10 years after....
NAKATAYO ako sa harap nang salamin ng gusali. Tanaw ko mula dito ang mga naglalakihang building at iba pang mga establisyemento. Hindi ko alam kung bakit ako tumayo doon kung alam kong nanganganib ako sa mga nais magtangka ng buhay ko.
Maaring sa mga oras na ito may nakatutok na sa akin na sniper rifle sa harap ng gusaling ito nang hindi ko nalalaman. Pero wala doon ang isip ko kundi sa taong nagliligtas sa'kin tuwing nasa kapahamakan ako. Ilang beses na akong pinagtangkaang patayin kahit saan ako pumunta pero sa mga araw na 'yon ay nakakadudang nakakaligtas parin ako at walang kahit na anumang tinamong sugat o pinsala sa katawan.
Nawala doon ang isip ko nang marinig kong may nagsalita mula sa likod ko.
"Arrow. Kumusta na, bro. Akalain mong buhay ka pa sa dami ng kaaway mo. HAHAHA" isang nakakauyam na tawa ang narinig ko mula sa kanya.
'Saka ko ito nilingon na nakaupo na pala sa swivel chair ko. Hindi ko man lang namalayang pumasok pala ito sa opisina niya ng walang babala. Na hindi ko na ipinagtaka dahil madalas itong labas masok sa opisina ko.
"Bax" Bakit siya nandito?
"Ilang araw lang akong nawala tapos mababalitaan ko nalang na muntik ka nang paulanan ng bala sa harap ng sarili mong kompanya. Akala ko nga patay ka na kaya naghanda pa naman ako ng nakakaiyak na speech para sa burol mo" sabi nito habang nilalaro papaikot ang upuan niya.
Wala talaga sa matinong pag - iisip ang isang 'to.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"What are you doing here, anyway" tanong ko rito. Akala ko kasi ay nasa labas siya ng bansa ngayon. Ilang buwan ko din siyang hindi nakikita. Malaki ang nagbago dito lalo na ang kulay ng balat, nadagdagan ang kulay nito. At mukhang ilang araw na ding hindi nag - ahit ng balbas, maging ang buhok ay may kahabaan, na itinali lang nito mula sa likod. Ano nga kayang nagyari dito at naging ganun na ang itsura niya.
Nagkibit balikat lang ito at 'saka nagsalita.
"As you can see, nandito ako para tignan kung buhay ka pa" walang kwentang sagot pa niya.
Umiling ako sa tinuran niya. Umupo ako sa sandalan ng sofa malapit sa mesa ko. Nakaharap ako sa kanya.
"Actually, I'm just bored. Kababa ko lang ng plane kanina kaya dumiretso na ako dito" paliwanag naman niya.
"Where did you go this time?" I asks
"Afghanistan" pa cool na sagot nito.
Afghanistan!
Nangunot ang noo ako. Ano namang ginawa niya sa ganong kadelikadong lugar
"Are you serious?" Sa dami ng lugar na maaari niyang puntahan doon pa!
"It's a prank!" nakakalokong tawa pa ito. Matagal ko na siyang kilala pero nauto na naman ako ng gunggong! "Wala akong balak pumunta do'n, Arrow Vanwood. Ayoko pa'ng masabugan ng nuclear bomb" sabay halakhak pa na akala mo may nakakatawa sa biro nito. Namulsa ako habang nakatingin sa pagtawa niya.
Nang matapos ay naging seryoso na naman ang mukha nito. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari dito kaya lang ay mas gusto ata nitong pag - usapan ang tungkol sa akin.
"Anyway, back to you. Wala ka bang balak maghire ng bodyguard. Hindi lang iisa ang nais pumatay sayo, Aro. If I were you I'll hire hundreds of bodyguard immediately, someone wants you dead, bro!" babala nito.
He's right about that. Hindi lang iisa ang may nais wakasan ako.
"I don't need one or tons of them, Bax" balewalang sagot ko sa matagal na niyang suhestiyo.
Napapailing nalang ito sa naging sagot ko. Ilang segundo itong natahimik bago muling nagsalita.
"Being one of the richest in the world sucks! You owned the world class phone manufacturer, the biggest automobile manufacturing. Madami ka ng na develop na sasakyan because of that. But, Heyy! The largest bank you owned was robbed, you lost 50 billion dollars, the Airline too is what! binalak bombahin ng mga akala mo terorista sa Iran" mahabang litanya nito. "Aro, be serious here. Kailangan mo nang maghire ng bodyguards. Your life is in danger" he added with a hint of concern. Alam kong nag - aalala talaga siya, kahit minsan ay idinadaan lang nito sa mga biro ang mga sinasabi.
Napangiti ako ng mapait.
Lucky him.
Bax Demmon is not different from me. He's a shipping magnate but no one knows about his background, of course.
Pinili nitong magpaka low profile at libutin ang buong mundo kasya asikasuhin ang sariling business. Highschool pa lamang sila noon ay lihim na ang pagiging anak mayaman nito. Siguro nga mas ginusto nito iyon dahil parehong namatay ang magulang niya in brutal death. Pinatay ang mga ito ng mga kaaway nila sa business. Magkasundo kami dahil parehong wala nang magulang. Kaya ang turingan namin ay parang magkapatid.
Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na ang mga nagtatangka ng buhay ko'y mga kaaway ko din sa negosyo.
"Bax, I told you. Hindi ko kailangan ng bodyguard o kung sino pa" tanggi ko pa ulit sa suhestiyo niya. Ilang buwan na niya akong kukulitan para doon. Kulang nalang ata ito na ang mag - alok para maging bantay ko na hindi ko naman gusto.
"Why the hell not?!" salubong ang kilay niya parang batang naiirita sa ina. Ang tanong na naman na iyon. Hindi talaga niya ako maintindihan dahil wala akong sinasabi ng tunay na dahilan kung bakit mas pinili kong hindi maghire ng bodyguard.
Napahawak ako sa sentido.
Kaya pala ito lumipad pabalik nang Pilipinas ay para kumbinsihin ulit ako. At paulit - ulit nalang ang diskusyong ito.
"I think I already have one" I muttered. Hindi ko nga alam kung narinig pa nito ang sinabi ko dahil parang bumulong lang ako sa hangin. Hindi pa kasi ako handang sabihin ang lahat dito.
Pero mukhang narinig naman nito ang naibulong ko kaya napaayos ito ng upo.
"You think? Anong ibig mong sabihin, Aro? So, meron ka nang na hire?" hindi makapaghintay na tanong nito.
"Yeah. I guess" kibit balikat na sagot ko. Hindi ako mapakali at nagdadalawang isip din. Ano kayang iisipin nito oras na malaman ang totoong nangyayari kapag nasa kapahamakan ako.
"What! What do you mean I guess, Aro. Ang gulo mo" napapakamot nalang ito ng ulo na parang naguguluhan na sa akin.
Nagdesisyon akong sabihin nalang dito ang totoo.
"Naalala mo ba yung babaeng sinasabi ko sayo --" Naputol ang dapat na sasabihin ko kay Bax ng may mahinang katok sa pinto ang dumistorbo.
Bumukas ang pinto ng pribadong opisina ko at inulawa mula doon si Rally. Ang Executive assistant ko. Nakasuit ito ng salamin, hindi ito tuluyang pumasok nakasilip lang ito sa siwang ng pinto.
"I'm sorry to interrupt you, Sir. But you have an urgent board meeting today for the $50 million loss" she said. Hindi manlang nito sinulyapan ang kasama ko. Ano kayang meron sa dalawang ito at madalas na hindi magpansinan. Parang may sarili silang lihim na galit sa isa't isa.
Napatingin ako sa suot na wrist watch.
Naalala ko pala na may meeting ako ngayon na naiwaglit ko dahil sa malalim na pag - iisip. Nasabi na nito iyon sa akin kaninang umaga. And $50 million is not a loss to me. Maliit pa iyon para sa akin.
Tumango lang ako dito at isinenyas na lumabas at susunod ako sa boardroom.
"O, sir may meeting pala tayo eh. Di' niyo naman sinabi" pabirong sinabi ni Bax. Tumayo naman ito at inayos ang itim na damit na pinatungan ng itim ding leather jacket. Napansin kong suot na naman nito ang paboritong sneakers na halos hindi pa yata nalabhan sa sobrang dumi. Hinagod niya ang magulong buhok.
Napatayo na din ako at inayos ang suot na suit. Wala akong dinalang kahit ano kaya lumabas na agad ako. Nakasunod naman si Bax sa akin at sumabay sa paglalakad ko.
Ilang sandali ay sumulpot na sa tabi ko ang Executive Assitant ko, si Rally. May hawak itong files sa kamay.
"Sir ito na po pala ang files. FS report po iyan ng Bangko" sabay abot sa akin ng puting folder.
Kinuha ko 'yon sa kanya at pinag - aralan habang sinasabayan ako ng dalawa sa paglalakad papunta sa Board room.
"You can go back to your station, Miss Foiller" sabi ko dito.
"But, Sir I need to take notes--" protesta nito
"Let Bax handle it" putol ko sa sasabihin pa nito.
Tinignan nito si Bax na nasa tabi ko parin saka nito inismiran. Nahagip pa iyon ng mata ko.
"Okay, Sir" sabi nito na parang napipilitan lang 'saka ito umalis sa tabi ko.
"Damn! Bakit ako!" reklamo naman ni Bax ng wala na ang EA ko.
"You're my Personal Assitant, Bax" sabi ko dito nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.
Mukhang natauhan naman ito. Naalala ang ginawang kalokohan.
"Yeah! Sorry po, Boss. I almost forgot" may halong sarkasmo pang sabi nito.
Ito naman ang nag proclaimed na maging personal assistant niya kunwari. Para daw hindi magtaka ang iba kung saan ito kumukuha ng pera kahit wala naman itong trabaho.
Ang mapagkunyaring Bax Demmon. Napailing nalang ako sa trip nito sa buhay.
-end of K2-