Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 9 - Kabanata 8

Chapter 9 - Kabanata 8

PALAKAD - LAKAD ako sa loob ng pinto ng unit ko. Hawak ko ang baba habang nag - iisip kung lalabas ba o hindi. Inis na isinuksok ko ang kamay sa bulsa ng robe ko.

Hindi na ako nag - isip pa at binuksan nalang iyon at lumabas. Nasa harap na ako ng pakay ko. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto. Sinusubukan ko ding pakinggan kung may ingay ba sa loob o wala. Napaayos ako nang tayo nang marinig ang pag - ikot ng doorknob.

Nagkunwari akong nakatingin sa may gilid.

Damn Arrow! Ano bang ginagawa ko dito!

Nagising nalang ako kanina na gusto ko siyang makita. Hindi na ako dinalaw ng kakaibang panaginip ko tuwing gabi. Imbes ay mukha nito ang nakikita ko. At hindi ako mapakali simula pa kanina. Sinubukan ko din itong tignan sa teresa pero nakasara iyon. Maaga pa kasi.

"Bakit?"

Mabilis ko itong nilingon. Para akong nakahinga ng maluwang. Nakakabakla!

"May kailangan ka ba?" tanong pa uli nito. Sa dibdib ko siya nakatingin. Walang balak salubungin ang tingin ko. Kahit naiinis ay pinilit kong kumalma.

"May pasok ako mamaya. Sasama ka ba sa'kin?" tanong ko dito hindi pinansin ang sinabi.

"Hindi"

"H-Ha? 'Di ba bodyguard kita!"

Nagkasalubong naman ang kilay nito sa sinabi ko.

"Ngunit wala akong sinabing isa akong bodyguard mo"

Wala nga pero yun din naman ang ibig sabihin ng sinabi nitong pinoprotektahan niya ako.

"Sabi mo kagabi utos ni Lola na protektahan mo ako, hindi ba" pagpapaalala ko dito sa sinabi niya kagabi.

"Tama ka. Pero hindi ko sinabing bodyguard mo ako. Kaya kitang protektahan ng wala ako sa tabi mo"

Pakiramdam ko napahiya ako sa sinabi niyang iyon.

"Kahit na! Magkapareho parin iyon. Inutusan ka ng Lola para bantayan ako. Dapat nasa tabi kita palagi" Shit! Anong bang pinagsasabi ko.

"Patawad. Ngunit hindi maaari ang iyong kahilingin--"

"Ayusin mo nga yang pananalita mo" Parang pinaparamdam niya sa akin na mataas ako dito kaya dapat akong igalang at sundin.

"I'm sorry. I will" bahagya pang yumuko. Medyo umayos na ang pananalita nito.

"Sinabi ba ni Lola na ganyan mo ako tratuhin?" naiiritang turan ko

"No"

"Then why the act"

"Dahil ganun na kita--" natigilan ito. Sinilip ko ang mukha nito.

"Ganun na ano?!"

Hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Hindi parin ako pwedeng sumama sayo. 'Wag kang mag - alala nakasunod parin naman ako lagi sa'yo"

Naging panatag naman ang loob ko sa sinabi niya. Sa tingin ko hindi ko naman siya mapipilit. Ginawa ko lang na rason iyon para makita ang mukha nito. Ang magandang mukha nito. Kung ngingiti lang ito papasa na siyang anghel sa langit. Pinigil ko ang sarili na mapangiti.

"Gano'n ba" tumatangong sabi ko sabay bulsa ng kamay sa robe. "Kumain ka na ba"

"Oo"

"O-Okay" sayang

"Maliligo na ako at magpapalit para pumasok na sa opisina" sabi ko. Bakit ko ba sinasabi ang gagawin ko. Tsk!

Hindi ito nagsalita.

"Papasok na ako sa loob"

Nanatili parin itong nakatingin sa kawalan.

"Pumasok ka na din"

Aba't pumasok nga ito! Hindi manlang nagpaalam sa akin.

Naiinis na namang pumasok ako sa loob. Kahit sa pagligo'y nagdadabog ako. I'm acting strange today ! Dammit !

Pagkatapos kong maghanda sa pagpasok sa opisina lumabas na muli ako sa condo. Wala akong naabutang tao doon maliban sa akin. Natural lang dahil binili ko ang buong palapag. Pero nasa kontrata na hindi ko pwedeng bilhin ang katabing unit. Ang babaeng yun pala ang nakatira doon. Maybe my lola pull some strings para nasa malapit lang cloakgirl na 'yon.

Hindi ko nga alam kung bakit dito ko piniling tumira. Nakakatakot kasi ang itsura ng condominium na 'to. Parang walang ibang nakatira.

'Buti nga hindi pa ito nalulugi hanggang ngayon. Ilang palapag ba 'tong gusali, thirty floors siguro.

Kakaiba ang eerie dahil minsan madilim sa hallway akala mo bigla nalang susulpot ang isang sadako pero ermitanyo pala na nakasuot ng cloak.

And the rent is also cheap. But this is the safest place I know. Hindi pa kasi ako kailan man binalak pasukin sa condo ko.

Pagsakay ko sa kotse ay pinakikiramdaman ko kung nakasunod nga kaya sa akin si cloakgirl. Pero ni anino niyo hindi ko nakita.

"Good Morning, Sir"

Paglabas ko ng elevator ay si Ms. Foiller agad ang bumati sa'akin.

Tinanguan ko lang ito.

Pumasok na ako sa opisina at ibinagsaka ang sarili sa swivel chair.

"Coffee, Sir?" my very efficient Assistant asks. Nagtaas ako ng tingin dito nakasilip ito sa siwang ng bukas na pinto.

"No need. Where's the file I asked you last night?"

"Give me a sec. Sir. Kukunin ko lang sa table ko" paalam nito

Wala pang isang minuto ay nasa harap ko na siya. Kinuha ko sa kanya ang file na hawak. It was a list of names.

Napangisi ako.

Ganito pala karami ang inalagaan kong ahas. Nagkalat sa Airline maging sa bangko ko ay meron din. Maliban lang sa ilang kompanya ko ay wala naman.

"Fire them immediately. 'Wag mong silang hayaang manganak pa sa loob ng kompanya ko, Rally" maawtoridad na sabi ko. "Especially, this person" Itinuro ko ang pangalan ng isang tao doon. Ang una sa listahan.

"Mr. Deque, Sir?" Pagkompirma nito.

"Yes. I don't care if his part of the BOD. I hate snakes in my own company" masama kong tinignana ang printed name doon. "Did you figured it out kung kanino siya nagtatrabaho?"

"No, Sir. According to the PI I hired mahirap daw malaman kung sino ang nag - utos para kidnapin ka. Ang nakita lang po sa CCTV sa parking ay ang pagbayad niya sa ilang security doon para makalabas ang van na sinakyan niyo kagabe. At ang ilan pay nasa listahan na ang sangkot sa tangkang pagpapasabog ng AraAirline noong isang linggo" paliwanag nito

Mabuti nalang at hindi na media iyon panigirado kasing puputaktihin siya ng mga reporter sa labas.

Kaagad siyang nagpadala ng Bomb Experts para matigil ang pagsabog ng bomba. Kung hindi lang siya naging maagap baka namatay na ang ilang pasahero na papunta sa Thailand.

Doon kasi ikinabit ang bomba. Gumawa lang ng alibi ang staff ko doon at kunwari'y madedelay ng ilang oras ang flight dahil sa mechanical problem sa plane.

-end of K8-