Kabanata 15
"What happened?" I started to ask.
"You mean, who cause the accident?"
"Me?"
"Gosh! Don't tell me you have this.. Ah- temporary amnesia? Mabuti nalang hindi mo pa nakakalimutan yang sarili mo"
He's sarcastic but sounds gay. He's lucky I'm injured because all I could think right now is to struggle him to death.
"Hindi mo ba naaalala. We were chased by two cars. If you wanna asked me again who are they. Easy question! those are the people who wanted you dead, by the way" ngayon ay seryoso na ito.
I turned my eyes outside the window not far from the bed. I was trying to remember everything from the start. But I failed to do so.
"You're lucky I was there" he added.
I turned my head to looked at him again. He's right. Maybe I have this so called temporary amnesia because I can't really remember what happened.
Nakita nito ang blanko kong mukha.
"Hell! Don't tell me you really don't remember?!" Napatayo ito sa kinauupuan saka mabilis na lumapit sa kama ko. Nakalimutan na din nitong gamitin ang saklay. Parang hindi talaga ito kumbinsido sa sinabi ko kanina na wala nga akong maaalala sa nangyari at sa mga sinasabi nito.
"Not exactly. I remember everything except that incident. The last thing I remember is me driving the car... and" I was trying to remember ...pero wala talaga akong maaalala kahit pilit na hinuhukay ko iyon sa isip.
"and" he repeat and a little expectant.
"...and that was it"
Bumagsak ang balikat nito.
"Baka nagkaroon ka lang ng conccussion" hindi na ito umasa pa.
Paika - ika itong bumalik sa sofa habang may binubulong sa hangin.
"Pero mas mabuti ngang hindi mo na maalala pa"
I was about to ask what he just muttered but the door suddenly opened. Ckiara was standing by the door.
tuttututututut
My heartbeat went fast than the normal state. Good grace! My heartbeat is trying to betray me! Not so fast buddy!
"Good timing! Kanina pa ako nagugutom" Ang boses ni Bax ang bumasag sa katahimikan.
Bax snatch the plastic bag from Ara's hand. Hindi nga nito napansin na nagkatitigan kami.
This is the firsttime she looked at me with her bare eyes. I can't stop but to looked at her too. I was amazed by those eyes. Parang dinadala ako no'n sa ibang dimensiyon.
Damn her effect on me. I can't loose my self now lalo na at kasama pa namin si Bax. Aatakihin ata ako sa puso neto.
"Wow. This is so delicious! Where did you buy this, Ara" Si Bax na busy sa paglantak sa siopao.
I grabbed the pillow beside me. Gusto kong ibato iyon kay Bax dahil naagaw nito ang atensiyon ni Ara. She was looking at him now. And yes ! I'm getting jealous!
"Sa convenience store malapit lang dito sa hospital" she answered.
Napaayos ako nang makita ko sa gilid ng mata ko ang mabagal na paglapit nito sa direksiyon ko. Akala ko ay tatabi ito kay Bax.
Hindi ko mapigilang mapalunok.
This feelings is trying to betray me. What's wrong with me. Ako 'ata ang bakla sa aming dalawa ni Bax.
I nervously and unconciously touched my neck. It's the stupidiest thing I do. Why am I like this.
"Are you okay?"
Her voice is...
"Y-Yeah" F*ck nautal ba ako!
Phwew..
Hindi ko na pinagkaitan ang mata ko kaya tinignan ko agad ang mukha nito ng makalapit sa kama ko.
Ah I knew it. Her eyes is the most beautiful thing I've ever seen in my life. Sparkling brown eyes.
Yumuko ako para itago ang munting ngiti. But when I was about to looked at her eyes again. I noticed bruises on the side of her arm.
"You got bruises? Saan mo nakuha yan?"
Pareho kaming napatingin sa isa't isa at parehong nagtataka.
Bax who was unbothered and watching a while a ago, coughed continuosly. Napalingon ito sa direksiyon namin.
"Ah nadapa siya kahapon." sagot ni Bax
Nadapa?
Sinong madadapa at magagasgasan sa braso.
Definitely not Ara. I'm not convince.
Ara didn't responce to my question.
Nagdududa din ako kay Bax. Kanina lang ay parang wala itong pakialam sa kanila pero nang marinig nito ang tanong ko'y agad na sumagot ito.
"Did you did this to her" galit na sabi ko
"Oh c'mon! Mukha ba akong pumapatol sa mga babae. Well, mukha siyang lalaki pero babae parin siya, Aro. Don't me." pag - aarte nito.
Tinalikuran na niya ako ang itinuloy ang panunood sa telebisyon. Sinadya pang lakasan ang volume halatang umiiwas.
As for, Ara, alam kong hindi niya ako sasagutin kaya hinayaan ko nalang.
"I going back to sleep."
I sounded mad but who cares.
They're hiding something from me.
Nagising ako sa ingay sa paligid. Tumingin ako sa sofa.
Si Bax na nakataas ang dalawang paa sa coffee table habang nanunood parin. Kanina pa ba siya doon?
Wala na si Ara. Madilim na din sa labas. Ilang oras ba akong nakatulog? Nagsisi naman ako agad na natulog ako dahil wala na si Ara. Nakatulog ako sa inis.
"Gising ka na" pansin ni Bax
Obvious ba..
At bakit ba nandito pa siya? Wala ba siyang sariling kwarto.
"Galit ka ba? Hindi talaga ako ang gumawa non sa kanya, Aro, maniwala ka" pagmamalinis pa nito kahit wala naman akong sinasabi. Parang bata
Tinignan ko lang siya ng masama.
Napatawa naman ito. Saka pinatay ang telebisyon at humarap na sa direksiyon ko.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Nasa labas lang ng pinto si Ara. Kanina pa siya doon?"
"Anong ginawa niya doon?"
"Sinungitan mo kanina baka akala niya galit ka kaya lumabas noong sinabi mong matutulog ka " paalala nito. Hindi naman ako galit. Nainis lang ako dahil... Ah!
Nagdesisyon akong lumabas. Nakita naman ni Bax ang akma kong pagbaba sa kama kaya inalalayan niya akong bumangon kahit nananakit ang katawan ay pinilit kong ihakbang ang paa. Namamanhid parin iyon. Hinayaan na ako ni Bax nang makalabas ako sa pinto. Hinila ko ang dextrose sa isang kamay.
Agad na nakita ng mata ko si Ara. Nakatulog na ito habang nakaupo sa silya nakasandala ang ulo sa pader. Ilang oras kaya na ganun ang posisyon niya sa pagtulog?
Dahan dahan at walang ingay akong lumapit sa kanya. Lumuhod ako para pumantay sa mukha nito. Nakapikit parin ito.
Ang mukha nito ay parang ipininta. Napakagandang pagmasdan. Hindi nakakasawa.
Nanginginig ang kamay ko habang itinataas iyon upang alisin ang buhok na tumatakip sa isang bahagi ng mukha nito.
Bago pa iyon mangyari ay bumukas ang mga mata nito. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Kasabay non ang paghila sa akin sa isang dimensyon. Tumigil ang lahat. Napatayo ako.
Nasa isang madilim na lugar ako walang kahit na ano akong makita. Pulos kadiliman. Wala na si Ara.
Nasaan ako?
Sa isang iglap ay nagbago na naman ang paligid.
Madaming duguang katawan sa paligid. Umaagos ang dugo sa mga katawang iyon. Halos mahindik ako sa nakikita pero bago pa ako mabaliw sa nakita ay muling naglaho iyon sa paningin ko.
Dalawang tao. Nasa harap ko sila.
"K-ing Ar---" malakas na hinagpis. Isang babae umiiyak sa harap ng isang lalaking nakahandusay sa lupa.
"I--I l---love you" pilit na sinasabi nito sa babaeng malakas ang pag - iyak. Nakatalikod siya sa akin hindi ko rin makita ang mukha ng lalaki dahil yakap ito ng babae.
Pero bakit? Nasasaktan ako sa eksenang nakikita ko sa harapan. Sino ba sila?!
"No!!!!" sigaw ng babae.
"I-Im sorry" he said in his last breath
Namamanhid ako sa nakikita. Wala akong makapang reaksiyon. Ngunit malaki ang epekto niyon sa akin na parang ako mismo ang nakaranas ng sakit na iyon.
Nagulat ako ng tumayo ang babaeng iyon. Habang ang lalaki ay nasa lupa na at natatakpan na ang mukha ng pulang tela.
Pinulot ng babae ang isang mahabang espada sa paanan. Halata sa tindig ang pagsuko.
Bumigkas ito ng salita na hindi ko maintindihan. Pagkatapos non ay itinaas ang espada sa langit kasabay non ang kahindik hindik na eksena sa harap ko.
Bigla akong napaluhod. Nanginginig ang buong katawan. Pinapanunuod ko ang pagdaloy ng dugo papunta sa akin.
Bakit? Bakit nito winakasan ang sariling buhay.
Hindi ko sila kilala. Ngunit higit pa sa sakit ang nararamdaman ko ngayon habang pinapanood ang dalawang katawan na iyon na parehong wala ng buhay.
Bumalik ang kadiliman.
Pagmulat ko ng mata'y natagpuan ko ang sarili sa kama.
Hinahabol ko ang hininga. Pinagpapawisan din ako. Ang mga kamay ko'y nanginginig parin dahil sa panaginip na iyon.
Panaginip ba talaga iyon?