Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 37 - CHAPTER 35: Harder... Deeper

Chapter 37 - CHAPTER 35: Harder... Deeper

After 5 months...

"SIR, PORMANG-PORMA KAYO AH?"

Nginitian ko si Mang Ben.

"Ngayon nga ho pala iyong balik nila, ano?"

"Yeah."

Hindi n'ya na ulit ako muli pang kinausap, ngumiti palang s'ya na parang nahahawa sa kung gaano ako mukang kasaya ngayong araw.

"Dad!" Irit ni Trina at paglingon ko ay nakaayos din s'ya. "Where do you think you're going without me?" Umirap s'ya sa hangin. "If not because of tito Bernard, I wouldn't know you're going somewhere."

Napapikit ako. Si Bernard talaga. Kaya nga tinawagan ko s'ya at pinapunta sa bahay ay dahil na rin para libangin su Trina dahil may lakad ako. Bandang huli, sinabi n'ya pa pala ito dito.

"Do you want to go with me?" Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinansin ang maliit na clip sa buhok n'ya. "That's cute."

"Hiningi ko sa girl na pinagkamalan kong si mom last time sa hospital. She really looks like mom, you know? Not my real mom but that lady in the picture you're always staring at."

Natulala ako at yumuko para magpantay ang muka namin. "What do you mean real mom?"

"My mom who abused me." My lips parted in shock. "I tried to forget them. Sinubukan ko ring ipakita sa'yo dad na nakalimutan ko na 'yon because I know how much you care for me, but I didn't."

"Trina, but you know how much I love you, right—"

"Of course. Kaya nga naisip ko na hindi ko naman kailangang kalimutan yon. I don't need to forget my past, all I need is to use that as an inspiration to be a better person. Also, yung past ko dad ay natakpan ng magandang memories ko with you."

Gulat na gulat ako sa narinig. Ni hindi ako naghinala na meron siyang naaalala pero ngayon ay naghihinala ako kung 5 years old lang ba talaga s'ya dahil sa uri ng mga salitang ginagamit n'ya. She's indeed special. She's a genius kid and much matured for her age.

Walang nag-uusap kahit isa sa bahay na ampon s'ya dahil iyon ang gusto ko, ang isipin n'ya na anak ko talaga s'ya. "You're a great man dad. Hindi man sa'yo ang sperm na dahilan bat ako buhay, daddy kita."

"What the hell!?" Napatayo agad ako sa narinig.

"What? Tito Bernard told me that if I am bored, I should read books. Nabasa ko 'yon sa science books na binili ko last time sa NBS, about the sperm and egg cell—"

"Trina! Please, stop listening to Bernard!" That idiot, kung anu-ano ang nalalaman ng anak ko dahil sakanya.

"He's a great person like you, dad."

Pinili kong isama nga s'ya sa airport. Pinapasok ko s'ya sa kotse at isinuot ang seatbelt n'ya.

"You deserve to be happy. Please give me many siblings. You're snob but you'll be a great father. Wag mo siyang pakakawalan, dad." Nagtatakang nilingon ko si Trina. "Ops, turo po yan ni Tito Bernard, sabihin ko raw sainyo."

Ipinagpatuloy ko ang pagdadrive saka napangiti.

5 months ago, nahuli na ang Doktor na dahilan bakit paulit-ulit kaming nakakalimutan ni Jaz. Maging si Ronel Enriquez pero dahil napatunayan na may sakit nga s'ya at nag-mental breakdown ay sa isang mental institution s'ya dinala.

I didn't heard anything from Sandro since then. Ang sinabi n'ya lang ay lalayo muna s'ya dahil wala syang mukhang maihaharap mula kay Jazlyn, saakin, at sa lahat.

Sandro is kind. Nakilala ko s'ya noong nag-aaral pa ako at nasa iisang university kami. We used to hang out. Minsan pa nga ay nagkakataon na sama-sama kami nila Bernard. Kaso bigla nalang syang nawala noon, iyon pala ang panahon na namatay sa car accident ang kapatid n'ya na ampon din ni Ronel Enriquez, si Jessdre Enriquez.

Pero siguro ay dahil alam n'yang maraming galit sa mga Enriquez dahil sa masama n'yang tito kaya ginamit n'ya ang apelido ng ina nya. I met him at Sandro Guevarra.

Nang dalhin si Jaz sa hospital nang araw na iyon, sinabi ng mga doctor na merong isang delikadong gamot sa system n'ya na nakakaapekto sa utak n'ya, iyon ang mga gamot na pinapainom sakanaya ng doktor n'ya noon para kakalimot lalo.

Kaya naman naging makakalimutin s'ya sa mga bagay-bagay, nabanggit din iyon nina Jester saakin 5 months ago, na kung bakit daw biglang may nakakalimutan ang ate nila kahit pa kakayari pa lamang ng pangyayari sa mismong harapan nito.

Kinailangang operahan si Jaz at ginawa iyon sa ibang bansa. I want to go but her parents doesn't want me to. Sila Tita Van nalang daw ang sasama sakanya, gusto n'yang ayusin ko ang sarili ko at maghintay. Hindi daw ako mukang okay. Halos magmakaawa na ako pero nagmakaawa rin s'ya saakin.

She told me that after the surgery, they'll come back. Kung maayos na ako at mahal ko ang anak nila, wala silang tutol. Nilinaw pa nga nila na gustong-gusto nila ako para kay Jaz at walang katapusan ang kanilang pasasalamat.

I looked at my reflection 5 months ago and she's indeed right. Green unlively eyes, cracked red lips, pale white skin, I look stress at gaya ng sabi nila, mukang kailangan ko ring magpagaling.

Wala akong pagdududa sa pagmamahal ko kay Jaz. Gaano man katagal ay handa akong maghintay at patuloy magmahal kaya ang kinailangan ko nalang gawin ay ang magpagaling.

Dalawang beses palang akong nakatanggap ng tawag mula kina tita Van at maiikli lang ang mga iyon. Binalita lang saakin minsan na tagumpay na ang operasyon at ang isa pa ay nagpapagaling na raw ito. Nabanggit na nila ang totoo, na ampon ito. Imbes na magalit, sumaya pa ito at nagpasalamat sa kanila.

I took some councelings at nakinig sa mga doctor about sa payo nilang healthy lifestyle and less stress. After 5 months of waiting and making myself better, tita Van called me, uuwi na raw sila ngayong araw.

Mahaba ang byahe at medyo traffic pero hindi mawala ang ngiti sa labi ko. "Someone's really happy."

"Yes, I am."

Maya-maya ay umandar din ang mga sasakyan kaya nagpatuloy kami. Exactly 8 am ay naghihintay na kami sa airport, sakto dahil 8 ang lapag ng eroplanong sinasakyan nila.

Kinakabahan ako kaya naman sa dalawang tawag ni tita saakin noon ay hindi ako nagtanong ng ano man kay Jaz. Natatakot ako dahil bumalik na ang ala-ala n'ya na noon ay desperado akong mangyari. She liked me as Jazlyn and as Jess. Ngayong naaalala n'ya na mula una, ano na?

Nakakausap ko pa rin sina Kesler at Jester, binabalitaan din nila ako sa lagay ng kapatid nila pero kahit isa ay walang nagbanggit saakin kung hinahanap ako ni Jaz.

Nakakapit pa rin sa kamay ko si Trina kaya naman natawa s'ya nang maramdaman ang panlalamig ng kamay ko. "Adam Lucky Lacuezo, nervous? This is new."

I tried to stop myself from shaking more. "Y-Yeah, I don't know what will happen after this. I'm excited to see her again but afraid she might hate me."

"Then, let's go home?" Tumayo s'ya pero umiling ako kaya umupo ulit s'ya. "Kung galit po s'ya, is it done then? You won't pursue her?"

Yeah, that's the right question to keep me sane. Kung galit s'ya saakin, hahabulin ko pa rin naman s'ya kaya anumang reaksyon n'ya ngayon ay tatanggapin ko.

I can imagine her anger towards me for lying about the real me. Lahat ng ginawa ko noong secretary ko s'ya, I know it'll all backfire at handa kong tanggapin 'yon. Kahit sabihin n'ya na ayaw n'ya saakin, handa pa rin akong gawin ang lahat.

Nagkalakas ako ng loob at hinawakan ang kamay n'ya nang mas mahigpit.

"Oh! That girl was the owner of this clip!" Si Trina ulit, nakatingin ako sa harap ko dahil hinihintay ko sila Tita Van. "Look dad, the girl I met at the hospital!"

Nilingon ko s'ya. "Wait, anak, kabado ako."

"Look, hm she really looks like mom."

Nilingon ko ang tinitingnan n'ya at ganon na lang ang kaba ko nang makita si Jazlyn kasama sila Tita Van and Tito. Merong benda sa ulo n'ya at nakasakay s'ya sa wheelchair gayunpaman ay hindi nabawasan ang ganda n'ya. Tumayo ako at muntik pang matumba. Nakita kong bahagya syang natawa dahil doon.

Nakaawang ang labi akong lumapit nang dahan-dahan. Hindi naman ako nananaginip ngayon, hindi ba?

Nauna pang makalapit sa kanila si Trina. Nagmano ito kila Tito at tita. Wala sa sariling gumaya ako habang hindi inaalis ang tingin sakanya.

"Hey, so you're my dad's love of his life?" Natawa sina Tito sakanya, nagkibit balikat si Jaz habang may ngiti pa rin sa labi. "But you're also the girl at the hospital, right?"

"Yes, I am."

"Then you're mom!" Bumulong si tita kay Jaz at mukang ipapaliwanag sana sakanya ang tungkol kay Trina nang sumagot ulit ito. "Uh, not really biological mom. I'm just calling you mom because since the day dad adopted me, he keeps on looking at your picture and says you're beautiful and he loves you."

Nagsimulang manubig ang mata ko habang pumapasok sa isip kong totoo nga s'ya sa harap ko.

"Ganon?" Tumingin saakin si Jaz na nakita kong nanunubig din ang mata. "Maganda ba ako?" Tumingin ulit s'ya kay Trina.

"If you're mom, yes. If not... then, no."

"Then I am your mom."

Umirit si Trina at hinigit ako para mas lumapit pa.

"Dad! Why are you crying?" Pansin n'ya. "You too, mom. Aren't you both happy to see each other?"

"Beautiful, this is a tears of joy." Nakangiti habang lumuluhang sagot ni Jaz habang saakin nakatingin. "I am happy to see him, of course, because I love him. Mula noon s'ya lang naman ang nagustuhan ko. Lalo syempre akong nainlove sakanya ngayon lalo na at may kasama siyang anak ko na kasingganda mo." Umiiyak na niyakap ni Trina si Jazlyn. "Kaso, hindi naman ata ako na-miss ng—"

Doon natapos ang pagiging matapang ko. Lumuhod ako sa harap nya at sinubsob ang ulo ko sa balikat n'ya habang umiiyak na parang bata.

Umiyak ako nang umiyak hindi lang dahil sa labis na saya kundi dahil sa reaksyon n'ya at sa mga narinig ko.

"I love you... I love you..." I chanted while hugging her tightly.

"I love you too, Adam, Boss, Mr. CEO, Luck, Mr. Bernales... I love you."

Matagal kaming ganon hanggang sa nag-angat ako ng tingin at pinunassn ang luha ng isa't-isa.

"Sinabi saakin nila mama ang lahat at hindi lang pagmamahal ko sa'yo ang sasabihin ko kundi pati na rin ang pasasalamat ko."

"Jaz—"

Bago ako makasagot ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Bernard. Inagaw iyon ni Trina bago sinagot. "Tito! Yes, umiiyak po si dad." Nakinig s'ya sandali. "Opo, nag-hug, mag-ki-kiss ba ang next po?"

Kinuha ko ang phone ko at nahihiyang tiningnan sila Jaz at parents nya. Tumango lang sila saakin. "Bernard." Matigas ang boses ko, walang bakas ng pagiging emosyonal ngayon-ngayon lang.

"Nakita ko 'yung sing-sing kanina sa kwarto mo. Yun ba yung ibibigay mo sana kay Jaz—"

"Bernard, going inside my ro—"

"Pero iniwan mo kasi takot ka na baka hindi ka n'ya na gusto? Natakot kana noon, hanggang ngayon ba? Ang tagal mong naghintay, naghihintay lang din s'ya ngayon."

"Paano mo—"

"Nakakausap ko s'ya sa lumipas na buwan. Nagchichika-chika lang kami." Napapikit ako. "Dude, thank me later. By the way, uubusin ko tong ice cream sa bahay mo ah? See you when I see you."

"Bernard—" namatay ang tawag pero kasabay non ay ang pagtugtog ng mga papalapit na mga nagba-violin saamin.

Nagtataka kaming lahat pero nabigyan ako ng idea sa sinabi ni Bernard. Pumalibot sila saamin hanggang sa nalaglag ang maraming pulang lobo mula sa taas. Sa sobrang dami ay hapos mapuno ang kinaroroonan namin. Tuwang-tuwa at excited na nagtatalon si Trina doon.

Nagtatanong ang mga mata ni Jaz na nagsisimula ulit umiyak. Nakangiti naman saakin sina tita, tila alam nang nangyayari.

Maya-maya, lumapit si Trina at pasimpleng inabot saakin ang isang maliit na box. Hinalikan n'ya ako sa pisngi at niyakap pa ulit si Jazlyn ng isang beses saka lumayo nang kaonti.

Itinaas ko ang isang paa ko at pinanatiling nakaluhod ang isa saka binuksan ang box. Bumungad saamin ang kinang ng sing-sing. Ang sing-sing na binili ko.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Mukang pinaghandaan at pinlano talaga to ni Bernard dahil walang sumusuway saamin kahit nandito kami ngayon sa airport.

"Adam..."

"Alam mo naman na ang dahilan ng pagkakakilala natin at pagkakalapit noon ay ang puso kong hindi makalimot sa pangit kong nakaraan. Pero binago mo 'yon. The pain from the past, you made them my strength.

"I became asshole and treated you like you're nothing but you still always see the best side of me. Maybe that caught my attention. Nang gabing sinapak mo ako, para akong natauhan bigla." Tumawa s'ya, tila inaalala iyon. "I somehow feel that... I need to protect this girl because she's the only one who wakes me up from my dellusions.

"Lumipas ang mga taon, nandito tayo ngayon. Naduduwag ako sa totoo lang at hindi ko inaasahan na maririnig ko ulit mula sa'yo na mahal na mahal mo ako. I'm already in love with you. But when we became closer, I fell for you... harder... deeper."

Humiyaw ulit ang mga tao na nanonood at nakikinig. Pero wala kaming pakeng dalawa. Magkatitigan lang s'ya.

Marami akong gustong sabihin pero sa ngayon ay hindi ko kaya. Nalulunod ako sa galak at konti nalang ay para akong hihimatayin. Bumulong s'ya saakin. "Please don't tell me you're about to faint." Umiling-iling ako.

"I am not, Jaz, I won't."

"Adam Lucky Lacuezo, anong favorite mong number sa electric fan?"

Nagtawanan ang mga tao, ako man ay natawa rin. "3." Pabiro kong sagot.

"3, I like it too." Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko to the point na halos sumakit na ang panga ko. "To the most snob CEO and most elegant secretary I know, I want you to know that I like number 3 in the electric fan too. And yes, I will  marry you."

Sa gitna ng mas lumakas na sigaw at tugtog sa paligid, naroon ako, kaharap s'ya, sinunuot ang sing-sing sa daliri n'ya habang tinatanong ang Diyos kung paanong naging deserving ako sa gantong kasiyahan at pagmamahal.

I kissed her temple and claim her lips. She lovingly looked at me then I remembered Bernard and ehat he just said earlier.

"Thanks me later."

Thanks, Bernard. You, idiot.