KALALAPAG lang ng private plane ko sa AraAirline na galing pa sa Las Vegas. Kasama ko ang Executive Assistant kong si Rally kinailangan kong dumalo sa isang business gathering doon.
Nananakit na naman ang isang bahagi ng ulo ko. Pagkatapos kasi ng gathering ay sinabi ko kay Rally na ipahanda na ang plane dahil aalis kami pagkatapos.
Ilang oras din ang byahe pero hindi ako nakatulog ng maayos maya't maya kong nakikita ang babaeng nakaarmor pero wala namang mukha.
Bumaba kami ng private plane sumalubong sa amin ang ibang staff doon.
Hinarap ko ang Assistant ko.
"Mauna ka nang umuwi, Miss Foiller. Hindi mo na kailangang pumasok ngayon. Enjoy the rest of the day" sabi ko dito.
"Thank you, Sir. I'll go ahead first" paalam nito at nauna nang naglakad paalis.
Tumango lang siya. Lumapit naman ang isang staff at inabot ang susi ng Audi niya.
"Nasa parking na po ang kotse niyo, Mr. Vanwood"
Hindi siya nagpasalamat dito bagkus ay tinalikuran niya lang ito at dumiretso kung nasaan ang kotse. Pagod siya at gusto nalang makauwi sa condo at matulog maghapon.
Nasa ground floor na siya sa may parking. Kaagad niyang natanaw ang sasakyan. Hindi pa man siya nakakalapit ay biglang may tumutok na bagay sa likod niya.
"Makinig ka Mr. Vanwood. Hindi ako magkakamaling iputok ang baril na ito kapag nagtangka kang tumakas. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang sasabihin ko sa'yo" Boses iyon ng hindi ko kilalang lalaki.
Idiniin nito ang hawak na baril sa likod ko. Wala akong nagawa kundi igalaw ang ulo bilang pagsangayon. Sinisiguro kong isa na naman ito sa mga balak patayin ako.
"Lakad ng diretso! Nakikita mo ba ang itim na sasakyan na iyon!"
Iginalaw ko na naman ang ulo. Tsk!
Stupid person! Of course I can. The fuck!
Nakalapit na kami doon itinulak ako nito sa may pinto ng van.
"Buksan mo!" sigaw nito. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong sinisigawan ako lalo na sa sarili kong Airline!
Nakatalikod parin ako dito kaya hindi nito nakita ang madilim kong mukha.
Binuksan ko naman ang pinto ng sasakyan. Tinalian nito ang dalawang kamay ko sa likod.
"Pumikit ka at pumasok sa loob! Bilis!"
Ginawa ko ang mga sinabi nito. Alam kong hindi lang ako ang nasa loon ng sasakyang iyon. Nilagyan nila ng piring ang mata ko upang hindi makita ko sila at ang daang tatahakin namin.
Nag - alaga 'ata ako ng ahas sa sarili kong kompanya. Sa higpit ng seguridad ng building na ito ay nakapagtatakang nakapasok pa sila.
Narinig ko na ang pag - andar ng sasakyan. Mukang madali lang sa kanila ang ginagawa. Hindi manlang na check ng security ang sasakyan bago lumabas. Kahit nakapiring ay alam ko iyon dahil hindi manlang huminto ang sasakyan.
Sisiguruhin kong pagbalik ko ay mananagot sa akin ang mga kasabwat sa mga ito.
Yun ay kung makakatakas pa ako sa kanila. Palagay ko'y may tao na nasa likod ng inuupuan ko maging sa tabi ko.
"Saan daw natin 'to idederetso, fishball" tanong ng nasa likod ko
Fuck! fish--What?!
"Sabi ni boss sa tagong bahay daw niya, kikiam" boses iyon ng tumutok sa akin ng baril kanina. Ito yata angnumupo sa passenger.
Goddammit! What kind of name is that?! Maybe they're using a screen name para hindi ko sila makilala. Fucking stupid!
Nagsalita naman ang katabi ko.
"Doon ba natin 'to papatayin?"
"Hindi ko alam basta ang sabi ni Boss siya na ang bahala basta dalhin lang natin 'yan do'n, kwek kwek"
"Tangina! Papatayin nalang ba ni Boss? Alam kong sobrang yaman ng isang 'to bilyon bilyon ang pera sa bangko. Kahit kalahati nalang ng yaman nito ang ibayad sa atin! Putcha! Pupwede na akong magbuhay Hari at kumain ng masarap hindi yung sardinas nalang ang 'lagi nating ulam!"
Nag - uusap sila na parang wala ako dito.
" 'Wag ka nang umasa kalaban ni Boss ang isang 'to sa negosyo. Baka yaman din lang ni Mr. Vanwood ang gusto niya, mantakin mong may sarili pang private plane"
"Sa'yo din pa ang AraAirlime huh" malakas akong tinapik ng katabi. Kung makatanong akala mo magbarkada lang kami. Baka hindi ko mapigilan ang iutog ko na ang ulo ko sa ulo niya.
Mapapatay kong ang taong nagpakidnap sa akin.
Marahan akong tumango.
"Aba't bilyonaryo ang gago" sabay pa ng malakas na tawa sumali na din ang iba sa loob.
Ilang oras din kaming nasa byahe patungo sa sinasabi nilang tagong bahay. Naramdaman kong wala na kami sa patag na kalsada dahil mukhang lubak lubak pa ang kalasadang dinadaanan ng sasakyan.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Baba!"
Tinulak pa uli ako pababa muntik na din akong mawalan ng panimbang.
"Shit!"
" Tangina! Nagmumura ka ba ha!" sabay tulak na naman sa akin at tuluyang natumba sa lupa.
"The fuck!" mura ko pa
Tumawa pa ang mga ito.
Abo't abot ang pagtitimpi ko. Wala akong magawa dahil wala na nga akong makita, nakatali na din ang kamay ko.
Pinatayo ako ng isa sa kanila pagkatapos at naramdaman ko nalang ang sakit nang pagtama ng isang bagay sa likod ng leeg ko. Nawalan ako ng malay.
"May inaasikaso daw si Boss ngayon. Baka bukas daw ang dating"
"Paano pala ang bayad mukhang tapos na ang trabaho natin"
"Kalahati palang yung idineposito ni Boss sabi ni Edgar. Bukas na daw ang kalahati pa 'pag nakita na niya ang isang 'yan" sagot nito.
Hindi ko ibinukas ang mata ko kahit nagkamalay na ako. Itinuloy ko parin ang pagpapanggap na tulog. Baka sakaling banggitin pa nila ang nasa likod ng pangalan ng Boss na sinasabi nila.
Ngunit ilang oras pa ay pulos babae at iba pa ang naging usapan nila. Nangangalay na din ang leeg ko sa pagkakayuko habang nakaupo. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon marahil ay gabi na.
Sinubukan kong tanggalin ang sa pagkakatali ang kamay ko mukhang sa upuan na nila ako tinali.
'BANG!'
Napaayos ako ng upo ng marinig ang isang putok ng baril.
"Ano yon!" natatarantang sabi ng isa sa kanila.
"Tangina! Tunog ng baril 'yon. Imposibleng may nakasunod sa atin dito"
"Hindi kaya mga pulis!"
"Sila Edgar ang nasa labas!"
Napaangat ang ulo ko kahit pa nakapiring ay nakamulat parin ang mata.
Sino kaya ang dumating.
'BANG'
"Anak ng-- s-sino ka?!" nasa boses nito ang pagkagulat at takot.
"I-Ipuputok namin itong baril kapag hindi ka nagsalita!"
"Walang magagawa yang hawak mong espada isang putok lang namin basag yang bungo!"
Espada?
Dumating siya.
-End of K5-