Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 35 - CHAPTER 33: Seeking the truth

Chapter 35 - CHAPTER 33: Seeking the truth

NAGISING AKO SA TUNOG NG DOORBELL. Tunog din nang tunog ang cellphone ko pero imbes na pansinin iyon ay umupo ako nang maayos sa sofa kung san ako nakatulog nang nakaupo.

Paulit-ulit sinaksak ang puso ko sa lahat ng mga narinig ko. Pero kahit masakit, hindi pwedeng hanggang doon lang iyon. Kailangan kong alamim ang lahat. Ang kaso, hindi ko kayang mag-isa. Mamamatay ako sa sakit. Masyadong mabigat.

Tumayo ako at parang zombie na kinuha ang phone ko sa tabi ko lang, napakaraming texts at missed calls. Galing kay Kuya Sandro, kay Luck, kay Dad— hindi, hindi ko s'ya ama.

Sa lahat ng narinig ako, hindi ko pinakamatatanggap ay ang maging ama s'ya. Narinig kong kinuha n'ya ako sa tunay kong pamilya, hindi ko sya ama kung ganon, hindi ba?

Tinungangaan ko lang iyon. Wala pa ring tigil ang tunog ng doorbell, nakakarinid, nakakasawa. Tinakpan ko ang tenga ko at pinindot ang screen. Si Luck, paulit-ulit pinipindot ang doorbell saka may pinindot din sa phone n'ya tumunog ulit ang phone ko.

Itinaas ko ang kamay ko saka hinaplos ang muka n'ya na nakikita ko mula sa screen.

Hindi ako ang iniisip kong ako, hindi si dad ang talagang s'ya at si Kuya Sandro ay hindi ko rin kapatid. Anong totoo?

"Luck, alam mo ang lahat ng ito? Puro kasinungalingan ba lahat ng alam ko? Ang meron tayo, totoo ba 'yon o kasama sa palabas ng lahat?"

Ang nararamdaman mo... totoo ba ang nararamdaman mo?

Umiling ako at dahan-dahang naglakad papuntang pinto. Kaagad ko iyong binuksan saka s'ya tinulalaan.

Tila napako sa kinatatayuan si Luck nang makita ako. Tumitig lang ako. Nanlalabo ang paningim ko at masakit ang ulo. Alam kong sobrang gulo din ng mukha ko sa ngayon.

"What happened to—" Niyakap n'ya ako, nanatili akong nakatulala sa kawalan. "Sabihin mo, anong nangyari? Kanina pa kita hinahanap, ang akala ko nga kanina ay wala ka dito."

Habang naririnig ang mga sinasabi n'ya at nadarama ang sinseridad sa boses n'ya, parang paulit-ulit dinudurog ang puso kong nadurog na kanina.

Hinaplos-haplos n'ya pa nga ang buhok ko habang nakayakap pa rin upamg umayos iyon. Nang bumitaw sya ay buong ingat n'yang pinunasan ang muka ko gamit ang kamay n'ya. Nakakunot ang muka n'ya habang ginagawa ito but I can see temderness in his green eyes. Sinundan ko ng mata ang bawat galaw n'ya.

"If you don't want to tell me, it's okay. I'm just here." Huminga s'ya nang malalim na tila nahihirapan. Humawak s'ya sa magkabilang pisngi ko at pinilit n'yang ngumiti.

Tinabig ko ang kamay n'ya, still not speaking. Nakita ko ang gulat at sakit na bumalatay sa mukha n'ya, gayunpaman ay ngumiti ulit sya nang pilit.

"M-Masyado na ba akong mapilit? Nakukulitan ka ba saakin?" Yumuko s'ya at imbes na sumbatan s'ya matapos mabanggit ang pangalan n'ya sa nalaman ko kanina, para akong nagiguilty sa naririnig ko.

Pero hindi tama 'to, wala akong planong maawa ngayon sa iba at ipagpaliban ang pag-alam ng lahat.

Itinulak ko s'ya at mabilis siyang nilagpasan. Matulin akong naglakad at halos tumakbo na pero hinabol n'ya pala ako at nang maabutan ay bigla n'ya namang hinawakan ang braso ko, dahilan para mapatigil ako at mapabaling ulit sakanya.

"Where are you going? If you don't feel well and you have a problem, please don't go anywhere far." Halatang naiilang s'ya sa titig ko pero hindi n'ya inaalis ang paningin saakin. "I am here for you. If you need someone to talk to. If you want to go somewhere, I can go with you. I will always be here. But don't just go... without telling me."

Paano ako magagalit? Paano ako magtatampo sa lahat ng kalituhan na meron ako ngayon at alam kong masasagot n'ya pero hindi nya ginagawa? Paano ko s'ya susumbatan? Paano ako masusuklam? Kung ang tangi kong nararamdaman habang nakatitig sa berde n'yang mga mata ay ang nag-uumapaw kong pangmamahal para sakanya?

Mahal ko s'ya. Hindi sapat ang salita para doon. I fell too hard. Pero paano naman ang sarili ko? Mahal ko sya, pero paano ako?

"Sino ka?" Tanong ko, bahagya syang napaatras saakin. Paos ang boses ko pero alam kong naiintindihan n'ya ang tanong. "S-Sino ka ba? Hindi ikaw si Luck Bernales, hindi ba?"

"Jess—"

"Hindi ako si Jess, sino ako?" Napaawang ang labi nya at nanlaki ang berdeng mga mata. "Totoo bang... ako si Jaz?"

"You can... remember now?" Nagulat ako sa mga luhang dagling tumulo sa mata n'ya. "You can remember me now?"

"Lacuezo, ikaw ba si Lacuezo?" Ang akala ko ay tapos na akong umiyak, hindi ko akalain na meron pa pala akong iluluha pa. Kinwelyuhan ko s'ya saka inalog-alog, hindi n'ya ako pinigilan. "Bakit tinatago n'yo ang pagkatao ko? Paanong kinuha ako sa pamilya ko? Ikaw? Bakit parte kana ng buhay ko? Sino ka ba? Bakit mahal na mahal kita kahit masakit?"

Tinitigan ko ang mata n'yang nagsisimula na ring lumuha. "Jaz..."

"Ano bang kasalanan ko? Bakit ang gulo ng buhay ko? Nawala na ang ala-ala ko, ngayon ang tinuturong kong pamilya ay hindi totoo? Hindi pa ba sapat ang kung anumang nararamdaman mo para sabihin saakin lahat noon pa man!?" Patuloy ko syang sinumbatan.

"Jaz, mahal kita."

Umiling ako, paulit-ulit.

"Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!" Napaupo ako sa sahig. Inalalayan n'ya ako pero wala na akong balak tumayo. "Bakit saakin nangyayari ang lahat ng to. Panaginip lang naman 'to, 'di ba?" Pahina nang pahinang bulong ko. "Sino ba ako? Ano ako? Paanong nangyari 'to? Gusto kong malaman lahat, pero nakakatakot. Natatakot ako." Pumikit ako at tinakpan ang magkabila kong tenga habang bumubulong pa rin. "Hindi ako si Jess... patay na si Jess. No, no, no! Ayoko! Hindi ko s'ya ama! Ayoko! Hindi! Ayoko na!"

Paulit-ulit ako. Nagmamakaawa sa kawalan, nagbabakasakali sa isip at nadudurog nang paunti-unti.

"Mahal kita, Jaz." Humihikbing rinig kong boses ni Luck. "Mahal kita..." Paulit-ulit, puro ganon lang ang sinasabi n'ya. Paulit-ulit na tipong hindi na tumatarak sa isip ko, pilit iniignora ng aking isip. Ayoko nang pansinin pa.

Bago pa ulit makapagsalita ay nagdilim na ang paningin ko.

Gumising akong masakit ang ulo. Hindi ako sure kung anong oras na. Babangon sana ako pero masakit ang buong katawan ko.

"Mabuti naman gising ka na. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Napabaling ako sa nagsalita at ganon nalang ang pagtataka nang makita si dad na nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Nandito ako sa loob ng isang puting kwarto pero hindi naman ito mukang hospital.

Hindi man sigurado, hindi ako naglakas ng loob magtanong. Nakasuot sya ng facemask at gloves din.

Inalalayan n'ya akong bumangon. Sumandal ako sa headboard ng kama ko.

"W-What happened, dad?" Takang tanong ko. "Why are you here? Hindi ka pa magaling, 'di ba?"

Ngumiti s'ya saakin saka hinaplos ang buhok ko. "Yes, anak. I'm still not okay. Pinayagan lang ako ng doctor ko dahil sinabi akong may mahalaga akong aasikasuhin."

"Ganon ba?" Hindi maalis ang ngiti ko. "By the way, aasikasuhin ko na ang  outing namin para bukas, dad. It's for the company's anniversary—"

"A-Anak..." Bumakas ang gulat sa muka n'ya.

"What time is it?" Walang orasan sa mesa sa gilid, wala ring nakasabit sa pader. Nang titingnan ko ang pulsuhan ko ay wala rin doon ang wristwatch ko. "I want to spend more time with you, I'll just text my secretary, okay?"

Nagpilit akong tumayo pero ganon nalang ang nginig ko nang hindi ako makatayo, nang mapatingin ako sa paa ko, nakita kong nakakadena iyon sa kama. Sinipa ko iyon nang sinipa pero humapdi lang ang paa ko. Nagsimulang mangilid ang luha ko. Umupo ako nang maayos saka pinilit iyong tanggalin ng mga kamay ko.

"D-Dad, what's happening?" Nanlalamig ko syang tiningnan. Tumayo s'ya at kita ko ang pumapatak na luha sa kanyang mata. "Dad, bakit ako nakakadena? What's going on? Is this a joke? Dad!"

Tumalikod s'ya at kita ko ang pagyugyog ng balikat niya. Patuloy akong nagsisigaw at nagsisipa, pilit tinatanong kung anong nangyayari at tinatawag ko si Kuya Sandro.

Gulong-gulo ako. Natulog ako galing office, yun ang naaalala ko. Pagkagising ko ay heto na. Myerkules ngayon at mamayang hapon ay pupunta ako sa beach para icheck kung maayos na ang lahat para bukas. Wala akong kaalam-alam kung bakit nagkaganito.

Humarap din s'ya saakin. "Sorry, anak, ito lang ang paraan ko para hindi kana mawala. Pagkatapos nito, magpapakalayo-layo tayo, huh? Magiging buong pamilya ulit tayo. Aalis tayo dito."

"Ano bang nangyayari sa'yo, dad?" Kahit takot ay hindi ko maiwasang isipin kung okay lang ba s'ya at bakit n'ya ginagawa ang lahat ng ito.

Hindi n'ya pinansin ang tanong ko. Nakadistansya pa rin s'ya saakin. "Pagdating ni Dr. Philly, gagaling ka na. Makakalimutan mo rin naman lahat ng to, ganunpaman, humihingi pa rin ako ng tawad."

"Wala akong naiintindihan! Ano ba talaga to!?" Nagmamakaawa kong tanong, nagsusugat na ang mga binti ko dahil sa pagkakatali at maging kamay ko dahil pilit kong ginagamit ang mga iyon para alisin ang kadena. "Pakawalan mo ako dito, dad! Nasaan ba si Kuya Sandro? Anong nangyayari?"

Humagulgol ako. Mas lumapit s'ya, gayunpaman ay hindi sapat para maabot ko. "Makulit talaga ang kuya mo. Alam mo naman, black sheep iyon kung ituring e. Pero don't worry, susunod din s'ya saatin sa ibang bansa. Mahal ka non e."

Pilit akong nagkakawag hanggang sa mamanhid na ang nananakit ko kaninang mga kamay at paa. Napagod na rin ako sa pag-iyak at pagsigaw ng tanong sa kung anong nangyayari.

Nakatingin lang sya saakin the whole time habang nasa malapit.

Walang lakas akong bumalik sa pagkakahiga. Tumitig ako sa kisame dahil alam kong wala akong magagawa. Wala akong mailuha kahit pa ang sakit isipin na wala pa rin akong alam.

I thought I know dad. He loves me. He's a loving father. Wala akong mahanap na rason anumang gawin ko. We're not a perfect family but I love this family. Nang mawala lahat ng memorya ko ay sila na ang naging dahilan ko para bumalik sa pagiging maayos at magaling.

They pushed me so hard that I really did become more than okay.

Pagod ang isip at katawan, wala na akong ibang maisip gawin, ni wala na akong balak kumilos. I lost it. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Wala akong mapapalang sagot mula kay dad, halata naman. O s'ya nga ba si dad? Kasi paano nya magagawa 'to kung s'ya nga yan. It's so funny. Ilang araw palang ang nakakalipas alalang-alala ako kay dad. Tanging problema ko lang kahapon ay kung anong kakainin namin ni Luck, kung may makakakita ba saamin na nagdedate at kung meron, anong iisipin nila.

Di ko namalayan na mahina na akong natatawa. Iniisip ko ang mga kakornihan ni Luck, cheesy pick up lines tipong nalilimutan ko nang isipin ang mga tao sa paligid.

Luck... pangalan n'ya palang, nabibigyan na ako ng pah-asa kasabay ng pagragasa ng saya. Pero hindi ko pa rin maiwan ang malungkot.

Gaya ng inaasahan, hindi nakakapagtataka. I am in love.

Luck, I love you, where are you? Are you looking for me? Siguro hindi lang ako basta male-late for today. Mukang hindi na ako makakapasok pa sa opisina.

Kapag nakita kita, yayakapin kita at hahawakan ko nang matagal ang kamay mo. Gagawa tayo ng maraming memories at bibigyan kita ng maraming kiss na laging hinihiling mo.

Kahit sinabi mong tanggap mong patago tayo, napapansin kong hindi naman iyon ang gusto mo. Lalo kapag nawawala ang ngiti mo sa tuwing didistansya ako kasi may ibang tao. Nagpaparinig ka palagi at tinatanong kung pwede mo bang hawakan ang kamay ko.

Pwede palang magmahal ng ganito ang isang tao? Tipong ako mismo ay kalaban ang sarili ko. Ilang beses kong itinanggi at halos makipag-away ako sa utak ko, puso ko pala ang may alam ng lahat.

Luck, help me... Piping humihiling ang puso ko na sana ay tumawag s'ya at magtaka kung bakit hindi ko sinasagot, tapos ay hahanapin n'ya ako.

Pumikit ako, umaasang panaginip ang lahat nang. Ni wala akong lakas pang magmulat ng mata.

Patuloy ko pang inaalala ang mga bagay na gusto kong gawin kasama si Luck, mga pangarap, mga balak, na hindi ako sigurado kung mangyayari pa. Kaya naman sa isip man ay tinutupad ko ang mga iyon.

We'll have a picnic. Naalala kong sinabi niya na ang most fun memory n'ya as a kid ay nang magpicnic silang buong pamilya pero iyon na raw ang huli. With me, it'll be our first picnic, but definitely not the last. Mag-pi-picnic kami kapag nalulungkot s'ya, kapag feel n'yang magsungit para naman mabawasan 'yon, kapag nagseselos sya, kapag masaya s'ya or kahit kapag simpleng gusto nya lang mag-picnic.

Magsi-search ako sa internet ng pick up lines para may banat naman ako sakanya at makita ko ulit ang muka n'yang nagpipigil ng ngiti, sa pagkakataon na 'yon, ayos lang kung ako naman ang sabihan n'yang'corny.'

Hindi ko namalayan na nakangiti na ako. Pumikit ako habang iniisip ang lahat ng iyon.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto. "Dr. Philly!"

"Mr. Enriquez, oh, Jess is here! I'll just ready the medicines."

Naramdaman kong may lumapit pero hindi ko pinag-aksayahan ng oras tingnan.

"This is it, anak. Ngayon saakin kana ulit. Saakin ka naman talaga dati, kinuha kalang ni Kuya Rodel dahil naiinggit s'ya na namatay ang anak n'ya samantalang ako, merong ikaw. Ang akala ko pinatay kana n'ya kaya nag-ampon na ako ng iba pero kahit minsan ay hindi ka nawala sa isip ko, anak." May naririnig akong boses pero hindi ko maintindihan dahil mas gusto kong mamalagi sa isip ko, kung saan masaya ako kasama si Luck. "Namatay nga lang si Jess noon sa car accident pero hindi ko iyon ipinaalam sa lahat dahil sa isip ko, ikaw naman talaga si Jess... at malakas ang pakiramdam ko na buhay ka pa. Hindi ko alam na pinagbabantaan ni Kuya Rodel si Sandro na kailangang sumunod sakanya kung hindi ay manganganib. Kanina lang sinabi saakin ni Sandro na s'ya ang inuutusan ni Kuya para patayin ka noon. Ang sama talaga ni Kuya dahil alam nyang mas lalo akong masasaktan kung malalaman kong ang kuya mo ang mananakit sa'yo. Mabuti nalang at nagbago ang isip ni Sandro pasimple kang itinakas sa pagsabog noon sa hospital. Gayunpaman, nalaman iyon ni Kuya. Pero imbes na saktan ka ulit, binigay ka n'ya saakin sabay sabing ibinabalik kana n'ya."

Mga hagulgol, naninikip ang dibdib ko sa naririnig ko kahit wala akong maintindihan.

"Nang una kitang makita, nasabi ko sa sarili kong ikaw na nga ang anak ko. Kamukhang-kamuka mo kasi ang mommy mo. H'wag kang mag-alala, anak, wala na si Kuya Rodel kaya hindi kana n'ya makukuha ulit. Ilalayo na rin kita sa mga kinilala mong pamilya kasi ako naman ang totoo mong ama. Si Sandro... Si Sandro, naguguluhan lang 'yon pero sinabi ko na sakanyang kung gusto ka n'ya ulit makita, tigilan n'ya na ang kahibangan n'yang sinasabi na mahal ka n'ya higit sa isang kapatid. At si Adam Lucky Lacuezo... wala naman sana akong tutol kung mahal ka n'ya, anak. Ang kaso, gusto ka rin n'yang kunin saakin. Wala syang karapatan gawin yon! Anak kita! Ako ang ama mo!

"Mabuti nalang at nagkaroon ka ng amnesia dahil na rin sa pagkakabangga mo noon. Yun nga lang, temporary, kaya ginawan ko na ng paraan katulong si Dr. Philly. Dahil sa therapies n'ya sa'yo ng hypnotism at kung anu-ano pa, hindi mo na naalala pa ang nakaraan mo. Meron ka ring iniinom na gamot, hindi ba? Kaya makinig ka saakin dahil alam ko ang makakabuti sa'yo.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na kasama ulit kita ngayon. May mga pagkakataon na naaalala mo ulit ang lahat, ang buhay mo bilang si Jazlyn Bautista pero tinutulungan ako ni Dr. Philly, ngayon, tutulungan n'ya ulit tayo. Buburahin n'ya ang mga ala-ala mo. Nalaman ko na lahat ng mga pinagdaanan mong hirap. Hindi ba't magandang makakalimutan mo 'yon?

"Kung papayag lang syang saakin ka manatili, ayos sana s'ya dahil nalaman ko rin na mahal kana bago ka pa mawala 2 years ago. Alam mo ba kung paano akong nagulat nang sabihin ni Sandro na si Adam Lacuezo ang babawi sa'yo mula saakin at nagtatrabaho s'ya sa'yo ngayon bilang secretary mo? Samantalang CEO s'ya ng isang napakalaking kumpanya! Hindi ko sigurado kung paano n'yang naitago ang katauhan n'ya pero sigurado ako na ginamitan n'ya iyon ng pera at kapangyarihan. Mahal na mahal ka pala talaga n'ya. Pero wala ka pa ring dapat ipag-alala dahil makakalimutan mo ulit lahat. We'll be bwck to zero again but it's okay. Magmamahal ka pa rin ng iba."

Napamulat ako sa narinig ko. Sa dami kong narinig mula ay iyon lang ang pumasok sa isip ko. Nilingon ko s'ya. Nakaluhod na s'ya sa gilid ko ngayon.

"H-hindi..." Tumulo ang mainit kong luha. "Hindi! Hindi mo buburahin ang ala-ala ko at hindi mo ako isasama paalis!" Hiyaw ko, kita ko sa mukha n'ya ang gulat pero nandoon pa rin ang determinasyon. "Hindi ko sya pwedeng kalimutan."

Humagulgol ako habang iniisip ang lahat. Ang pagiging sobra kong makakalimutin, epekto lang pala iyon ng gamot? Nagtiwala ako kay Dr. Philly, yun naman pala ay s'ya ang may gawa ng iniisip kong sakit ko.

Adam Lucky Lacuezo... yon nag pangalan ni Luck? Hindi Luck Bernales? Hindi man totoo ang mga nalaman ko nang mga nakaraang araw maging ang ilang bagay sakanya, sapat na saakin na mayroong totoo akong nalaman. Ang pagmamahal ni Luck para saakin.

Tumatak sa isip ko. Pumasok lahat ng narinig ko at parang ngayon lang nag-process. Wala akong permanent amnesia! They're just making tricks with my memories.

Wala man akong naaalala bilang si Jazlyn Bautista sa ngayon, alam kong maaalala ko rin ulit iyon.

Nagsimula ulit akong magwala, tila nakahanap ako ng lakas.

Nang yakapin n'ya ako noong una kaming magkita, akala ko pinagkamalan n'ya lang ako, nag-apply s'ya saakin ng trabaho at kaya pala noon ay palagi siyang naka-tux, bakit hindi ko agad napagtuusan ng pansin?

He loves me. He's in love with me since then.

Parang baha na sunod-sunod umagos sa isip ko ang pamilyar n'yang mata noon na nawalan ng pagkapamilyar nang pumunta ako kay Dr. Philly. Kaya pala sa tuwing titingin s'ya sakin ay masaya man s'ya, palagi akong may nakikitang sakit.

Kaya pala ayaw n'yang umalis sa tabi ko at palagi n'yang sinasabi noon na na-inlove s'ya sa babaeng hindi na s'ya maalala ngayon. Ako pala iyon? Ako 'yon!

"Luck! Help me!" Dumudugo na lalo ang binti ko, wala akong pake.

Kaya pala sinabi n'yang palagi nalang akong biglang nawawala. Kaya pala lagi siyang nag-aalala tuwing aalis ako.

"Luck!"

"Anak, tama na, wag mong saktan ang sarili mo—"

"Tumigil ka! Hindi mo ako anak! Luck!"

Kaya pala sinabi mong wag akong magmamahal ng iba. Paanong natiis mong manatili sa tabi ko at nakikita ako habang ikaw ay hindi ko naaalala? Paanong kinaya mong manataling masaktan nang mga panahon na itinatanggi ko sa sarili ko at sa'yo ang nararamdaman ko?

Paanong kinaya mong tanggapin na kinalimutan kita? Kagaya ng anghel na nangangalaga sa ulan?

"Adam!"

Bumukas nang marahas ang pinto. "Sorry, old man, I just can't let you do this."

"Sandro!"

Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Kuya, naubos ulit ang lakas ko. Pero bago pa ako mawalan ng malay, nakita ko ang lalaking kanina ko pa iniisip at umuukupa sa puso at isipan ko na tumakbo mula sa likod ni Kuya Sandro.

"Jazlyn!" Napangiti ako habang nakapikit..

Luck... Adam Lucky Lacuezo...