Chereads / The Warrior's King(Tagalog) / Chapter 7 - Kababata 6

Chapter 7 - Kababata 6

---

"IBABA mo yang hawak mo!" sigaw ng lalaki sa dumating.

"Hoy! Ano bang trip mo may paespa espada ka pang nalalaman. Tignan mo nga yung suot pare akala mo aatend ng burol"

Nagsitawanan naman sila sa tinuran ng kasama.

"Baka taga Korea pre' may samurai! Hehe"

"Ulol! Sa Japan 'yon yung sa Samurai X 'saka hindi samurai ang hawak niya. Tanga ka ba"

"Oo nga no galing mo talaga!" bilib pang sabi nito. Nakuha pang dumaldal sa ganitong sitwasyon.

"Kilala mo ba si Mr. Vanwood ha!" pilit na pinatatag ang boses na sabi nito. Hindi naman sumagot ang kausap.

"Sumagot ka o ipuputok ko 'to"

Pilit kong hinihila ang kamay mula sa mahigpit na pagkakatali.

Shit!

"You better not ask or you'll die"

Ang salitang 'yon.

Napalunok ako ng makilala ang nagmamay - ari ng boses na 'yon.

"Barilin mo na!"

Hindi ko maipaliwanag ngunit labag sa loob ko ang sinabi ng lalaki.

Fuck! Fuck!

Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. Napatigil ako sa paghila ng ng kamay sa likod.

Natamaan kaya siya?!

"A-A-Ano bang k-kailangan mo?" May bahid na takot na sabi ng isa sa kanila.

Iginalaw ko ang ulo pilit inaaninag ang nangyayari. Konting liwanag lang ang nakikita ko. Buhay pa siya.

"Pa-Parang awa mo na 'w-wag--AAAHHH" pagmamakaawa nito.

"H-Hindi 'wag-- may pamilya akong b-binubuhay---ACKKKKK"

Nakarinig pa muli ako ng tunog ng paghiwa ng kung ano.

Pinatay niya ba ang mga ito gamit ang espada niya. That was brutal end. Shit!

Narinig ko ang yabag nito palapit sa akin at papunta sa sa likod ko. Naghiwalay ang kamay ko mula sa pagkakatali. Natanggal iyo marahil ay hinati nito sa gitna kaya malaya kong naigalaw ang kamay. Mabilis kong tinanggal ang piring sa mata.

Lumaki ang mata ko dahil sa tumambad sa akin. Napapikit ako dahil sa brutal na pagpatay nito. Ang tatlong 'yon ay naihiwalay sa kanilang mga ulo. Gusto kong tumakbo palabas para akong masusuka sa nakita. Namutla na 'ata ako.

"Kailangan na nating umalis" basag ng babae.

"Fuck! Do you have to kill them like that!" inis na sabi ko dito. Pagharap ko dito'y nagulat ako sa suot niya. Nakacloak ito ng itim suot pa ang hood nito. "A-Ano ba 'yang s-suot mo. May lahi ka ba'ng k-kulto?!" Napalunok ako dahil nagmukha talaga itong kulto sa suot. Dati rati'y nakahooded jacket lang ngayon naman parang ipinapaalala niya sa akin ang nasa tabing unit ko. Hawak parin nito ang madugong espada sa kamay. Hindi ko magawang tignan ang bangkay ng tatlong pinaslang nito.

"Patawad"

Napapantastikuhang tumingin ako sa nakatagong mukha nito.

Patawad daw! Anak nang ano bang sinasabi niya?!

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba dapat ay iba ang isagot nito sa sinabi kong 'yon. Dapat sinabi nitong wala akong pakialam o ano. Sa itsura nito nakapagtatakang humingi ito ng dispensa sa kanya.

"A-Ano. B-Bakit ka humihingi ng paumanhin" naguguluhang tanong ko dito.

"Dahil sa brutal na pagpatay ko sa kanila. Hindi mo gustong pinangungunahan kita" Parang masunuring sumagot ito sa tanong ko.

Bakit alam nitong hindi ko gusto ang pinangungunahan ako?

Walang kaso sa akin ang pagpatay niya sa kanila ang hindi ko lang nagustuhan ang brutal na pagpatay niya sa tatlo! Fuck! Ni hindi ko makayang tignan ang itsura nila.

Inis kong ibinalik sa mata ang piring.

"Let's get out of here" Hinawakan ko ang tela ng itim nitong cloak. Ayokong makita ang ginawa nito. May baril naman siguro ito bakit hindi iyon ang ginamit nito. Base sa narinig ko kaninang putok ng baril sa labas.

Nagsimula itong naglakad ng mabagal kaya naman sinundan ko ito na nakahawak parin sa mahabang telang suot niya bilang gabay.

"Nandito na tayo sa labas" pagpapaalam nito.

Kaagad kong inalis ang piring sa mata. Tama nga ako madilim na dito sa labas dahil gabi na. Ilang oras din akong nawalan ng malay. Hanggang ngayon ay masakit parin ang likod ng leeg ko dahil sa paghampas nila dito. Tumingin ako likod nakita ko naman ang isang bahay na bungalow na kulay puti sa labas no'n ay napapaligiran ng mga nakapasong bulaklak. Nilibot ko pa ang tingin.

Paano kami aalis sa lugar na 'to. Ni hindi ko alam kung saang lupalop kami naroroon.

Parang nalaman naman nito ang laman ng isip ko kaya naglakad ito sa isang sasakyan doon na hindi ko napansin kanina.

Nang mabistahang mabuti'y nanlaki ang mata ko.

"Is that my car!" turo ko sa aking itim na Audi.

"Oo Mah--Oo sa iyo nga ito" sagot nito.

"Papaanong nagkaroon ka nang susi niyan?!"

Itinaas nito ang palad nakita ko doon ang susi ng kotse ko.

"Nahulog mo"

"Oh"

Nang maalala ko'y nabitawan ko nga pala iyon sa Parking ground sa Airline.

Nangunot ang noo ko.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Tama ka" walang paligoy na diretso pang sagot nito sa tanong ko. "Sumakay ka na"

Napakahonest naman niyang sumagot.

Naglakad ito papunta sa driver's seat ako naman ay sa passenger umupo.

Pinaandar na nito ang sasakyan at nilisan ang lugar. Alam na alam nito ang daan paalis. Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse ko. Marami akong nais tanungin dito.

"Paano mo nalamang na kidnap ako"

"Nakita ko" tipid na sagot nito

"Anong nakita mo?"

"Nakita kong ipinasok ka sa isang sasakyan"

"Nakita mo pala bakit hindi ka tumawag agad ng pulis!" inis na sabi ko dito. Nakaharap na ako dito habang ito naman ay nagdidrive at diretso sa kalsada ang tingin.

"Hindi maaari"

"Ano?!"

"Mas maililigtas kita kung susundan kita dito. Mahirap ang magpadalusdalos" paliwanag nito.

"Bakit mo ako iniligtas? Sino ka ba talaga? Alam kong ikaw ang babaeng 'yon sa Bar?!" sunod sunod na tanong ko dito.

"Iniligtas kita dahil kailangan"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tungkulin kong protektahan ka" Imbes na pansinin ang sinabi nito'y nairita ako.

"Teka nga. Bakit ba ganyan ka magsalita!" naweweirduhan na ako dito. "Para kang nasa panahon ni Lapu - Lapu kung magsalita at mahigit pa"

Parang nasa history pa ang tono ng pananalita nito parang may bahid pa nang pagalang tuwing sumasagot siya sa mga tanong ko. Ewan ko ba pero parang ganun ang pakiramdam ko kapag nagsasalita siya.

"Si Lapu - Lapu? Nasawi si Magellan sa Mactan beach noong 1521 dahil kay Lapu - Lapu no---" pinutol ko sa pagsasalita niya.

"Ano bang sinasabi mo! Alam ko na ang bagay na 'yon. Ang tanong ko ang sagutin mo hindi ang pagkwento ng history ng kabayanihan!" Wala akong ideya kung bakit ako naiinis sa kanya parang natural na bagay lang iyon sa akin.

Ang mainis dito.

Damn!

Bakit ko ba kasi binanggit si Lapu Lapu anong bang kinalaman niya dito sa mga nangyayari sa buhay ko!

Ano ba 'tong nararamdaman ko magkahalong inis, pagkairita at kung ano pa. Kasalanan ng babaeng 'to

Ewan ko pero parang matagal ko na din itong kilala.

Wala sa sariling hinila kong ang hood ng cloak na tumatakip sa ulo nito.

Napaawang ang bibig ko nang makita ang kalahating mukha niya.

Good riddance!

I almost had an heart attack!

-end of K6-