Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 36 - CHAPTER 34: I found you

Chapter 36 - CHAPTER 34: I found you

SHIVERING, I STILL TRIED TO GET UP.

Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon dahil may pasok pa ako ngayon. She's new to business that's why many greed people are trying to turn her down.

Napansin ko ang maliit na kamay na nakayakap saakin. Nilingon ko si Trina. She's sleeping peacefully like an angel in the morning. Well, she's really my angel. Sa mga taon na dilim ang nararamdaman ko ay nandyan s'ya. Aaminin ko na medyo masungit s'ya pero mabait, hindi ko rin alam pero ang pagsusungit siguro ay natutunan n'ya kay Bernard. That man, kung anu-ano ang tinuturo sa anak ko.

Tinanggal ko ang kamay nya para makatayo na ako pero humigpit ang yakap n'ya saka nagmulat ng mata. Nagtama ang berde naming mga mata, kaagad kaming ngumiti sa isa't-isa.

"Goodmorning, beautiful!"

"Morning, daddy."

"Dalaga kana ah?" Biro ko dahil halos ngayon nalang ulit kami nagkita at nagkausap ng ganto.

"Dad, you're too busy these past few days." Walang himig pagtatampo pero nagi-guilty pa rin ako.

"May tinatapos lang ako, anak. You'll meet her soon." Hinaplos-haplos ko ang pisngi n'ya at bahagya iyong kinurot, kung sa mga ibang pagkskataon, susungitan nya ako dahil sa ginagawa ko pero ngayon ay mukang masaya s'ya.

"I'll meet mom soon?" I can sense her overflowing excitement. Nakita n'ya na si Jazlyn sa pictures at ilang beses n'ya na akong nakitang tinitingnan ang pictures nito sa study room ko. Nang tanungin n'ya ako noon, I told Trina, that girl is my love. Sa tingin ko, sa ngayon ay iniisip n'yang si Jaz ang ina n'ya dahil sa isip n'ya nga ay ako ang ama n'ya.

"Yes."

Kaagad siyang bumangon. "Okay, go to work dad then bring mom home, okay?" Dala ang maliit n'yang unan, naglakad s'ya papuntang pintuan. Pero bago umalis, lumingon ulit s'ya saakin. "But you're sick. Is it okay to work if you're sick?"

Ngumiwi ako. Hindi ako pwedeng magsinungaling dahil malalaman n'ya rin iyon at ayokong hindi nagsasabi sakanya ng totoo lalo na ang mga bagay na makakaapekto sa kaalaman n'ya.

"It's not. But I need to. She needs me."

Tumango-tango s'ya saka tumalikod ulit pero narinig ko pa ulit syang bumulong. "Should I report it to him?"

Naligo ako saka nagbihis na. Dahil siguro to nang maulanan ako kagabi habang hinahatid ko s'ya sa kanika dahil nananakit ang paa n'ya.

Naalala ko na naman noong saakin s'ya nagtatrabaho, nakita ko syang pinakikinggan ang ibang mga empleyado noong unang araw n'yang pumasok sa company as my secretary.

Nang makita ako ay ngumiti s'ya saakin para inisin ako pero nang mag-iwas sya ng tingin, doon ko naisip na naapektuhan s'ya sa narinig n'ya na wala syang class at sigurado daw muka siyang tanga kapag naka-heels. Sabi ng ibang empleyado, probinsyana siya kaya malamang, hindi sanay sa may mga takong na sapatos.

I don't care about her, though while looking at her sad face for the first time, tumatak sa isip ko na kaya n'ya ang kahit na ano. But that heels did made a scar on her, hindi lang sa paa n'ya kundi naging dahilan lalo ng galit n'ya saakin. That's why, ngayong nakita ko ulit s'ya at nakita ang ngiwi n'ya habang naglalakad gamit ang mataas na sapatos, walamg pagdadalwang-isip akong nag-alok na buhatin s'ya.

Nang nakarating sa sala, hindi ako nagulat nang makita si Bernard na kausap ang anak ko. Halatang seryoso anumang pinag-uusapan nila. Kaso, nang lingunin n'ya ako ay bigla syang tumayo.

Nagtatakbo s'ya papalapit saakin habang ako naman ay nagtatakang nakatingin. Umikot s'ya sa likod ko at pilit inilalapat saakin ang panying hawak n'ya. Nagpapalag ako hanggang mabitawan ang hawak-hawak kong suitcase.

"Sige na, pumayag kanang matulog sandali, para sa'yo to." Pilit n'ya pa ring inilalapat ang panyo saakin na hinala ko ay may pampatulog.

"What the heck is this, stop it!" Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala pero matigas talaga s'ya.

"Go! Go! Go! Let's bring dad to the hospital!" Pinag-cheer pa ng anak ko si Bernard habang tumatalon-talon.

Nadistract si Bernard kay Trina at dahil nagmayabang pa s'ya nang konti kaya ako naman ang umikot sa likod n'ya at hinawakan ang kamay n'yang may hawak sa panyo saka itinutok iyon sa muka n'ya.

Tumigil s'ya sa paglaban at ilang sandali ay biglang bumulagta. Tulog. Napailing ako.

"Trina, you don't need to tell it to him."

"I told him you're sick. Nang pumunta s'ya sa room mo dad, he said he heard you coughing. I told him that we should bring you to the hospital, he said you wouldn't want that."

Kaya pala naisipan nilang patulugin nalang ako para madala sa hospital. Binuhat ko ang tulog na si Bernard pahiga sa sofa saka pumasok sa office.

Mino-monitor ko nalang ang kumpanya ko through my trusted employees pati na rin mula kay Bernard. Pinalabas namin na pumunta akong ibang bansa para hindi na maging usapin at walang maghanap saakin. Dahil hindi rin naman ako nagpapaunlak sa mga interview at gaanong pumupunta sa business parties ay walang gaanong nakakakilala saakin bukod sa pangalan ko.

It isn't easy to hide everything about me. But I need to.

Sinabi niyang meron siyang permanent amnesia kaya kung ganon, hindi n'ya na ulit ako— kami maaalala. Nagtitiwala syang masyado kina Enriquez, sa kinikilala nyang tatay at kapatid kaya kung sasabihin ko ang lahat sakanya, hindi s'ya magtitiwala saakin at siguradong lalayo pa.

Naisip ko ang pinakamadali at tahimk na paraan, ang pilitin ang sarili kong magtiwala kay Sandro na hindi n'ya ititgilan ang ama n'ya sa pagkumbinsi dito. Nawawalan na rin ako ng pasensya pero kailangan kong maghintay. Sa ganitong paraan, makakasama ko pa rin si Jazlyn kahit pa wala syang ala-ala.

Isa pa sa bumabagabag saakin ay ang nalaman ko. Nang subukan kong ipa-DNA noon sina Jaz at si Rodel Enriquez ay nag-positive iyon. Lumalabas na mag-ama sila. Kung sakali ay gagamitin ko sana iyon kapag wala na akong choice, ipapakita ko nalang kay Jaz ang DNA para ipakita na hindi si Enriquez ang ama n'ya, pero positive.

Mahirap lapitan gaano si Jaz dahil ilang beses n'ya na akong tinangkang iwasan mula nang magtrabaho ako sakanya pero nagawan ko ng paraan para ulitin ang DNA. But the result is still positive. Hindi ko iyon binanggit kahit kina Jester at Kesler kahit pa napupuno ako ng katanungan.

Busy sa office at hindi ko alam kung magbaback out sa pagpasok nang makita s'ya dahil ngayon lang pumasok sa isip ko na baka mahawahan ko s'ya. Masyado ata akong nagiging selfish. Hindi lang para tulungan s'ya sa trabaho at bantayan s'ya ang rason ko dahil ang totoo, gusto ko rin syang makita.

But Bernard didn't stop there because after that, he didn't give up making me sleep so that he can bring me to the hospital. At nagtagumpay s'ya.

Busy akong kumakain ng breakfast bago pumasok sa office habang katapat si Trina nang maramdaman ko na merong parang tumusok sa gilid ng leeg ko. Nakangising si Bernard ang nakita ko habang pinupunot saakin ang syringe na may mahabang karayom.

"Sleep well, che-check ko rin s'ya, don't worry."

Bumigat ang pakiramdam ko at kahit anong pilit ay nagdidilim din ang paligid ko.

"B-Bernard... you idiot."

///

Nagmulat akong mabigat pa rin ang pakiramdam pero nang makita sa nakasabit na wall clock na hapon na ay agad akong napabangon. Nakaramdam ako ng hilo sa pagkakatayo pero hindi ko pinansin. Tinanggal ko ang mga nakakabit saakin at parang lasing na naglakad, kinuha ko muna ang pampalit kong damit na nakita ko sa cabinet. Nasa hospital ako.

Sinilip ko kung nasa paligid si Bernard at nang makitang wala, dumaan ako sa fire exit ng hospital, dinala ako noon sa isang parang garden kung saan merong mga pasyente na naglalakad-lakad. Napapikit ako sa pagkapikon pero agad napamulat nang mahagip ng tingin ko ang pamilyar na tao.

"Rodel Enriquez..." Nakaupo s'ya sa isang wheel chair at nag-iisa, naroon s'ya sa medyo sulok na walang gaanong tao. Nakasuot s'ya ng facemask at gloves, dahil siguro sa sakit n'ya sa baga gaya ng kwento no Jaz.

Para syang nakakita ng multo nang mapatingin saakin. "Adam Lacuezo..."

"Alam mo siguro kung bakit ako nandito?" Nanggagalaiti kong tanong, kumukulo ang dugo habang nakatingin.

"Sasabihin mong kukunin mo ang anak ko?" Ngumisi s'ya. "Bakit nga kaya hindi mo kaagad sinasabi sakanya ang totoo kung sakaling nagkita man kayo ngayong nakabalik s'ya?" Nangunot ang noo ko. He doesn't know that I am working in his company?

"Yes, I will." Kahit gustong-gusto ko syang sakalin ngayon ay hindi ko magawa.

"Hm, try it then. She has a permanent amnesia though and I am the man whom she trust the most. Sa tingin mo, sino saatin ang paniniwalaan n'ya?" Natumbok n'ya ang kinatatakutan ko. Jaz said she likes me. But it's her father. "And I'm her real father. Kalimutan mo na ang iniisip mo, Lacuezo. Masaya na syang wala ka sa buhay n'ya."

"No." Sinakyan ko ang nalalaman n'ya. "Galingan mo ang pagtatago sakanya dahil kapag nakita ko s'ya, kukunin ko s'ya. Ikaw mab ang tunay n'yang ama." Saka ako tumalikod.

How stupid.

Napatigil ako sa sinabi ni Bernard. Nakatakas man kasi ako kahapon sa hospital ay naibalik pa rin ako dito. Si Jaz pa mismo ang nagbalik saakin.

Matagal n'ya nang alam ang lahat pero hindi n'ya nabanggit saakin non? Nabanggit ko sakanya ang kakaalam ko lang ng totoo na kakambal lang ni Rodel Enriquez ang lalaki ngayon. Isa pa ay ito rin ang totoong ama ni Jazlyn.

"How did you not tell me these?"

"Adam, alam kong wala kang gaanong tiwala sa mga pulis kaya naman sa nakalipas na taon ay sa mga private investigator ka nag-uutos non na hanapin si Jaz. Pero isang araw, sinubukan kong tulungan ka sa alam kong paraan. Naaalala mo ang sampa-sampang kaso na isinampa natin kay Rodel Enriquez? Sabi mo walang mangyayari don dahil sasabihin lang ng mga ito na hindi nila nakita ang hinahanap at tama ka nga dahil sabi ng mga pulis ay hindi nila makita ang lalaking yon. Pero isang araw ay nakatanggap ako ng balita na namatay na s'ya. Hindi ko lang makumpirma kaya hindi ako sigurado, so hindi ko sinabi non." Kumalma na rin ako. "Pero totoo bang yun ang tatay ni Jaz?" Tumango ako. "What the fuck, so ampon lang pala talaga s'ya noon?"

Binanggit ko rin ang totoo na ilang beses ko pang sinubukan ang DNA testing. Ginagamit ko pa ang ilang tauhan ng hospital paea lang makakuha ng kahit pa buhok man lang ni Enriquez. Positive pa rin pero nang subukan ko kay Sandro ay negative.

"Seryoso, iba tingin non kay Jaz ah?"

"Ikaw rin naman." Sumandal ako sa headboard ng kama saka lumingon sa bintana.

"Iba naman ako. Kaibigan ako e, kaibigan. Eh s'ya, may gusto don. Sure kang mapapagkatiwalaan 'yon?"

Wala akong ibang choice. Ayokong masyadong magbigay ng problema at kalituhan kay Jaz. I need to trust Sandro and the timing.

Nakatulog ako pero nagising dahil parang naririnig ko ang boses ni Jaz. Naramdaman ko ang mainit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Nagmulat ako at tiningnan s'ya habang nakayuko, halatang umiiyak.

"Kahit gaano mo ako kagusto, hindi mo tungkulin gawin lahat para maging masaya ako. You don't need to make me smile or make my life easier by doing everything for me—"

"But I want to." Nagtama ang tingin namin nang mag-angat s'ya ng mukha.

That become one of the most memorable days of my life, she told me she likes me too.

Being with her, holding her hand, making her smile and laugh, kissing her and doing anything for her makes my heart drown in happiness.

Saya na s'ya lang ang makakapagparamdam saakin, hindi ko man maiwasan na malungkot dahil wala siyang ala-ala, masaya pa rin akong nakakasama s'ya.

I love her back then. I fell in love really hard. Pero ngayon, alam ko ang pakiramdam ko sa puso ko na mas lumalim ang pagmamahal ko para sakanya. Maraming nagbago sakanya at sa pagitan namin. Kailangan ko ring magpanggap para sa kapakanan n'ya sa ngayon. Maraming nakapaligid na kasinungalingan sakanya pero ang nararamdaman ko ay totoo.

Malapit na... darating ang panahon na sasabihin ko sakanya ang lahat ng walang pag-aalinlangan.

///

"SIR, ARE YOU OKAY?" May tumapik saakin at napabangon ako sa pagkakalugmok sa  malamig na sahig.

Nakita ko ang staff netong tinutuluyan naming villa at naalala ang nangyari. Nag-uusap kami ni Jaz at nakaramdam ako bigla ng hilo. Bago mawalan ng malay, nakita ko ang isang nakaitim na lalaki na syang may hawak na syringe, hindi ko napansin na itinurok n'ya iyon saakin.

Kinuha  ko ang phone ni Jaz na nakalaglag sa sahig saka tinawagan si Bernard habang naglalakad papunta sa kotse ko. Sinabi ko sakanya ang nangyari at kahit hatinggabi na ay sinabi niyang tutulong s'ya.

Nag-dial din ako at tinawagan si Sandro.

"Hello, Jess? Yung mga narinig mo kanina—"

"It's Adam." Napansin kong kay Jaz pala ang phone na nagamit ko sa pagtawag sakanya. "Nawawala si Jaz, saan s'ya dinala ng dad— si Ronel Enriquez?"

"Nandito ako sa hospital dahil tinawagan din ako na nawawala s'ya. Galing ako sa bahay pero wala rin s'ya don. Hinahanap ko s'ya ngayon. Siguradong hindi pa iyon nakakalayo."

Pinatay ko ang tawag at dumeretso sa EnriFirm, nagbabakasakali na meron akong mahahanap na anuman doon.

Sa office n'ya ay may susi din ako kaya naman binuksan ko iyon, sobrang tahimik. Imposible man, umasa ako na baka may binalikan s'ya sa office dahil makakalimutin s'ya. Kaso, ang lalaki kanina ay mukhang s'ya ang pakay.

Naghalungkat ako roon hanggang sa mabuksan ko ang drawer sa mesa n'ya. Isasara ko yon nang mahagip ng tingin ko ang isang painting.

Napanganga ako habang nanginginig ang kamay.

Hindi...

Kamukha ko ang nasa painting. Sa likod, may date 2 years ago at may nakasulat doon na halos magpawala sa ulirat ko.

"Please find me..."

Tinawagan ko ulit si Sandro. "Baka may kilala kang pinagkakatiwalaan ng ama mo? Sinong doktor ni Jazlyn?"

"Dr. Philly, galing pa s'ya sa ibang bansa at close talaga sila. Sa tingin ko tinutulungan n'ya si dad dito?"

"Sandro, wala siyang permanent amnesia! Meron lang silang ginagawa sakanya." Nagmura s'ya sa kabilang linya saka ulit nawala ang tawag.

Pinadalhan n'ya ako ng text ng mga lugar na maaaring kinaroroonan nila, nagtulong kaming isa-isahin ang mga iyon.

Nagtext din si Bernard at sinabing tumutulong maghanap ang mga pulis dahil naireport n'ya na ang lahat sa mga ito.

Lumipas ang magdamag pero wala akong tigil sa pagdadrive. Wala akong maramdaman kundi ang kagustuhan na makita si Jazlyn nang ligtas. Hindi kasing-sama ni Rodel si Ronel Enriquez base na rin sa sinabi ng mga nag-iimbestiga at galing mismo kay Sandro pero ayon dito ay tila nawawala na ito sa sarili.

Walang pagdadalwang-isip na bumaba ako sa kotse. Mataas na ang sikat ng araw dahil pasado alas-nueve na ng umaga. Nagkagulat pa kami ni Bernard nang magkita dahil ang alam ko ay magkakahiwalay ang mga lugar na pinupuntahan namin.

Tumakbo kaming dalawa papasok sa gate, nalaman ko ang lugar na ito ayon kay Bernard dahil sa maliit na panahon mula kaninang madaling araw ay inalam n'ya ang maraming bagay tungkol doon sa sinasabi ni Sandro na Dr. Philly. Isa itong lisensyadong psychologist pero may ilan ng kaso dahil sa paggamit ng illegal na paraan para sa mga pasyente.

Nauuna si Bernard dahil tingin ako nang tingin sa paligid netong malaking bahay kaya naman nang maabutan s'ya ay may kinukwenyuhan na syang dayuhang doctor.

"Where's dad and Jess?" Nanggagalaiti n'yang tanong. Tinabig ko s'ya dahil ayaw siyang sagutin ng kaharap.

"Don't you even know who I am? I can kill you here and no one will even know." Nangangatog itong tumingin saakin, mukang kilala ako. Tinuro n'ya ang itaas. Naunang umalis si Sandro samantalang ako ay sinuntok ko ang doctor. "You, son of a bitch! I will really kill you!" Pero isang suntok lang ay nawalan na s'ya ng malay kaya sumunod na ako sa itaas.

Naririnig ko ang ingay sa isang kwarto roon. It's her voice, Jazlyn... Pakiramdam ko ay pinilipit ang puso ko kahit sikmura.

"Luck!"

Pinilit ni Sandrong pihitin ang seradura pero hindi iyon bumukas kaya umatras s'ya.

"Adam!"

Pagkasipa ng pinto ay bumungad sa paningin ko si Jazlyn na nagdurugo ang mga kamay at paa na nakakadena sa kama.

Naikuyom ko ang kamao ko habang papalapit, si Bernard naman ay kaagad na hinarap ang kinikilala n'yang ama. Alam ko kung gaano n'ya ito kamahal kaya imbes na saktan ay nagmakaawa s'ya dito. Hindi naman ito pumapalag, tulala lang habang paulit-ulit na sinasabing walang makakakuha sa anak n'ya.

Naririnig ko mula sa labas ang wang-wang ng pulis.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko kay Ronel Enriquez dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Mas pinili kong huminga nang malalim habang tumutulo ang mga luha sa aking mata. Nilapitan ko ang nakapikit na si Jaz at nanghihinang kinuha ang susi na nakita kong nakasabit sa pader saka kinalag ang kadena.

Walang salitang lumabas sa bibig ko, ang naroon ay mga hikbing pilit nagkumawala. Gayunpaman, pinilit kong ngumiti nang makita ang maliit na ngiti sa labi n'ya.

Kinarga ko s'ya nang maingat at tinitigan ang muka n'ya habang papalabas ng pinto. Wala na roon sina Sandro, nakita ko s'ya sa baba, kasama ng mga pulis at inaaresto ang ama maging ang doktor.

Wala akong pake kahit pa makita man ako ng ibang tao na umiiyak o marinig na humihikbi dito. Wala pang umaakyat dito sa second floor at hindi makapaniwalang nakatitig pa rin ako sa buhat-buhat kong si Jazlyn.

Pakiramdam ko ay bumara sa lalamunan ko ang puso ko. Lumunok ako nang ilang beses habang walang tigil pa rin ang luha ko.

"Sorry I'm late. But still... I found you. And that's what matters the most, right?"

Ngumiti ulit ako. "I found you, Jaz."