Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 29 - Chapter 29: It's Him Again

Chapter 29 - Chapter 29: It's Him Again

Heto nanaman siya. Akala ko lalayo na siya sa akin. Nakita naman niya kung gaano nagalit sa akin si Athena. Hindi na siya natuto. Hanggang ngayon sarili lang niya pinapakinggan.

Ngayon, seryoso niya lang ako tinititigan nang buksan ko ang pintuan subalit nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Bakit hindi ko siya magawang itaboy? Hindi tama ito pero ayaw ng katawan kong gumalaw. Mahal ko pa rin talaga siya na kahit nasasaktan ka na, hindi mo pa rin siya matiis.

Binitawan na niya kaagad ako sa pagkakayakap at kaagad ko siyang tinanong, "Why are you here?"

"I just wanted to check you pagkatapos ng mga pinagagawa sa'yo ni Athena." Bakas sa kanya ang sinseridad at pag-alala sa akin pero di pa rin ito sapat para maging maayos ulit kami ng aking kakambal.

"Do you think I'm ok after you ruined my relationship with my sister?" giit ko sa kanya.

Hindi niya kasi iniisip ang magiging consequences ng kanyang ginagawa. Parating sariling damdamin lang niya ang mahalaga.

"I am sorry. It didn't intend to destroy your relationship with your twin. I am just honest about my feelings for you." He is still trying to explain but I don't accept that. "I am sorry, Cassidy."

"Do I have many times I told you that you are not allowed to use my second name?"

He is really stubborn. Pilit niya pa rin isisiksik ang sariling kagustuhan. Hindi ko siya hinahayaan na itawag niya ako sa pangalawang pangalan.

"Why I won't?" giit niya muli.

"It's ..." He stop me.

"I am still calling you of that name although you don't want it."

"Napakatigas talaga ng ulo mo." Iritableng saad ko. "Sinabi ko ng..."

"Wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto, Cassidy pa rin itatawag sayo because you're special." Napahilamos ako ng mukha sa sinambit niya.

"Ilang beses ko na rin sinabi sa'yo na layuan mo na ako? Di mo ba nakikita ang sitwasyon ko dahil sa kagagawan mo?" sigaw ko sa kanya.

Biglang naglaho ang mga ngiti niya sa labi matapos sabihin ko sa kanya iyon. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. Napapikit siya at akmang lalapit ulit sa akin pero kaagad akong umiwas.

"Gusto mo na ba talaga ako lumayo at itigil na ang kahibangan kong 'to? Fine! Hindi mo na ako makikita kailanman at ito na ang huli para magkita at magkausap pa tayo."

Nang sabihin niya 'yon, naglakad na rin siya palayo sa aking unit. Tahimik ko lamang pinagmasdan ang kanyang paglisan at pagkatapos sinara ko kaagad ang pinto.

Muli kong binuhos ang mga luha na kanina pang nagbabadya. Alam kong napaka-OA ko na pero ito ang natatanging paraan para di na mas lumala pa ang misunderstanding namin magkapatid. I have no choice pero ito iyong tama para sa lahat. Kahit masakit titiisin ko na lang kaysa tuluyan nang masira pa ang relasyon naming magkakapatid. Kilala ko si Athena. Hindi siya iyong tao na kayang umunawa at magpatawad.

Mahal ko si Greige. Mahal na mahal pero hindi kami ang para sa isa't isa.

Pumanhik ako ng kwarto at doon itinuloy ang pag-iyak. Yakap-yakap ko ang unan hanggang sa nakatulog ako nang mahimbing.

Kasalukuyan kong kausap si Zen sa cellphone. Kinamusta niya ako at ipinagbigay niya alam sa akin ang tungkol sa aking pag-apply sa kanilang kumpanya.

"I am sorry, Althaea. I didn't do my best to make you qualify for the job. I asked our HR consultant here but she said that she found already an applicant needed for the positiion available last time." I feel his sadness and dissapointment.

"It's ok, Zen. I will try find another job next time."

Ginawa naman niya lahat para matulungan ako pero walang magagawa kung di ako kwalipikado sa ganoong position.

"But, Althaea..."

"Ok lang, Zen naiintidihan ko. You did some efforts para matulungan ako pero sapat na 'yon for me. I'll be the one who can find a job next time. Masyado na kitang inabala dahil dito." I really feel guilty sa ganitong bagay na di dapat ako umasa.

"But will make sure na di ka na magtatrabaho sa bar. It is not safe for you." He really cares so much na di ko pa nagagawang suklian sa ngayon.

"Yes. Di na ako babalik doon. I've told already the manager there."

Nagsabi na rin ako sa may-ari ng bar na 'yon na di na ako makakabalik pa para magtrabaho at sabi ko na lang na may nahanap na akong iba.

"Well, Althaea I have to go. Mali-late na ako sa work. See you later." Sabay kami nagpaalam sa isa't isa matapos ang usapan namin.

Pagsapit ng tanghali nagluto na lang ako ng meat loaf bilang ulam lalo na wala pa akong trabaho ngayon. Kaya, kailangan ko muna magtiis sa ganitong pagkain. I won't give up. Umaasa pa naman akong makakahanap pa rin ako ng trabaho.

Nasasagi sa isip ko ang mga dahilan kung bakit ako di natatanggap dahil hanggang ngayon maaaring sina-sabotage pa rin ako ni Athena. Naniniwala pa naman ako na may company na di niya magagawang lagayan o siraan ako. Sana nga mayroon pa.

Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko lahat ng aking mga pinagkainan at dumiretso na lang muna sa aking kwarto.

Nang tumama ng oras sa alas-dos ng hapon, bigla na lang ako nakarinig ng ingay sa sala tila may kumakatok sa pintuan. Kagaya ng dati, sinisilip ko muna ang tao sa butas nito bago papasukin.

"Bez!" Mabilis akong niyakap ni Ginger nang ipinagbuksan ko siya ng pinto. "Sobrang na-missed kita alam mo ba 'yon? Mabuti na lang nakapag-leave ako para mapuntahan kita."

"Na-missed rin kita, Gin. Pasok ka muna." Sinarado ko kaagad ang pinto at hinatid ko siya sa salas.

"Hanggang ngayon di pa rin ako maka-move on sa pagtanggal nila sa'yo sa company." Nagmamaktol pa ring saad ni Ginger.

"Ako rin di pa nakakalimot at di makapaniwala sa nangyari." dugtong ko pa.

Sobrang mabigat pa rin sa loob ko na tanggalin nila ako ng ganoon na lang dahil sa utos ni Athena. Sa tagal ko ng pagtatatrabaho sa kanila, iyong loyalty na ginawad ko sa company at iyong dedication ko sa trabaho nabalewala lang lahat. Nakakalungkot isipin lang.

"Alam mo ba? Balak ko na rin mag-resign sa kanila pero inisip ko na di pala ganoon kadali maghanap ng trabaho dito sa Pilipinas." pahayag niya kaya kaagad akong napalingon sa kanya habang naghahanda ako ng snacks namin. "Naiinis kasi ako nang tinanggal ka nila ng walang basehan."

Napahinga ako nang malalim bago dinala ang snacks sa table. Gusto ko na ring sabihin kay Ginger ang dahilan kung bakit ako tinanggal sa trabaho at kung sino ang puno't dulo nito.

"Inom ka muna ng juice mukhang mainit ang ulo mo." Pagpapakalma ko sa kanya bago sabihin iyon.

Mga ilang minuto pa bago ako nagsalita at nagdesisyon na sabihin sa kanya ang ginawa ni Athena sa akin.

"Gin, mayroon sana akong gusto sabihin sa'yo?" Natigilan siya at nanlaki ang mata.

"Don't tell me na mag-aasawa ka na..." Medyo natawa ako sa kanyang pahayag.

"Hindi noh. Ano ka ba?"

"Eh, ano?" Nakanguso pa nitong saad.

Siya nga talaga si Ginger na kilala ko na may pagkaisip bata pa rin hays pero sobrang mahal ko pa rin siya bilang kaibigan. Siya iyong pinaka-active at supportive friends ko.

Mga ilang segundo pa bago sabihin sa kanya dahil nag-aalinlangan pa rin ako.

"Ahm, actually niyan si Athena ang dahilan kung bakit ako pinaalis sa trabaho?"

"Ano?" sigaw niya.

"Siya nag-utos na tanggalin niya ako sa company na pinagtatrabaho natin."

Halos di makagalaw si Ginger sa aking sinabi at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkainis kay Athena.

"How dare your sister!" Gigil niyang saad. "Paano?"

"Di ba mataas na ngayon ang posisyon niya sa company namin kaya may possible na siya ang nag-utos niyon at inamin niya lang sa akin kahapon."

"Ang kapal ng mukha talaga niya. Sorry, Bez pero sobrang naiinis lang ako sa kapatid mong makasarili." naiinis pa ring pahayag ni Gin.

"Gusto niya makaganti sa akin at layuan si Greige."

"Ang babaw talaga ng kakambal mo, Althaea. Wala siyang kwentang kapatid sa totoo lang. Nababaliw na siguro siya." inis na inis pa rin si Ginger kay Athena.

Maya-maya pa may narinig ulit akong kumakatok sa pintuan.

"Dito ka muna, Gin." Paalam ko aaglit sa kanya.

"Sige, Bez."

Sumilip ako sa butas. Napakunot ang aking noo sa nakita. Hindi kilala ang mga lalaking nasa labas ng unit ko. Sa aking kuryosidad, pinagbuksan ko sila ng pintuan at kaagad na tinanong.

"Sino po sila?"

.