THREE DAYS WITHOUT LUCK IN THE OFFICE IS HARD. Laking pasasalamat ko nang pangatlong araw, saktong pagdalaw ko sa hospital nang hapon ay hinayaan na syang umalis.
Nagpumilit si Luck na magtrabaho. Pinagpapahinga sya ng mga doktor pero dahil makulit sya, pinayagan sya dahil na rin sa mga sinabi nya na babalik pero week para ma-test sya, iinom ng gamot at hindi gaanong magtatrabaho.
I am happy pero hindi ko maiwasang mag-alala. Pero nangako sya saakin na hindi na aabushin ang katawan nya. He added that he's bored in the hospital. Kulang nalang daw ay ipatali s'ya ni Bernard sa mga nagbabantay sakanya para hindi sya makatakas. Napakakulit kasi. Ilang beses nang sinabi saakin ni Bernard na hindi lang iilang ulit nyang nakita si Luck na paalis.
"Gusto mo bang tulungan kitang ayusin ang mga gamit mo?" Tanong ko nang makabalik na kami sa hospital room nya. Sinundan nya nga kasi ang doktor hanggang paglabas para ipagmalaki dito na kaya nya nang magtrabaho paglabas n'ya.
"No need. Naayos ko na rin naman kanina."
"Siguradong-sigurado ka nang aalis ka na ah?" Ngumisi sya. Nakaupo kami sa kama nya at hawak-hawak nya ang kamay ko.
"Of course. I know that I am well-"
"So don't stress yourself again, okay?" Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto nya, maayos na nga ang lahat at ang bulaklak na dala ko noong nakaraan ay nakalagay ngayon sa transparent vase na merong tubig. "Oh! Andito pa pala 'yan!"
"Yeah, iuuwi ko nga 'yan eh." Nakangiti nya ring tiningnan iyon.
Naalala ko bigla ang isa pang sadya ko dito sa hospital. Dadalawin ko si dad!
"Hey, wait, may kailangan lang pala akong puntahan dito sa hospital." Tumayo ako, tumayo din s'ya, still holding my hand.
"Do you want me to go with you?"
"No. Dito ka lang, hintayin mo ang mga pinsan mo dahil sa taas pa yung pupuntahan ko."
Hindi na s'ya nagpumilit. Sinabi nya nalang na hihintayin nya rin ako sa room nyang iyon at hindi raw sya aalis hangga't di ako pumupunta. Nakangiti tuloy akong lumabas habang umiling-iling.
Sa hallway, bumangga saakin ang isang maliit na katawan. Tumatakbo kasi sya at pa-cross ang daan kaya siguro hindi nya kaagad ako napansin. Tumumba sya sa sahig kaya nagmamadali akong nilapitan sya saka tinulungan syang tumayo.
Sinalubong ako ng berde at maluha-luha nyang mata. "Uh, seriously?" Dagli nyang pinunasan ang namumuong luha habang pinapagpagan ang puwetan nyang mukang iniinda nya ngayon ang sakit.
"Sorry, baby girl. I didn't saw you." Ako na ang humingi ng tawad. Mukang nagtataka naman syang tumingin saakin. "You... you look familiar."
Tama, parang nakita ko na sya pero hindi ko naaalala kung saan. Curly blonde hair, chubby and pinkish cheeks, red thin lips, green eyes. She really looks familiar.
Tumaas ang kilay ng bata, tila handa nang magtaray pero parang nagbago ang isip nya, she flatly looked at me. "Miss, don't you remember me?"
"Wait!" Sya nga pala yung bata na nakabanggaan ko rin dito sa hospital! Bakit ang bilis ko nang makakalimot? I do remember too that he's with Bernard that time. "A-Anak ka ba ni Bernard?"
Anak? May anak ba si Bernard? Bakit ganito, parang lumalabo ang memorya ko?
"I am his niece." Paglilinaw nya. Ah, oo, pamangkin ni Bernard. "You're not that old but you forgot easily."
Sya rin ang nag-akala noong nakaraan na mommy nya ako. Pero matapos linawin ni Bernard na hindi ay bigla nya akong sinungitan. Nag-ice cream pa nga kami nang nakaraan. Tama... tama...
"Yes." Pagsang-ayon ko nalang saka ngumiti at yumuko sakanya. "By the way, what are you doing here? It's late." Nasabi ko rin dahil mag-e-eight pm na. Wala akong nakikitang batang palakad-lakad dito bukod sakanya.
"I am waiting for my dad. Dito kasi sya, madidischarge sya ngayon."
"Oh, are you with Bernard?" Tumango lang s'ya. Napaka-masungit talaga ng batang to. Gayunpaman, hindi ko maiwasang matuwa sakanya dahil ang cute-cute nya at ang talino pa. "Where is he?"
Si Bernard din kasi ang hinihintay ni Luck pero hindi ko pa s'ya nakikita mula nang dumating ako.
"That's another problem. I lost him." Ipinaliwanag nya na magkasabay daw silang naglalakad kanina pero bigla syang nawala. Hindi nya naman daw alam kung nasaang room na ngayon ang dad nya dahil nilipat daw ito ng hospital room at ngayon lang ulit sya isinama dito.
Tinawagan ko si Bernard pero nagriring lang ang cellphone n'ya, hindi naman nya sinasagot. Nakareceive din ako ng text kay Luck. He's asking me if pabalik na daw ba ako.
Tinanong ko kung nandoon na si Bernard pero wala pa naman daw. "Your father isn't answering my calls. Alam ko kung saan sya pupunta mamaya pero may kailangan akong puntahan. Do you want to stay at a room here?" Naisip kong pag-stay-in muna s'ya sa room ni Luck pero umiling s'ya kaagad.
"I don't personally know you, even the patient in that room." Turo nya sa room na nasa dulo, yung room ni Luck. Kita ko ang takot sa mga mata n'ya.
"He is a good person." Great actually. But he shook her head harder, tila may kinatatakutan kaya hindi ko na sya pinilit pa. "Then by any chance, do you want to go with me? Don't worry, sa next floor lang naman yung pupuntahan ko."
Kaagad syang pumayag kaya naman sinama ko sya at sumakay kaming elevator. Pumunta ako sa tapat ng room ni dad. Hindi na ako pumasok pa dahil alam kong pagagalitan nya lang ako at ipipilit na baka mahawa nya ako. Ang pinto ng room nya at salamin ang kalahati kaya naman doon ko nalang s'ya sinilip. He's already sleeping.
Naramdaman kong may bahagyang humila sa damit ko kaya napatingin ako at sinalubong ang curious na mata ng bata. "Who are you looking at?"
Hindi nya nakikita iyon dahil mataas, yung bandang taas lang rin kasi ng pinto hanggang kalahati ang salamin.
Binuhat ko sya at hindi naman sya nagreklamo. Mabigat na rin sya pero kaya ko naman. Isa pa, nakakagigil pa nga syang buhatin kasi para syang manikang buhay.
"He's my dad. He is sick."
"Well, my dad," baling nya saakin. "He was sick too but he hates admitting it. Kaya tumakas sya noong nakaraan dito sa hospital."
"Mabuti ngayon magaling na s'ya. Hindi na n'ya kailangang tumakas pa."
"Yes, especially that he's hard-headed." Natawa ako. Madaldal din pala ang batang to at maayos kausap, wag lang maiisipang magsungit ulit. "He is kind, I should introduce you to him later."
Nagpababa na sya kaya iyon ang ginawa ko. "But I already have a boyfriend." Nakangiti kong sabi habang iniisip si Luck. Niyaya kong umalis ang bata at sumakay ulit kaming elevator.
Gayunpaman, naalala ko rin na hindi pa rin pala malinaw kung anong meron kami. Alam ko na merong namamagitan saamin pero tila wala pa rin pala kaming label. Though it's fine. I like him and he likes me too. It's already a label, right? We like each other.
Pinagtitinginan s'ya sa loob ng elevator dahil sobrang cute nya lalo ang ilang nakasakay namin ay mga matatanda
"Napakacute naman ng batang iyan, hija." Sabi saakin ng matanda, nginitian ko ito.
"Foreigner ba ang ama n'yan?" Tanong pa ng isa. Nginitian ko lang din ito.
I don't know too. Maybe? Because she has green eyes?
"You were single last time, right?" Pangungulit saakin ni Trina. Since nakalimutan ko rin pati pangalan n'ya, sinabi n'ya ulit iyon saakin.
"But I am in a relationship now." Yes I am. In a relationship of liking each other.
"My dad is a great man."
"My boyfriend too!" Lumabas kaming dalawa sa elevator pero mukang ayaw nya pa rin akong tigilan. Pinagmamalaki nya pa rin ang dad nya na irereto nya raw saakin para ako na ang maging mommy n'ya. "He is handsome and hard-working. He has green eyes and kind!"
Umiiling-iling ako habang nangingiti. Aanuhin ko naman ang mga iyon kung na kay Luck din naman ang mga iyon. Gusto ko pa.
"Do you now want to go with me in that room-"
"Trina! I've been looking for you!" Nagulat ako nang may sumigaw pero mas nagulat ako nang makita si Kesler. Bahagya rin syang natigilan nang makita ako. "Where have you been?" Halatang kinakabahan na tanong nya sa bata saka sumulyap ulit saakin.
"Tito Kes!" Niyakap ito ni Trina. Kinarga naman ni Kesler ang bata. Dumating din ang kakambal nito at nagulat din nang makita ako.
"Jess!"
"Tito?" Takang tanong ko. Naglipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Bumukas ang bibig ni Kesler para magsalita pero walang lumabas na kahit ano doon. "What do you mean? Tito mo sila?"
"Trina!" Dumating rin si Bernard at kinuha ang bata kay Kesler. Sakanya naman lumipat ang tingin ko. "Thanks for looking for Trina." Binalingan n'ya ako. "J-Jess, Luck is waiting for you. Naayos ko na ang lahat, etong dalawang pinsan n'ya na ang maghahatid sayo at sasama sainyo dahil kailangan ko nang ihatid pauwi tong makulit na to." Tukoy nya sa karga nya na ngayon ay mahina nang naghihilik. "Pasensya na."
Ngumiti ako. "No, thank you so much! Ingat kayo!"
Sabay-sabay na kaming naglakad patungo sa kwarto ni Luck nang tumalikod na si Bernard paalis. Ang tahimik netong dalawa at parang may iniisip na malalim, nakakapanibago.
"J-Jess, about that, Trina is-"
"That girl is so cute, right? Grabe nakakatuwa sya kahit sinusungitan n'ya ako." Hindi ako makamove on sa itsura nito at nakakatuwang presensya.
"Uh-huh. And about what you just heard..." Hindi itinuloy ni Jester ang sinasabi, tila nagdadalawang-isip.
Kumunot ang noo ko at nagtataka syang tiningnan. "What... I heard? Ang ano?"
Nagkatinginan ang dalawa, muka ring nagtataka pero mas nagtataka ako. "You heard what he called me, right?" Si Kesler.
Naguluhan lalo ako. "Anong itinawag nya sa'yo?"
Nawala ang atensyon ko sa dalawa. Hindi ko na sila nilingon pa dahil nasa harap na kami ng pinto. Nakangiti ko iyong binuksan. They're maybe pulling some prank or joke on me and I can't catch up.
Niyakap kaagad ako ni Luck na nag-aabang pala sa harap ng pinto. "Ang tagal mo." Bulong nya saakin.
"Sorry. I am here now. Are you ready to leave?"
"More than ready." Gaya nang palagi nyang ginagawa mula nakaraan, hinawakan nya ang kamay ko. Yung dalawa ang nagprisinta na magdala ng mga gamit nya. Nauuna kaming maglakad kaya naman ikinwento ko sakanya ang nangyari kaya medyo natagalan ako.
"May bata kasi akong nakabunggo kanina, sobrang cute nya at blue ang mga mata nya!" Inaalala ko ang muka ng bata pero ang naaalala ko lang ay ang maganda nyang mga mata na kakaiba ang kulay dahil siguro Foreigners ang mga magulang nya. "Her name is... uh... I forgot her name but she's adorable!"
Kanina lang ay napakalinaw ng pangalan nya sa isip ko pero ngayon ay nakalimutan ko na naman.
Si Luck ay halatang natutuwang makinig saakin. Kinwento ko sakanya na pinipilit ako ng bata na makilala ang ama nito. Sinabi ko lang naman iyon dahil gusto kong ikwento ang pinag-uusapan namin ng bata but I didn't expect to see jealousy in his eyes. "So... What did you say?" Nawala na ang ngiti sa mga labi niya.
"Uh... I told her that... I am not available anymore." Hindi ko masabi sakanya nang deretso ang sinabi ko sa bata na in a relationship ako. Hindi naman kasi malinaw saakin ang lahat bukod sa we both like each other. Kaya naman simpleng sagot ang NOT AVAILABLE para hindi mukang assumera kung sakali.
"Yeah and you should also told her that your boyfriend doesn't want you being shipped with someone else." Humigpit ang hawak ko sa kamay nya dahil doon. Tiningala ko s'ya, akala ko ay naubos na ang kilig ko but now that he just said that he's my boyfriend, I can't stop myself from smiling like an idiot.
He intertwined our hands and the more I look at it, the more I feel certainty.
"Let's wait here. It is raining." Nagpunta si Kesler sa parking lot at inilapag nila ang bags ng gamit ni Luck sa isang mahabang upuan malapit sa entrance ng hospital. Umupo kaming dalawa roon habang si Jester ay nasa medyo malayo saamin, busy sa paggamit ng cellphone.
"You know, merong nagkwento saakin noong bata ako ng istorya kung bakit daw may ulan." Aniya habang tinitingnan pa rin namin ang bawat patak ng ulan sa labas lalo at salamin ang pinto ng hospital maging ang nakapalibot dito.
"Ano naman 'yon?"
"There's an angel who was cursed for falling in love with a demon. They says it's forbidden that's why she was punished. Sya daw ang anghel na tagapangalaga ng ulan. Pinabalik sya sa taas pero sinabing bawal na syang magpaulan sa lupa. Dahil bawat paulan nya ay pagkabura naman ng mga ala-ala nya. Kaya sumunod sya dahil sa ala-ala nya nalang makakasama ang mahal nya, gusto nyang inagatan yon dahil naniniwala syang iyon nalang ang meron sya. Meanwhile, the demon was also punished for falling in love with that angel."
"Awe. Is it really forbidden for them to love someone different from them?" Malungkot na tanong ko.
Nagkibit balikat s'ya.
Dumating si Kesler na may dalang payong. Dinala muna nila ang mga gamit bago nya kami binalikan. Nasa tapat na ng hospital ang kotse at si Jester ang nagdrive.
Pinasandal ako ni Luck sa balikat nya, kami ang magkatabi sa likod at yung dalawa ay sa harap.
"Gago, hawakan mo nga rin kamay ko." Ani Jester na pilit inaabot ang isang kamay ng kapatid.
"Siraulo, bakla ka ba!?"
"Hindi naman, naiinggit lang ako." Parinig nya saka sulyap saamin mula sa salamin. Hindi namin sya pinansin at maya-maya ay nag-cellphone nalang s'ya habang naka-headset.
Tahimik na ang lahat at naalala ko yung kwento nya. "Ituloy mo na yung kwento mo. So, kung ang parusa sa angel ay hindi na sya pwedeng magpaulan, anong parusa sa demon?"
"Pinarusahan syang magiging tao sya, magiging mortal na makakaramdam ng pagod, gutom at uhaw."
"Sana naging tao nalang din yung anghel." Pero naalala kong hindi pwede, parusa nga kasi. Ayos sana kung pwede nalang sila.
"Dumating ang tag-gutom at tagtuyot, bilang isang tao, naranasan ng dating demonyo ang matinding uhaw at gutom. Natuyo ang mga pinagkukunan niya ng tubig kaya naman matinding paghihirap ang hinarap n'ya. All he can do is to wait for the rain or die."
"Hala, e bawal magpaulan yung angel eh." Ako ang nahihirapan para sa dalawa na para bang nasaksihan ko ang mga pinagdaraanan nila.
"Yes. The ex-demon doesn't know what happened to the angel but from above, the angel can see the sufferings of her beloved. She can't manage to see him struggling and dying that's why she made the bigtgest sacrifice."
"She gave up her memories." Bulong ko, totally feeling the sadness.
"Tinanggap nya sa sarili nyang mawala ang ala-ala nya kahit iyon nalang ang meron sya dahil mas kakayanin nyang makalimot kaysa ang makitang nahihirapan ang mahal nya. It says that everytime it's raining, the angel doesn't even remember why she wants to make it rain but she's doing it because she feels happiness for unknown reason to her."
"Is it true? That the memory can erase but the heart can remember?" Usisa ko habang tinitingnan ang mga tumutulong patak ng ulan sa bintana ng sasakyan.
"That's what I believe at habang may pumapatak na ulan, hindi magbabago ang paniniwala ko na hindi ka man maalala ng isip ng isang tao, maaalala ka sa puso." Hinaplos nya ang buhok ko, napapikit ako nang bahagya. "Sounds corny but that's what I think."
"I think it's not impossible."
"Yeah?" Nakaramdam ako ng antok dahil sa patuloy na paghaplos nya sa buhok ko. Gaya ng inaasahan, nakatulog ako at ginising nalang nila nang nasa tapat na ako ng front door.
"Pasensya sa abala ang salamat!" Imbes na pahiramin ng payong ay talagang lumabas si Kesler habang hawak ang payong. Bago makalabas ay mabilis akong nahila ni Luck at hinalikan.
Nagulat ako kaya tumawa sya saka ako niyakap. "As much as I want to go inside or ask you to stay for a bit, you look tired. I'll see you tomorrow. Don't think of me too much." Bumitaw sya at kinindatan ako. Ako naman ang natawa.
Lumabas ako at pinayungan ni Kesler. "Bro, pakiss nga rin, nakakainggit naman. Walang respeto!" Kinulit nya pa ang kapatid nya lalo at bukas ang bintana sa tapat nito. Um-snob ito sakanya saka kumaway saakin. Kumaway din si Luck mula sa bukas na bintana sa tapat n'ya.
Nang mabuksan ang pinto, nilingon ko ulit sila. Pumasok si Kesler sa kotse at patuloy na nakatingin saakin si Luck habang nakangiti kahit pa sinesenyasan ko syang isarado na ang bintana dahil baka mabasa sya ng ulan. Hanggang makaalis ay nakababa pa rin ang bintana nya. Napakakulit na nilalang.
Dumireto na ako sa kwarto ko. Naalala ko ang gamot na sa wakas ay ipinadala na saakin ni Dr. Philly kanina. Kinuha ko iyon sa bag. Kumain na rin naman ako ng hapunan bago pumunta sa hospital kaya kaagad ko iyon ininom. Naligo ako at matutulog na sana pero narinig ko ang malakas na kidlat.
Nagpunta ako sa harap ng glassdoor. Dahil lumakas ngayon ang hangin, basa sa verandah so hindi ko binuksan ang pinto papunta roon. Kita ko ang mga malalaking patak ng ulan mula rito sa kinalulugaran ko.
Naaalala ko yung kwento kanina, kahit fiction, nakakalungkot pa rin kung iisiping mabuti.
Una, kapag ba talaga magkaiba ay hindi na pwedeng magsama? Is it really forbidden? And about their punishments, isn't too cruel to take the memories from the angel? I mean hindi naman talaga tinanggal pero wala naman syang pagpipilian para i-give up iyon.
Higit sa lahat, hindi ba at parang masakit isipin ang nangyari sa huli? Na patuloy syang nagbubuhos ng ulan sa hindi nya rin maalalang dahilan at masaya s'ya sa ginagawa n'ya. Hindi nya na naaalala na para iyon sa taong mahal nya pero ginagawa n'ya pa rin. Masakit makalimot, danas ko na. Pero ang makalimot ng ala-ala habang may nararamdaman ka pa rin na kakaiba ay nakakadagdag sa sakit.
Mabuti nalang din hindi alam ng demon ang nangyari sa mahal nya. Mahirap magsakripisyo pero mahirap din malaman na nagsasakripisyo ang mahal mo para sa kapananan mo.
Kasi kung masakit mawalan ng ala-ala kahit pa meron ka pa ring nararamdaman, I'm sure mas masakit ang makalimutan.