NASA screen ng TV ang tingin ko ngunit wala naman doon ang isip. Ang nangyari kanina sa opisina ay nanatiling nakaukit sa aking isip.
Posible bang nabuhay kami sa nakaraan at nagmula kami ilang daang taon na ang nakakaraan?
Imposible. Nasa realidad kami paano kami mapupunta sa nakaraan. Tulad nalang ng panaginip na iyon. Nagkataon lang na pareho kami ng napapanaginipan ni Rally.
Hindi ko rin natanong kung ano ang mga eksenang napapanaginipan nito o kung madalas ba iyong mangyari.
Ayon lang sa narinig ko na sinabi nito ay isang nagngangalang Ara at lalaking kawal ang madalas nitong makita.
Ilang tao ba ang pwedeng magkapareho ng mga panaginip.
Malamang na nilikha lang ng isip namin ang mga kwentong iyon. Sa dalas naming magkasama ni Rally sa trabaho dahil matagal ko na itong naging sekretarya at madalas na parehong tao ang mga nakakasalamuha namin sa araw - araw.
Maaari ko siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon ngunit dahil nasa opisina ko si Ckiara ay ipinagpaliban ko muna. Sa ibang pagkakataon ko ito balak na masinsinang kakausapin tungkol dahil aksidente ko lang namang narinig ang usapan nila.
Hindi ko rin ito maaaring biglain dahil magtataka ito. Kung si Ckiara naman ay mas lalong hindi ko siya pwedeng tanungin tungkol doon. Kailangan ko muna itong pag - aralan. Anong dahilan ng pagsulpot nito o kung totoong isa siya sa mga itusan ng lola ko para bantayan at protekkhan ako. Alam kong sa una palang ay may itinatago na itong sekreto sa akin. At iyon ay dapat kong alamin ko.
Nababaliw na sinabunutan ko ang sariling buhok. Nakakapagod mag - isip. Simula nang dumating siya sa buhay ko ay hindi na naging normal ang lahat maliban lang sa mga kaaway ko sa negosyo.
Nakarinig ako ng kaluskos.
Natigilin ako ng may mapansin sa paligid ko. Madalas pa naman akong alerto dahil sa mga pagtatangka sa buhay ko pero dahil sa Ckiara na iyon ay nakalimot ako. Kahit alam kong ligtas ang lugar na ito ay hindi dapat ako makampante.
Bigla akong napatayo sa sofa dahil parang may nararamdaman na nga akong kakaiba. Mahinang yabag iyon na nagmumula sa kwarto ko. Mahirap aninagin ang paligid.
Pinatay ko kasi ang lahat ng ilaw kanina at tanging ang ilaw na nagmumula sa TV ang tanging liwanag ko.
Sino naman kaya ang papasok sa kwarto ko? Intruder? One of my enemy?
Before I grabbed something to defend for myself I realize that something was off.
Why did'nt I notice that. Only Bax knows the code of my door.
With that realization, Bax reveal himself that almost had me an heart attack. Just fucking almost!
"Fucking Christ! Bax, What the hell are you doing in my condo!" Nasapo ko ang ulo dahil parang sumakit iyon ng magsimula itong tawanan ako.
"First, I forgive you for cursing me. Second, it's been 30 minutes since I came here at hindi mo man lang ako napansin because..." he re - acted. Lifted his hand and he even use his middle finger and made a ridiculous sign circling around his ear saying I'm hella' crazy.
"..you must be out of your mind. Lastly, that 30 minutes I was taking a shower and saw you again doing this."
He was at it again acting like it was actually i was doing. Ito ang pumalit sa sofang inuupuan ko kanina saka naman nito kinagatkagat ang dulo ng kuko nito pagkatapos ay magkakamot ng ulo. Tumingala pa ito sa kisame nang ilang segundo pagkatapos ay humarap sa TV ngunit tulala naman. Bigla nalang nitong sinabunutan ang sarili. Sadyang inaasar talaga ako.
Iyon lang ang huling natatandaan ko na ginawa ko nga dahil sa sobrang frustration.
"Seriously, Dude? Ayos ka lang ba? Kung kailangan mo ng kausap at kasama. Sabihin mo lang sa akin sasamahan kita sa Psychiatrist. Malala ka na, e. Epekto ba yan ng pagkakidnap sayo" tumawa na naman ito.
Hindi ko naman napapansin na ginagawa ko na pala iyon.
Ngayon pa niya nakita ang kabaliwan ko. Naupo ako sa tabi nito. Ito naman ay inabot sa center table ang remote at nagsimulang gawing laruan ang paglipat lipat ng channel.
Napansin kong suot na nito ang puting t-shirt ko at pajama. Mukhang kanina pa nga ito at hindi ko lang naramdaman dahil sa lalim ng iniisip ko.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit ito nandito ng ganitong oras pero nagkibitbalikat nalang ako.
Napapailing din ako nang makita ang travel bag nito sa pinto ng condo ko. Mukhang hindi matatahimik ang gabi ko.
Saan na naman kaya nanggaling ang isang ito. Madalas na nawawala ito at saka nalang sulsulpot bigla kapag hindi mo kailangan.
"Whats up. Did you take my advice to finally hire tons of bodyguards?"
This topic again. He always start with this everytime we see each other for a longtime. Parang nagpapakita lang ito sa akin para kulitin ako sa bagay na iyon.
Was it really a bigdeal hiring bodyguards kung sa huli ay sila din ang mapapahamak para protektahan ako. Alam ko kung gaano kalala ang mga kaaway ko keso pasabugin ang kompanya ko ay kaya nilang gawin. Doon naman muling pumasok sa isip ko si Ckiara.
"Hey. I was talking here, man. Kung pinoproblema mo lahat nang kayamanan mo kapag namatay ka na sa kamay ng mga kaaaway mo. Doncha' worry. I can take care of all your money and assets. Dahil wala ka namang anak sa akin mo nalang ipamana iyon. Hindi ka na lugi. This guy will take care of everything" Tinapik tapik ako sa balikat.
Tumawa ito na laging ginagawang kalokohan ang lahat.
Tsk.
Nagdesisyon akong iwan ito sa living room at dumiretso sa kwarto ko. Ayaw ko talagang kausapin ang isang iyon dahil nababawasan ang talinong taglay ko. O mas nakakabuting itakwil ko na lang siya bilang kaibigan.
PAGLABAS ko ng umagang iyon sa kwarto ko ay namataan ko na agad si Bax sa kusina ng condo ko. Nagluluto ito ng pancake na siya lang ata ang kaya nitong lutuin.
"Morning, bud! Bayaran mo nalang ako sa pancake na niluto ko. Aba't ngayon mo nalang ulit matitikman itong specialty ko."
Specialty. My ass!
Tinalikuran ko ito. 'I don't talking to you'
Hindi ko ito pinansin at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng tubig. Habang umiinom ay napansin ko ang mga gamit nito na nakaayos sa sofa.
Akala ko ay mananatili muna siya dito ng ilang araw bago na naman mawala.
Salubong ang mga kilay na hinarap ko ito.
"Are you going somewhere?"
"Yep. Overseas."
tipid na sagot nito na laging kong pinagdududahan. Magtatanong na sana ako nang ayain na niya akong mag-agahan
Sabay kaming lumabas ng condo. Pagkatapos naming kumain ay sinabi nitong sasabay ito sa akin dahil sa AraAirline din ako didiretso.
Paglabas na paglabas ay nakita ko na agad ang likod ni Ckiara kaya napahinto ako.
"Who's that? Do you know her, Arrow?" takang tanong ni Bax sa tabi ko. Sakto namang humarap si Ckiara sa amin ngunit hindi ito nakatingin sa akin - na hindi naman talaga nito ginagawa - kundi sa katabi kong si Bax.
Si Bax naman ay gulat na reaksiyon ang nabasa ko dito pagkakita sa mukha ni Ckiara. Ang reaksiyon na iyon ay parehong pareho kay Rally ngunit mabilis na nabura iyon at naging blanko ang mukha.