Arrow Vanwood
I was driving on my way to my condo unit . Lumipad ang mata ko sa rearview mirror. Napansin ko na kanina pa nakasunod ang itim na sasakyan sa likod ko. Sa una ay binalewala ko lang ngunit iba na ang pakiramdam ko.
Hindi ako nakaramdam ng kaba nagpatuloy lang ako sa pagdi-drive. Ayokong isipin na ako talaga ang sinusundan ng sasakyang iyon. Ngunit hindi naman iilang beses na nangyari ito.
Ilang minuto pa'y malapit na ako sa condominium. Lumiko ako ng daan ay 'saka ko napansin na tatlo palang sasakyan ang nakasunod sa akin. Mukhang ako talaga ang target nila.
Pare-parehong itim na Vios ang mga gamit nila. Nasa likod na ng sasakyan ko ang isa habang ang dalawa ay nasa magkabilang gilid ng sasakyan ko. Doon na ako nabahala ngunit nanatiling kalmado.
SHIT !
Inilabas ko sa compartment ang isang kaliber na baril. Hindi ko alam kung nag - iisip pa ako ng matino dahil nasisiguro kong madami sila at mag - isa lang ako. Inapakan ko ang accelerator upang bilisan pa ang takbo ng sasakyan. Bakit ngayon pang nananakit ang katawan ko. At bakit naiisip kong mag-overtime sa trabaho kanina. Ilang beses akong napamura sa isip. Biglang gumewang ang sasakyan ko dahil sa gulat.
Nagsimula na silang paputukan ang sasakyan ko. Ang salamin ko ang pinuntirya nila. Hindi ako pwedeng magpakampante kahit pa bullet proof ang gamit kong sasakyan ngayon. Kung bubuksan ko ang bintana para makipagpalitan ng bala sa kanila ay may tyansang matamaan naman ako. Iniipit nila ako sa gitna. Niluwangan ko ang suot na necktie.
Fuck the person who's behind all this!
Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari.
Gusto ko tuloy mag - sisi na hindi ko isinabay si Bax pauwi. Ayoko namang mamatay ng mag - isa, dapat pala isinama ko nalang siya. Ayoko pang mamatay lalo na ang mag - isa!
Pwede ko din siyang gawing panangga ng bala. I cursed myself for thinking useless things when I know I'm being targeted right now!
Motherfucker !
Isang malakas na ugong ng motorbike ang pumutol sa magulong isip ko. Lumagpas iyon sa amin at ngayon ay nasa harap na ng sasakyan ko.
Kasama ba nila ang isang ito! Fuck ! Wala na akong kawala. This is serious!
Gumewang ulit ang sasakyan ko nang banggain ako mula sa likod ng isang Vios. Sumunod naman ang nasa kanan. Malakas ang impact niyon dahilan upang tumama ang ulo ko sa salamin. Nabitawan ko ang manibela at napasapo sa ulo sa sobrang sakit. Agad ko iyong naihinto sa gitna ng kalsada.
Ang pagkakataon nga naman nasa isang madilim na lugar kami at walang ibang sasakyan ang dumaraan. Fuck!
Hindi pa man ako nakakarecover sa sakit ay pinaulanan na naman nang bala ang sasakyan ko. Nakababa na silang lahat ngunit natigil lang iyon ng matumba ang ilan sa kanila.
Animo nagtataka na lumingon pa sa paligid ang mga ito. Hinahanap ang may gawa, kapwa nakahanda ang mga baril sa kamay. Maging ako ay parang may hinahanap din. Pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito kung gusto ko pang mabuhay.
Binuksan ko ang salamin at 'saka ko mabilis na ikinasa ang baril habang nadidistract pa sila. Ayaw kong maghintay sa kung sino para lang iligtas ako. Narinig ko na naman ang ugong ng motor na pinapaikotan kami. Kahit madilim ay nakita ko parin ang taong nakasakay no'n. Nakasuot ito ng itim helmet.
Siya kaya iyon?
Naging alerto ang mga ito. Tama ang sapataha ko hindi nila kasama ang taong sakay ng motorsiklo.
"Sino ang isang 'yan" narinig ko pang tanong ng isa sa kanila.
"Hindi ba't sabi ni boss walang bodyguard si Mr. Vanwood?" tanong nito sa kasama na parang nagtataka at may bahid na takot ang boses nito.
"Tangina! Wala akong pakialam barilin niyo nalang. Magiging sagabal pa sa atin 'yan" utos nito sa mga kasama.
Nakatuon parin ang atensiyon nila sa taong nakasakay sa motor. Mukhang nakalimutan na nila ako. Sinubukan nilang patamaan ang misteryosong tao na sakay sa motorsiklo ngunit patuloy parin sa pag - ikot naiiwasan ang tama ng bala. Itinaas din ng taong iyon ang isang kamay may hawak pala itong baril. Natumba ang dalawa sa kalaban nang tamaan sila ng taong sakay ng motor.
Inilabas ko naman ang isang kamay sa salamin. Binaril ko na ang dalawa sa mga ito na agad namang humandusay sa sementadong kalsada. Napansin naman ng isa sa kanila ang pagbaril ko sa kasamahan kaya pinaputukan na niya ako. Sinubukan kong yumuko para iwasan ang tama ng bala ngunit nakita ko na itong natumba hindi pa man ako nababaril. Nanlaki ang mata ko nang makita may nakatayo sa harap ng pinto ng sasakyan ko. Suot parin nito ang itim na helmet sa ulo.
Kinatok nito ang salamin ng kotse ko animo sinasabing buksan ko ang pinto.
Wala sa sariling binuksan ko naman iyon. Kaagad nitong niluwangan ang pagkakabukas niyon at hinawakan ako sa kamay pagkatapos ay hinila palabas. Napasunod naman ako dito.
Nagugulat ako sa nangyayari. Lalo na nang makitang lahat sila ay nakahandusay na sa sementadong kalsada. Ganun kabilis ang kamay nito at napabagsak nito ang lahat. Napatulala ako dito kahit hindi ko nakikita ang mukha niya'y panatag ang loob ko na hindi ito gagawa ng hindi maganda sa akin.
Hinila niya ako sa nakaparadang motor nito. Sumakay ito doon at sinenyasan akong sumakay din sa likod niya. Wala imik akong sumunod sa kanya at sumakay na din. Pinaharurot na niya ang motorsiklo hanggang sa napansin ko ang isang pahabang bagay na nakasabit sa likod niya. Hindi naman gaanong malaki iyon ngunit pahaba.
Kung tama ako ng iniisip ay isa iyong espada.
Sino ba talaga siya?
Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan ngunit hindi ang mukha niya. Madalas na palaisipan sa akin ang katauhan niya. Ilang minuto lang ay tumigil ang motor sa harap ng isang gusali
"Bumaba ka" sabi niya. Ang boses na 'yon. Narinig ko na ang boses na iyon pero saan?
Wala man lang akong naramdamang emosyon sa boses niya.
Bumaba naman ako ayon sa utos niya. Bumuka ang bibig ko para sana magtanong dito.
Ngunit wala pa man akong sinasabi ay mabilis na pinaharurot na niya ang motorbike paalis. Akala ko ay baba din ito, iyon na sana ang tyansa ko para tanungin siya. Magala ko nang kinikimkim ang mga katanungan sa isip ko na siya lang ang tanging makakasagot.
Napatingala ako sa harap ng gusali kung nasaan ang condo unit ko. Madilim ang bawat floor at parang walang nakatira sa mga iyon.
Isang sulyap pa sa kalsadang tinahak ng misteryosong babae na 'yon ay pumasok na ako ng gusali. Sumakay ako ng elevetor paakyat sa anim na palapag. Okupado na naman ng isip ko ang nangyari bigla tuloy nawala ang sakit ng ulo ko.
Walang dudang siya ang babaeng nakita ko sa Bar. At noong highschool din ako, sa mismong Bar ding iyon iisang tao lang ang nagligtas sa akin.
Last year kasi ay nagsimula akong makatanggap ng sunod sunod na death threat at ilang buwan pa ay sinubukan na nilang pagtangkaan ang buhay ko.
Ang unang inkwentro ko ay sa harap ng Bar. Papalabas na ako ng tangkain akong barilin ng isang taong sakay ng motor nakasuot ito ng helmet. Hindi ako nagawang tamaan nito dahil may biglang dumamba sa akin. Kung hindi lang sa taong iyon ay baka patay na ako ngayon.
Hindi ko lang nagawang makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng hood. Lalo na't madilim din sa labas ng Bar.
Hanggang sa naging sunod sunod na ang banta sa buhay ko at ang babaeng misteryoso na 'yon ay laging nasa dilim para iligtas ang buhay ko. Hindi ko na kailangang manghulam para malaman kong iisang tao lang madalas na nagliligtas sa akin.
Wala sa sariling mapahawak ako sa ulo. Masakit parin iyon dahil sa pagtama sa salamin ng kotse kanina.
Bumakas ang elevator kaagad naman akong lumabas mula doon at naglakad sa pinto ng condo. Hindi ko napansin ang isang taong nakasuot ng itim na hood sa katabing condo galing ito sa exit door.
Nang makapasok ako ay ibinagsak ko ang sarili sa pahabang sofa at itinakip ang isang braso sa mata. Napagod ako sa dami ng nangyari sa gabing ito.
"King Aro. Patawad ngunit kakailanganin niyong manatili dito. Ako na ang bahalang pumaslang sa hari ng Kiandra"
"Tumahimik ka! Ara. Tandaan mong ako ang masusunod at hindi ikaw. Ako ang papatay sa taong iyon" sigaw nito
"M-Masusunod, Mahal na hari" yumuko ito sa lalaking nakasuot na ng isang itim at puting kasuotan na karaniwang suot ng mga maharlika.
"Prepare my sword!" malakas na utos ng hari.
Bigla akong napabalikwas ng mula sa sofa dahil sa kakaibang panaginip. Mabuti sana kung paiba - iba ang panaginip na 'yon. Ngunit madalas ko nang mapanaginipan ang iba't ibang eksena tungkol sa dalawang tao.
Pakiramdam ko'y ako ang lalaki sa mga panaginip ko maging ang boses namin ay walang pinagkaiba. Kahit walang mukha ay magkapareho kami ng tindig.
Warrior Ara? Who are you?
-end of K3-