Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 13 - Kabanata 12

Chapter 13 - Kabanata 12

"Bilang sumunod na hari. Kakailanganin mong malaman ang lahat tungkol sa ating kaharian. Nandito lang ako bilang gabay mo, Aro" Masayang turan ng aking lola na siyang Reyna ng kaharian dahil lumisan na sa mundo ang aking magulang.

Ang tanging nalalaman ko lang tungkol sa kanila ay namatay sila sa isang digmaan noong sakupin kami ng isa sa malakas na kaharian.

Noong dumating na ang ika-16 na taong gulang ko'y itinalaga na ako bilang bagong Hari ng kahariang Vanwood. Kahit mahigpit ang pagtutol ko'y wala akong nagawa sa desisyon na iyon ng Reyna. Sa edad kong ito'y ang nais ko lang ay lumabas at maglakbay sa malayo.

Muling bumalik ang isip ko sa realidad nang tawagin ako ng Reyna.

Kasalukuyan kaming naglilibot sa buong kaharian. Sinisimulan akong turuan ng Reyna ng mga bagay na dapat ko daw malaman habang maaga pa.

Nakakatawa dahil halos sumunod na yata ang lahat ng kawal sa loob ng kaharian sa likod namin. Para bang anumang oras ay may mangyayari sa amin na napakaimposible naman dahil sa taas ng pader na nakapalibot sa aming kaharian idagdag mo pa ang libo libong kawal na nakabantay sa paligid.

Nais ko sanang magpahinga sa aking kwarto kaysa ang mag aksaya ng oras sa mga ganitong bagay ngunit hindi ko matanggihan ang utos ng Reyna. Isang katakot takot na sermon na naman ang maririnig ko mula sa kanya.

Habang patuloy parin sa mga leksiyon ang Reyna inililibot ko naman ang tingin ko sa labas. Naghahanap ang mata ko ng paglilibangan. Nasa west wing at mula sa naglalakihang bintana ay natanaw ko ang ilang kawal na nagpapaligsahan sa kanilang galing sa labanan.

Ang iba'y hindi mo mawari kung nag - eensayo o nanonood sa nagaganap na laban ng dalawang kawal sa gitna ng arena. kung bakit natigil ako sa paghakbang ay hindi ko alam.

Napahinto na ako ng tuluyan ako sa pagsunod sa Reyna at tinatanaw ko ang kaganapan sa labas. Sa lawak ng Arena ay tanging sa isanig tao lang nakasentro ang tingin ko.

Sa ilang beses na pagpuslit ko palabas ng kaharian para pumunta sa Arenang ito at makipagbuno sa mga kawal ay ngayon ko lang ito nakita doon.

Sa arenang iyon sinasanay ang mga bagong kawal. Ang ilan sa kanila ay maaaring tagabantay ng palasyo o ipapadala sa isang digmaan. Alin man sa dalawa ay siguradong mamalasin siya sa huling binanggit ko. Ang kapansinpansin ay kung bakit nandito  ang taong iyon. Bakit siya nakikipagsanay sa mga kalalakihang naroroon upang maging mga kawal.

Sino siya?

Lumapit pa ako sa bintana ng makita ko siyang sipain sa sikmurain ng kalaban nito.

"Haring Aro?" pukaw ng reyna sa kanyang apo. Paglingon kasi nito ay wala na ito sa kanyang tabi. Iyon pala ay tumigil ito at nanonood sa kaganapan sa labas.

Kumislap ang mata ng reyna ng makita ang reaksiyon ng apo ng biglang matumba ang isa sa mga kawal na nagsasanay sa Arena. Iyon ang unang reaksiyon na nakita nito mula nang mawala ang kanyang magulang sa malagim na trahedya. Pag-aalala para sa isang tao..

Dahan dahan itong lumapit sa apo.

Si Aro parin ay diretsong tingin sa dalawang kawal na hindi parin tumigil sa pakikipagbuno gamit ang kanilang kamao at paa bilang panangga. Nagsigawan pa ang mga kasamang kawal ng uminit na ang laban sa pagitan ng dalawa. Kahit malayo ay tanaw parin nila ang nagaganap sa Arenang iyon.

Lihim na napalunok si Aro ng ihagis ng kalaban ang babaeng katunggali.

Lumakas naman muli ang sigawan.

"Ara ! Ara ! Ara !" kapwa isinisigaw ang kanilang kasamahan.

Ara? Iyon ba ang kanyang pangalan?

Ang normal na tibok ng puso niya kanina ay bumilis nang makitang sipian ito ng kalaban ngunit bigla iyong tumigil ng marinig ang pangalang isinisigaw nila.

Nasisiguro ni Aro na ang batang babae na iyon ang siya ding nakita niya noon. Madaming tanong ang pumapasok sa isip niya isa na doon ay kung bakit ito naroroon ngayon. Dapat ang isang gaya nitong babae ay nasa kusina ng palasyo at nagsisilbi sa kaharian. Ano ang dahilan at naroon siya sa Arena at nagsasanay bilang kawal nila. Kailan pa pinahintulutan na sanayin ang mga kababaihan at gawing isang kawal. Sino ang gumawa ng desisyong iyon?

Nais kong pagalitan ang sinumang nag - utos na ipasok siya sa loob ng Arenang iyon. Ang mas nakakainit pa ng ulo niya ay ang katunggali nito ay isang lalaki! Paano nagawang saktan ng kawal na iyon ang isang babae!

'Tumigil ka, Aro!' saway ng isang bahagi ng utak niya

Ano bang pakialam ko sa bagay na iyon. Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Natuto akong huwag makaramdam ng mga ganitong klase ng pakiramdam. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalaya sa kulungang ito. Pero sa simpleng galaw lang ng taong iyon ay agad bumibilis ang tibok ng puso ko. Sino ba siya para gawin ito sa akin. Bakit pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala.

"Kilala mo ba ang batang iyon?"

Isang tanong na umagaw sa magulong isipan ko. Umiling ako sa Reyna bilang sagot sa tanong niya. Wala akong boses para magsalita.

Ngumiti ito.

"Nagulat ka ba dahil ang batang babaeng iyon ay kasali sa mga kawal nating sinasanay" Tumigil muna ito at muling tumingin sa akin bago muling ibinaling ang tingin sa arena o sa batang babae. Nasisiguro kong magkalapit lang ang edad namin ng batang iyon.

Nagsimula itong magkwento.

"Kung iyong natatandaan namatay sa digmaan si Heneral Alvarro laban Sigfried. Itinuturing siyang magiting na mandirigma sa ating kaharian dahil sa ilang beses na pagkapanalo. Isa siyang mabuting Heneral at mabuting kaibigan ng iyong amang si Haring Gavar. Nakakalunggkot lang dahil maagang nabawian ng buhay ang iyong ama.... "

Nagpatuloy ito.

"Mula ng namayapa sa mundo si Heneral Alvarro isang taon na din ang nakakaraan. Dumating sa akin ang balitang nagkaroon pala siyang ng isang anak. At siya ang batang babaeng nakikita mo ngayon sa Arena. Aro, tulad mo naulila din ang batang 'yan sa magulang maagang nawala ang kanyang ina dahil sa matinding karamdaman at ang masakit pa ay pati ang kanyang ama ay nawala rin sa kanya dahil lang sa pagtatanggol sa ating kaharian. Masakit para sa akin iyon kaya agad akong nagmadali at hinanap ang batang nakikita mo na ngayon mula sa malayo... "

Kung ganon siya ang dahilan kung bakit naroroon ngayon ang batang babae. Pero bakit na Arena ito?

Iyon ang gusto kong marinig dito.

"Aro, tandaan mo. Ngayong isa ka nang Hari ng Vanwood. Tulad ng mga batang nasa Arenang iyan at sa mga kawal na patuloy na lumalaban para sa ating kaharian magsilbi ka sanang isang Haring walang kahit anong takot at may pag - asa para ating sinasakupan. Dahil ang batang si Ara... nakikita ko sa kanya na magiging isa siya sa magiting na mandirigma tulad ng kanyang ama. Iyon ang gusto niya, Aro, ang maging tulad ng kanyang ama at ipagtanggol ang nasasakupan. Alam kong hindi mo gusto ang posisyon mo ngayon dahil bata ka pa ngunit sanay magsilbing aral sayo si Ara--"

"Ano ang nais niyong ipahiwatig, Mahal na Reyna" putol ko sa sasabihin niya.

Kung ganon ay kagustuhan ng batang iyon na maging kawal tulad ng kanyang Ama?

Nasisiguro ko ding alam ng Reyna ang gusto ko at malaki ang pagtanggi ko sa posisyong kinaroroonan ko ngayon. Hindi din naman ako makakatanggi dahil ako na lamang ang natitirang Vanwood.

Gusto din ba niyang ipahiwatig sa akin na maging tapat at magsilbi din sa aking nasasakupan gaya ng Ara na iyon?

Sandali akong natahimik.

"Pagdating ng panahon kapag naging magaling na Hari ka na sa ating nasasakupan. Sa itinakdang panahon magpapakasal ka sa babaeng gusto mo..."

Parang mahika na may pumasok and isang ideya sa isip ko ng banggitin niya ang isang salita na nasisisguro kong magpapabago ng buhay ko. Nagawa kong gumawa ng desisyon ng isang minuto lamang.

Isang mahiwagang ngiti ang lumabas sa aking labi.

"Alam ko kung anong nais niyong ipahiwatig. Gusto niyong yakapin ko ng buo ang pagiging Hari at tuluyang maging tapat sa aking mga tungkulin, ganun ba? Kung ganon gusto ko... GUSTO KO ANG BABAENG IYON"

Ituro ng aking mata ang direksiyon ng batang babae. Ito na ang nagwagi sa laban. Nagmamadali itong naglakad palayo sa mga kasama. Ang napansin ko lang ay parang hindi ito masaya na nanalo ito hindi gaya ng mga kasamahan nitong masaya para dito.

Malungkot kaya ang araw niya?

"Aro..."

Napangiti ako sa naging sagot ng Reyna.

At nasisiguro ko ngang tuluyan nang mababago ang buhay ko.

Ara....