Sweetdreams
"NASA HOSPITAL, PA RIN."
"Talaga bang over fatigue ang dahilan? Hindi ko kasi sya tinawagan dahil baka nagpapahinga. Ayoko rin naman tawagan sana yung tumulong saakin magdala sakanya sa hospital kasi nahihiya na ako sa ginawa kong abala kaninang madaling-araw."
"Yep, overfatigue nga talaga. Nakakaawa rin kasi si Kuya, ang daming dapat pa ring intindihin." Napailing-iling pa si Kesler. Naguilty ako dahil alam kong hindi lang 100 percent ang ibinibigay ni Luck sa pagtatrabaho. Madalas, kapag may hindi pa sya natapos ay dinadala nya sa bahay dahil daw ayaw nyang matambakan ng trababo. Tapos madalas nya rin akong alalahanin.
"Gusto ko sana syang dalawin, nagpunta kana ba sakanya?" Umiling sya, sakto at uwian nakasabay ko sya dito sa elevator.
Halos hindi na ako mapakali pagdating ko palang sa opisina kaninang umaga dahil iniisip ko ang lagay nya. Tama nga si Bernard. Siguro nga ay talaga stressed si Luck pero hindi nya nalang ipinapahalata.
Sa sobrang pag-iisip ko pa nga ay nakalimutan kong uminom ng gamot ko kaninang umaga maging tanghali. Siguro naman ay ayos lang kahit makaligtaan ko. Ngayon lang naman at masyado lang talaga akong lutang. Mamayang hapon naman ay iinom ulit ako.
"May sundo ka?" Aniya agad paglabas namin sa building. Sinabihan ko kasi sya na ituring akong kaibigan sa labas ng trabaho kaya naman ngiting-ngiti na naman sya ngayon saakin, hindi tulad sa office na napakaseryoso.
"Nakalimutan kong tawagan ang driver ko." Bigla kong naalala kaya napakamot ako sa ulo.
"Nako, mahirap maging makakalimutin. Baka may sobrang importanteng bagay na makalimutan ka rin. Sabay kana saakin?" Sinundan ko sya sa parking lot at hindi pumayag na basta nalang maghintay.
Pinagbukas nya ako ng pinto. "Salamat. Nga pala, wala akong dala para sa kanya." Ano bang okay ibigay sa maysakit lalo kung alam mong ikaw ang great factor ng pagkakasakit nya? Parang ayaw ko na tuloy magpakita.
Hindi ko man sinabi na gawin nya ang mga bagay na ginagawa nya na hindi kasama sa trabaho, inienjoy ko naman ang efforts nya.
"Kailangan pa ba non? Makita ka palang ni Kuya, baka gumaling bigla yon."
Tinawanan ko nang awkward ang sinabi ni Kesler. Para syang nanunukso e. Loko-loko talaga.
"Pwede bang huminto muna dyan?" Agad nya ngang itinigil ang kotse nya sa harap ng isang grocery store nang walang tanong-tanong. "Bibili muna ako."
"Ako rin." Lumabas din sya. Tamang-tama dahil pwede kong itanong sakanya kung anong gusto ng pinsan nya.
Kumuha ako ng cart samantalang sya naman ay nasa tabi ko at kumuha ng basket.
Una kong pinuntahan ang aisle ng chocolates. "Mahilig ba sya sa matatamis?" Tanong ko sa sarili ko habang inaalala ang mga pagkakataon na magkasama kami. Parang hindi ko sya nakikitang kumain ng chocolate.
"Eto paborito nya." Inabot saakin ni Kesler ang isang brand ng chocolate. Narinig nya pala ang sinasabi ko.
"Talaga? Hindi ko sya nakikitang kumakain nito." Sinuri ko iyon. "Tsaka pwede nga kaya syang kumain nito?"
"Maganda ang matatamis dahil maraming nutrients. Di ba nakakasigla ang chocolate? Basta wag lang marami."
"Nakakasigla?" Inilagay ko iyon sa basket na nakalagay naman sa tulak-tulak kong cart.
Nakakasigla nga ang chocolate. Nakakawala rin kaya to ng kasungitan?
Kumuha ako ng iba pang brand ng chocolates na sinabi ni Kesler na paborito rin ni Luck.
"Hindi mo lang nakikita or hindi nya lang talaga pinapakita sayo. Mahilig talaga yon sa chocolates. Pero baka naman magkadiabetes sya dyan?" Sinundan ko ng tingin ang mata nya at napagtanto kong halos mangalahati ang medium-size cart at puro chocolates lang ang laman non.
"K-Kaya marami dahil pag binigyan nya kayo." Nag-iwas ako ng tingin at lumipat na sa ibang aisle.
"You think magshe-share sya dyan?"
"Bakit hindi?"
"Kasi galing sayo."
Napipilan ako at di nakapagsalita. Nag-iwas ako ng tingin at lumipat ulit sa kabila.
"Gusto nya ba ng Noodles?"
"Hindi."
Madali akong kausap kaya naman lumipat ulit ako. "Mahilig ba sya sa junkfoods?"
"Ayaw nya ng mga yan."
Tiningnan ko ang basket na dala ni Kesler kung may nabili na sya dahil sunod lang naman sya nang sunod saakin at nagulat ako dahil may dala na rin pala syang pushcart. May laman iyon na large-sized basket sa taas at baba. Puno na ang laman ng isa at ang isa naman ay papuno na rin. Napanganga ako habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa carts namin.
"Grabe, nabili mo lahat yan sa mga oras na nagtatanong ako at sumusunod ka saakin?"
"Oo, tsaka kanina pa rin naman tayo dito."
Pagtingin sa wristwatch ko ay nanlaki ang mga mata ko. It's already 7 pm! "Hindi ko napansin ang oras."
Gusto kong magtagal ng konti sa pagdalaw pero paano na nyan? Hindi sya pwedeng magpuyat.
Papunta sa counter ay napadaan ako sa mga nakasalansan na bouquet of flowers sa gilid. Ang gaganda ng mga iyon at iba't-ibang uri ang mga bulaklak.
Maganda sa may sakit ang mga bulaklak, bukod sa nakakapagpagaan ng pakiramdam ay maganda sa mata. Kapag pa naman may nakikita kang maganda ay madali kang gagaling, sabi nila.
Kinuha ko ang sobrang laking boquet na merong red roses, daisies at ilan la na hindi ko marecognize na bulaklak. Magkakaiba sila ng kulay pero nagkocompliment naman kaya sobrang gandang tingnan. Pumila ako sa cashier.
Hirap na hirap kaming lumabas kaya naman may staff pa na tumulong magpasok saamin ng mga iyon sa kotse. "Thank you so much." Binigyan ko sya ng tip saka kami nagpatuloy sa byahe.
"Babayaran ko sayo tong pinamili ko." Tinitingnan mabuti ang resibo na hawak ko. Sya kasi ang nagpumilit magbayad. Ayaw ko naman na doon kami magpilitan kaya umoo nalang ako.
"No need. Pabayaan mo na."
"Anong pabayaan? Nagsisimula ka palang sa trabaho mo. Ngayon siguro binata ka pa pero dapat ka pa rin magtipid para sa future nyo ng mapapangasawa mo."
"Pero okay lang naman lalo kung ikaw. Masyado ka nang maraming nagawa para saamin. Isa lang yan sa bagay na pagtanaw ko ng pasasalamat sayo."
Nagdadrive sya gamit ang isang kamay habang pilit inaabot mula saakin ang resibo. Iniwas ko naman iyon.
"Binigyan kita ng trabaho, iyon lang naman ang nagawa ko sayo."
"Tsk, hindi lang yon. Baka hindi mo lang rin naaala pero— pero... binigyan mo rin si Kuya Luck ng trabaho."
"Ako nga ang dapat magpasalamat sakanya dahil sa pagtatrabaho nya ng buong sipag at katapatan. Your cousin is a great person. So just lemme pay for it. Ito ang isa sa paraan ng pasasalamat ko para sa lahat ng ginawa nya."
Ibinaba nya ang kamay nya at tumigil na rin sya sa pagpigil saakin. Binayaran ko sakanya ang pinamili ko at halos ayaw nya pa ring tanggapin ang mga iyon.
"Gusto mo ba sya?" Pagsasalita nya matapos ang matagal na pananahimik.
"Bakit ko magugustuhan si Luck? Una, secretary ko sya at nag-aalala ako kaya ako dadalaw." Lahat ba talaga iniisip na may gusto ako o di kaya naman ay may relasyon kami.
"Sino? Wala naman akong sinasabing pangalan." Sinulyapan nya ako at ginamit ko ang pagkakataon na yon para irapan sya. Halata naman na nang-iinis sya. "Kung magugustuhan mo sya, hindi naman nakakapagtaka, di ba?"
"Ano ba yang sinasabi mo?"
"Naisip ko lang. Sya ang tipo ng tao na gagawin lahat para sa taong gusto at mahal nya."
Totoo nga. Saksi ako dyan dahil kahit inaapoy sya ng lagnat kagabi ay tinulungan nya pa rin ako.
"Pero iyon nga lang... That's also his weakness."
"Alin?"
"Na handa syang gawin ang lahat para sa taong importante sakanya. Love is a strength but also a weakness especially for him."
Inisip ko ulit ang sinabi nya at naalala ang masamang panaginip ko. Tinulak nya ako sa bangin saka sya tumalon kasunod ko. Ayoko man na maniwala sa mga pamahiin ay kinakabahn tuloy ako.
"We're here." Tinigil nya ang kotse sa labas ng hospital.
Tinulungan nya ako sa pagdadala ang pinamili ko kahit dalawang plastic lang naman yon. Hindi nya inilabas ang nga pinamili nya na ipinagtaka ko, mukang nahalata nya.
"Bakit? E namalengke ako para sa condo. Isinabay ko lang dahil namimili ka rin kanina."
Kaya pala sobrang dami nyang dala at may kung anu-ano pa.
"Okay." Wala pa nga akong sinasabi.
"Tsaka pagagalitan nya lang ako at sasabihin na nag-abala pa ako. Tutal din ay dala ko naman ang pinakagusto nya."
Doon ako biglang naintriga. "Ano yon? Pagkain? Inumin? Hoy baka nagdala ka ng alak, bawal yon!"
"Hindi ah!" Ako na ang nagpindot ng elevator tutal ayaw nya akong patulungin sa pagbubuhat ng binili ko.
"By any chance..." Nakakahiya man, curious na ako e. "Hindi naman siguro... p-porn video yan no?"
Humagalpak sya ng tawa, kami lang dalawa dito pero halos marindi ako sa lakas non. "Grabe isip ko ah!"
Tawa pa rin sya ng tawa, pinilit ko na syang tumigil pero hindi nya ginawa. Paglabas ay nagmamadali syang naglakad, halatang alam nya ang pupuntahan, ako naman ay nakasunod pa rin habang pinapatahimik na sya.
"Tama na! OA na yang tawa mo!"
"Hindi ko mapigilan e." Tumatawa-tawa pa rin sya hanggang tumigil sa harap ng isang pinto.
Bumalik ang kaba ko. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Pumasok sya. Pikit-mata akong sumunod.
"Oh! Nandito na kayo." Nagmulat ako at agad nakita si Bernard na nakaupo sa gilid ng kama. Tiningnan ko ang natutulog na si Luck sa tabi nya. "Malapit na siguro syang magising. Tsk. Nagwala na naman kasi, kanina nagpipilit umalis, nauto-uto ko lang saka ko pinaturukan ng pampatulog. Nilalagnat na sya mula nakaraan, noong... 20?"
Noong 20? Pagkatapos nong gabi na sinabay ko sya at nasiraan kami. 19 yon, noong gabi na binuhat nya ako pauwi sa bahay.
Inilapag ni Kesler ang chocolates at bulaklak sa mesa sa gilid.
"Anong nangyari?" Tanong nya kay Bernard. Lumapit ito at inakay sya papalabas sa pinto. Naiwan akong nakatayo.
Tiningnan ko si Luck at umupo sa kaninang inuupuan ni Bernard. Merong nakakabit na IV sa pulso nya at maputla rin sya.
"Hi, yep, ako to. Nahihiya ako kaya hindi sana ako dadalaw pero parang mas nakakahiya yon." Pagkausap ko sakanya. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko habang iniisip na gagaling din sya. Sana ngayon na agad. "Dapat kasi pagkatapos ng trababo, umuuwi kana para magpahinga. Hindi ako magiguilty kung alam ko na pagtapos mong magtrabaho ay tapos na nga. Pero hindi, parang hindi lang maghapon ang trabaho mo saakin kung makaasta ka.
"Hindi mo na naman na trabaho ang ipagdrive ako. Hindi mo trabahong pakainin ako, ituring akong espesyal, itago saakin kapag nahihirapan o pagod kana. Hindi na kasama sa trabaho mo ang ihatid ako hanggang sa bahay at buhatin ako kapag nangangalay na ako." Habang iniisip ko lahat ng yon ngayon, sumasakit ang dibdib ko lalo at nakatitig ako ngayon sa muka nya.
Hinawakan ko ang kamay nya. Itinuon ko ang dalawa kong siko at yumuko habang hinahaplos ng bahagya ang bawat bahagi ng kamay nya. May tumulong luha galing sa mga mata ko.
Nakaraan lang ay siguradong-sigurado ako na gusto ko lang ng atensyon at hindi ko naman talaga sya gusto. Dahil lasing ako kaya lang ako umamin noong gabi sa party. Pero ngayon ay bakit ganito, parang sigurado na naman ako sa isang bagay— iyon ay gusto ko sya.
Hindi ako lasing at lalong hindi naghahallucinate. Wala na akong nararamdaman na pagiging pamilyar nya pero ang nararamdaman ko naman ay labis na pagkagusto. Ano na naman ba to?
Mali ba si Dr. Philly?
"Kahit gaano mo ako kagusto, hindi mo tungkulin gawin lahat para maging masaya ako." Bahagya akong humikbi, napaka iyakin ko pero ito ang nararamdaman ko e. "You don't need to make me smile or make my life easier by doing everything for me—"
"But I want to." Naiangat ko ang paningin ko, nakamulat na ang mata nya at nakatingin ito saakin. Hawak ko pa rin ang kamay nya, hindi ko naman magawang punasan ang luha ko at nakalimutan ko rin sa pagkabigla.
"Luck! Are you fine?"
Gamit ang kabilang kamay ay pinunasan nya ang luha ko saka tumango. "I heard you, lahat ng sinabi mo, narinig ko sa panaginip ko. You think I don't need to? But then I want to. I want to make you smile and do everything for you. I don't want you hurt or take the guilt. So what? I want to smile only at you, take you out, make you laugh. I can't see nothing on it.
"I want to always see you, lessen your boredom. Learning the most cringe pick up line and corniest jokes doesn't matter as long as you'll talk to me. So what if I am addicted to your voice? Your smile? Your smell? So what if I want to always be with you like a metal to a magnet?"
Para akong nakalutang habang pinapakinggan ang nga sinasabi nya. Napakasarap sa pandinig, at the same time, nakakaloka. Ang bigat. Sobra-sobra naman yata nya akong gusto. Parang nasa isa akong magandang panaginip.
"Alam kong alam mo na ang dahilan kaya ginagawa ko to, hindi lang para sayo to kundi para saakin dahil kapag nakikita kitang masaya, mas doble ang saya na nararamdaman ko."
Hinawakan ko ang dibdib ko gamit ang kabilang kamay saka dahan-dahang nagpakawalan ng hangin. "Wow, you just made my heart stop beating for a moment."
"Then feel how you made mine beat crazily." Ang kamay ko na hawak nya ay inilapat nya sa dibdib nya. Ramdam na ramdam ko ang kabog mula roon pati ang bilis ng bawat tibok.
Binawi ko ang kamay ko habang tinatanggap na mali ang una kong hinala, maging si Dr. Philly. Dahil imposibleng hindi ko gusto ang lalaking ito! Dahil dama ko sa puso ko ang kakaibang damdamin kasabay ng mabilis na tibok din niyon, singl-lakas ng sakanya. Simbilis ng tibok ng kanya.
Sumandal sya sa headboard ng kama ay pinagpatong na unan doon.
"Ano rin naman?" Naglakas loob akong salubingin ang tingin nya. "Ano kung ikaw ang pinagkamalan na CEO at ako ang secretary? So what kung masungit ka at sakin lang halos ngumiti pero minsan ay nasusungitan mo rin ako?" Kita ko sa mata nya ang pag-asam habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "So what kung na-sample-an moko ng kakornihan nang tanungin mo kung ano ang paborito kong number sa electric fan? Ano rin kung paborito mong maging pornstar noong bata ka? Natawa kaming dalawa. "Hindi mo pa alam siguro kaya sasabihin ko."
Nag-iwas sya ng tingin, tumayo ako at yumuko saka lakas-loob kong inabot ang pisngi nya para tumingin saakin.
"I am too nervous right now, honestly. Pero nararamdaman ko nang hindi ako makakatulog nang maayos kapag hindi ko sinabi sayo to. Ngayon sasabihin ko nang malinaw, hindi ako lasing o basta naghahallucinate lang."
Inilapit ko ang muka ko saka dampi syang hinalikan sa labi, halatang nagulat sya sa ginawa ko. Ako man ay hiyang-hiya din. Hindi ko nga sigurado kung saan ako kumuha ng lakas nang loob.
"I like you, Luck Bernales. I like you so much."
Naramdaman ko ang kamay nya na nasa batok ko at hinila ako papalapit sakanya saka ako binigyan ng halik na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
This is like a dream. A sweet dream. Pero kung panaginip lang talaga to, ayoko nabg magising kung ganon. Dahil matapos ang dalawang taon mula nang magising ako matapos ang aksidente ay ngayon ko lang naramdaman ang ganto kaintense na pagmagusto.
Tama... mali lang si Dr. Philly...
Gustong-gusto kita.