Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 1 - Prologo

The Warrior's King(Tagalog)

🇵🇭Hera_Valderrama
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 14.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologo

Europe

800 years ago...

Isang madugong digmaan.

Walang tigil na labanan.

Mga katawang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling dugo. Dalawang araw na din at wala paring tigil na patayan sa panig ng dalawang kaharian. Lahat ay pawang may ipinaglalaban.

Mapapansin ang isang babaeng walang kahit anong takot sa kanyang mga mata. Patuloy sa pakikipag espadahan sa mga kawal ng kaharian ng Micandre. Siya ang bukod tanging nakapaslang sa halos ilang libong kawal ng Micandre.

Tinatawag ito sa pangalang Ara, she's the warrior's King. Siya ang pinakamalakas na mandirigma sa kanilang kaharian.

Kanang kamay siya ng Hari, kung iisipin si Ara ay ipinanganak para protektahan ang sumunod na Hari. Maliit pa lamang ay nabuhay na sa mundo ng karahasan.

Wala itong awang pinapatay ang mga kalaban na humahadlang sa kanyang dinaraanan papunta sa Hari ng Micandre.

Ang ilan ay sugatan pero nagpapatuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Ilang kawal na ba ang namatay sa digmaan. Iyon ay hindi na mabilang sa dami ng katawang nakahandusay sa lupa. Dumadanak ng dugo. At parehong wala ng mga buhay.

Malapit na namang magtagumpay ang Vanwood ngunit makikitang iilan na lamang silang nakatayo at patuloy na hinarap ang kamatayan. Parehong mga handang sagupain ang kanilang landas para maipagtanggol ang kanilang kaharian.

Sigawan, hinagpis halo - halo ang mga pagdadalamhati ng mga taong nagsakripisyo ng kanilang mga buhay. Tanging si Ara at ang mga kasamahan ang patuloy paring nakatayo at lumalaban. Determinadong ubusin ang lahat ng kalaban na nais din silang wakasan. Dahil iyon ang utos ng Hari ng Vanwood.

'Walang dapat matira'  utos ng Hari

'Wala akong dapat itira' sabi naman sa isip ni Ara habang humahampas sa mga kalaban ang hawak na espada.

Isa itong digmaan sa pagitan ng Micandre at Vanwood. Nais sakupin ng Micandre ang palasyo ng Vanwood upang sila ang tuluyang maghari.

Ang Vanwood ang pinakamakapangyarihan na kaharian at nais iyon mapasakamay ng Hari ng Micandre.

Kaya pagsapit ng bukang liwayway ay nakahanda na ang mga kawal ng Micandre upang sakupin ang palasyo ngunit hindi nila inaasahang umulan ng napakaraming pana na may kasamang umaalab na apoy sa mga 'yon.

Isang ngisi ang lumabas sa labi ng hari ng mga Vanwood.

Napatay ni Ara ang hari ng Micandre wala itong kahit anumang tinamong sugat sa katawan kundi bahid lamang ng dugo sa suot na nakuha sa mga kawal na pinatay. Ilang mga buhay din ang tinapos ng espadang iyon.

Umalingawngaw ang malakas na sigawan tanda ng kanilang tagumpay. Itinaas ang mga hawak na espada sa ere at sumigaw pa muli ang mga kawal ng Vanwood na nanatili paring nakatayo. Tapos na ang digmaan.

Tumayo naman si Ara sa pagkakaluhod sa lupa sa harap ng palasyo.

Suot niya ang karaniwang armor ng isang kawal. Pumasok ito sa loob ng palasyo para ibalita sa Hari ang kanilang tagumpay.

Binuksan ng isang kawal na nagbabantay sa harap ng malaking pinto ng makita ang magiting na mandirigma.

Pagkapasok sa loob ay tumambad sa kanya ang bulwagan. Sa harap niyon ang Hari na nakaupo sa kanyang trono habang sumisimsim ng pulang alak sa hawak na kopita. Madiin ang pagkakatitig nito sa kawal na pumasok, si Ara.

Dahan - dahan at walang pag - aalinlangang naglakad palapit si Ara sa Hari.

Limang metro mula sa nakaupong Hari. Iniluhod ang isang paa at yumuko ito bilang respeto.

"Nais ko'ng ibalita ang ating tagumpay, Mahal na hari," magalang na turan ni Ara sa hari.

Sumimsim muna ito sa inumin bago nagsalita.

"Good. You may leave, Ara," tipid at may halog lamig sa boses na sagot ng Hari.

Hindi na tumingala si Ara sa Hari bagkus ay tumayo at muling yumuko bilang pamamaalam. Iniiwasan iyon ni Ara, ang pagsalubong ng kanilang mga mata. Hindi niya gusto ang mga matatalim na tingin ng hari sa kanya tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata.

Hindi alintana ni Ara ang duguang mukha. Mabilis na naglakad palabas sa bulwagan. Hindi nito napansin ang pag - igting ng panga ng hari na animo may lihim na galit dito. Hindi nito nagustuhan ang walang emosyong mata ni Ara.

Dumaan si Ara sa west wing. Nais dumiretso sa sariling kwarto si Ara upang magpahinga.

Ngunit malapit na siya'y nang salubungin siya ng reyna.

Si Reyna Elizabeth Vanwood. Ang Lola ng Hari.

Kahit may edad na'y taglay pa rin nito ang kagandahan. Subalit halata sa mukha ang pamumutla. May malubhang karamdaman ang Reyna.

"Ara," salubong nito sa dalaga.

"My Queen," sambit ni Ara.

Akmang luluhod si Ara pero pinigil ito ng pagyakap ng Reyna. Mahigpit na parang may nais iparating.

"I'm glad you're alive. Thank you for being safe. Thank you for protecting us and your King," madamdamin na ani nito kay Ara.

Napalunok si Ara. Ito ang unang beses na niyakap siya nang mahigpit at pinasalamatan ng Reyna.

"It's my duty to protect you and the king, My queen," sagot nito halos hindi mabuo ang boses.

Kumalas ang Reyna sa pagkakayakap pero nanatiling hawak ang mga kamay ni Ara. Tulad ng yakap nito kanina ay mahigpit din ang pagkapit nito sa kamay ni Ara.

"Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinili ko para protektahan ang hari, Ara," may ngiting nakapaskil sa labi ng reyna

"It was my pleasure, My queen," sabi naman ni Ara.

"Nag - iisang apo ko lamang ang hari, Ara. Gusto kong habang nabubuhay ka'y protektahan mo siya. Ipangako mong gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kung nabubuhay pa sana ang kanyang magulang ...," emosyonal na sabi nito. Hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil bumagsak na sa pisngi ng matandang reyna ang luha.

Nakapagtataka. Hindi kailan man naging ganito kaemosyonal ang Reyna. Dumaan iyon sa isip ni Ara.

Tumingin ang reyna nang diretso sa mata ng dalagang si Ara. Mahigpit na hinawakan nito sa kamay si Ara.

"Hindi ka maaaring mamatay, Ara. Habang nabubuhay si Haring Aro kahit pa sa kabilang buhay o sa hinaharap protektahan mo siya. Mabuhay ka para sa kanya...,"

"Dahil ikaw ang magiting na kawal ng hari. Ang tadhana ang siyang maglalapit sa inyo. Ikaw ay para sa hari, ang lahat ay may hangganan, ngunit mamamatay ka't mabubuhay, ang buwan at taon ay mag - iiba ngunit ang tadhana ay hindi mababago. Sa araw na magtagpo ang inyong landas ng hari ay magpapatuloy ka sa iyong tungkulin."

Napakurap ng ilang beses ang dalaga. Nalilito, naguguluhan sa mga sinasabi ng reyna.

Ano ang nais nitong ipahiwatig sa kanya gayong buhay pa siya. Anong ibig sabihin ng sinabi nitong 'mamamatay at mabubuhay'.

Napalunok si Ara nais tanungin ang gustong iparating ng Reyna ng Vanwood. Mahiwaga ang bawat salitang binigkas nito.

"...You will live an eternal life," isang bulong na nagpahindik sa kanya. Parang isang malamig na hangin na biglang dumaan at nanindig ang balahibo ng dalaga.

Tumayo ang lahat na 'atang balahibo sa katawan dahil sa mga salitang lumabas sa labi nito.

Pakiramdam ni Ara ay may ibig sabihin ang mga binigkas ng reyna. Kahit naguguluhan ay sumang - ayon ang dalaga.

Ilang araw pa'y nagdalamhati ang kaharian ng Vanwood dahil namayapa na ang mabait na reyna.

Lumisan ito sa mundo ng may ngiti sa labi.

-end of prologue-