Chapter 41 - KABANATA 40

Hera was just staring blankly at the scene in front of her. Parang natuklaw ng ahas ang kaniyang katawan at hindi niya iyon maigalaw. Sa sobrang gulat at sakit na kaniyang nararamdaman ngayon ay hindi mapigilang maging manhid ng kaniyang katawan. Ang sakit sa kaniyang puso ay dumaan papunta sa kaniyang mga nanginginig na palad.

Napasinghap si Hera at dahil sa kaniyang ginawa ay naagaw ang atensyon ng dalawang tao na kung maghalikan ay wala ng bukas. Napatingin ang mga ito sa kaniya. Mas lalong nanginig ang buong katawan ni Hera nang makita ang mukha ni Lucas na hindi niya nakita mga ilang araw na.

Hindi alam ng babae kung saan ba siya magugulat. Sa katotohanan ba na nagdala si Lucas ng babae sa bahay nito at nadatnan itong may kahalikan o sa paraan ba ng pagtitig ngayon ng lalaki sa kaniya. Ang marahan na mga mata ng lalaki na puno ng pagmamahal na tumingin sa kaniya noon ay parang isang impossibling pangarap na bigla na lang naglaho.

Ang paraan nang pagtingin ni Lucas ngayon sa kaniya ay nagbago at bumalik ulit sa dati. Ang malamig na nga mata nito na kung tingnan siya ay parang hindi siya nito kilala ay mas lalong nagpasikip sa kaniyang puso. The way he stares at her right now is the same as the first time she meet him.

"Who is that woman?" maarteng tanong noong babae na nasa ibaba ni Lucas. Nang tingnan niya ang katawan nito ay nakita ni Hera na puno ng pulang marka ang bandang dibdib ng babae. Kitang-kita niya ang tayong-tayo at namamagang nipple ng babae na para bang kinagat iyon ng kung sino.

Imbes na sumagot agad si Lucas ay umalis ito sa pagkakapatong sa babae at umupo sa couch. Kinuha ng lalaki ang sigarilyo na nasa glass table at sinindihan iyon. Kaagad naman na pumatong ang babae na may maganda pero maarteng mukha sa katawan ni Lucas.

Nandoon lang si Hera at nakatunganga. Hindi maigalaw ang katawan at hindi makapagsalita. The scene that welcomed her earlier was too much to that point that her body temporarily shut down. Parang pinagsasaksak ang kaniyang puso at dinurog iyon nang pino-pino.

Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Nang malaman niya kanina na dumating na pala si Lucas matapos ang ilang araw na hindi ito umuwi, hindi niya mapigilang mabuhayan ng loob. In the past days where Lucas suddenly left, Hera felt like she's dead.

Sobrang excited niya nang malaman na umuwi na si Lucas sa punto na hindi na siya nagtanong pa sa mga kasambahay na nadatnan niya na umiiyak. Sa kaniyang pag-aakala na baka umiiyak ang mga ito dahil sa wakas ay umuwi na si Lucas. Pero mali naman pala ang kaniyang akala.

Ngayon ay pakiramdam niya ay isa siyang bagay na matapos pagsawaan ay bigla na lang iniwan sa kaniyang lalagyan.

"Hmm? Why are you not answering babe?" The way the woman in front of her acted like a child and pouted her lips just because Lucas didn't answered was ridiculous. Mas lalong nagulat si Hera nang basta na lang kinuha ng babae ang sigarilyo na nakaipit sa mga labi ni Lucas.

Akala ni Hera ay maiinis si Lucas dahil sa ginawa nito pero laking gulat na lang niya nang ngumisi lang si Lucas at hinila ang batok ng babae.

"I'm sorry. Just don't mind her, she's just a maid," Lucas replied with a smirk and immediately kissed the woman. Napapikit ang babae at napaungol. Pero ang ekspresyon ni Lucas ay ganoon pa rin. Blangko at walang buhay ang mga mata. Ni hindi man lang pinikit ng lalaki ang mga mata nito.

Hindi na napigilan ni Hera ang kaniyang sarili at muntik nang mapasalampak sa sahig. Mabuti na lang at sinali siya ng mga kasambahay na sinundan pala siya. Rinig na rinig niya ang mahinang pag-iyak ng mga ito pero wala doon ang atensyon ni Hera.

Kung hindi kay Lucas na nakatingin ngayon sa kaniya gamit ang walang buhay na mga mata nito. Napaawang na lang ang labi ni Hera sa sakit at napatitig sa lalaki na hindi niya inaakala na sasaktan siya nang ganito. Of all the people, why Lucas? What happened to the man she loves?

Hindi na siguro nakayanan ng kaniyang katawan ang sakit sa kaniyang puso kaya bigla na lang siyang nawalan ng malay. Pagkagising ni Hera ay natagpuan niya ang kaniyang sarili sa silid kung saan una siyang namalagi noong maid pa lamang siya ni Lucas.

Maingat na bumangon siya paupo at napayakap na lang sa kaniyang sarili. Ang kaninang mga luha na pinigilan niya at kusang tumulo. Napahagulgol si Hera at hindi mapigilang tanungin ang nasa itaas.

"W-why? B-bakit ganoon? A-ang sakit-sakit," Hera mumbled to herself and continue crying. Her mind was in turmoil and she couldn't think of anything. Ni hindi nga niya mahanap kung ano ba ang dahilan ni Lucas at kung bakit bigla na lang itong nagbago.

Pakiramdam ni Hera ay namatay ang kalahati ng kaniyang puso dahil sa sakit. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa hindi na siya makahinga at muntik na ulit mawalan ng malay. She never really cried this hard before. Kahit na noong namatay ang kaniyang ama at kahit na noong grabe ang kaniyang naranasan sa kamay ng mga tao na tinuring niyang pamilya.

Kahit kailan ay hindi siya nasaktan nang ganito. Ngayon lang. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman na sa tingin niya ay baka bigla na lang bumigay ang kaniyang puso dahil doon. Pain, betrayal, disappointment and angst.

From the sadness of not being able to see Lucas for how many days, for seeing Lucas again with another girl, for witnessing Lucas with her own eyes denying her and for seeing Lucas became a lifeless being again. Hindi alam ni Hera kung may mas sasakit pa ba sa mga nangyayari sa araw na ito.

Her life in the past weeks had been happy but then it suddenly go downhill and she's hurt again. Hindi niya tuloy mapigilan tanungin ang sarili kung may sumpa ba siya o hindi ba siya gusto ng Diyos.

Palagi na lang kasi sakit ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang buhay. Kung sasaya man siya ay hindi naman din iyon tatagal. She couldn't help but wondered if pain was her twin and living like hell was her destiny?

Hindi niya alam. Pagod na pagod na siya na masaktan. Gusto na niyang sumuko but then again, ayaw niyang sukuan ang lalaki na nagbigay sa kaniya ng liwanag.

She loves Lucas and she knows him more than anyone else. Sigurado siya na may rason ang lalaki. That's why she'll try talking this out with him.

"L-lucas... Can we talk?" mahinang tanong ni Hera sa lalaki nanay madatnan niya ito na tahimik na umiinom ng alak sa sala. Ang aga-aga pero umiinom na agad ito.

"About what?" Napakislot si Hera dahil sa sobrang lamig ng boses ni Lucas. Parang ang lalaki na kaniyang kaharap ngayon ay hindi ang lalaki na nakasama noong nakaraan. Ibang-iba na si Lucas at tuluyan na ngang nagbago ang paraan ng pagtrato nito sa kaniya.

Nang magising ulit si Hera kanina ay sila na lang dalawa ulit ni Lucas. Hindi niya alam kung saan napunta ang babae na dala ni Lucas kagabi. Ang tatlong kasambahay nila ay pinalayas ni Lucas maging ang driver. Tuluyan na nga silang bumalik sa dati.

Napakagat si Hera ng kaniyang labi at inipon ang lahat ng lakas loob na natitira sa kaniyang katawan at binuksan ang bibig para magsalita.

"W-what happened to you? Y-you suddenly didn't show up for how many days and suddenly comes home like this–"

"Why do you care?," mapakla na tanong ng lalaki sa kaniya at napatigil sa pag-inom. Humarap si Lucas sa kaniya at pinahid ang basang bibig nito. Sobrang pula ng mukha ni Lucas at halatang kanina pa ito nag-iinom.

Nagsimula na namang manginig ang buong katawan ni Hera. She clenched her fist tightly and open her mouth again to speak.

"Of course I care. L-lucas, just... Just what happened to you?" After she asked that question, Lucas suddenly froze and stared at her blankly. All Hera could do was to stand still and stared back at him.

"You're not like this... Why did you suddenly change?" Napasabunot ang lalaki sa buhok nito na para bang ayaw marinig ng lalaki ang kaniyang boses. He looks like he was suffering.

Pinipigilan niya ang sarili na umiyak at yakapin ang lalaki na sobrang higpit. Miss na miss na niya ito at gusto nang mayakap but then, pinipigilan lang niya ang sarili dahil sa kabilang sitwasyon ngayon.

Lucas suddenly groaned as if he was hurting. Nanlaki ang mga mata ni Hera at mabilis na hinawakan ang braso ng lalaki pero winaksi iyon ng lalaki dahilan ng kaniyang pagkakatulak. Muntik na siyang matumba dahil doon, mabuti na lang at nahawakan niya ang backrest ng couch.

It hurts...

Napatingin si Hera sa kaniyang kamay na winaksi ni Lucas. Namumula na iyon at masakit. Tiniis niya iyon at tingnan ulit ang lalaki na hindi niya alam kung ano ang iniisip ngayon.

"Lucas–"

"Shut up!" Dumagundong ang malakas at galit na boses ni Lucas sa loob ng mansyon. Napaigtad si Hera sa takot at unti-unting umatras nang makita ang nagbabagang mga mata ni Lucas na nakatitig sa kaniya na para bang gusto na siyang patayin ng lalaki.

Kaagad na tinawid ni Lucas ang kanilang distansya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mukha. Napaigik si Hera sa sakit at hindi mapigilang maiyak sa takot.

"Stop annoying me from now on if you don't want me to put something in your mouth. Get lost you wench."

Tinulak siya ni Lucas kaya napasalampak siya sa couch. Kung wala lang siguro ang couch ay baka sa matigas na sahig na siya dumiretso. Bago umalis si Lucas ay tiningnan muna siya nito at naglakad palayo habang dala-dala ang alak nito.

Walang nagawa si Hera kung hindi sundan ng tingin ang papalayong likod ng lalaki. Napahagulgol na lang siya at napatakip ng kaniyang mga mata.

It's the first time Lucas hurted her. Not only physically but also emotionally. Hindi niya matanggap na tuluyan na ngang nagbago si Lucas. She wanted to deny the truth but after what happened earlier, there's no way she can deny the truth now.

Nagbago na nga si Lucas at hindi na ito ang dating lalaki na nangako na hinding-hindi siya sasaktan at pababayaan.