TULAD ng sinabi nila, the presentation went actually great. Nakahinga ako nang maluwang nang sabihin saakin iyon ni Kesler pagbalik nya. Tumawag din saakin ang ilang investor just to congratulate me.
Sya lang mag-isa ang nagpunta sa meeting, maging si Luck ay nanatili lang sa upuan nya, nagtrabaho habang katabi ang nagse-cellphone na si Jester. Mukang sigurado nga sila sa kakayahan ng lalaki kaya ganon sila ka-chill.
Sabagay, hindi pa naman talaga nakakapunta si Luck sa meeting kasama ang investors sa panahon nya rito.
Lunch time ay nagpadeliver lang ako ng pagkain sa office ko at tinawag ko 'yung magpipinsan.
Umupo kaming lahat sa apat na sofa na nakapalibot sa medyo may kalakihang mesa dito sa office ko. Magkaharap kami ng secretary ko at ang magkatapat naman ay ang kambal.
Tahimik sila mula nang makapasok dito, it's already 12:30 pm. Inilabas ko ang mga pagkain sa plastic na may tatak ng isang kilalang restaurant.
Binigyan ko rin sila ng tag-iisang plato, fork and spoon at baso.
"Uh, this is also my way of saying thanks." Agad kong sabi nang pipigilan sana ako ni Kesler sa pagsasalin ng inumin sa baso nila.
"Ayos lang naman. Kanina ka pa nagte-thank you. Trabaho ko rin naman 'yon, na pag-aralan ang takbo netong kumpanya lalo't hired na ako, 'di ba?" Kumindat sya nang ilang beses at saka ko naalala.
"Nagtanong na ako ng bakanteng posisyon at mamaya, pagkatapos kumain ay pwede natin yon pagdiskusyunan. But for now... eat up you three!"
Hindi pa rin sila gumalaw tatlo. Nakatingin lang sila saakin kaya naglagay na ako ng pagkain sa plato ko.
"Are you really okay, boss?" Biglang kumirot ang ulo ko sa tanong ni Luck. May kung anong parang pumitik sa sentido ko pero hindi ko gaanong pinansin dahil ang mas napansin ko ay pagtawag nya saakin ng... Boss.
"I-I am fine, of course. Kain na kayo."
Kumain na ang dalawa habang nakatingin pa rin si Luck na parang may gustong sabihin, tinanguan ko nalang sya at yung itsura nya ay parang naging: Now-i-dont-have-a-choice-but-to-eat-look.
Hindi naman na naging awkward lalo nang ibinida ni Kesler ang iba't-ibang mga bagay na madalas naman ay kinokontra ng kakambal nya. Hindi rin sila napakali at sinabi ko na rin ang bakanteng posisyon na siyang itetake ni Kesler. Payag na payag naman sya.
Tinanong ko bakit sya umalis sa trabaho, nabanggit nya na nga kasing sa bangko sya nagtatrabaho non.
"Seryoso kasi, isang araw, hindi lang dalawang babae yung nag-aaway para saakin don sa bank that's why I decided to resign."
"That's his way of saying: I'm not good enough so they fired me. Medyo kakaiba lang minsan yung pagkakaintindi nya." Pambabara ni Jester na kunwari ay nagpalaliwanag saakin.
"Hoy! Seryoso ako!"
"E yung nag-iisa mong crush nung highschool ni hindi ka nga pinansin sa buong highschool days natin."
"FYFI, hindi sya ang hindi pumansin. Crush ko sya tapos crush nya rin ako. Pero nagdecide akong umiwas para mas mag-aral nang mabuti. Kaya parang nagtampo sya saakin."
"Sa pagkakaalala ko, noon pa man, ako yung mahilig umiwas sa girls dahil nag-aaral ako nang mabuti para sa scholarship!" Sansala ni Jester tapos ay nagtalo sila kung sino ang mas nag-aral nang mabuti.
"Pinag-aagawan ka nila kasi minsan, pinagkakamalan ka nilang ako."
Sa pakikinig at minsan ay pagtatanong sa mga kwento nila, nalaman kong marami rin pala silang magkakapatid, 6 sila at scholars silang lahat. Ang galing! Lalo ko tuloy ginustong mas malaman ang mga kwento nila.
"Sino yung matanda sainyo?" Tanong ko sa gitna ng pagkain.
"Si Jester!"
"Si Kesler!"
Sabay pa nilang itinuro ang isa't-isa. Natatawa tuloy ako sa kanila.
"It's Jester." Sa wakas ay umimik din ang katapat ko na kanina pa nakamasid saamin. "They said that the older is the last to get out. Nauna daw lumabas si Kesler so he's younger ayon kay tita Van."
Medyo kakaiba pakinggan pero parang may narinig nga akong ganyang paniniwala. Kapag may kambal, ang unang lumabas ay mas bata at ang huling lalabas ang mas matanda sa dalawa.
"Gurang amp." Nagpiligil ng tawa si Kesler habang tinuturo ang sibangot na si Jester pero hindi rin sya nakapagigil at humagalpak bigla ng tawa. Pati tuloy ako ay natawa sa paraan nya ng pagtawa hanggang sa namalayan ko nalang na tumatawa na kaming tatlo, pero si Luck naman ay nakangiti ang habang nakatitig saakin.
Tapos na kaming kumain lahat ngayon.
Seriously, wala na bang gagawin tong taong to kundi tumingin, magmasid at tumitig? Naiilang na ako pero kasabay noon ay may kung anong kilig akong nararamdaman habang napapatingin sa mata nyang nakatingin din saakin.
Heto na naman ang mga paru-paro. Napakurap pa ako at tumingin sa paligid nang kumindat sya kaagad. Kaagad kong kinagat ang labi ko at pinaghawak ang mga kamay ko nang mahigpit.
Anong kinikindat-kindat nya?
"Parang may gagawin ako ngayon, bro. Uuna na ako ah?" Tumayo si Jester saka nagtatakbo palabas.
"Tsk, ayaw lang magligpit no—" nanahimik si Kesler bago nagpalipat-lipst ng tingin saamin ni Luck. Kinunotan ko naman sya ng noo. "On the other hand, aayusin ko pala ang requirements na ipapasa ko, right?"
"Requirements sa?"
"Di ba sabi mo, I'm in? I am hired. Pero kahit ganon, magpapasa rin ako ng requirements dahil baka sabihin favoritism ka at kumalat dito na tinanggap mo lang ako kasi pogi ako." Inayos nya muna ang lahat ng nga pinagkainan, naghugas pa nga ng plato at itinapon ang kalat saka hindi na umimik at umalis na.
Ako ay parang naestatwa sa pagkakaupo, ilang na ilang ako ngayong kaming dalawa nalang at hindi ko alam ang gagawin.
"So..." Tumikhim muna si Luck at igla akong napatayo kaya halatang nagulat sya.
"So, let's get back to work!" Mabilis kong sabi at nagmamadali nang pumunta sa swivel chair ko para bumalik sana ulit sa pagkakaupo roon pero mas mabilis syang makalapit saakin at hinila ako.
Nabigla ako sa hila nya at mukhang ganoon rin sya kaya naman na-out of balance sya. Dahil nga hawak nya ang braso ko ay nakasama ako. Ang ending, napaupo sya sa sofa na inuupuan ko kanina at ako naman ay nanlalaki ang mga mata nang bumagsak ako sa kandungan nya.
Narinig ko ang biglang pagsinghap nya, nasaktan yata kasi hindi naman ako magaan. Pero tahimik lang sya bago tumikhim.
Tiningnan ko sya, napatitig kami sa isa't-isa at kita ko ang sunod-sunod na paglunok nya. Pinili kong ituon ang tingin ko sa kisame pero nangangalay ang leeg ko at bumabagsak ang tingin ko sakanya.
"L-Luck..." Anas ko nang makitang unti-unti syang lumalapit saakin. Nadadala naman ako pero pilit kong pinapakalma ang tiyan ko na parang may kung anong nagdiriwang sa loob non.
Nanlaki lalo ang mata ko nang maramdamang may anumang matigas na bagay na tumutusok sa pwetan ko habang sya ay nakapikit at halos gahibla nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Hinaplos nya ang pisngi ko at parang nalimutan ko ang lahat. Nakalimutan kong nandito kami sa opisina ko, na ako ang boss at sya ang secretary ko. Nakalimutan ko na nakakandong ako sakanya at higit sa lahat, wala kaming relasyon.
Halos ramdam ko na ang labi niya na padampi sa labi ko, amoy ko na rin ang mabango niyang hininga, napahawak ako nang mariin sa sandalan ng sofa.
Pero biglang bumukas ang pinto nang di inaasahan. "Shit!" Mabilis pa sa alas-kwatrong nagkalayo kami ni Luck at napatingin sa nanlalaki ang mga mata na si Kesler.
Binatukan agad sya ni Jester na nasa tabi nya lang pala. "Yan! Demonyo ka talaga!" Nagtatakbo si Jester papasok at kinuha ang nakapatong na cellphone sa mesa at hinila ang kakambal paalis.
Hindi ako makahinga sa kahihiyan. Hindi ako makatingin sa gulat at lalong-lalo na sa panghihinayang. "Letse, second kiss na sana!" Bulong ko sa sarili ko.
//
I am so ready to go home. It is already 7 pm, late akong uuwi dahil medyo matagal din naman ang ipinahinga ko kanina. Sobrang ayos na ng pakiramdam ko lalo at matapos kumain ay uminom ulit ako ng gamot.
Tinanaw ko ulit si Luck mula sa glasswall. Hanggang ngayon ay mayroon pa syang binabasa samantalang kanina ko pa sya sinasabihan na umuwi. Kailangan nya daw mag-overtime para mas plantsado na ang mga gagawin nya bukas. Agree naman ako na habanh lumilipas ang araw ay mas lalong dumarami ang iniintindi namin.
Lumabas ako at sinarado ang pinto. Akmang magpapaalam na ako nang paglingon ko ay nakita kong nagmamadali nyang inaayos ang laman ng brief case nya. Nakaayos na ang laptop nya at nakalagay na sa lalagyan nito.
"U-uuwi kana rin?" Tumango sya at nagkibit balikat nalang ako. "Bye."
Naglakad ako paalis, buti naman at makakapagpahinga na rin sya. Pagharap sa elevator, bubuksan ko sana iyon nang may mga kamay na naunang pumindot sa button. Napatingala ako at nabigla na naman nang makitang si Luck iyon.
"Ang bilis mo—" sabagay, sa haba ng biyas nya, hindi na ako magtataka kung bakit ang bilis nyang maglakad. "Naayos mo na ba ang inaayos mo?" Tanong ko nalang para hindi awkward dahil kami lang dalawa sa elevator.
"Y-Yeah." Tumikhim pa sya. "How about you? Ayos na ayos kana ba? You look pale earlier." Kaya pala kanina ay tanong siya nang tanong kung okay lang ako.
"Oo, ayos na." Tumahimik na naman. Hindi sya kumibo na. Kumbaga sa chat ay seenzoned ako. Sabagay, hindi naman talaga ka-reply-reply ang sinabi ko. Pero baka sadyang hindi nya lang talaga ako trip kausapin.
Nauna akong lumabas. Nag-aabang na sa labas ng building ang driver dahil tinext ko na ito kanina. Ipinagbukas ako nito ng pinto pero bago makapasok, napansin ko si Luck na nakatayo sa bandang likuran ng sasakyan, tila may hinihintay.
"How about you?" Tanong ko sakanya, sinenyasan ko ang driver na ako na ang bahala kaya umikot na ito sa driver's seat.
"Naghihintay ng taxi."
"Asan na 'yung kotse mo?" Napag-alaman ko nang nakaraan na hindi naman pala company car ang kotse na lagi niyang gamit.
"Hiniram ko lang yon."
"Sabay kana sa—" hindi ko pa natatapos ay lumapit na sya.
"Sure. P-Para na rin tipid." Hindi man lang nya ako nilingon. Hinintay nya akong pumasok bago sya sumunod at sa pagkagulat ko ay saakin pa talaga sya tumabi, ang akala ko kasi ay sa tabi sya ng driver uupo. "H-Hindi ako kumportable ron." Maagap na paliwanag nya e hindi naman ako nagrereact.
"Ayos lang." Tahimik na naman kaming dalawa. Kilala ko na naman to at alam kong wala akong aasahan na makikipagdaldalan talaga sya saakin.
Madalas nya akong pilitin na magsalita lalo kapag hinihingi nya ang opinyon ko, pero kapag sya naman ay tipid bawat salita. Nagbubukas ng topic pero biglang nawawala.
"Anong... favorite mong n-number sa electric fan?" Aniya at nagtataka akong lumingon. Gusto kong tumawa pero seryoso ang tono nya. Nagbibiro ba sya?
"2?" Hindi siguradong sagot ko.
"Same." Sabi nya at nanahimik na naman.
Tiningnan ko ang bintana at mga dinadaanan namin nang maalala kong hindi ko pala alam kung saan sya ihahatid.
Tinanong ko sya at sinabi nyang medyo malapit lang naman ang lugar nya sa bahay namin kaya kung pwede ay sa malapit sa bahay nalang namin sya ibaba. Pinilit ko na nga na ihatid sya sa mismong bahay nya kaso sinabi nyang meron syang mga dadaanan.
Huminto ang sasakyan pero wala pa naman kami saamin. "Naku, ma'an, nasiraan po yata tayo." Agad na sabi ng driver sabay labas, napangiwi akong nilingon si Luck at nagtaka nang makitang bahagya itong nakangiti.
Lumabas sya sa di ko malamang dahilan saka umikot at binuksan ang pinto sa tabi ko. "Tara, nasiraan ng makina yung kotse nyo." Lumabas na rin ako. Kita ko ang problemadong mukha ng driver habang tinitingnan ang makina ng sasakyan.
"Pasensya na, ma'am. Chineck ko naman tong sasakyan kanina, hindi ko alam anong nangyari bigla."
"Ayos lang po. Nasa bahay naman si Kuya Sandro, tatawagan ko nalang." Kinapa ko ang cellphone ko sa bag at mahinang napamura nang hindi ito makita roon. "Shit, naiwan ko pa yata sa office."
Oo nga pala, nang itext ko kanina ang driver ay nilagay ko ang phone ko sa drawer, nag-ayos ako ng mga gamit kaya nawala na sa isip ko.
"Dead batt." Agad na pinakita saakin ni Luck ang cellphone nyang nakapatay nga. Napansin nya siguro na nakatingin ako, balak ko nga kasi sanang hiramin ang phone nya.
"Hindi bale, malapit na rin naman." Hindi naman ganoon kalayo. Kaso, ang dadaanan muna kasi ay isang kalsada na walang mga tao o bahayan, bagkus ay puro puno ang nasa gilid ng daan. Pagmamay-ari kasi ito ng isang kilalang politiko, may balak daw gawin sa lupain na 'to pero hindi pa napagtutuunan nang pansin, wala tuloy ilaw ang mga poste.
"Manong, lalakad nalang kami. Thank you for the ride." Hingi nang hingi ng paumanhin ang driver na naiwan din daw ang cellphone saamin.
Medyo maliwanag naman ang daan dahil sa bilog na buwan pero medyo kinakabahan ako. Malamig din kasi at napakatahimik nang magsimula kaning maglakad.
"Here." Nilagay ni Luck hawak hawak nyang jacket sa balikat ko. Boyscout talaga tong isang to.
"Thank you." Umiwas ako ng tingin dahil nailang ako nang pakaayos nya pa iyon. "Ako n-na." Kaso hindi sya pumayag nang ako na sana ang magsi-zipper non.
"Welcome." Ngiting-ngiti sya sa harapan ko bago naglakad ulit. Medyo binabagalan nya ang paglakakad para magkasabay kami. Alam ko dahil mabilis talaga syang maglakad sa office. Kapag magkasabay kami at miniminimize nya iyon.
"Ang malas naman." Bulong ko habang binabagtas ang daan na sobrang dilim, natatakpan ng mga puno ang sinag ng buwan.
Ang sakit din ng paa ko sa suot kong heels. Hindi ako nagdadala ng extra shoes dahil nakakotse naman ako pauwi.
"Swerte nga." Bulong ng katabi ko. Nang tingnan sya, kita ko ang misteryosong ngiti sa labi nya. Humakbang sya nang malaki saka umupo nang nakatalikod sa harap ko. "Hindi ka pa napapagod?"
"A-Ano?"
"Sakay kana sa likod ko."
"Huy, hindi." Naglakad ako paiwas pero lumipat sya nang pwesto. "Wag na!"
"Minsan lang ako mag-offer, sige."
"I'm declining. Thanks but it's a no." What the heck, seryoso ba sya sa sinasabi nya? Bakit nya naman ako ipapasan? Nakakalakad pa naman ako. Nangangawit, but still!
Boss nya ako, secretary ko sya, hindi naman kasama sa trabaho nya ang pasanin ako. Higit sa lahat, nakakahiya kaya! Binigay nya na ang jacket tapos ang bigat bigat ko.
Napansin nya yata sa tono kong hinding-hindi ako papayag kaya tumayo na rin sya.
"Thanks nalang ulit but I really can't — hoy! Holy cow!" Napairit ako nang buhatin nya ako in bridal style. Nagkakawag ako pero hinawakan nya ako nang mahigpit.
"Shh, stay still. Kapag nabitawan kita, mahuhulog ka." Mahinahong sabi nya habang deretso ang tingin sa daan, nakangiti pa rin.
"I'm serious! Bitawan mo na ako." Hinampas ko pa ang dibdib nya. Ang tigas! "Isa! Tsaka bakit ba ngiti ka nang ngiti jan? Ang creepy!"
Tumawa lang sya saka tinanggal ang kamay na sumasalo sa likod ko. Sa gulat at takot na baka mahulog ay napahawak ako sa leeg nya bilang suporta.
"See? Mahuhulog ka kapag naglikot ka." Tinitigan nya lang ako at saka sumeryoso. "Hindi ka na pwedeng masaktan kahit kailan."
Tinanggal ko ulit ang kamay ko nang maramdamang binalik nya ang brasi nyang sumasalo saakin.
"I met a girl more than two years ago. I was an asshole back then, and she's too good." Biglang pagkukwento nya na hindi ko inaasahan. Pinili kong makinig nalang. "Sa sobrang buti nya, naiinis na ako at sa taong tulad ko na lumaking pinapalibutan ng mga taong maagkunwari, bago sakin 'yon."
"Anong k-klaseng environment ba ang nilakihan mo?"
"They all want money. Power. Fame."
"So sino 'yung babae? Anong nangyari?" Curious na tanong ko.
"Sya yung nag-iisang babaeng nagparealize saakin na hindi naman pala ako ganoon kasama. Hindi ko kayang makalimot pero pwede akong makamove on. Hindi naman pala antonym ng pangalan ko ang buhay ko."
"Bakit? Pakiramdan mo malas ka? Parang hindi naman."
"Oo, noon."
"N-Nasan na sya?"
"Nawala na sya." Paused. Kinabahan ako nang matindi. "Noon. Nakita ko rin naman sya pero kumplikado pa. May kailangan pa akong alamin na mga bagay-bagay. Hindi ko pa kayang madisappoint sya lalo at nakikita kong kahit papaano ay masaaya sya ngayon. Siguradong masasaktan sya."
Ang gulo ng kwento nya, wala akong naintindihan pero isa ang tumatak sa isip ko. "Sya yung... babaeng mahal mo? Sya yung mahal nyong dalawa ni Kuya Sandro?"
Hindi sya umimik. Tumigil sya sa paglalakad at pagtingin ko ay nasa harap na kami ng saradong gate namin. Ibinaba nya ako pero nakatitig pa rin ako sakanya.
"Stop looking at me like that." Seryoso ang muka nya pero may nababasa akong lungkot sa berde nyang mga mata.
"Like what? Ano ba ang uri ng tingin na binibigay ko sayo?"
Lumapit sya nang sobrang lapit, napatingala ako. Agad akong napahawak sa balikat nya nang bigla nyang salubungin ng halik ang mga labi ko.
I can feel his heavy breathing, naaamoy ko ang mabango nyang hininga. Bahagya lang ang paglalapat ng labi namin pero hindi ako makahinga.
Nang pakawalan nya ang labi ko ay napaawang ito sa gulat. "Shit." Malakas na mura nya bago ako hapitin sa bewang at muling hinalikan. Mas mainit ang uri ng halik nya ngayon at nanulay ang kilabot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang dila nya, it's exploring inside my mouth and I can't do anything but to feel shock. Gulat na gulat ako dahil tumutugon na pala ako sa halik nya. Gulat na gulat ako dahil ganito kasarap at kasaya ang pakiramdam ko.
Nakayakap sya nang mahigpit habang ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang balikat nya, nakahawak nang mahigpit sa balikat nya.
Why does it feel so good? How is it even possible? I feel like I'm already in heaven. But first, why are we kissing again? He's inlove with someone, right?
Sa naisip ay napatigil ako at malakas syang itinulak. Hindi ko pinansin ang kahungkagan ko nang maghiwalay ang mga labi namin.
"Fuck you!" Mura ko agad sabay sampal. "I got carried away but... why did you do that in the first place? You're in love, right?"
Tumango sya. Hindi naman na talaga bago ang mga taong inlove pero nagagawa pa rin makipaghalikan sa iba?
"Just be loyal to her and stop flirting with me." Marupok lang ako dahil gwapo sya kaya ako nadala at nasasaktan lang lalo ang pride ko ngayon dahil ang taong hinalikan ko ay sa iba may gusto. I feel like crying but I won't do that especially infront of him. "This is the second time you kissed me!" Sumbat ko.
Nakakainis dahil kulang yata ako sa aruga. Hindi naman sa nagdadrama ako pero hindi ko trip maging second option. I like him but it's a no. Hindi ako kabit, hindi ako maghahabol dahil lang sa halik, hindi ako magmamakaawa dahil lang sa may gusto ako. Hindi ako magiging tanga. Hindi kay Luck.
Malay ko rin ba kung gawain nya talaga yan? Manghalik ng ibang mga babae kahit sa iba naman sya inlove. Nakakainis and at the same time ay nakakahiya. Pero sya, hindi sya mukang apektado, hindi mukang guilty. Ang mababasa sa muka nya ay lungkot, tulad ng nakikita ko kanina. But who knows baka nagpapanggap sya para makakuha ng simpatya?
Mali ang mag-isip sa kapwa pero kung ganyan—
"Actually, no." Deretso nya akong tiningnan. "This isn't our second kiss or third kiss either." Nanlaki ang mga mata ko. "This is the fourth."
"You are hallucinating."
"I am not. Don't you remem—"
"Shut it, Luck or I'm firing you."
Malungkot syang ngumiti saka tumango. Naramdaman ko ang hindi maipaliwanag na lungkot at sakit kaya tumalikod ako. Masyado nang lumalala ang mood swings ko. Tama lang na makipagkita ako kay Doc bukas gaya ng sabi nya.
Kahit nakapasok na ako sa loob, nang tingnan ko si Luck mula sa taas ng kwarto ko ay nakikita ko pa rin syang nakatitig sa harap ng gate. Biglang kumidlat at agad bumuhos ang malakas na ulan pero nanatili sya sa labas sandali saka naglakad paalis, pabalik sa dereksyon na dinaanan namin kanina.
Akala ko ba ay sa dereksyon din na to ang pauwi sa kanila?
Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko dahil sa kirot na nararamdaman ko habang pinapanood sya. "Stop hurting, you, damn heart. Stop, stop." Sumandal ako sa pader bago nilagay ang dalawa kong kamay sa bibig nang nagsimulang lumuha ang mga mata ko.
Why? Is this pain even possible? Bakit sobrang sakit habang pinapanood ko sya at naaalala ang nakita kong lungkot nya?
"Actually, no. This isn't our second kiss or third kiss either. This is the fourth."
Patuloy akong umiyak kasabay ng malakas na ulan at kidlat. Isang ala-ala ang pumasok sa isip ko.
"Leave me here in the cold and leave my life too. Keep waiting for that girl, Mr. Bernales. Because I'm starting to like you and it's fast. Too fast that I'm not even sure if it's just 'Like' or what—"
"I don't need to."
"H-Hoy Mr. Berna—"
"No. I'm not gonna asked you why'd you kissed me."
Napatigil ako sa pagluha at napatulala sa kawalan.
"Good."
"I—It's too cold."
"I don't need to leave, I'm willing to stay with you in the cold. Kaya kong gawin lahat ng gusto mo. Wag mo lang akong ipagtabuyan paalis dahil hindi ko magagawa 'yan kahit hilingin mo pa. Stay here beside me. And Jessdre Enriquez?"
"Hmm?"
"You should listen to me. You're not the first woman who confessed her feelings on me."
"But... don't you feel it? Haven't you saw it?"
"What?"
"That among any others right there, you're the most important woman for me and your feelings is what I treasure the most."
"Why?"
"Isn't obvious? Really?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa pumasok saaking ala-ala.
"I like you more."