Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 15 - Kabanata 14

Chapter 15 - Kabanata 14

"Siya na ba ang hari?" ani ng isang kawal na nasa murang edad pa lang. Napakabata para maging isang kawal. Karamihan kasi sa mga kawal na sinasanay ay mga ulila na't mga pinabayaan na ng kanilang mga magulang.

"Ayon sa naririnig kong usapan sa palasyo, bata pa siya noong italaga siya bilang hari ng Vanwood"

"Talaga?" hindi naman makapaniwalang sabi ng isa. Ngayon lang kasi sila nakapasok sa Palasyo ng Vanwood at tanging sa Arena o sa kanilang tulugan lang ang napapasyalan nila kaya wala silang ibang alam tungkol sa mismong loob ng Kaharian. Naeengganyo ang mga itong malaman ang tungkol sa Reyna at ang bagong hari na kanilang pagsisilbihan.

"Ssh! Tumahimik kayo baka marinig tayo ng ibang opisyal. Kapag nangyari iyon kalahating pagkain lang ang isisilbi sa atin bilang parusa" saway ng mas nakakatanda sa kanila na sinamahan pa ng pagbabanta. Nanahimik naman ang mga ito dahil sa takot na magutom. Sakto naman ang pagdating nang mga kawal kasunod ang dalawang maharlika ng Vanwood.

Nagsiyukuan ang lahat bilang paggalang sa dalawa.

Agad na tumutok ang mga mata ni Arrow kay Ara.

Nagpiyesta ang kalooban ni Arrow nang makita ng malapitan si Ara.

Ara is quite and distant. Nakayuko lang ito sa isang tabi na parang may sekretong itinatago sa lahat.

Akmang lalapitan ito ni Arrow nang marinig niya ang pagtawag ng pangalan niya...

"Arrow!"

HE woke up from the strange dream. Someone is calling him.

"ARROW, Arrow, Aro! Dammit it! Wake up, man! Dont you fuckin' die on me! Malapit na tayo sa hospital. Hang in there!"

I heard noises around me.  The sounds of.. ambulance? Who's hurt? Shouts is everywhere.

"Faster ! shit!"

Who's that?

Bax? What happen?

I can't see anything?

Kadiliman ang tanging nakikita ko at para bang hindi ko kontrolado ang katawan ko.

Where am I?

Anong nangyari? Why can't I remember anything.

Then it went totally black until i heard noises again.

"He's losing a lot of blood! Call the Doctor now! Unahin niyo muna ang kaibigan ko!"

Narinig ko ulit ang mga sigaw ni Bax. Nasa Hospital na ba kami? Base sa naririnig kong kaguluhan ay hindi lang ako ang dinala sa hospital.

"Ano pong nangyari ?" usisa ng isang matandang pasyente

"Aksidente. Bumangga po sa isang bus yung kotse. Hindi ko nga alam kung anong eksakto ang nangyari basta sinubukang iwasan nung driver ng kotse yung bus ganun din yung driver ng bus kaya lang huli na ang lahat. Mabuti nalang minor injury lang yung natanggap nung mga sakay ng bus. Yung driver ng kotse lang ata ang may malalang pinsala." Sagot ng emergency rescuer.

"Siya ba yung driver ng kotse?" Tanong pa uli ng matandang pasyente

"Oo. Bumaliktad kasi yung kotse nila."

Ilang ingay pa ang malinaw na narinig ko sa paligid.

Nanginginig na ang boses ni Bax nang muli itong magsalita sa tabi ko.

"Fuck it! Hell! .. Arrow, If only you'd take my advice. If only you hired tons of bodyguard just like I told you many times before. If only..If only... this isn't suppose to happen. I'm not blaming you, bud. It just that I feel like blaming myself that I didn't do anything when I know your in danger.  Shit! Huwag ka munang mamatay, Arrow. Paano na yung mga kayamanan mo. Sana bago ka mamatay ipangalan mo muna sa akin lahat ng assets mo kahit 'wag na yung condo mo na ikaw lang ata' ang nakatira. Tangina! kapag hindi ka pa gumising diyan tatawagan ko si attorney para itransfer sa akin lahat. I swear I'll kill those mother fucker for what they've done to you. They'll taste the sword of the devil"

Damn you! Bax. I didn't know your this dramatic. To think na parang nagpapaalam ka na sa akin.

I want to curse this bastard but I really can't move.

But I knew you cared. We're like brothers.

"Aherm! Excuse me, Sir. Dadalhin na po naman siya sa OR" imporma ng doktor na kararating lang at naabutan pa ang makadamdaming litanya ni Bax

"Fuck! You! Nakita mong kinakausap ko pa siya di'ba. At hindi ba dapat kanina pa kayo."

"Pasensiya na po, Sir. Dadalhin na po agad namin siya dahil madaming dugo na ang nawala sa kanya."

"Alam ko tinuturuan mo ba ako!"

"Hindi po, Sir. Kayo ba ang gagamot sa kanya?" Halatang naiinis na ang doktor.

"Hindi. Sige. Sige dalhin niyo na agad siya. Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko pasasabugin ko itong hospital niyo." Banta nito

Tumango lang ito.

Hindi na ito pinansin ng doktor at sinenyasan nalang ang nurse na sumunod sa kanya at nagbigay pa ito ng ilang instructions. Mabilis ang kanilang galaw. Nagpaiwan naman ang isang Nurse nang mapansin ang duguang braso ni Bax.

"Ayy Sir. Dumudugo po ang braso niyo. Gamutin na po natin at baka lumala, Sir. Huwag na kayong mag - alala sa kaibigan niyo. Maililigtas siya ni Doc."

"Hindi ako nag - aalala sa kanya."

"H-Ho?"

"Nag - aalala ako sa mga naiwan niya" Malungkot ang boses niya nang sabihin iyon.

Nalito naman ang nurse sa sinabi ni Bax.

"Ah.. Yung pamilya niya po ba ang tinutukoy niyo."

"Hindi. Ang ibig kong sabihin yung mga kayamanan niya. Nanghihinayang ako kapag

naiwan niya ang mga iyon. Hayy... sana pala sinabi ko sa kanya. Magkano na kayang naiipon ng isang iyon. Baka naungusan na niya ako"

"A-Ah hehehe." napamaang nalang ang nurse habang sinisimulang gamutin ang braso ni Bax na tulala na. Akala pa naman nang Nurse napakabuti nitong kaibigan dahil kaninang makita niya ito ay parang maiiyak na habang kausap ang kaibigan nito na duguan sa strecher iyon pala ay pera lang ang kailangan nito. Bumuntong hininga nalang ito dahil sa panghihinayang.

Sayang gwapo pa naman.

TUNOG ng heart monitor ang unang bumungad sa pandinig ko.

"Ugh! haaaHAHAHAAA" bigla akong napamulat ng mata, habol habol ko ang hininga. Sa unay hirap akong habulin hanggang sa unti unti ay naging normal na.

Ang puting kisame ang una kong nabungaran. Nasa hospital ako?

Totoo pala ang nangyari kanina. Si Bax ang nagdala sa akin dito at....

Sinubukan kong bumangon  pero hindi ko maikilos ang katawan ko pati na ang paa ako. Saka ko napansin na nananakit pala ang buong katawan ko para akong binagsakan ng ten wheeler truck.

Kahit masakit ang katawan ko'y pinilit ko paring iginalaw iyon. Nagawa kong isandal ang kalahating katawan sa headrest ng hospital bed. Napansin kong malaki ang kama maging ang kwarto kung nasaan ako ay kumpleto kung hindi lang sa amoy ng kwarto ay pagkakamalan kong nasa hotel ako at hindi sa hospital. Kagagawaan na naman ito ni Bax.

Speaking of that dramatic Bax. Lumitaw ang isang ulo sa pahabang sofa.

"Great! Your awake!" eksaheradong ani nito pati ang mukha ay animated pa.

"What do you think, bud. Do you like your hospital room? I paid for it! Well.. not exactlly. I used your card."  he laugh like it was a joke when it's not.

I was thinking he would ask if I'm fucking fine. He's really not a good friend!

Sumagi sa isip ko ang mga pinagsasabi nito noong critical ako. Paano kaya kung nalaman niyang naririnig ko ang mga pinagsasabi nito. Better not tell.

Kinapa ko ang ulo. Kaya pala parang may mahigpit doon ay dahil nakabenda iyon.

"Should I call the doctor?"

"Nahh. I'm fine" sagot ko na medyo garagal panang boses

"You sure?" he ask with a hint of concern. He was trying too act cool but at his  state he looks worst than me. His right arm was cast pati ang isang paa nito. And bruises at the side of his face. He's obviously lack of sleep. Magulo pa ang buhok nito na halatang hindi pa naliligo.

"Dalawang araw ka na dito. Ang sabi ng doctor baka mga ilang araw pa bago ka magising. Thank God! at nagising ka na.. iiwan na sana kita dito e." Ani pa nito. Gusto kong mapaikot ng mata.

Another one of his nonsense remarks.

Akala ko ay kanina lang iyon nangyari. Dalawang araw na pala ang nakalipas.

"Ckiara..."

Sumagi sa isip ko si Ckiara. Baka hinahanap na niya ako. Hindi nito alam ang nangyari. Akmang baba ako ng kama ng pigilan niya ako.

"Si Ara ba ang hinahanap mo. Nandito siya kanina."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa itinawag nito kay Ckiara.

The way he called her name makes me want to struggle him. Since when did they get close.

"Ara?" Even my tone change.

"Yeah. Ara. That's her name,  right?. She told me."

Nagdududang tinignan ko ito.

Kung tawagin nito si Ckiara ay parang matagal na nitong kakilala. Ilang araw lang naman noong una silang nagkita. Ano bang nangyari sa dalawang araw na wala akong malay.

"Saan siya nagpunta?" tanong ko nalang

Ngumisi pa ito sa akin na parang may gustong ipahiwatig.

"May binili lang."

"Binili? Anong binili niya."

Napansin kong madaming prutas, snacks at may isang supot pa ng take out foods sa mesa. In fact, pulos pagkain ang nakikita ko sa kwartong ito.

"Siopao"

"Siopao?" Sinamaan ko ito ng tingin. Sino lang ba  ang mahilig non kundi siya!

"WOAH ! Kung makatingin ka parang sasakmalin mo ako ah. Siya ang nagpumilit na bilhan ako non. I swear! " Kung masayahin lang akong tao baka natawa na ako sa galaw ng pagmumukha niya. Pwede na siyang maging comedian.

I think I should end our friendship.