Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 34 - CHAPTER 32: Adopted

Chapter 34 - CHAPTER 32: Adopted

"WALA NA PO BANG NAKALIMUTAN?" Tanong ko sa driver habang chinecheck ang mga dala kong bag.

"Naisakay ko naman ho ang mga nakabag, ma'am."

This is it! Wednesday na ng hapon at outing namin bukas kaya naman pupunta na ako sa venue para maicheck kung handa na nga ba ang lahat doon. Magpapahatid ako tutal medyo malapit lang rin naman ang beach na pagdarausan. Tho babyahe pa ng 2 hours papunta roon.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text galing kay Luck. Kanina pa to nagtatanong kung hindi ba ako sasabay sakanya, sinabi ko na ngang doon nalang kami magkita. Ngayon din sya pupunta roon gaya ng ibang mga empleyado. Ang iba naman ay nagsabing bukas na ng umaga pupunta.

Parang team building ang mangyayari bukas kaya naman magkakaroon kami ng mga palaro na siyang inasikaso na ng ibang department team.

Hindi ko pa naiisip kung rereplyana ko pa ba ang tanong n'ya o hindi nang bigla na siyang tumawag.

"Mr. Bernales." Tawag ko sa pangalan n'ya na madalas kong gawin para sumimangot s'ya lalo kapag inaasar n'ya ako. Gusto n'yang tawagin ko syang Luck or kung hindi naman daw ay kahit anong call sign nalang na maisip ko lalo kapag wala naman sa trabaho.

"It's Luck or sweet heart, darling, baby. Not Mr. Bernales."

Seryoso ang boses n'ya, halatang hindi sang-ayon pero nagpatuloy ako. "What do you need, Mr. Bernales?"

"Baby." Matigas ang tono n'ya saka naging malambing. "Dadaanan kita sainyo, sakin kana sumabay."

"Actually, nakasakay na ako at bumabyahe na kami."

Sandali syang nanahimik. "Oh, I am late." Not really kasi noong nakaraan n'ya pa sina-suggest na ipag-da-drive n'ya ako. "Okay, magda-drive na ako para ako ang una mong makita doon." Saka s'ya nagpaalam at pinatay ang tawag.

"Baliw." Sabi ko nang mawala nang i-end n'ya na. Tumitig ako sa screen ko. Ang wallpaper ko ay picture ng isang pusa. Napangiti ako nang maalala ang wallpaper ni Luck.

Hindi sinasadyang nakalimutan n'ya ang cellphone n'ya sa office ko kanina.  Nilapitan ko iyon at akmang hahawakan nang merong notification na lumabas at bumukas ang screen. Ang wallpaper n'ya ay isang stolen picture ko habang nagbabasa ng folders at nakaupo sa aking swivel chair. Hindi ko alam kung kailan n'ya iyon kinuhanan pero mukang matagal na rin iyon dahil nakita ko na wala pa akong suot non na wristwatch.

Inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising ako ni manong at sinabing nakarating na kami. Madilim na sa labas pero nakita kong papasok kami sa isang napakalawak na gate kung saan nakalagay ang pangalan ng beach and ang welcome sign.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang villa at nagmamadali akong lumabas. Pagtapak ko palang sa buhangin ay gumaan agad ang pakiramdam ko. Lalo na nang maamoy ko ang hangin at marinig ang tunog ng tubig.

Lumingon ako sa kanan ko kung saan naririnig ko ang alon ng tubig pero naharangan iyon ng silhouette ng isang tao. Pilit ko siyang tinitingnan pero masyadong madilim hanggang sa maglakad sya papalapit saakin.

Isa-isa ring bumukas ang mga ilaw sa paligid. Meron naman palang mga posteng nakahilera kaya naging malinaw ang lalaki sa paningin ko.

Wearing his white T-shirt and casual shorts, Luck just took my breath away with his smile. Nakayapak din s'ya at ang simple ng porma pero muka syang diyos na bumaba sa lupa para tanggalin ang hininga ko.

"Hey." Bati n'ya nang nasa mismong harap ko na s'ya.

"H-Hey." I don't know why I am stumering pero nagkukusa.

"I told you, I'll be the first person you'll see here."

"Kanina ka pa?"

"Medyo, nakakuha na ako ng kwarto at nakapagpalit na saka kita hinintay. Saktong-sakto pala ako."

"Yeah, you look like a male lead in a movie." He kissed my temple at nilagpasan ako para tumulong na ilabas ang mga dala kong gamit sa kotse. "Thanks." Ibinaba n'ya ang mga iyon at meron namang mga staff na nagbuhat papasok sa entrance ng isang malaking villa.

"Do I look cool in your eyes?" Kumindat-kindat s'ya.

"Hm..." Nagkunwari akong nag-iisip. "Yeah..."

"So you like me more now?" Hindi ko s'ya nasagot dahil niyaya na kami ng staffs na pumasom. Naglakad na nga kami papasok ng villa at agad sinalubong ng manager.

"Good evening Ms. Enriquez! Also visitors, welcome!"

"Thank you so much!"

Nagpakilala ito at binigyan na ako ng susi ng kwarto. Pwede raw dalawa  hanggang tatlo sa isang kwarto pero pwede rin naman daw na isahan tutal hindi lang naman itong villa ang pwedeng tuluyan dito kaya maa-acommodate hanggang dalawang daang katao kahit pa tag-iisa bawat room.

Nabanggit din nya na ang ibang mga naunang empleyado ay ginustong sa iisang kwarto nalang daw tumuloy. Binibigay n'ya saakin ang VIP room pero ayoko dahil sa pinakataas na floor iyon.

Katulong pa rin sina Luck at ilang staff ay huminto kami sa harap ng isang pintuan.

"This is your room, miss Enriquez. I hope you enjoy your stay. Just say if you need anything else and we'll be more than happy to serve you!" Anang manager.

Pumasok na ako at maging mga gamit ko. Nagpaalam na ang lahat pero si Luck naman ay nakaupo sa sofa sa pinaka-sala. Nilibot ko ang paligid. Maganda naman to at malawak kahit ordinaryong kwarto lang para sa guests. I don't really need that VIP room.

Nalibang ako sa paggala ng paningin ko kaya naman nang mapatingin ako sakanya ay halos mapatalon pa ako sa kinatatayuan ko. Makangisi sya saakin habang nakangisi.

"W-What's the meaning of that smile?"

"Magkatapat tayo ng room." Nanatili lang akong nakatingin sakanya, I don't get what he's trying to say. "This room is already too huge for you, right?"

"Hmm.. yeah." Sang-ayon ko na nagtataka pa rin. "Your point is?"

"I can sleep here—"

"Hoy!" Tinakpan ko ang tenga ko habang nag-iiwas ng tingin. Nag-iinit ang pisngi ko.

"Why? I'll just sleep here for tonight—"

"Ano ba! You can't!" Hinawakan ko ang braso n'ya saka s'ya hinigit papuntang pinto. Tinulak ko s'ya at pilit sadaduhan pero pinipigilan n'ya yon gamit lang ang isang kamay.

"Why can't I—" Tumigil sya sandali at umaktong nag-iisip. "By any chance... are you thinking that I'm going to make love with you to—"

"Shut up!" Hindi ko na kaya. Paanong ang masungit at palagi kong seryosong secretary ay nakakayanang magsalita ng mga gantong bagay ngayon? Gets kong madalas syang maging corny kapag kaming dalawa lang pero ang umaktong sobrang layo sa personality n'ya? Isa pa, nakakahiya ang sinasabi nya kahit halos pabulong lang iyon at alam kong walang nakakarinig.

Tumawa s'ya pero sandali lang. "Don't worry, Jess, I won't. Makikitulog lang naman talaga sana ako. I also know that 'it's' still not healing—"

Ginamit ko ang buong lakas ko saka nilock ang pinto. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sumandal ako sa pader saka natawa dahil pareho kaming parang bata.

Merong nagdoorbell at alam kong s'ya na naman 'to. Hindi ko binuksan pero tiningnan ko s'ya mula sa screen dahil merong camera sa gilid ng pinto.

Nakangiti s'ya pero hindi mukang nang-iinis. Huminga s'ya nang malalim. "I'm just kidding you because you look a little tense earlier. I know you're excited but at the same time, nervous about the Anniversary party. Don't worry too much. I am here." Ngumiti pa sya ulit saka tumalikod.

Ngumiti rin ako sa screen na parang tanga. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para lang sumilip at nakita kong  kasasarado lang ng pinto sa tapat ng room ko.

I ALREADY CHECKED EVERYTHING. Kinabukasan ay maaga palang, kumpleto na lahat ng mga sumamang empleyado. Nag-boodle fight kaming lahat at dahil sobrang dami namin ay sampung malalaling mesa ang punong-puno ng pagkain.

Nakakatuwa dahil mula sa matataas ang posisyon hanggang sa mga tagapaglinis ay sama-samang kumakain sa isang mesa. I really do promote equality dahil lahat naman kami ay napapagod din kahit pa iba-iba ang trabahong aming ginagawa.

"Busog na ako, grabe!" Nakangiti kong pinanood ang mga empleyado na kumakain pa rin at ang iba naman ay nagtatampisaw na sa tubig.

"They all look so happy." Nilingon ko si Luck, katabi ko na pala s'ya at pareho naming pinanood ang iba sa loob netong malaking cottage.

"Vacation day 'to eh, sinong hindi masaya? Kahit ako."

"Ako rin."

"After all the stress, you now have this day to breath. I think you feel better now."

"I actually feel great." Nagkatinginan kami saka sabay nag-iwas ng tingin. "Because you're here with me." Napalingon ako sakanya at pinigil ngumiti.

"That's corny but... I like it."

Dahil ngayon ay parang pinaka team building, pagkatapos magsikainan ng lahat ay hinanda na nila ang mga palaro na pinlano habang ako naman ay nanood lang noong una pero nang makatanggap ng tawag ay bumalik ako sa kwarto ko.

Hindi porke Anniversary at may ganitong event ay pahinga na. Bilang CEO ng malaking kumpanya, I always need to be ready, lalo ngayon na tinawagan ako ng malaking kumpanya na matagal ko nang 'nililigawan' para makipag-business partner saamin.

Gusto raw nitong pag-aralan ang proposal ko kaya naman nilabas ko ang laptop ko saka nag-email sa kanila.

Kaso, good day palang ang naitatype ko ay meron nang nag-doorbell. Hindi na ako nag-abalang buksan ang screen, binuksan ko kaagad ang pinto at hindi nagulat nang si Luck ang bumungad pero ang nakakabigla ay pumasok sya at mahigpit ang pagyakap n'ya na binigay saakin saakin habang hinihingal pa.

"What happened to you?" Tinatanggal ko ang braso n'ya para makita ang mukha n'ya pero lalong humigpit ang yakap n'ya. "Stop making my heart crazy, Luck." I warn him. Kapag hindi pa s'ya tumigil, pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko.

"Why do you always disappear? I was watching you, nabaling lang sandali ang tingin ko sa iba, nawala kana agad." Lumuwag na ang kapit n'ya saakin pero sinubsob n'ya naman ang mukha n'ya sa leeg ko, dahilan para hindi ako nakahinga nang maayos. "I hate it. I hate that you can go without me."

Niyakap ko s'ya at pabirong tinapik ang likod n'ya. "Nandito lang ako, meron lang kailangang asikasuhin sa company kaya ako umalis don. Stop worrying too much, I won't just disappear in your eyes."

Lumayo s'ya nang onti at tumitig. "You already did."

"Hay, ang mahal ko talaga, masyadong nababaliw na saakin. Come here, tatapusin ko tong email ko." Tumalikod na ako pero s'ya naman ay hindi sumunod. Nang lingunin ko ay naiwa syang tulala sa harap ng pintuan. Saka parang wala sa sariling binuksan ang pinto. "Luck!" Tawag ko kaso ay hindi n'ya na narinig dahil sinarado n'ya na ang pintuan.

Napailing-iling nalang ako dahil hindi ko na naman alam nag dahilan ng pag-alis n'ya. Hindi na naman s'ya mukang nag-aalala tulad kanina.

Tinuloy ko ang ginagawa ko. Saktong pagtapos ay nakareceive naman ako ng call galing kay kuya Sandro.

"Hello, Kuya! Miss mo ako agad no? Sorry pero wala ako d'yan ngayon at hindi rin ako makakauwi." Tuloy-tuloy kong sabi.

"Oo, alam ko. Bukas naman, pupunta rin ako d'yan. Akala mo nakalimutan ko?" Biglang merong nagsalita at feeling ko ay boses iyon ni dad, tinatanong kung anong ginagawa roon ni Kuya.

"Uy, si dad ba—"

"I'll call you later again. Bye!" Mabilis niyang paalam.

"Ha? Serious—" napatigil ako kasi meron akong marinig na boses ulit galing kabilang linya.

"Don't you think she already needs to know it?" Rinig ko si Kuya. Nakalimutan n'ya yatang patayin ang tawag.

"Sandro, don't do this to me." Nangunot ang noo ko sa tonong pagmamakaawa ni dad. "Don't tell—"

"Masyado nang malala ang lahat. Lacuezo is already with her." Si Kuya ulit. Ano na naman kayang pinagtatalunan nila? Bawal pa namang gaanong mastress si dad.

"Kuya, stop it!" Sigaw ko para hindi na sila mag-away but it seems like they can't hear me. Nilapag n'ya ba ang phone n'ya?

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi saakin to? Wala ring sinabi saakin ang—"

"Ang mga tauhan mong pinagbabantay mo sakanya? Of course, I told them that they should report everything on me and not you."

Gustong-gusto ko na silang patigilin dahil halatang galit na si Kuya sa nga sigaw n'ya palang at may sakit pa si dad pero tinatakpan yon ng kuryosidad ngayon. May kung ano sa loob ko na nagsasabing makinig pa. Bakit hindi? Wala naman silang alam na hindi ko dapat malaman. We're family after all.

"Bakit mo ginagawa 'to?"

"Sa'yo ko itatanong, bakit mo ginagawa to? Sabi mo mahal mo si Jess 'di ba? Pero ano to?" Napatayo ako sa kinauupuan nang mabanggit na ang pangalan ko. Wala pa man ay kinakabahan na ako.

"Mahal ko s'ya kaya naman—"

"Kaya nang-aangkin ka nang hindi sa'yo, ganon?" Mariing sambit ni Kuya Sandro. Para akong nakikinig sa nag-aaway na kapit-bahay sa kabang nadarama ko at idagdag pang involve ako. "Akala ko ba iba ka sa kakambal mo? Akala ko sabi mo noon, muka lang ang pareho kayo ni Tito Rodel? Sabi na nga ba, mali ako e. Pareho kayong selfish! Pareho kayong ganid! S'ya, gustong mapasakanya ang mga karangyaan at kasikatan, ikaw gusto mong mapasayo ang anak at pamilya ng iba!"

Sunod-sunod ang paglunok ko. Somehow, tila alam ko kung saan pupunta ang usapang ito. Ayaw kong makinig dahil nasasaktan na ako. Dalawa lang kaming anak ni dad and the fact na si Kuya ang nagsasabi nito, imposible naman na may iba syang tinutukoy bukod saakin.

"Tumigil kana! Umalis kana dito ngayundin!"

"Hindi, kailangang ipaliwanag mo saakin lahat ng kahibangan mong 'to, dad. Tapos na ako sa pagsunod sa masasamang pinapagawa ni Tito Rodel dahil pinagbabantaan n'ya ang mga buhay natin noon. Nang mamatay s'ya sa heart attack, akala ko, sa wakas, tapos na ang lahat. Pero ang masakit pa, nagpapanggap ka hanggang ngayon na s'ya gaya ng bilin n'ya at sinusundan pa yata ang tapak n'ya! Para sa kapakanan ng ala-ala ni Jess, parang awa mo na, itigil mo ns 'to, ibalik mo na si Jaz sa kanila!"

Tuloy ang daloy ng luha ko habang pinakikinggan sila. Nabitiwan ko ang cellphone ko at nalaglag iyon sa sahig pero tuloy-tuloy pa rin ang naririnig kong sigawan nila.

"Matagal nang patay si Jess, dad! Tigilan mo na ang pag-iisip dahil hindi sila iisang tao!"

"Ikaw ang tumigil, Sandro!"

Napakabigat ng dibdib ko. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang malakas na iyak pero lalo ako nong pinahihirapan sa paghinga.

"Why dad? Hindi ka handang makinig sa nga kabaliwan mo for the last two years? Pati taong walang kamalay-malay, dinadamay mo!"

I feel betrayed. No, I really am. Sila lang ang pamilya ko— sila ang tinuturong kong pamilya sa mga taong nagdaan. Tapos ganito ang malalaman ko?

"Bakit mo ginagawa to?" Ulit ni dad— hindi, ng kinikilala kong ama.

"Dahil mali—"

"Pero sa mga lumipas na taon, hindi mo naisip sabihin lahat ng 'to. Sabihin mo, Sandro dahil matagal ko nang nahahalata. Mahal mo ang batang 'yon!"

"Oo mahal ko s'ya!" Nakarinig ako ng nabasag na bagay sa kabilang linya. "Mahal ko s'ya at never ko syang itinuring na kapatid!"

"K-Kuya..." Hindi ko napigil ang hagulgol ko. Wala akong pake kung tumutulo ang luha at sipon ko. Gusto kong magwala, gusto kong itigil ang pakikinig. "Tama na... ayoko na... hindi..."

"Hindi ako nakekelam sainyo noon pero hindi ibig sabihin tanggap ko. Hindi ko tanggap na namatay lang si Jess, naging ganyan ka na kasama. Really? Humanap ka lang ng kapalit ng namatay sa aksidente kong kapatid? Hindi lang ako non nagsalita kasi akala ko marerealize n'yo rin at magigising kayo. Pero ano!? Una pa akong nainlove sakanya tapos hanggang ngayon hindi kayo natatauhan?"

"Sandro, hindi ganon!"

Sana panaginip nalang ang lahat ng to. Kaduwagan man, parang mas gugustuhin kong hindi nalaman ang lahat ng to dahil nakakadurog. All this time, kasinungalingan ang lahat ng nalalaman ko? Hindi pala ako ang taong iniisip kong ako? Paano nangyari ang lahat ng to? Gusto kong magtanong pero hindi ko kaya.

"E ano? Na ginawa n'yo lang ang utos ng kakambal nyong itago si Jaz sa lahat? Para gantihan kahit papaano ang kalaban sa business? That's childish and doesn't even make sense!"

Ramdam ko pa rin ang galit nila sa pagsisigawan pero mas malala ang galit na nararamdaman ko.

"Itinago ko s'ya dahil anak ko s'ya! Hindi ako papayag na may kumuha sakanya mula saakin!"

"Nababaliw kana! Hindi mo s'ya anak!"

"Hindi mo naiintindihan, Sandro!"

"Naiintindihan ko lahat ng nangyayari at iyon ay nasisiraan kana ng bait dad.  Gusto ko na syang bumalik sa dating s'ya at tayo... dad, please..."

Hirap na hirap ang boses ni Kuya at halatang umiiyak. Galit man ako, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sakanya. Hindi ko akalain na may matitira pa akong awa sa iba sa lahat ng narinig ko, lalo na sa kanila.

"Sandro, just let's forget this happened, huh? Magiging maayos tayo, mabubuo ang pamilya natin—"

"Hindi na mabubuo, dad dahil patay na si Jess!"

"Ano bang sinasabi mo! Hindi patay ang kapatid mo! Buhay s'ya, huh? Nandoon sya ngayon sa outing para sa anibersaryo—"

"Dad—"

"Babalik s'ya saatin, huh? Kaya tigilan natin ang pag-aaway dahil ayaw non na nag-aaway tayo."

Nababaliw kana!

Patuloy akong umiyak at sinabunutan ko ang sarili kong buhok habang lumuluha pa rin.

"Please, dad, nahihirapan na ako, please, tama na—"

"Anak, hwag kang lumuhod, tumayo ka d'yan—"

"Ano pa bang dapat kong gawin? Ginawa ko naman lahat-lahat para maging mabuting anak. Kahit nawala na si Jess noon, naging mapagmahal naman ako di ba? Pinaramdam ko na kahit nabawasan tayo, andito ako. Anong nangyari? Paano ka napunta sa ganyan? Sumisira ka ng buhay!!

"Binabawi ko lang kung ano ang akin!"

"Sasabihin ko sakanya to." Halatang pagod na ito sa pakikipag-argumento.

"Sandro! Tumigil ka! Wala kang sasabihin!"

"Hindi!"

"Ano bang dapat kong gawin?"

"Ibalik mo na s'ya sa pamilya mo, umamin ka sa lahat ng kasalanan mo, pagbayaran ang parusa ng lahat ng ginawa mo at ayos na tayo. Pero kung ganito, walang mangyayari. Hindi tayo habang-buhay makakalusot sa kasalanan. Gawin mo 'to dahil nagbigay lang ng palugit si Luck, kung hindi, mas malala daw ang mangyayari."

Nanghihinang nabitawan ko ang buhok ko at parang awtomatikong natigil ang hagulgol ko dahil narinig ko ang pangalang iyon. Pinulot ko ang cellphone ko at itinapat iyon sa tenga ko.

"Wala akong ibabalik!"

"Hindi mo s'ya anak!"

"Anak ko s'ya!"

"Tama na ang usapang to—"

"Anak ko s'ya. Ampon ko si Jess, sya ang tunay kong anak. Anak ko si Jazlyn!"

"A-Anong... Anong sabi mo? Wag na kayong mag-imbento—"

"Anak ko s'ya at iyon ang totoo. Ninakaw s'ya saakin noon ng kakambal kong si Rodel dahil ayaw n'ya akong maging masaya. Two years ago, nang dinala n'ya saakin si Jazlyn ay sinabi n'yang sinosoli n'ya na saakin ito. Naghinala ako at nagpa-blood test, positive. She's really my daughter." Humagulgol ito pero ako naman ay namanhid sa narinig.

"That doesn't make sense. Hindi ko s'ya kapatid! Hin—"

"Talagang hindi mo s'ya kapatid."

"W-What?"

"Jaz is my daugter. Jess is adopted."

"D-Dad..."

Nilapag ko ang cellphone ko sa inuupuan ko.

"You too, you're adopted, Sandro."