I AM BUSY TYPING ON THE LAPTOP in front of me when I suddenly remember what happened.
I just kissed her.
Pinipilit kong libangin ang sarili ko sa mga trabahong nakatambak sa harap ko ngayon. Binasa ko ang folders na nakapatong sa mesa pero walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang ginawa ko kanina at ang reaksyon n'ya.
I wanted to kiss her since the day I found her after 2 years of searching. But I didn't imagine that I'll really do that. Siguro ay nagtataka na s'ya ngayon sa mga sinasabi at ginagawa ko lalo na ang halik na ginawa ko kanina.
Pero hindi naman siguro ako nananaginip lang at sigurado akong tumugon s'ya sa halik ko na siyang ikinagulat ko kaya naman napalayo ako nang bahagya sakanya kanina.
Tiningnan ko ang office n'ya na nasa harap ko lang din. Mukhang nakalimutan n'yang pindutin ang button para maging tinted ang glass wall non kaya naman kitang-kita ko s'ya na nakatitig saakin. Parang nag-iisip nang malalim habang curious na curious saakin.
Gusto kong ngumiti sakanya pero ayoko dahil baka malaman n'ya na nakikita ko nga s'ya kaya ibinaba ko ang tingin ko.
Pinilit kong ituloy ang pagtatrabaho kahit walang naiintindihan pero nakikita kong nakatingin pa rin s'ya saakin sa pamamagitan ng peripheral vision ko.
Nagkunwari akong merong ginagawa habang iniisip ang ginagawa n'ya. Gumihit ang ngiti sa labi ko at halos matawa na ako.
"Shit, shit, shit." Paulit-ulit akong bumubulong dahil naririnig ko ang nakakabinging tibok ng puso ko at saya na nararamdaman ko.
There are times that I feel like I was nothing to her. Pero yun naman talaga ako, hindi ba? Lalo na at alam n'ya ngayon ay isa lamang akong secretary n'ya.
May mga araw rin naman na ang dating saakin ay napapansin n'ya ako. Sa uri ng tingin n'ya, hindi ko mapigilang umasa na meron siyang nararamdaman kahit kaunting pagkagusto saakin.
She treated me as a secretary, a plain employee. But there are times that I am like a friend. Just like now.
I almost laughed out loud.
Tinatanong n'ya saakin ang tungkol sa kinukwento kong boss na merong secretary na mahilig siysng sagut-sagutin.
She concluded that the boss is in love with her secretary kaya naman pumapayag syang ginaganon-ganon nalang. I agreed.
"Yes, obviously. He is. Too inlove."
Yes, I am in love with you, Jaz.
"Naks! Kamusta na sila ngayon?"
Nawala ang ngiti ko at matagal siyang tinitigan bago sumagot. "They are... They are m-married now."
---
"SECRETARY na, driver pa. Naks naman." Litanya n'ya nang ipag-drive ko s'ya.
"Kaya double payment din sana." Biro ko, gusto kong kahit papaaano ay gumaan ang atmosphere dahil palagi akong kinakabahan kapag malapit s'ya at alam ko ang dahilan.
Kung noon ay in love na ako sakanya, alam kong mas lalo pa yong lumalalim kahit pa hindi n'ya ako naaalala.
"Sure." Mabilis n'yang pagpayag, kabaligtaran ng iniisip ko na matatwa s'ya at baka mag-joke rin saakin.
Bumagsak kaagad ang balikat ko. "That's.." Huminga ako nang malalim. "That's just a joke."
That's why I tried to search online what are the things to say that can make her talk to me more. I miss her. I always do. Kahit magkasama palang kami ay hinahanap-hanap ko na kaagad s'ya, nababaliw na ako.
I saw some topics and some pick up lines too. Nabasa ko na effective daw ang pick up lines kaya naman tumingin ako especially pick up lines about business dahil determinado s'ya ngayon sa pagtatrabaho at pagpapatakbo ng kumpanya, sa tingin ko ay magiging interesado rin s'ya kung ang ibabato kong lines ay tungkol sa doon. Meron din pala non dito sa internet.
Baby, I can't opt you out of my mind.
Any chance you'd be interested in drilling down with me?
I am feeling this burn rate in many places.
Baby, you can give me a call-to-action anytime.
What the hell? Damn, obviously, I can't used these.
Want to play a little document distribution strip poker?
I don't think you and I will need any troubleshooting.
Girl you got my heart going from slump to boom in no time.
This one is kinda good though but what will she think about it? I don't wanna act and talk like a fuck boy and she knows that I am not a smooth talker and someone who'll just say this.
You're like the ultimate software, there's no room for upgrades.
Are you from accounting? Because I was ac-counting on seeing you later.
You must be a one-sided balance sheet, all assets and no liabilities.
You don't need a high level of core competency to know that you're a catch.
N.O.
Girl are you a new business cuz im definitely gonna penetrate you.
I don't wanna get slapped.
I don't think I can get anything from this.
"What are you doing?" Kaagad kong naisara ang laptop ko, nandito kasi ako sa sala at naakupo sa sofa pero nasa likod ko na pala si Bernard. Tumalon s'ya at umupo sa tabi ko. "Pick up lines about business, huh?" Nabasa n'ya na pala ang nasa screen kanina.
"Get out of my house!" Napipikon na sabi ko.
"What?" Tatawa-tawa lang s'ya. "If you want to know something, just ask me. Magaling ako sa ganyan, dude!"
"I don't care!" Tumayo ako at akmang aakyat sa hagdan nang matigilan ako sa sinabi n'ya.
"If you want to smoothly start a conversation, it's easy! Just ask her what's her favorite number in electric fan."
Napataas ang kilay ko saka tumuloy na sa kwarto ko. I don't know what's the meaning of that and I don't see sense on it for her to be interested.
So, no. I decline. I won't use that shit to open a topic.
"Hi, Mr. Sugi!" Ni hindi ko nilingon ang babaeng nagsalita sa tabi ko. I don't know why are they calling me Sugi. What the hell is the meaning of that?
Pumasok ako sa elevator at sumunod ang babae. Kami lang dalawa ang tao sa loob pero kung makasiksik s'ya ay para bang ang liit ng space.
"Can you please stay away from me?" Sabi ko matapos ang ilang beses na paghinga nang malalim dahil sa inis.
My mind's in deep confusion right now. Alam kong lasing kagabi si Jaz pero ang marinig mula sakanya mismo na wala siyang naaalala sa mga nangyari sa party at sa mga napag-usapan namin, I feel like I am abandoned.
Kumapit ang babae sa braso ko. Nilingon ko s'ya at nakita ang namumungay n'yang asul na mga mata. I don't know her but I think she's an employee here. Naaalala ko ang ibang employee nang mga nakaraang araw na tinawag din akong Sugi. Tinanggal ko ang kamay n'ya habang nakaharap sa tapat ng elevator.
Bakit ba parang ang tagal bumukas neto? I already want to see Jaz.
"Mr. Sungit na Pogi kaya Sugi, baka nako-confuse ka bakit ganon tawag ko e. You know, you're too handsome, yung vibes mo mala-character sa isang English film. Bukod sa gwapo ka, ang lakas-lakas pa ng dating mo. You know what? Mula noon hanggang makapagtrabaho ako dito sa EnriFirm ay marami nang nanliligaw saakin. I was asking myself why but then ngayon ko lang narealize na dahil wala akong gusto sa kanila. Yun pala, ikaw na ang nakatadhanang darating sa buhay ko.
"Balita ko may asawa kana raw at matapang daw 'yon?Parang tigre pa nga raw ang asawa mo. Nabalitaan ko rin na 'yung huling babaeng lalapit-lapit sa'yo, sinugod ng asawa mo, nasa hospital pa ngayon kasi nabasag daw ang bungo ng babae tapos inoperahan kasi bali-bali rin daw yung tadyang. Hindi mo deserve ang ganoong klase ng asawa, Mr. Sugi. Tsaka uso na naman ngayon ang annulment."
May naririnig akong sinasabi n'ya but I am busy thinking about Jaz. Iniiwasan n'ya ako palagi lalo, pinapunta pa ako sa iba't-ibang lugar noong mga nakaraan. Desidido yata talaga na malayo ako sakanya sa kahit pa sakanya ako nagtatrabaho.
"Nahihiya talaga ako e. First time ko tong gagawin at aamin pero ikaw naman kaya ayos lang. Ang totoo, gusto talaga kita. In love na nga yata ako sa'yo. Kaya kung pwede... pwede ba kitang yayaing kumain sa labas mamaya?"
Tiningnan ko ulit s'ya at nandito na pala s'ya sa harap ko.
"What's your name again?"
"I am Karen!"
"Excuse me, Karen." Bahagya ko pa syang inusog dahil nakaharang s'ya sa dadaanan ko at lumabas na ako sa elevator.
Merong times na mukhang okay kami at meron ding hindi. Ang ending, hindi ko rin alam kung ano ang tamang pag-usapan namin palagi. Pero wala akong balak gawin ang sinabi ni Bernard. No.
I really tried my hardest but one day, I am missing her voice, seems like she doesn't want to talk more but I want her to!
Parang naririnig ko si Bernard ns bumubulong-bulong sa tenga ko habang pinakikinggan ang katahimikang bumabalot saamin. Ipinilig ko ang ulo ko.
"What will you do on Sunday?"
"Siguro magsusulat lang. May tinatapos kasi ako." Naghintay ako kung may sasabihin pa s'ya pero nanahimik na ulit s'ya.
"Anong bansa na ang napuntahan mo?"
"Bukod dito?" Tumango ako. "Japan, Korea, America, London, Singapore."
"May I know how old are you now?"
"Yeah, I am 28."
"Are you... in a relationship?"
"No, I am not."
"Why?"
"I just don't feel to have one."
Nanahimik na naman kami, nag-isip na ulit akonng pwedeng pag-usapam pero wala akong maisip. Ang malala pa, mas kumalakas ang tinig ni Bernard sa utak ko.
Pikit-mata akong nagsalita. "Anong... favorite mong n-number sa electric fan?" Halata ko ang pagpipigil n'ya ng tawa. Nakagat ko ang labi ko dahil doon habang sinusumpa sa utak ko si Bernard.
"2?" Hindi siguradong sagot n'ya.
"Same." Sabi ko at nanahimik na naman kami.
I didn't expect that after those scenarios, she'll end up loving me.
///
BUT HIS DOESN'T MAKE SENSE. I'm not making any sense.
I just proposed to Jazlyn and she said yes. Hawak ko pa ang kamay n'ya habang nagda-drive ako at ang parents n'ya sa likod at kasama ni Trina.
There's no word to explain how happy I am. I do look like an smiling idiot while driving. Maging parents n'ya ay nangakangiti lamang saamin. Nakatulog na si Trina sa byahe, it was a quiet but peaceful and happy ride.
Inihatid ko sila sa bahay nila dito sa Maynila but they then told me that they needed to rest, especially Jaz. It's okay and I understand it but what I can't understand is myself. Kailangan nilang magpahinga at bukas na bukas rin daw ay pwede na akong dumalaw o anuman sa bahay nila. I feel empty once again.
Bumagsak ang balikat ko pero pumayag ako na siyang ikinatawa nila. Jaz didn't say anything that made me overthink, the thing I don't actually do.
Mukha naman syang masaya at sinabi n'yang mahal n'ya ako but remembering how she just acted, I am now doubting, not on her but on myself.
May nagawa ba ako? Did I do anything wrong? Dahil ba masyado lang akong naoverwhelm sa mga sinabi at nangyari kanina sa airport nang magpropose ako kaya naman nang matapos na ay pakiramdam ko, hindi na rin s'ya masaya?
She's just smiling. Something in her smile is telling me that she wants to do or say something but she just can't.
Bumalik ako sa bahay at inihiga si Trina sa kwarto n'ya. Sa sala, nakita ko si Bernard na nakahiga sa sofa habang sa harap n'ya ay dalawang malaking garapon ng ice cream. Kaagad syang bumangon nang makita ako.
"Adam, ayos ba?" Halatang excited na aniya. Kinamayan n'ya pa ako nang matagal na para bang aalis na ako kapag bumitaw s'ya. Hinila ko ang kamay ko at gaya ng inaasshan, ayaw n'ya iyong bitawan. Mukang nang-iinis lang nga.
"It is... great."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang sinabi ni Jazlyn kanina. Sinabi n'yang mahal n'ya ako at ako lang ang gusto n'ya mula noon. She even agreed to marry me. Nababagabag lang ako sa ngiti n'ya nang maihatid ko na sila.
"Why? What's wrong?" Napansin n'ya ata na napabuntong-hininga ako.
"Nothing it's just that—"
"I already assured you it's just you, right? Sakanya galing yan!"
"I am not doubting on her feelings, you, idiot!"
"Sanay na sanay ka nang tinatawag akong ganyan ah? Nakakasakit ka na." Pabiro n'yang hinawakan ang dibdib na kunwari ay nasasaktan. "Porket may love life ka na?"
Hindi ko s'ya pinansin doon. Sumandal ako sa sofa na nasa harapan n'ya habang inaalala nang paulit-ulit ang nangyari. Baka meron lang akong nakaligtaan o baka sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari kaya ganito.
"I thought I'm going to faint. Damn." Naalala ko pa ang kanina. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang saya, tipong mawawalan akonng malay doon. "I'm happy I didn't."
"Buti! Kung hindi itatakwil kita bilang kaibigan." Niligpit n'ya ang mga nasa mesa at dumeretso papuntang kusina. Nang makabalik ay meron na naman siyang dalang mga ice cream. "Buti nalang sa bahay na to, unli ice cream. Sa bahay, ako lang naman kumakain ng ice cream dahil di mahilig don ang mga kasambahay pero nauubos. I wonder who's eating my ice creams."
Dumaan ang mahabang katahimikan. Timitigan ko ang singsing na suot ko, kapares ng sing-sing na ibinigay ko kay Jazlyn. "By the way... thanks, man."
Mukang na-gets n'ya ang sinasabi ko nang tingnan n'ya ang tinititigan ko. "I know how excited you are. Pero gaano ka man kasaya na makita s'ya ulit, pinili mong iwan ang singsing dahil bukod sa nagdududa ka sarili mo kung magagawa ka pa rin n'yang mahalin o kung mahal ka pa rin n'ya, alam kong gusto mo ring bigyan pa s'ya ng panahon."
"Nagkalayo kami ng dalawang taon noon at marami nang nagbago. Kilala n'ya ako bilang masama ang ugali n'yang boss kaya naman hindi ako magtataka kung sakaling magbago ang isip n'ya ngayong nakakaalala na ulit s'ya."
Tumawa s'ya nang malakas, halos maglupasay pa. "Adam, is that really you? Wow, did you just agreed that you're an evil boss gaya nalang ng tawag sa'yo ng mga empleyado mo?"
Tiningnan ko s'ya nang masama. "I was and I did have a short temper back then."
Tumawa na naman s'ya nang tumawa na para bang joke ang sinabi ko. Tumayo nalang ako para magpunta sa kwarto, sa tingin ko rin ay hindi naman ako makakapagtrabaho ngayon. I checked my phone if I received any message or call from Jazlyn but then I remembered that she's probably resting right now.
Pero may natanggap akong text mula sa mga kapatid n'yang sina Jester at Kesler.
Kesler Bautista:
I heard what happened, Kuya. Congratulations and again, thank you. Dahil sa'yo, nakabalik na saamin si ate at masayang masaya ako na kayo pa rin sa dulo.
09:04 am
Dapat sinulit mo na ang proposal mo, kuya. Kasi merong matandang paniniwala sila mama na kapag nag-propose na ang lalaki ay kailangan nang gawing limited ang pagkikita nila ng babae hanggang sumapit ang kasal. Hindi ko alam kung gagawin pa rin nila yon at susubukan kay Ate Jaz since s'ya ang unang ikakasal sa pamilya. Btw, congrats ulit and thanks!
09:07 am
Jester Bautista:
Hindi ako magsasawang pasalamatan ka, future bayaw. Binago mo ang buhay namin at binuo mo ang pamilya namin. Congrats pala sainyo nila ate at ngayon palang, welcome to the family.
PS: May chicks ba jan na hahabol-habol sa'yo? Masama yan, bawal kana jan. Reto mo nalang sakin.
Nakaaagaw ng pansin ang sinabi saakin ni Kesler tungkol sa paniniwala ng parents ni Jaz. Isa ba yon sa dahilan bat wala silang sinabi saakin? Ididistansya ba kami sa isa't-isa? I don't heard a similar belief but if that's true, then I really can't stop thinking.
Humiga ako sa kama at tumagilid ng higa. Inihilamos ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko nang bigla akong ubuhin. Nang tingnan ko ay may mga puting parang pulbos sa palad ko.
Nakaramdam ako nang antok at kaagad naalala ang pakikipagkamay saakin kanina ni Bernard.
I closed my eyes and heard the door opened. "Tsk, tsk, tsk. Over thinker ka pala, dude? This is new, huh?"
"Tito, what did you do to dad?"
"Maistress lang tong gago sa kaiisip. Pinatulog ko muna."
///
PAGKAMULAT AY DERETSO TAYO.
Ang unang pumasok sa isip ko ay ang ginawa ni Bernard kanina. Lalabas na ako nang mag-ring ang cellphone ko, indication na may dumating na notification.
Napamura ako nang makitang alas-saiz na nang gabi. I almost lost my balance when I saw that the message is from Jazlyn. Here goes my smile again. But my smile fell when I read the message.
My Love:
Kuya Sandro, can we meet rn? I have something very important to tell you.
06:04 pm
Ayokong mag-isip ng kahit ano. Wrong send at mukang hindi n'ya napansin. Pero kahit na ganoon ay may hindi ako magandang naramdaman. Selos. Sakit.
Hindi na ulit nagparamdam mula noon si Sandro at kung na-wrong sent man si Jaz, it means may komunikasyon sila?
Natuliro ako, I don't exactly know what to do. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at nag-drive papunta sa lugar na nasa text din ni Jaz. Malapit lang iyon pero dahil gabi na ay sobrang dilim.
Isa iyong lumang parke na may ilan lang na gumaganang ilaw sa poste. The usual look of a park. Mga puno, bench, damuhan, mahabang pinaka-pathway na siya lamang parteng sementado.
There's no way Jaz will meet Sandro here. Walang kahit na isang tao pero pagtingin ko sa paligid ay isang ala-ala ang pumasok sa isip ko.
Me, mom and dad. We were having a picnic. I was a kid and only child. First time naming nakapag-picnic na magkakasama dahil palagi silang busy. Dito 'yon sa park na 'to.
I trust Jazlyn. Hindi s'ya gagawa ng anuman kung alam n'yang makakasakit s'ya. Pinili kong maglakad sa pathway, doon sa mismong gilid noon nakabukas ang iisang ilaw. Nililingon-lingon ko ang paligid hanggang sa matigilan ako mang bumukas pa ang isang ilaw sa gilid ko kung saan naroon ang isang malaking puno.
Nagtataka man ay nakita ko ang isang malaking itim na tela. Umihip ang malakas na hangin at tumuon ang pansin ko lalo na nang biglang may lumabas mula roong mga salita. Meron palang projector sa harap nito, hindi ko lang gaanong napapansin.
I am not always curious to anything pero nakasulat kasi ang pangalan ko doon kaya naman nagtataka ako.
My name ADAM is written on it. Tumugtog ang isang pamilyar na kanta na hindi ko alam kung saan galing.
Halos wala sa sarili akong lumapit nang kaunti roon.
Yu
Mapapansin mo kaya?
Ako'y magkukunwari
Sa nararamdaman
Kahit walang pumapagitan.
Ikaw amg tanging gustong pagmasdan
Oh, oh sana ako'y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit sumasablay
Nawala ang pangalan ko at napalitan iyon ng litrato ko, mukang stolen shot iyon dahil hindi ko alam na meron akong ganoong litrato. Pero ang nakakagulat ay mukang matagal na iyon, lumabas ang date at tama nga. That was more than 2 years ago!
Nakatayo ako at walang emosyong nakatingin sa kung saan habang merong tila mayroong sinasabi.
Napalitan kaagad iyon at hindi pamilyar na picture ko na naman ang lumabas. I was wearing a white tux, I was sipping my coffee while reading something on my folder. This was taken also more than 2 years ago at nandoon ako sa office ko.
Still not getting what's happening, I tried to watch the slideshow of my stolen pictures years ago. I am not aware what is this all about but I am already trying my best not to be emotional. I keep on telling myself that that's not me. I am not an emotional type of guy but when I saw a picture of shattered mug, my tears just fell.
Gusto kong tingnan at hanapin ang dahilan ng mga pictures na ito pero nakalagay sa ilalim ng lahat ng pictures ang isang note na nagsasabing I need to keep watching.
Meron din doong picture ng daliri na may nakakabit na band aid, picture ng Strive Bar, high heels, Funtabelle Resort at kung anu-ano pang pamilyar saakin at alam kong hinding-hindi ko makakalimutan kailanman.
Nagtapos iyon sa picture ni Jazlyn habang nakaupo sa wheelchair, may benda sa ulo pero ngiting-ngiti pa rin sa camera.
Hinintay ko kung meron pang kasunod pero mukang wala na. Bago pa ako makapaghanap mg mapagtatanungan ay may narinig akong tumawag saakin.
"Dad!"
Kaagad akong nagtatakbo sa kinatatayuan ko kanina at yumuko sa harap ni Trina.
Niyakap n'ya kaagad ako nang mahigpit saka umiyak. Pinipigil ko ang maluha nang punasan ko ang mukha n'ya.
"You are here, what are you doing in this—"
"Just keep walking."
"What?"
Itinuro n'ya ang pathway na kinatatayuan namin, hinihimok n'ya akong maglakad pa roon.
"Keep walking, she's waiting for you. Just like how you waited for her. Congratulations, dad. I know you're doubting yourself but don't, please. You did and still doing your best."
Niyakap ko s'ya pero pinilit n'ya akong maglakad pa ulit. Tumingala ako para pigilan ang paglahulog ng luha ko saka huminga nang malalim at sinunod s'ya.
Madilim na sa nilalakaran ko, nang bumukas ang ilaw ay nagulat pa ako nang makita ko mula roon si Sandro.
"They contacted me for this. Wala akong lakas nang loob na magpakita pa, actually. But it's for you and Jazlyn that's why I came. Thanks for being a good friend back then and for still trusting me. Hanga ako sa kung paano ka magmahal, Lacuezo, you give your all and always ready to fight for it, bagay na lagi akong nagdadalawang-isip."
Tinapik n'ya kaagad ang balikat ko saka bumulong.
"You know I am in love with her, right? I still am. In the future, kung may balak kang saktan s'ya, ngayon palang isipin mo na dahil nandito lang ako."
I felt a little jealousy. Inamin n'ya lang na mahal n'ya pa rin si Jaz pero sa tingin ko ay hindi naman iyon maiiwasan, she's an amazing person. Kaya nagkuyom nalang ako ng kamao.
"There's no way I will make that happen."
Nakangiti n'yang iminuwestra ang harapan ko kaya naglakad pa ulit ako at gaya ng inaasahan, bumukas ang isang ilaw at si Bernard naman ang lumabas.
Meron syang hawak na baseball bat na ipinagtaka ko. "What the heck is that for?"
"Para kung sakaling gantihan mo ko ngayon dahil pinatulog kita kanina." Nakangising sagot n'ya saka sumeryoso bigla. "This is what I keep on telling you. Kung anumang nararamdaman mong negative, tigilan mo na. Masyado na kayong maraming pinagdaanang dalawa. Sana patawarin mo na ang sarili mo sa lahat ng nangyari. Hindi makakatulong ang pagsisi mo sa sarili mo, Adam. Naranasan na natin 'yan noon." Kita kong naluluha na s'ya at hindi kami sanay nagiging emosyonal sa harap ng isa't-isa kaya naman nagtawanan nalang kami nang sabay tumulo ang luha namin at agad pinunasan iyon. "Wag kang umiiyak, pre. Nahahawa pa ako e. Lagi mong tatandaan na mabuti kang tao at deserve mong sumaya nang ganito. Deserve mo 'to, pre. Masaya akong umabot tayo sa puntong to, nagngingitian, nagtatawanan, nag-iiyakan."
"You deserve happiness like this, too." Tinapik ko ang balikat n'ya.
"Next time na, kapag may bebe na ako. Ge, lakad na. Baka nilalamok na ang Jazlyn mo."
Sa sinabi n'yang iyon ay mas binilisan ko ang hakbang pero bumukas ulit ang isang ilaw at nakita ko roon sina Tita Van at tito Alie.
Niyakap lang nila akong dalawa saka nagpasalamat. "Pasensya kana sa kanina, hijo. Excited lang ako para dito kaya sinabihan nila ako na wag ka nalang kausapin dahil baka may masabi daw akong tungkol dito."
Tumango-tango ako, iniintindi ang sinabi n'ya. "Ayos lang po, tita. Salamat po nang marami."
Itinuro nila ang daan kaya nagpaalam na ako. Lumingon ako sa likod at nakikita ko pa rin silang lahat na nakatayo sa kung saan ko sila nakita kanina. Kumakaway sakin si Trina, kumaway akong pabalik. Malayo na rin pala ang nararating ko.
Halos tumakbo ako habang binabangtas ang pathway. Nang umabot sa dulo ay nakita ko na ang malawak na kalsada. Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakali na makikita ang hinahanap ko at hindi naman ako nabigo.
She's smiling while looking at me, I can't help but to stare while walking towards her. Nakatayo s'ya sa ilalim ng lilim ng isang puno, wala na ang benda sa ulo.
"Hey."
"H-Hey." May bumara sa lalamunan ko at isang pakiramdam ko aysalitang lumabas nalang saakin ay pipiyok na ako.
"Pilit kong sinasabi sa sarili ko noon na gusto kitang kuhanan ng picture para inisin ka kung sakali. Pero ni hindi ko magawang ipakita sa iba ang pictures mo sa dati kong cellphone noong secretary mo palang ako."
Magkaharap lang kaming nakatayong dalawa. Kumurap-kurap s'ya habang nakatingala at tumingin ulit saakin.
"Your foul words says that you're an evil guy but those pictures proved that you're just a man. A broken-hearted man. Behind your emotionless face, your eyes always screams pain. Nagtataka ako noon kung bakit may nakikita akong lungkot sa mga mata mo pero nagsimula yata ang lahat nang iyon nang titigan ko ang pictures mo na kinunan ko rin. Kasi sa pictures hindi ko naririnig ang galit mong boses kaya mas napansin ko ang pakiramdam na hatid ng bawat kislap ng mata mo." Hinawakan n'ya ang magkabila kong kamay na alam kong nanginginig na ngayon. "Naisip ko noon na imposible tayong magkasundo. We're the real definition of opposite. But I think, opposite really do attracts.
"Akala ko nong una ay masama ang ugali mo pero naaaalala kong narinig kita dati nang sigawan mo ang mga empleyado na sinabihan akong tanga dahil unang beses ko noon magsuot ng heels sa trabaho at nadapa ako. Narinig ko ang usapan noon na wala naman talagang overtime, pinapayagan mo lang daw akong mag-overtime kasi naaawa ka saakin. Ilang araw 'yon bago ang maaksidente. Panahon na gustong-gusto na kita at kahit masakit ay nagpapasalamat pa ako noon dahil kahit awa ay may nararamdaman ka saakin.
"Masyado lang akong nasaktan noon dahil sa narinig kong usapan n'yo ni Rodel Enriquez."
"Jaz..." Nanlumo ako pero hinawkaan nya ang magkabila kong pisngi habang nakangiti.
"Sinabi saakin ni Kuya Sandro na napag-utusan s'ya noon ni Rodel Enriquez na hanapan ka ng kahinaan, at ako ang nakita n'ya. Sinabi mo lahat yon para protektahan ako, salamat. I want to take this opportunity to tell you everything. About how I feel back then and what I feel now. So please listen to me.
"Walang ibang lalaking pwedeng makapantay mo sa puso ko, Adam. You sacrificed everything, even your health just to make sure I am safe and okay." Tumulo ang luha n'ya, inabot ko ang mga ito para punasan. "Pinlano ko 'to bago pa ako umuwi, bago kami umuwi sa Pilipinas para ipakita sa'yo kung gaano ka kahalaga saakin. Gusto kong iparating sa'yo na wala akong ibang gusto liban sa'yo at hindi lang ikaw ang dapat gumawa ng mga bagay-bagay para saakin. Dahil mahal din kita."
Hindi ko na napigilan at niyakap ko s'ya nang mahigpit.
"Thanks for loving me, Jaz... Thanks." Hindi ko na inisip pa ang luha kong nahuhulog dahil sa saya. I feel like my heart is about to explode. "You just don't know how nervous and insecure I am."
She lightly kissed my lips. I, once again cried because of it.
"No, it's a thank you for loving me. For waiting. For being great. For everything." Nagyakap ulit kami. "While I was with... R-Ronel Enriquez, I can't stop thinking about you. Nang sabihin nila na tatanggalin nila ulit maging ang memorya ko bilang si Jessdre Enriquez, hindi ko matanggap. Iniisip ko... hindi kita pwedeng basta-basta nalang kalimutan.
"Paano na ang pangarap mong hawakan palagi ang kamay ko? Ang pangarap kong mag-picnic tayong dalawa? Ang pangarap kong... ang pangarap kong magkasama ka habang-buhay? Mawawala lahat ng iyon kapag nawala maging ala-ala ko at inilayo na rin n'ya ako. Without knowing na may mas marami pala akong nakalimutan.
"Nalimutan ko ang dahilan kung bakit ka magaling sa business, kung bakit magaling kang magdala ng damit, kung bakit kahit hindi kita kakilala non ay napapabilis mo na ang tibok ng puso ko at kung bakit kahit nakangiti ka ay malungkot ka pa rin. Nalimutan na rin pala kita. Pero ipinapangako ko sa'yo, maulit man ulit yon, hindi ako papayag na makalimutan ka anumang mangyari. My memories are the most precious thing I have because you're here."
"Thank you for not being like the angel of rain." Bulong ko.
She again hugged me tightly and I hugged her back while still thinking if can all people have the power to handle this kind of happiness?
I kissed her, I heard some claps and even shouts, cheering me to kiss her more. And I obligued. With all my heart.