko. Palabas pa lamang ako ng sumalubong agad ang sekretarya ko. Sinimulan niya akong basahan ng mga schedule ko ngayong araw habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Napasulyap ako kay Rally ng bigla na lang siyang mapahinto at tumigil sa pagsasalita. Napahinto na rin ako sa paghakbang 'saka ako kunot noon bumaling dito.
Doon ko naalalang kasama ko pala si Ckiara. Nasa likod ko lang siya habang inililibot niya ang tingin sa paligid animo pinag - aaralan ang bawat sulok. Doon ko naman napansin ang gulat na reaksiyon ni Rally kay Ckiara. Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya.
Bakit gano'n ang naging reaksiyon niya pagkakita kay Ckiara? Kilala kaya niya ito, o dahil siguro ngayon lamang ako nagdala ng magandang babae sa kompanya ko.
Tumikhim ako upang kunin ang atensiyon niya. Agad namang bumaling ang tingin ni Rally sa akin at humingi ng paumanhin.
Nagpatuloy siya sa pagpapaalala ng schedule ko hanggang sa makapasok ako ng pribadong opisina ay nagpaalam na siyang lalabas.
Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng kontrata. Ngunit walang tigil ang mata kong pasimpleng silipin si Ckiara na palakad - lakad sa opisina ko. Nawawala kasi ang konsentrasyon ko dahil sa presensiya niya.
Sunod - sunod ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko'y aatakihin ako habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Lalo na pagbukas at pagsara ng mapulang labi niya.
Kumurap kurap ako ng ilang sandali. Nakatitig siya sa nag - iisang painting na nakasabit sa dingding ng opisina ko. Nabili ko pa iyon sa France pagkatapos akong hilahin ni Bax sa isang convention doon.
The painting represents a Warrior wearing his armour. Ganumpaman hindi gaanong kita ang mukha ng taong nakasakay sa itim na kabayo. It's not that I fell inlove with the painting. It reminds me of my dreams. A bloody war and it's great warrior.
The painting was tittled The last war of the Warrior's King.
Ang magiting na kawal ang nagwagi sa labanang iyon. Kahit hindi kita masyadong naipinta ang mukha ay makikitang nagdadalamhati ito habang ang direksiyon ng mukha ay nasa isang katawan ng taong nakahandusay sa lupa.
Makikita mo palang ang larawan ay makakaramdam ka na agad ng mabigat na nakadagan sa dibdib mo.
Dahil iyon ang unang naramdaman ko nang unang beses kong mapagmasdan ang painting. Sa tuwing mapapadako ang tingin ko ro'n ay para akong nakakaramdam ng matinding kalungkutan. Kalungkutan na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman. Emosyong hindi ko kayang ipaliwanag.
I would've think I left someone I love in my past life just by looking at the painting. But it's impossible, right, I don't believe in reincartion or so.
Maybe, it's just the painting effects, humans emotion. Nakapagtataka lang na walang asignatura ang painting na iyon noong mabili ko. Hindi ko malaman kung sino ang magaling na puminta niyon.
Kalalabas ko lang sa panandaliang meeting. Iniwan ko sa loob ng opisina kanina si Ckiara. Wala naman siyang sinabi nang lumabas ako at hindi na sumunod sa akin.
Lumabas ako ng private elevator ko. Napatigil ako ng may marinig na boses, malapit iyon sa station ng sekretarya ko. Nasilip ko ang nakatalikod na bulto ni Ckiara kaharap niya and sekretarya ko. Hindi naman nila ako napansin.
"Kilala mo ba ako?" isang tanong na nagpataas ng kilay ko. Galing an tanong na iyon sa sekretarya ko.
Wala siyang nakuhang sagot mula kay Ckiara
"Sabihin mo kilala mo ba ako? Natatandaan mo bang nakita mo na ako?"
Kilala nga kaya siya ni Ckiara? Nakita ko ang pagkagulat ni Rally ng makita siya kanina.
"Anong gusto mong sabihin?" ani Ckiara. Nasisiguro kong walang mababasang reaksiyon sa mukha niya.
Sumandal ako sa pader na pinagkukublian. Nais kong kutusan ang sarili kung bakit ako nandito at nakikinig sa usapan nila. May gusto lanlg akong malaman.
"Huwag mong isipin na nababaliw ako 'pag sinabi ko ito sayo ngayon pero... ang pangalan mo ba ay... ARA?" nag-aalangan na tanong niya.
For a moment I frozed.
Ara.
The warrior in my dreams.
What the hell is going on?!
"K-Kasi... hindi ko kayang ipaliwanag... nitong mga nagdaang taon ay may kakaiba akong napapanaginipan tungkol sayo at sa isang lalaking kawal din na hindi ko masyadong makita ang imahe. H-Hindi ko alam kung gawa lang ng imihinasyon ko sa panaginip ngunit ang mukhang 'yan ay parehong pareho sa mga paniginip ko. Naging kaklase ba kita noon o nagkita na ba tayo? Kilala mo ba ako ..."
"...gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat nang iyon at maaaring likha ka lang ng imahinasyon ko pero nang makita kita kanina ay nagulat akong kamukha mo ang babaeng lumilitaw sa mga panaginip ko. Malinaw ang iyong mukha. Tandang - tanda ko pa."
Nahihiwagaan siya sa kaharap.
"Hindi. Hindi kita kilala o kailanman nakilala," tanggi niya kay Rally
"Pero.." halatang marami pa siyang gustong sabihin ngunit pinutol iyon ni Ckiara.
"Maaaring nilikha mo lang ang panaginip na iyon, o nakita mo na ako dati sa daan kung saan man at hindi mo lang iyon makalimutan o mabura sa iyong alaala"
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa.
"Gusto kong malaman ang pangalan mo?" muling tanong ni Rally animo nais makasiguro.
"Ako si Ckiara. But you can also call me Ara."
Narinig ko ang pagsinghap ni Rally. Maging ako ay naestatwa sa sinabi niya.
Ang pangalan niya at ang babae sa panaginip ko ay pareho sa sinabi nila.
Ang kaibahan lang sa panaginip naming dalawa ni Rally ay malinaw niyang nakikita ang mukha ng babae sa panaginip niya pero sino pa ang isang lalaking kawal na sinasabi ni Rally. Ang alam ko lang ay ang Ara sa panaginip ko at ang kasama niya ay isang hari. Minsan ay naiisip ko ding ako iyon at may espesyal na pagtingin ako sa kawal na nagngangalang Ara.
Ngayon ko lang din nalaman na may ganong klaseng panaginip din pala ang sekretarya ko.
Is this a coincidence?
Kumirot ang sentido ko. I need to call my grandmother as soon as possible.
Just who are you to me ARA? You're not an ordinary person.
And my dreams is like becoming true.
***