Manila, Philippines
Arrow Vanwood
NASA labas ng bintana ang buong atensiyon niya. Malapit nang lumubog ang araw sa kanluran. Nag - aagaw ang kulay kahel at pula sa kalangitan.
Maaga pa ngunit parang papadilim na animo may ipinapahiwatig na mangyayari.
Parang nakita niya na iyon sa kasalukuyan. Bago pa niya maisip kung saan niya nakita ang eksenang iyon ay isang malakas na tapik sa balikat ang naramdaman niya.
"Arrow. Ano na? Tuloy ba tayo mamaya? Huy!" bulong ng kaklase at kaibigan niyang si Bax. Tinignan pa nito ang guro na nasa harap nila bago tumingin sa kanya at naghintay ang tugon niya.
Nagyaya kasi ito kaninang mag - bar.
We're still sixteen years old for pete's sake!
Oo nga't umiinom sila pero hindi sila umabot sa bar hanggang sa bahay lang sila kung trip nilang mag-jamming. Wala siyang laban sa pagiging makulit nito, daig pa nito ang mga babae sa sobrang kulit.
Ang sabi nito ay pinsan daw nito ang may - ari ng bar na pupuntahan nila. Dagdag pa nito wala daw siyang dapat ipag - alala dahil papapasukin sila ng guard ng hindi tinitignan ang ID nila. Dumbass !
Nagkibit balikat nalang siya.
Kapag naiparating sa kaalaman ng kanyang lola ang balak ay paniguradong sermon ang aabutin niya dito. Pero duda nga naman siya dahil nasa ibang bansa ito at doon na permanenteng naninirahan.
Minsan sa isang taon lamang siya nito dalawin o kapag may oras ito. Mag - isa lang siyang nakatira sa condo dahil maliit pa lamang ay wala na siyang kinalakihang magulang. Hindi siya nagdamdam kahit noong bata pa ay hindi siya naghanap ng magulang o nagtanong kung nasaan sila.
Parang matagal na niyang tinanggap iyon simula ng ipanganak siya sa mundong ito
"Hoy! Natulala ka na naman. Are you in or what? Aro!" sabi nito at tinapik na naman siya sa balikat at mas malakas na.
Bumalik ang tingin dito marahil ay kanina pa naghihintay ng sagot niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya nang sigaw ng kanilang guro na ngayon ay sa amin na nakatuon ang pansin at hindi sa pisara. Maging ang mga kaklase namin ay parehong nakatingin na din sa amin.
"BAX DEMMON! ARROW VANWOOD! GET OUT OF MY CLASS ! NOW!" sigaw nito sabay turo ng pinto.
Napabuga siya nang hangin. Balewalang tumayo siya mula sa kinauupuan.
Kinuha niya sa mesa ang isang notebook na tanging dala niya sa pagpasok at naunang lumabas. Si Bax naman ay palihim pang napa 'Yes'. Sabay pulot ng isang ballpen na dala naman nito.
Halatang pareho kaming tamad pumasok lalo na sa pagbitbit ng bag. Pero hindi maipagkakailang pareho kaming matalino.
Sabay kaming lumabas na nakasunod lahat nang tingin ng mga kaklase namin. Ang iba nga ay parang nanghinayang pa sa pag - alis namin.
Naglakad kami sa hallway ng school na parang pag - aari namin ang buong lugar.
"Mabuti nalang maaga tayong na dismiss, Aro. Magpasalamat ka sa'kin" sabay tawa nito ng malakas.
Dismiss my ass!
Sinadya nitong lakasan ang boses kanina para palabasin sila ng guro. Hindi na siya nagtaka dahil ganon na talaga ito.
Umakbay ito sa kanya. Sabay kaming naglakad patungo sa parking at sumakay sa kanya - kanyang sasakyan.
Mabilis silang nakarating sa Bar na sinasabi ni Bax. Basta nalang kaming pinapasok ng security sa loob. Kung hindi niya lang alam na kilala nga nito ang may - ari ng Bar na ito ay baka isipin niyang pinapasok kami dahil mukha kaming mga college student. Pareho kaming matangkad at medyo malaki din ang katawan nila. Hindi miminsang pinagkamalan na silang nasa kolehiyong dalawa.
Alas quatro palang ng hapon ay punuan na ang Bar. Inilibot niya ang paningin sa loob. Halos lahat ay nasa dance floor at sumasayaw kasabay nang malakas na tutugin. Medyo madilim din at tanging disco lights lamang ang ilaw sa loob.
"Tara doon, Aro" aya ni Bax sa kanya.
Naglakad naman sila sa may counter bar at umorder ng alak. Ilang oras pa kami doon, nakatunghay lang sa dancefloor at sa mga sumasayaw.
Hindi nagtagal ay nagpaalam si Bax para puntahan ang natipuhan nitong babae. Nakita nalang niya itong nakipag make - out sa babaeng kanina pa nito tinititigan. Napailing nalang siya.
Hormonal bastard! Isinama lang siya dito para lang iwan sa huli. May iba pa palang balak. Bakit ba niya naisip na sumama dito.
It's because he's bored.
Muli niyang sinulyapan si Bax pero wala na ito at ang babae.
Mahilig talaga ito sa mga mas matanda dito ng ilang taon. Magugulat nalang siguro siya kapag sinampal ito ng mga babaeng kahalikan kapag nalamang sixteen palang ito at nasa highschool pa lamang.
Nang mapagod sa kanonood sa mga sumasayaw ay humarap siya sa counter at ipinagpatuloy ang tahimik na pag - inom. Magpapalipas muna siya nang ilang minuti bago umalis tutal iniwan naman na siya nang taong tinatawag niyang kaibigan.
Wala siyang balak magpakalasing ngayong gabi hindi niya lang matanggihan ang paanyaya ni Bax.
"Hi Babe. Are you alone?" Isang malanding tinig ng isang babae ang narinug niya
Napalingon siya sa babaeng nagsalita sa tabi niya. Siya pa ang kinakausap niti. Umupo ito sa stool na katabi lang nang inuupuan niya. Kagat labing tumingin sa kanya halatang nang - aakit. Lumilitaw sa masikip at maiksing suot nito ang malusog na dibdib. Parang gustong manindig nang balahibo niya sa ginawa nito.
Hindi niya kailanman natipuhan ang ganitong klaseng babae o kahit na sino pang babae. Hindi siya bakla pero pakiramdam niya ay nagtataksil siya. Kahit wala naman ni isa pa siyang nakarelasyon.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay humarap siya muli sa counter at tinunga ang laman ng bote na hawak.
Muli itong nagsalita sa tabi niya, gusto niya sanang paalisin ito sa tabi niya. Gusto niyang mapag - isa.
"Kanina pa kita tinitignan. You might wanna hangout with us. I'm with my friends" nasa boses parin ang pang - aakit. Napapikit siya sa inis. Nagsisisi siyang tumapak sa bar na ito.
"C'mon, Babe" sabi pa nito.
Fuck! Don't fucking call me that!
Napapiksi siya nang haplusin siya nito sa braso. Even her calling him sweet names is making hi. want to puke. He wanted to push her or even stack a tape on her mouth for talking flirty.
God! He's thinking crazy. He gave her deadly looks. Arrow hope this time umalis na ito sa harap niya.
"Bastard" bulong nito na umabo sa pandinig niya.
The hell Bitch!
He breath loudly saka tumunga ng alak.
Isang minuto lang ang lumipas ay naramdaman niya ulit na may umupo ulit sa katabing stool. Akala niya ay bumalik uli ito pero nang lingunin niya ay ibang pigura ang nakita niya.
Nakasuot ito ng itim na hooded jacket, natatakpan nang suot nitong ang mukha nito tanging ang matangos na ilong nito ang naaaninag niya. Pasimple niyang pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.
Nakasuot ito ng itim na boots at ripped jeans. Hindi niya malaman kung babae ba ito o lalaki dahil sa suot.
Bigla siyang napatingin sa harap nang mapansin niyang mapapalingon ito sa direksiyon niya. Napalunok siya dahil sa kabang naramdaman. Bakit ba siya kinakabahan? Dahil para kang nahuling tumititig sa crush mo, Aro.
I
sang tinig ang narinig niya sa isip.
'Damn! Arrow! What are you thinking!' suway niya sa sarili
Hindi niya gawaing tumitig sa kahit sino lalo na sa mga taong hindi niya kilala. Wala sa sariling napasabunot siya sa buhok.
"Hello there handsome"
Napatigil siya sa kabaliwan.
Another bitch. Bakit ba ayaw siyang tigilan ng mga ito.
Magkasalubong ang mga kilay na bumaling sa nagsalita. Isa na namang babaeng kulang nalang kainin siya ng buo habang ito ay nakatingin sa gitna ng hita niya. Woman!
Lumapit ito at idinikit sa braso niya ang kalakihang dibdib nito. This bitch need to learn about personal space.
Parang narinig niya pa ang pag ismid ng katabi niyang nakahood.
"Mag - isa ka lang ba? Kung gusto mo pwede tayong maglaro" anas nito sa tenga niya. Naramdaman niya pa ang maiinit na hininga nito. Fucking bitch! Ibang laro ang nais nitong iparating.
Akmang itutulak niya ito ngunit bigla namang may naglayo ng babaeng ito sa tabi niya.
Kasabay ng malakas na suntok na dumapo sa panga niya. Natumba siya sa sahig dahil na din sa gulat. Napahawak siya sa pangang tinamaan ng lalaking bigla na lang sumulpot. Napadura siya dahil nalasahan na niya ang sariling dugo.
Shit!
"Oh my gosh! Mico stop. It's not what you think ..." pigil ng malanding babae sa lalaking sumuntok sa kanya.
Son of a bitch! May boyfriend na pala ang puta naglandi pa! Fuck!
"Gago! Inaahas mo ba ang girlfriend ko ha! Tangina ka tumayo ka d'yan" maangas na sigaw nito.
Malaki ang katawan ng lalaki kumpara sa katawan niya. Baka nga kapag nagsuntukan kami dito ay bugbog sarado na siya.
Tumayo naman siya sapo ang pangang nadapuan nang kamao nito.
"Kung ako sayo ikulong mo sa bodega yang syota mo para hindi kung sinu - sino ang nilalandi, pare" kalmadong sabi niya dito.
"Gago ka pala eh! Tinawag mo bang malandi yung girlfriend ko ha!" Isa pang suntok ang pinatama nito sa mukha niya. Muntik na siyang mahilo dahil sa ulo niya tumama ang kamao nito.
"Baby. no.. stop..wala siyang kasalanan" pigil dito ng babae. Pilit hinihila sa braso ang lalaki ngunit iwinaksi lang 'yon. Masama parin ang pagkakatingin sa kanya.
Nakaagaw na tuloy sila nang pansin sa loob. Ang iba ay tumigil pa sa pagsayaw ng mapansin ang nangyayari.
He smirked. Tumayo siya. Lasing na siguro siya dahil parang umiikot na ang paligid niya. Hindi niya dapat pinatulan ito, ngunit umepekto na ang naiinom niya kanina.
"Bantayan mo 'yang syota mo. Hindi yung naghahanap pa ng gwapong kagaya ko. Sa tingin mo ba papatulan ko yan" he said Pinunasan niya na ang dugo sa gilid ng labi gamit ang likod ng palad.
Mukha namang nainsulto ang babae dahil pinukol na din siya ng masamang tingin.
Hinawakan siya nang mahigpit ng lalaki sa kwelyo palapit dito.
"Tangina ka! Ang yabang mo ah! Babangasan ko yang mukha mo para hindi mo na masabing gwapo ka!" sigaw nito
Akmang aambahan siya ulit nang suntok subalit may kamay na pumigil dito. Natigil ito at sabay pa silang napalingon sa taong iyon.
Sa pag - aakalang si Bax 'yon ay nagkamali siya.
"Sino ka naman! 'Wag kang makialam dito" mayabang parin na sabi ng lalaki sa taong bigla nalang sumingit.
"You better not ask or you'll die" isang malamig na boses ang narinig niya.
Hindi niya mabistahan ang buong mukha nito dahil suot parin na hood ulo. Natatandaan niyang ito ang katabi niya kanina.
Nangunot ang noo niya sa ginawa nito. Hindi dapat ito sumingit sa gulo.
Kaya nama niyang bangasan ang maangas na lalaking ito. Malaki lang naman ang katawan nito at wala nang iba pang maipagmamalaki.
"Aba't inglesero pa! Ano ! Magkaibigan ba kayo nang gagong 'to baka gusto mong pagbuhulin ko pa kayo!"
"Kung kaya mo" parang nanghahamon pa na turan nito sa lalaki. Malamig ang boses nito habang nakatingin sa lalaki.
Napansin niya ang sumisilip na mahabang buhok nito dahil nakatago lang iyon sa gilid ng hood ng jacket nito.
What the! She's a girl!
Hindi agad niya napansin dahil mataas ang boses nito at matangkad kumpara sa kanya. Sa tingin niya ay nasa 20's na ang edad nito.
Binitiwan siya sa kwelyo nang nagngangalang Mico at humarap na sa babaeng nagsalita.
Mukhang siya lang ang nakapansin na babae ito.
"Aba't mayabang ka. Pareho kayo 'ng kasama mong walang binat.." naputol ang dapat na sasabihin nito.
Sa isang iglap ay sinikmura ito ng babaeng nakahood. Sabay hawak ng mahigpit sa buhok ng lalaki. Itinaas ng babae ang tuhod at tinuhod nito ang panga ng lalaki.
Nanlaki ang mata niya sa nasaksihan. Paanong---!
"Ahhh!! Oh my gosh Mico! Call the guards!" sumigaw ang babaeng dahilan ng lahat.
Kahit siya ay hindi alam ang gagawin dahil sa gulat. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung pipigilan niya ito o ano.
"Itigil mo na yan! Baby! Okay ka lang?! .." umiyak pa ang babae. Pero hindi naman makalapit sa kasintahan.
Sinuntok ng babaeng ang panga ng lalaki. Para bang pinanggigilan pa nito ang mukha ng lalaki hangang dumugo iyon. Hawak parin nito nang mahigpit sa buhok ang lalaki na nakaluhod na sa harap nito. Walang sinuman ang nagtangkang pigilin ito. Parang gusto niyag masuka sa nakikita. Narinig pa niya ang pagcrack ng buto nito sa panga.
Shit!
Tumigil ang malakas na tugtugin. Lahat ng tao ay nakikiusyoso na sa nagaganap.
"Aro!" tawag sa kanya ni Bax na pilit dumadaan sa kumpol ng mga tao.
"Anong nangyari dito? Sino ang mga 'yan" Napatingin ito sa eksenang nasa harap niya. Nanlaki ang mata nito nang makita ang pasa sa labi niya "Ano namang nangyari d'yan sa mukha mo!" palipat lipat ang tingin nito sa kanya at sa babaeng inambahan na naman nang malakas na suntok ang lalaki sa mukha hanggang sa bumagsak ito sa sahig.
Nagsinghapan ang lahat sa nasaksihan. Nanatili siyang walang imik.
Hindi na niya mamukhaan ang mukha ng lalaki, puno ng dugo ang mukha. Pati ang gilid ng mata nito ay pumutok na sa daming dugong nilalabas niyon. Nahimatay na rin ang babaeng kasintahan nito sa nakita.
Dumating naman ang mga security. Hindi niya alam pero nag - alala siya sa babae kaya agad niya itong tinignan ngunit wala na ito sa kinatatayuan kanina.
Mabilis siyang umalis doon para hanapin ito.
"Hey! Arrow 'san ka pupunta" pigil sa kanya ni Bax. "Aro!" Habol niti pero nakaalis na siya sa kumpulan ng tao. Nahirapan itong makahabol sa kanya dahil naharangan na ito ng mga tao.
Malapit na siya sa may entrance nang makita niya ang babaeng nagligtas sa kanya.
"W-Wait. Sandali!" pigil niya dito. Hindi niya alam kung bakit niya ito hinabol.
Napahinto naman ito at lumingon sa direksyon niya. Natigilan siya nang mapansing hindi na nito suot ang hood sa ulo. Nakatingin sa kanya ang itim nitong mata. Wala siyang mabasang emosyon sa matang iyo.
Nakakapanghipnotismo ang paraan ng tingin nito.
Madilim parin sa loob ng bar pero naaaninag niya ang kalahating mukha nito dahil 'yon lang ang natatamaan nang ilaw.
'My King. Are you alright?'
'Naparito ako upang ibalita ang ating pagkapanalo, Mahal na hari"
"Masusunod, Mahal na hari"
Napapikit siya at napahawak sa sentido nang marinig ang tinig na 'yon sa isip niya.
Para iyong alaala na biglang sumulpot sa isip niya.
Napapadalas na din ang panaginip niya ng mga weirdong pangyayari parang history na bigla nalang sumusulpot sa utak niya. Lalo na ang isang babaeng naka armor ngunit walang mukha. Sino ba siya?!
Pagmulat niya nang mata ay wala na ang babae sa harap niya. Agad siyang tumakbo palabas para habulin ito. Ngunit kadiliman mula sa labas ang sumalubong sa kanya.
Wala na siyang makita kahit anino ng misteryosong babae. Napahawak pa uli siya sa sentido nang maramdamang kumirot iyon.
-end K1-