Nagpakilala silang mga tauhan raw ng may-ari ng buong apartment."Ikaw po ba si Althaea Cassidy Muestra?" Mabilis akong tumango sa tanong nila.Nagulat ako nang sunod nang pumasok ang iba pang kalalakihan."Sige simulan niyo nang alisin at ilabas ang mga kagamitan na pag-aari ni Ms. Muestra." utos nito sa mga kasamahan at gulat akong napatitig sa kanila."What is this for?" Nagtataka kong tanong sa lalaki."I am sorry Miss Muestra pinag-utusan lang po kami." Nakayukong saad nito."Nino?" Maya-maya narinig ko rin ang reaksyon ni Ginger sa biglaang pagpasok ng mga kalalakihan."What's happening here?" Nagtatakang-tanong niya habang inaaway na ang mga lalaking nagbubuhat ng iba kong mga gamit. "Bakit niyo kinukuha mga gamit ni Bez?""Sabihin mo sa akin kung sino?" Sigaw ko sa lalaki."Kamukha niyo po siya eh." Napakamot ito ng ulo bilang sagot at pilit niya akong pinapakalma ngunit pumalag ako.Napansin iyon ni Gin dahilan para lumapit siya sa akin."Anong nangyayari, Bez?" Magsasalita na sana ako nang biglang lumitaw sa aming presensya si Athena nakaismid lang ito sa amin."Ikaw?" naiinis na sambit ni Gin sa aking kakambal. "Wala ka talagang awa pati ba naman bahay ng kapatid mo kukunin mo rin? Inalisan mo na nga siya ng trabaho eh!" Sigaw nito kay Athena. "Nang dahil lang sa lalaki na 'yan. Huwag ka mag-alala hindi siya aagawin sa'yo ni Bez. Isaksak mo sa baga mo 'yang boyfriend mo." Isang napakasakit na salita ang binitiwan ni Gin kay Athena pero wala lang ito sa aking kakambal.Pumalakpak lang ito at tinawanan kami, "Kung nilayuan na sana nitong kakambal ko si Greige hindi ito mangyayari..."Akmang susugurin siya ni Gin dahil sobrang galit na nararamdaman sa kanya pero kaagad ko itong pinigilan."Althaea naman!" panghihinayang niyang tugon. "Inaapi ka na nga ng kapatid mo, wala ka pang balak sugurin siya?"Sa halip na sagutin siya kaagad, dinala ko siya sa di kalayuan sa apartment at ipinaliwanag sa kanya ang mga bagay."Kapatid ko pa rin siya, Bez?" mahinahon kong sagot."Hanggang ngayon nagpapakumbaba ka pa rin sa kakambal mo kahit inaapi ka na?" Bakas pa rin sa kanya ang pagkainis sa mga ginagawa ni Athena. "Bez, naman maawa ka sa sarili mo.""Sana maunawaan mo ako, Bez. Hindi ko pwede awayin si Athena. Mahal ko pa rin bilang isang kapatid kahit ginawan na niya ako nang masama."Napabuntong-hininga si Ginger sa sinabi ko. Naiinis siya naawa sa aking desisyon."Sandali, Cas." saad ni Gin nang maglakad ako pabalik sa unit.Makikiusap ako kay Athena baka sakaling mapagbigyan niya ako at maawa na siya sa akin.Hinawakan ko ang braso niya para buo akong makikipagmakaawa sa kanya, "Thena, please? Ayusin na lang natin ito huwag mo lang kunin sa akin ang apartment na 'to." Bigo pa rin matapos iwaksi niya ang mga braso ko sa kanya.May dinukot siya sa kanyang bag at may nilabas na pictures."Sa palagay mo ba magiging maayos ang lahat matapos makita ko 'yan?"Gulat akong makita ang mga larawan na kinuhanan na kahapon lang at magkayakap pa kami ni Greige. Natigilan rin si Ginger sa kanyang nakita."Thena, let me explain..." muli kong pakiusap sa kanya."Ano pa dapat mong i-explain sa mga larawan na 'yan?" Napangisi siya. "Iyan ang ebidensya na nakikipaglandian ka sa boyfriend ko.""Shut up!" Awat sa amin ni Gin. "Ilang beses na sasabihin na ang jowa mo ang lapit ng kapit sa kaibigan ko.""Liar." giit ni Athena."You're selfish."Hindi pa natatapos ang bangayan nailabas na ang lahat ng mga gamit ko sa apartment at isinara na nila ito. Iniwan na lang kami ni Athena kasama ang mga kalalakihan na 'yon. Labis ang lungkot na aking nararamdaman dahil sa nangyari nanaman ngayon. Hindi ko nakumbinse si Athena.Pagkalipas ng apat na oras, kasalukuyan akong nakahiga sa kama ni Gin. Nagpapahinga lalo na labis kaming napagod kanina dahil nag-arkila muna kami ng tricycle para mailipat muna ang gamit dito sa condo ng aking kaibigan."Bez, nariyan si Zen." Nagulat at napatitig ako kay Gin nang sabihin niya 'yon."Hey, Althaea are you ok? Nabalitaan ko ang nangyari." Nag-alalang sambit niya. "Sumusubra na talaga ang kakambal mong 'yan. Wala siya talagang awa at utang na loob." "Oo nga Zen eh kaso itong si Bez di man nagawang ipagtanggol ang sariili sa pang-aapi ng kakambal niya." Sumbong ni Gin kay Zen pero hindi naging interesado pa siya roon.Mga ilang sandali pa ay may narinig kaming ingay sa labas."Si Athena." Nakairap na sambit ni Ginger sa akin kaya kaagad akong bumagon sa kama."Althaea, wait." Dinig kong saad ni Zen habang naglalakad ako palabas ng kwarto."Lumabas ka diyan, Althaea." Napansin nito ang napagewang-gewang sa paglalakad ang kapatid. "Bakit ikaw pa rin?" Panduduro niya sa akin."Hoy, kung wala kang gagawing matino maaari kitang palayasin dito." Dinig kong sigaw ni Gin. "Kapal ng mukha matapos mong kunin ang best friend ko pati ba naman dito. Subukan mo lang." Akmang susugurin nanaman ni Ginger si Athena pero kaagad na pinigilan ito ni Zen."Huwag mo ng patulan." bulong nito.Maya-maya bigla na ring lumitaw sa aming paningin si Greige at pinipigilan na rin niya si Athena sa ginagawa nitong pangugulo."Tama na, Athena." pagpipigil nito kasabay ang pagtitig niya sa akin."Sapalagay mo titigil ako hangga't nakikita ko ang tao na siyang dahilan ng break up natin?" Nakaramdam ako ng pagkagulat sa kanyang sinabi. Break up? Kaya ganito na lang ang galit sa akin ng kakambal ko. Napaka-selfish mo talaga, Greige. Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo lang.Gusto ko man ihayag sa kanya 'yon pero hindi pwede dahil mas pinili ko na lamang ang manahimik."Deserve mo iyon, Athena." sigaw ni Greige sa aking kapatid.Lumabas ako ng condo unit para lapitan si Athena pero bigla na lang niya ako sinampal sa pangalawang pagkakataon."Bez!" Napaawang ang bibig ni Gin at nilapitan niya rin ako."Mang-aagaw!" sigaw sa akin ni Athena."Mabuti pa, Althaea pumasok ka na sa loob." saad ni Zen sa banda naming likuran."Bakit di ka nakapagsalita?" Natatawang saad ni Athena sa akin."Thena, please stop it." Naiinis na ring sambit ni Greige kaya pwersahan niya itong kinarga papasok sa kanyang sasakyan."Bitawan mo ako, Greige!" Sigaw ng aking kakambal habang pilit na kumakawala sa bisig ng kanyang boyfriend."Sinabi ko nang tumigil ka na." Bakas sa kanya ang pagkainis na nararamdaman dahil sa ginawa sa akin ni Athena.Sinisisi ko rin si Greige sa nangyari sa akin. Kung noon pa, hinayaan na lang niya ako at sumama na siya kay Athena hindi ito mangyayari. Pero pilit pa rin niya ipinagsisiksik ang sarili sa ganitong kakumplikadong sitwasyon.Mga ilang sandali ay napaestatwa lamang ako sa aking kinatatayuan nang makita silang paglayo kasabay ng pagbagsak ng aking luha. Naglakad muli ako papasok ng condo unit at hinabol ako ni Ginger. Sumunod rin si Zen.