Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 33 - CHAPTER 31: Collections

Chapter 33 - CHAPTER 31: Collections

"THESE ARE THE COLLECTIONS I AM TALKING ABOUT."

It's only 8 in the morning. Naiwan ko ang isang mahalagang papel na kailangang-kailangan namin for today kaya naman binalikan ko nalang ito dahil dito ko iyon iniwan sa study room at ayokong may ibang pumupunta rito. Nagprisinta si Luck na sumama saakin papunta.

Nakangiti kong tiningnan ang collections ko ng paintings dito sa loob ng study room ko. Sa kanya ko palang pinakita ang lahat ng ito. Dad saw some of them and even kuya Sandro. Nakita na rin ni Dr. Philly ang iba rito pero yung lahat-lahat na to ay si Luck palang ang nakakakita. Pagbalik ko palang ay i-din-isplay ko na ang mga ito dito nang mag-isa.

"Magaling ka rin palang mag-painting?" Si Luck, nilibot nya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto na punung-puno ng mga drawing at painting ko. Hindi ko alam kung totoo kasi hindi ko naman naiisip pero kita sa muka nya ang labis na paghanga.

"I can say marunong, pero magaling..." Hinawakan ko ang sketchpad ko at binuklat-buklat iyon. Matagal ko na rin palang hindi nakikita ang mga ito. "Kasabay ng therapy ko, nag-advice ang doctor na humanap ako ng pwede kong gawing hobby at doon ko raw ibuhos ang nararamdaman ko. Nauwi ako sa pagsusulat at pagpipinta."

"I don't know how to paint but I can say that you are good at it."

"Thanks."

Araw-araw sa loob ng dalawang taon ay nagpipinta ako kaya naman sobrang dami na nito. Nang maramdaman kong parang gusto kong mas magsulat muna ay doon lang ako tumigil. Sinabi ko iyon sakanya.

Nakita ko ang mga nakastketch at karamihan doon ay isang babaeng mag-isa. Merong kumakaing mag-isa sa harap ng isang malaking mesa, nagbabasa sa lilim ng puno, nakahiga sa malawak na kama habang nakatitig sa kawalan... Mga bagay na madalas kong maranasan noon.

"So these paintings reflect your feelings for the past 2 years?"

I agree. Tiningnan ko ang isang nakasabit sa pader, painting iyon ng babaeng malungkot na nakatalungko sa harapan ng bintana. Wala na akong gaanong maalala sa mga iyon. Mabuti nalang dahil isinulat kosa bawat likod ng painting kung bakit ganyan ang pininta ko. Meron din doong date. Nilapag ko ang sketchpad at iyon ang kinuha. Binuklat ko ang likod at napangiti sa nakasulat.

"I want to bring back all my memories but I know it's already impossible. While looking at the happy kids, I feel so envious. I wish I was a kid again."

Hindi ko namalayan na kinuha ni Luck saakin iyon, binasa n'ya rin at wala naman syang sinabing kahit na ano.

Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa nasa paligid nang yakapin n'ya naman ako mula sa likuran. "Are you sure you want to throw them away?"

Nabanggit ko kasi sakanya kanina ang plano ko. "Tutal ayos na naman ako. Ala-ala nalang from 2 years ago ang meron ako. I don't need these dahil tuwing nakikita ko ay nalulungkot lang ulit ako."

"It's also a memory of your bravery. But then kung ano ang napagpasyahan mo, let's do it together."

Napaisip ako. Tama, sa dalawang taon na ipinipinta ko ang lahat ng mga nararamdaman ko ay unti-unting nababawasan ang sakit ng pagkawala ng ala-ala ko. Hindi naman nga siguro ganon kasama na i-keep sila.

"Also, if you want, you can sell them. Hindi ba at meron auction na gaganapin sa masquerade party?"

Itinagilid ko bahagya ang ulo ko. "Huh? Pero okay lang kaya yon? Hindi naman ako sikat na pintor at hindi ko alam kung may bibili ng mga yan." Pahina nang pahina ang boses ko.

"Why not? They're all beautiful and meaningful. Puno man ng sakit at lungkot ang iniisip mo sa mga panahon na yan, nakakainspire na nalagpasan mo yan."

Tinanggal ko ang mga kamay nya sa bewang ko. Humarap ako sakanya at niyakap sya nang mahigpit. Masyado akong nata-touch sa sinabi n'ya.

Ang akala ko noon, puro awa nalang ang maririnig ko sa tuwing merong nakakarinig ng nangyari saakin. Pero iba ang tingin n'ya. To be honest, isa sa mga dahilan bakit ayaw kong may pumapasok dito kahit mga katulong ay dahil na rin sa nga painting. Masyadong dark ang mood, gusto kong makilala nila ako na maayos matapos ang aksidente.

Gumanti sya ng yakap at kitang nagulat nalang nang bigla ko syang halikan kaya hindi pa sya nakakapagreact ay lumayo na ako.

"Thanks." I gave him a silly grin.

Kaso, hinila nya ulit ako at mabilis sinakop ang labi ko. Bahagya akong napaungol nang pumasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Halos magkapalitan kami ng hangin at kinakapos ako ng hininga. Nang lumayo sya nangg bahagya saakin ay sandali lang akong sumagap ng hangin at ako naman ulit ang sumunggab sa labi n'ya.

Pinangigilan ko ang malambot nyang labi at bahagya itong kinagat. Pansin kong tila lalong naging mapusok ang halik n'ya dahil doon. Ang kamay n'ya sa likod ko ay nagsisimula nang humaplos sa bewang ko.

Bukas ang aircon pero pakiramdam ko ay nag-aapoy ang paligid namin nang dahil sa init. Nakahawak ako nang mahigpit sa mga braso n'ya habang patuloy na tinitikman ang ginagalugad ang bibig ng isa't-isa.

Napatigil ako nang ihiga nya akonsa medyo mababa lang pero malawak na mess. Hanggang tuhod ko lang ito kapag nakatayo ako. Nagulat ako sa nagliliyab nyang mga mata pero mas nagulat ako sa nararamdaman kong excitement.

Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nagkatitigan kaming sandali bago s'ya dumukwang at muling hinalikan ang aking labi.

Bumaba ang halik n'ya hanggang sa aking baba at napunta sa leeg. Mas lalo akong naghabol ng hininga.

"Hm, Luck!" Mahina kong daing nang maramdamang sinipsip nya ang balat ko sa leeg.

Magkahalong sakit, kilit at sarap kaya napasabunod ako sa buhok n'ya habang patuloy n'yang sinisipsip ang iba pang bahagi ng leeg ko. I knkw he's leaving marks pero hindi ko s'ya mapigilan sa kadahilanan na gusto ko ang pakiramdam na binibigay n'ya saakin.

Itinuon nya ang mga kamay sa magkabilang bahagi ko. Kita ko ang paghihirap sa mga mata n'ya. Wala na pala syang suot na damit kaya mas full show ang maganda n'yang pangangatawan.

Tinitigan ko ang mata n'ya na nakatitig din saakin.

"I'm so sorry. But you need to tell me to stop right now cause I can't."

Nginitian ko s'ya saka hinila sa balikat. Dinampian ko ng halik ang labi n'ya saka bumulong. "I don't want you to stop too. So don't stop, Luck."

"A-Are you... sure?" Puno man ng pagdadalwang-isip ang boses n'ya, kita ko naman ang pag-asam sa muka nya kaya bilang sagot, hinila ko s'ya papalapit saakin.

"ARE YOU SURE YOU'RE OKAY?" Kita sa muka ni Luck ang pag-aalala at pagka-guilt dahil hindi ako makalakad nang maayos. Napapangiwi ako habang humahakbang papunta sa elevator.

Something happened between us at wala akong pinagsisisihan na ibinigay ko sakanya ang pagkababae ko. Hindi lang dahil sa hindi na ako bata o dahil gusto ko s'ya kaya ko ginawa yon kundi na rin dahil gusto ko rin.

"Ayos lang ako." Pag-a-assure ko kahit pa nga masakit pa rin ang nasa pahitan ng hita ko maging ang buong katawan ko.

"Don't you really want me to- damn it!" Pagmumura nya nang medyo matapilok ako dahil na nga rin sa hindi ko gaanong maihakbang nang maayos amg mga paa ko. Hinawakan nya ang balikat ko at bewang. "Kakargahin na kita-"

"No!" Hindi ko matandaan kung pang-ilang beses na akong tumanggi. "Stay calm will you?" Halatang tense na tense s'ya, gulong-gulo ang buhok dahil sa ilang beses n'yang pagsabunot dito mula pa kanina nang pabalik kami sa opisina. Lukot na rin ang suot n'yang suit at niluwangan n'ya na rin ang tie. "No PDA." Muli kong paalala..!

"How can I stay calm when I am the reason why you are in pain." Kami lang dalawa ang nasa elevator, mabuti naman dahil medyo pinagtitinginan na rin kami sa labas. Nagtataka na siguro marahil ang ilan kung bakit halatang nahihirapan akong maglakad.

"Are you regretting..." Hindi ko kayang tapusin dahil sa hiya. Nangangapal ang muka kong itanong kung nagsisisi ba s'ya dahil kung ako ang sasagot, wala akong pinagsisisihan.

"No! Of course not! It's just... I am guilty that you can't even walk properly." Nakahinga ako nang maluwag.

Tumawa nalang ako para ipakita na okay lang pero agad din akong napangiwi. Nakaalalay s'ya saakin at hinatid ako hanggang pag-upo sa swivel chair.

"You can just rest here for a bit. Dadalhin ko lang to kila Mr. Roñel." Tukoy n'ya sa folder na syang sinadya pa namin sa bahay.

"Go ahead." Halata sa muka nya ang pag-aalangan pero pinaalis ko na s'ya.

Nang makaalis s'ya, doon ki mas inilabas ang ngiwi ko. Ang sakit-sakit at pakiramdam ko e lalagnatin ako. Para bang merong sugat sa loob ko at humahapdi iyon.

Merong kumatok kaya ginawa ko lahat ng makakakaya ko to look normal. "Come in!"

"Ma'am, eto na po 'yung mga pinadala n'yo."

"Pakilapag nalang po dyan sa mesa." Nginitian ko sila.

Buhat-buhat nila ang mga paintings ko dahil naisip ko na isama iyon sa auction gaya ng opinyon ni Luck. Well, hindi pa naman talaga sure kaya ipapatingin ko pa iyon sa ilang mga empleyado, magtatanong palang nga ako kung sinong meron sa kanilang may alam sa painting at pipiliin ko lang din kung anong mga worth it ipa-auction.

Dala nila ang lahat ng mga paintings sa study room na pinatanggal ko sa mga katulong. Maging yung iba pang naka-lagay sa cabinet pala. Para hindi magpatong-patong, pinasandal ko nalang yung iba pa sa pader.

Habang inaayos nila iyon ay tiningnan ko ang mga kailangan kong gawin para ngayong araw.

"Ma'am, ayos na po."

Bumunot kaagad ako ng pera sa wallet at iniabot iyon. "Pangmeryenda n'yo po." Nagkakahiyaan pang abutin nila hanggang sa ang pilitan ay naabutan pa ni Luck. "Magagalit po ako kapag hindi n'yo to tinanggap." Si Luck pa mismo ang kumuha saakin at nag-abot sa kanila.

Nahihiya silang nagpasalamat at umalis.

It's only the two of us again. He's standing in front of me with a shy smile.

"Mr. Bernales, what!?" Natatawa kong tanong. "Hindi ka pa ba tapos? Okay na nga ako!"

Halatang hindi sya kumbinsido. "I will call a doctor-"

"Ano ka!? I don't need a doctor. What I need is to finish all of these." Tukoy ko sa mga kailangan kong gawin sa mesa. Kinuha n'ya lahat ng iyon saka naglapag ng bote sa harap ko. "What is this medicine for?"

"I will do all of these. Just rest, okay? And..." Lumikot ang nga mata n'ya, napataas ang kilay ko. "I read articles online, first time sexual intercourse can lead to... l-laceration. And uhm..." Para siyang bata na hindi mapakali, napakamot pa sa pisngi. "It's a medicine to heal the..."

Natawa ako, ang tanda n'ya na pero kung umasta sya ngayon ay para bang binatilyo s'ya at unang karanasan n'ya to.

Sa halip na tumanggi, kinuha ko ang gamot at sumimangot kunwari. "Sabagay, kasalanan mo nga rin tong sakit because yours is..." Ako naman ang namula. "Too big." Ngumisi s'ya saakin, parang nalipat saakin ang hiya n'ya kanina. "Okay, get out! Mamayang pagtapos ng lunch, tutulungan kita dyan."

"Konti lang naman 'to." Binuklat n'ya pa ang folder na nasa pinakaibabaw ng nga hawak n'ya.

"Kagagaling mo lang sa hospital. Kapag ikaw, nagkasakit na naman."

"But I'm okay now, right?"

Oo, kaya nga sa sobrang okay, parang ako naman ang kailangan magpa-hospital.

Nahiya ako sa iniisip ko kaya pinaalis ko na ulit s'ya.

Naglakad s'ya papuntang pinto. "Okay..." Kumindat s'ya, nag-init ang muka ko. "Baby."

Sumarado ng pinto.

Relax, okay, inhale, exhale... Shit para akong batang kinikilig na naman!

Uminom ako ng isa sa dala nyang gamot saka tumingin kung meron oa akong ibang dapat gawin. Meron nalang mga papeles na kailangan ng pirma ko kaya siguro hindi iyon kinuha ni Luck, doon ko inabala ang sarili ko dahil wala naman akong trip matulog.

Hindi ko napansin ang oras at nang matapos ko ay 11:30 na pala. Malapit nang mag-lunch pero bsks mabaliw ako kapag tumumganga ako at hihintayin ko ang 12, kapag kasi mas maaga akong nag-lunch ay nagugutom kaagad ako.

Tumayo muna ako at tiningnan ang lahat ng painting. Gumala ang paningin ko mula sa mga nakapatong sa mesa at nakasandal sa pader.

Ang mga kikitain sa auction ay ibibigay sa mga charities na ini-sponsor-an ng aming kumpanya. Bukod doon, meron din kaming mga pinamimigay na scholarships, kapag anak ng empleyado namin ay automatic na meron. Namimili din kami ng mga outstanding students mula sa ilang public schools, maging 'yung mga kapos na kapos talagang mag-aral.

Isa sa dahilan kung bakit gusto ko rin non na mamahala dito. Maraming natutulungan ang kumpanya namin at hindi iyon para lang na maipost sa social media.

I will be really happy if we can be able to sell these. Meron ding naisip na pakulo ang aming mga empleyado at napagkasunduan na iyon noong nakaraan. Pipili sila ng mga i-o-auction na taong nagtatrabaho dito sa Company. Sa masquerade party ay marami nang tao dahil doon invited ang kahit mga naglalakihang businessmen. For fun lang naman ang auction at ang mangyayari lang, kapag na-'bili' mo ang tao sa auction ay pwede mo syang makadate. Maghahanda rin sila ng venue para sa mga date na iyon.

Sa ngayon nga ay hindi pa napa-finalize kung sino-sino ang mga i-o-auction pero sa pagkakaalam ko ay sampung lalaki at sampung babae iyon. Meron na silang listahan pero sa mismong masquerade party pa nila ipapa-approve saakin para daw makita ko kung sino ang mga mag-i-stand out ang kagandahan at kagwapuhan.

Ngayon lang ako makakasali sa ganoong kasiyahan at excited na ako. I mean, ngayon ako makakasali matapos ng aksidente ko. Because I don't have any memories from the past, it feels like it's my first time.

Patuloy ako sa pagtingin hanggang sa mapahinto iyon sa pinaka nasa gilid. Naglakad ako dahan-dahan at pakiramdam ko ay palaki nang palaki ang mga mata ko.

Pilit kong hinahanap sa isip ko kung kailan ko iyon ipininta pero sigurado akong matagal na. Nang bumalik ako sa Pilipinas, wala pa ulit akong natatapos kahit drawing kaya imposibleng kailan ko lang iyon ginawa.

Ni hindi ko maalala na meron akong ganitong pininta. Hindi man ako ganoon kahusay, isang tingin palang ay kilala ko na kung sino ito.

Yumuko ako at dinampot ang painting. Tiningnan ko itong mabuti.

"Luck?"

Messy hair, thick eyebrows, long eyelashes, mesmerizing green eyes, pointed nose, red kissable lips, perfect jaw...

Naging abnormal ang tibok ng puso ko lalo nang mapansin na ang muka nitong nasa painting ay ang ekspresyon na lagi kong nakikita sakanya kapag sa iba nakatingin. Almost expressionless but annoyance is still visible.

"Luck..." Banggit ko ulit sa painting, siguradong kamukhang-kamuka n'ya ito.

Tiningnan ko kaagad ang likod. Meron doong pangalan ko at pirma, it's also dated 2 years ago!

Meron pang nakalagay sa likod: Please find me...

Kinilabutan ako. Nagmamadali kong kinuha ang painting at inilagay sa loob ng drawer ko. Kahit nahihirapan pa ring maglakad, halos hindi ko iyon maramdaman sa pagmamadali. I don't really know what's happening but I know I need to ask dad or Kuya Sandro.

Binuksan ko ang pinto, nasa labas pala noon si Luck, may dalang pagkain. Nagulat pa s'ya nang makita ako at halos magkabungguan kami sa pagmamadali ko.

"Hey!"

"Luck!"

"Where are you going? Are you hungry? You should've just called me."

Napahinto ako at napatitig sakanya. Saka ko tiningnan ang nasa paligid ko. Nagulat ako nang malaman na nakatayo ako sa harap ng pinto ng office ko, nandito s'ya sa harap ko, may hawak na plastic na may nakasulat na pangalan ng isang sikat na restaurant.

Napabitaw ako sa pinto saka inisip kung ano nga ba ang gagawin ko dahil bigla ko iyong nakalimutan. "A-Ah... Tatawagin sana kita." Sabi ko nalang dahil siguro ay iyon naman talaga ang gagawin ko.

"Sa cellphone nalang sana. Wait, are you still hurt? Uminom ka ba ng gamot?" Magkasabay kaming pumasok ulit sa office.

Yeah, tama s'ya. Kung tatawagin ko s'ya, bakit hindi nalang sa cellphone or kahit sa intercom. Ganon ko ba s'ya kagustong makita?

"Uh-huh, uminom na ako... ng... gamot." Naalala ko na ang nakalimutan ko namang inumin ay gamot na bigay ni Dr. Philly. Pero ayos lang naman siguro. "Bakit nagdala ka pa n'yan e pede namang lumabas nalang tayo."

"Yes but you can't still walk without pain, right?" Inalis nya ang paintings na nasa mesa, nilipat n'ya ang nga iyon sa pader din, sinandal. Inayos n'ya na rin ang pagkain saka hinila pa ang sofa. "Ayaw mo naman na masyado kitang inaalalayan dahil hindi mo gustong makita tayo ng ibang empleyado."

"I just want to stay secret for now what's between us and what happened to us-"

"Hey, it's okay. Sabi ko naman sa'yo di ba? Ayos lang itago 'to kung iyon ang desisyon mo sa ngayon."

Ayokong may masabi sila saakin. Na ginamit ko ang posisyon ko para makarelasyon ang secretary ko. Ayokong husgahan si Luck dahil kahit masungit s'ya, mabuti syang tao. Alam ko ang iisipin ng iba sakanya kung sakaling malaman na may relasyon kami.

"This is one of the reasons why I also ordered outside than eating outside with you."

"Huh?"

Kinuha nya ang kamay ko, he intertwined our hands tightly. "You are against PDA while I love holding your hand. Dito sa loob, walang makakakita, hindi mo kailangang mag-alala."

"Pero hindi naman ako makakakain nang maayos." Reklamo ko kasi ang hawak ng kaliwang kamay nya ay yung kanan ko.

"I'll feed you."

Nauwi nga ang lunch namin sa ganoon, holding hands habang sinusubuan n'ya ako. Pinagsasabihan ko s'ya minsan dahil imbes na isubo nya ang pagkain habang nakaawang ang labi ko ay bigla n'ya akong hinahalikan.

"Luck!" Saway ko pero tumatawa lang s'ya. Saka uulitin iyon.

All in all, I really enjoyed eating and teasing each other.

I hope it won't end.

But...

"Saktong ten lang ang available na auction sa boys, ma'am. Hindi na natin kailangan pang magtanggal. Meron kasing girlfriends ang iba at asawa, yang mga wala, dahil for fun lang naman ay nasabihan ko na sila. Hindi naman sila tumanggi. Yung iba pa nga balak sanang tumakas at magpapanggap pang may karelasyon pero talagang inaalam namin." Tumawa kaming dalawa.

Inabot saakin ni Kristina ang listahan at nakangiti ko itong tinanggap. Pero kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ito.

Si Luck ang nasa number 1 ng listahan! Kasama rin doon si Mr. Roñel pero ang iba ay hindi ko na gaanong kilala.

I feel betrayed, pumayag si Luck sa auction? It's really just for fun pero ang isipin na meron syang makakadate na ibang babae, jealousy is eating me.

But again, it's just for fun! Stop it, Jess!

But well, just like what Kristina said, they're all singles.