Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 32 - CHAPTER 30: Time Machine

Chapter 32 - CHAPTER 30: Time Machine

"THIS IS A SIMPLE REQUEST FROM A BIG INVESTOR." Paliwanag ko kay Luck via call sa tanong nya kung bakit imbes na sa opisina ay sa isang public school  ko sya pinapupunta.

Agad naman syang dumating, kasunod ko lang. Bumaba s'ya sa taxi at pagkakita palang saakin ay hinalikan na ako nang magaan sa labi. Inilayo ko ang muka ko.

"Hey! We are here for work!"

Hindi n'ya ako pinansin, bagkus ay binati pa ako ng goodmorning. Napangiti nalang ako, wala e, nabubuang na talaga.

It's 7 am kaya naman napakarami ng mga estudyante ang papasok. Isa itong public high school kung saan ini-request ng isang investor na tingnan namin ito dahil balak na itong bilhin at gawing private school para na rin mas mapalawak pa. Meron pa ngang plano na gagawin itong private university. Hindi ko alam kung paano dahil napakarami nitong proseso lalo pa at nakatayo na ang public school na ito at pag-aari ng gobyerno.

Pumasok ako sa gate at nagbigay ako ng id sa guard saka nagpakilala. Dagli naman kaming pinayagan. Napapatingin saamin ang mga nakakasabay naming estudyante, especially kay Luck dahil agaw pansin nga naman ito kahit la parehong pants and white T-shirt lang naman ang suot namin at hindi namin pinag-usapan yan.

Nagpunta kami sa principal's office. Mabuti naman at alam na rin pala nila ang sadya namin kaya pinayagan din nito kaming maglibot-libot at kahit pa ang pumasok sa rooms kung sakaling iche-check din daw namin ang mga ito.

Naglakad-lakad lang kami sa hallway, nakalagay mula sa labas na nandito kami ngayon sa nga Grade 7 or katumbas noon ng first year highschool. Bahagya akong sumilip mula sa bukas na bintana at napapatingin din saamin ang mga student, curious sa bagong muka na nakikita nila.

Nakarating kami sa mga Grade 8, Grade 9 at Grade 10 hanggang sa nang lumiko na kami, ang mga nakikita namin ay mga student na Senior high. Nasa labas ng classroom ang ICT students at nag-pi-P.E.

May itinuturo sa kanilang sayaw na tradisyunal, yung tinikling kung saan merong dalawang magkabilang tao na hahawak sa dalawang magkabilang buho at merong sasayaw sa gitna. Hindi ko napigilang manood lalo at ang galing ng nagtuturong teacher, hindi talaga sya naiipit sa mga buho kahit iniiwasan nya iyon habang sumasayaw. Napaka-effortless.

Nung una ay hindi naman nila kami napapansin dahil nasa likuran kami at nakasandal sa wall pero nang may ilang mapatingin sa gawi namin ay nagsisunudan na ang iba. Lumapit kami sa P.E teacher at nagpakilala.

"We are from EnriFirm. I am Jess Enriquez and this is Luck Bernales." Kinamayan kami nito.

Nakatutok saamin ang atensyon ng mga estudyante, ang mga babae ay halatang kinikilig kay Luck na ang atensyon ay nasa pagpapaliwanag sa pakay namin.

"Yes, that was already announced last Monday, Ms. Enriquez." Nakangiti ito saka binalingan ang mga student na nagsisimula nang magkaingay, yung iba ay umiirit-irit pa habang nakatingin kay Luck. "Class, please keep quiet, we have visitors here."

Sandali lang nanahimik ang mga ito dahil maya-maya ay para na namang mga inasinang bulati na hindi mapakali. Humingi ng paumanhin ang guro at sinabi namin na ayos lang na bumalik na sya sa pagtuturo na sya ngang ginawa nya. Itinuro nya pa ang ilang steps pero mukang hindi na nakikinig ang mga ito kaya naman umalis na kami roon.

Naglakad ulit kami sa iba pang room at napatigil kami sa room ng mga FBS students. Meron kasing sumigaw roon.

"MAKINIG KASI KAYO MUNA! MERONG MEETING SILA MA'AM—"

Hindi pa natatapos ang nagsasalita nang magsiiritan ang students. Sa ingay ay napatakip ako ng tenga pero natatawa ako sa di malamang dahilan.

"WHOOAAHH! WALA SI MA'AM!"

"WALANG KLASE!"

Patuloy sa pag-iiritan ang mga ito. Nagulat ako nang hawakan ako ng Luck sa kamay.

"Why?" Kinakabahan ako sa uri ng ngiti n'ya, para bang merong naiisip na kolokohan

"Hindi ba sabi mo... kung may time machine ka at mero kang babalikan, babalik ka sa time na highschool ka?"

"Oo..." Naalala ko nga iyon na sinabi ko noong nagtatanungan kami.

"Then pretend that you're now in a time machine."

"Huh?" Hindi ko pa nage-gets ang sinasabi nya nang hilahin nya ako papasok sa loob ng room na merong nga estudyanteng nagwawala sa loob.

Pagpasok palang ay tumigil na ang lahat nang makita kami. Halatang nagtataka ang mga ito. Pero hindi ko mapigilang marinig ang ilang mga bumubulong.

"Hala, sino yang nga yan?"

"May transferies ba?"

"Oh my! Green eyes!"

"Andito na pala asawa ko." Hinanap ng mata ko kung sino ang nagsabi non pero hindi ko na alam dahil nagbubulungan na sila.

"Baka merong bagong teachers?"

Nagtatanong ang nga mata ko nang tingnan si Luck pero iminuwestra n'ya saakin na umupo ako sa bakanteng upuan sa harap.

"Please all of you, go back to your seats." Nagsunuran ang mga ito.

Merong malakas ang loob na lalaking nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"Sir, new teacher kayo?"

Umupo ito pagkatanong. "You can say that. We are from EnriFirm and you also have a new classmate today, her name is Jess."

Napatingin saakin lahat, awkward naman akong ngumiti sa kanila. Nagloloading ang utak ko, ano na naman ba to?

Sinesenyasan ko si Luck sa pamamagitan ng tingin. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero base sa sinabi nya kanina, mukang gusto nya na magkukunwari akong student. At sya? Teacher?

Halatang marami pa ring tanong ang Grade 11 FBS at mukhang clueless sila about sa binanggit kanina ni Luck na kumpanya. Pero lahat ng tanong ay hindi na nabigyang kasagutan nang bigla ulit s'yang magsalita. "So, let's start our discussion? What's your last topic?"

"Sir, yung last po is pagsusuri sa kwento, page 48. Then sabi ni ma'am ang next na raw pong topic ay kay Cupid and Psyche." Inabot ng batang nagtanong kanina kay Luck ang libro at pinakita. It's a Filipino book.

"Have you already—"

"Sir!" Nagtaas ako ng kamay, gusto kong matawa nang makitang nagulat sya sa pakikisakay ko pero hinalig nya ang sarili saka nakangiting pinatayo ako. "Filipino subject. Tagalog dapat." Nagtawanan ang students saka sumang-ayon.

"Sige." Mabilis palang kausap to bilang teacher. "Isa-isa kayo kapag tinawag ko ay magbabasa ng story na nasa libro. Pakisundan nalang ang binabasa ng kaklase nyo."

Tumingin sya sa nakakabit sa wall na listahan ng cleaners, doon yata sya magtatawag ng pangalan.

"Kurt Iverson Luna." Tumayo ang lalaking nagbigay din sakanya ng libro.

"Si Cupid at si Psyche." Basa n'ya sa title saka binasa ang story mula sa libro ng katabi nya dahil na kay Luck ang libro nya, sinusundan din ang binabasa nya. Ako man ay nakikisunod din mula sa libro ng batang katabi ko.

Pagtapos ng dalawang sentence, tumawag ulit sya ng iba. "Miracle Jimenez?"

"Hala, nasaan na ako?" Tanong ko sa katabi ko dahil nawala na ako nang lumingon ako kay Luck. Hindi ko makita kung nasaan na ang binabasa nung Miracle.

"Nandito ka pa rin." Anang binatilyo, natawa naman ako nang bahagya.

"Okay, next, Jessdre." Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko na alam kung san ako. Sinenyasan ko s'ya dahil nga nawawala na ako pero busy sya sa pagtingin nang masama sa katabi ko.

Mabuti nalang at tinuro bigla iyon saakin nung katabi ko pa rin. Nagbasa ako at nakaka-isang paragraph na ako pero hindi n'ya pa rin ako pinatitigil. Tiningnan ko s'ya, nakatitig s'ya saakin habang may ngiti sa labi. Pinanlakihan ko sya ng mga mata.

"Thank you for that, very good, Jess. You may now sit." Sa wakas ay aniya.

Nagpatuloy sya sa pagtatawag hanggang matapos ang kwento. Ikinwento niya iyon ng buod para sa mga nagreklamong hindi nakaintindi dahil masyado daw itong mahaba at malalim ang mga salita.

Naaamaze kaming lahat na nakinig kahit pa nabasa na naman namin iyon. Kung magkwento kasi sya ay para bang nandoon talaga sya sa scene.

Nagparecitation din sya dahil may mga tanong sa next page about pa rin nga raw doon sa binasang kwento.

"Anong natutunan mo tungkol sa pag-ibig sa kwento?"

"Ang pag-ibig ay kayang tiisin ang lahat? Tulad ng ginawang pagtitiis ni Psyche sa mga hamon ng ina ni Cupid." Sabi nung isang sumagot.

"Kailangan ng tiwala sa isang relasyon. Tulad noong nagdalawang-isip si Psyche kay Cupid at tiningnan nya pa rin ang mukha nito dahil naniwala s'ya sa iba."

"Gaano man ang lumipas na panahon, ang pag-ibig ay naghihintay gaya ng paghihintay ni Psyche at hindi pagmamahal ni Cupid sa iba."

Natapos ang isang oras at sinabi ng students na lilipat na raw kami ng room dahil kailangan nang pumunta sa next subject which is CSS kaya papunta dapat ng computer lab pero hindi na ako sumama pa roon.

Nakangiti kong hinarap si Luck matapos tingnan ang pag-alis ng mga estudyanteng naging kaklase ko sa loob ng isang oras.

"Thank you." Masaya kong sambitz ngumisi lang s'ya.

"Anong thank you? May nangyari sa time machine kaya hindi ka pa pwedeng bumalik, you're still a student."

"So... Anong next subject?" Inakbayan nya ako habang naglalakad kami palayo sa FBS room. "Are you still my teacher? Am I still a student?"

"No..." Sinundan ko ang tinitingnan n'ya, yung court kung saan merong mga mukang school varsity na naglalaro roon. "I am a school varsity and I want you to cheer for me."

"UGH, I SUCK AT BASKETBALL." Pagod na pagod na umupo si Luck sa tabi ko. Kinuha ko naman ang towel at pinunasan ang pawis n'ya sa noo kaya naman kinantyawan s'ya ng mga estudyante lalo na ang mga naging kakampi n'ya sa laro nila.

"Sana ol may taga-punas!"

"Baka may kiss pa?"

"Please, wag nyo kaming inggitin!"

Nagkatinginan kaming dalawa saka nagtawanan.

Up to twenty lang daw ang target at nanalo naman sila pero kahit isa ay wala siyang nai-shoot. Gayunpaman, napakagaling n'ya naman mang-agaw ng bola sa kalaban at depensahan ito. Ipinapasa n'ya ang bola sa magaling magshoot nang dalawang beses ay walang pumasok sa tira n'ya.

"You didn't. Ang galing mo kayang mag-offense and defense!"

"You know basketball?"

"Nanonood ako ng NBA sa TV."

"Wait, hindi ba masama sa'yo to?" Nag-aalala kong tanong nang bumalik sa isip ko na kagagaling nya lang sa hospital at kahapon palang sya lumabas."

"Pinayuhan pa nga ako ng doktor na mag-exercise. Wag lang daw sobrang magtrabaho lalo ang magpaka-stress."

"Okay." Bumalik ang usapan namin sa naging laro nila. "Buti nalang hindi nasayang ang cheer ko sa'yo kundi wala kang kiss." Biro ko saka ang likod nya naman ang pinunasan ko gamit ang towel.

"It means meron akong kiss?" Humarap sya kaya nabitiwan ko ang towel sa loob ng damit nya.

"Wala pa rin. Wala ka rin namang na-shoot." Pinatalikod ko ulit sya at tinuloy ang ginagawa.

"It's okay. As if I can't steal it."

Umingos ako. Tumunog ang bell at nakita kong naglabasan ang students sa room at nagmamadaling pumunta sa canteen.

Nadaanan na namin ang canteen kanina kaya naman alam ko na yon, halos katabi lang ng court. Nabanggit saamin ng mga nakalaro ni Luck na dahil maraming students, malski man ang canteen at hinati pa rin sa apat ang break time para hindi maging sobrang crowded doon.

Nagkayayaan kami sa canteen kasama ang varsity players. Pumwesto kami sa bandang dulo ng canteen kung saan merong mahabang mesa na pang-sampuan, sakto lang sa bilang naming lahat. Kita kong aabutan sana ni Luck ng pera ang naatasang bumili ng pagkain nang bunutin ko ang pera ko sa wallet at iyon ang ibinigay.

Ipipilit sana ni Luck ibalik iyon saakin pero pinaalis ko na ang binatilyo. Sinabing dahil nanalo sila Luck kaya sagot ko na. Halatang ayaw n'ya pero tinaasan ko sya ng kilay. Nagpapakapagod s'ya sa trabaho to the point na na-hospital s'ya tapos gagastos s'ya ngayon kahit ako naman ang nagyaya sa mga nakasama namin sa court na kumain?

Tatlo ang umalis at nagpaalam na pagtutulong-tulungan nilang bitbitin ang kakainin namin. Pinagtitinginan kami lalo ngayon ng students dahil narin kasama namin ang players nila ng basketball.

Nasa dulo kami pero center of attraction pa rin. Mabuti nalang at maraming kakulitan ang mga kassma namin sa mesa kaya naman hindi nakakahiya habang nakatingin ang students saamin. Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain, marami iyon gaya ng bilin ko, iba-iba at meron kaming lahat.

"Salamat po dito."

"Thanks po ah?"

Kumain na kami matapos ang pasasalamat nila habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano lang.

"May nagsabi na nga po samin na may bumili na nga raw netong school at gagawing private."

"That's the reason why we are here."

"Ano po ba kayo ate?"

"She's a CEO." Sabat ni Luck. Nanlaki ang mga mata ng nga binatilyo.

"Naks! Seryoso ba to?" Woah! Anong pangalan nyo?"

Nahihiya man ay nagpakilala ako. "Jessdre Enriquez, uh, EnriFirm?" Tukoy ko na rin sa kumpanya.

Iba't-ibang malalaking businessmen na ang nakaharap ko at pinspakita ko talaga na confident ako dahil isa iyon sa susi para maging matagumpay sa larangan ng business pero sa di malamang dahilan ay nahihiya akong banggitin iyon sa mga kaharap ko. Dahil na rin siguro sa mga nangyari ngayong araw, nasanay ako na isang simpleng tao lang sa campus na 'to, isang estudyante. Pero dahil nga lang pala to sa time machine. Dahil kay Luck.

"Sobrang laki non ah? Sikat yon, nabasa ko nakaraan sa dyaryo yun, malapit na raw ang anniversary."

"Yep, anniv namin next week." Masayang sabi ko. Isa rin sa mga iniintindi namin netong nakaraan pa yong anniv.

Napag-meeting-an din na 2 days yon dahil first day ay outing. Pupunta kami sa isang beach na pag-aari ng pamilya namin at kinabukasan ng gabi ay doon rin gaganapin ang masquerade party.

"Saya siguro no'n." Nagkwentuhan sila at pinakita kung gaano nila iniisip ang mga mangyayari sa anniversary kaya naman nilabas ko sa bag ko ang isang invitation at inabot iyon sa isa sa kanila.

"This is an invitation for the party. Malapit lang naman ang paggaganapan and kung wala kayong gagawin, pwede kayong pumunta. Magsama rin kayo ng gusto nyong isama."

"Salamat po!" Nagkagulo silang walo sa pagtingin sa invitation.

"Hindi nyo naman kailangang dyan talaga pumunta dahil merong tracker na nakakabit sa bawat invitation, merong number dyan sa QR code, siya ang susundo sainyo." Paliwanag ko. Sa ingay nila, naglapitan na rin tuloy ang ibang estudyante saamin na nakikiusyoso rin.

"Ang angas naman!"

"Thursday and Friday. Sakto naalala ko, yun di ba yung merong GPTA at maghahanda sila sa school dahil may gaganapin ditong laban pang-buong district sa Monday?" Nagniningning ang mata ng isa sa saya. "Maraming salamat po!"

"Welcome. Aasahan ko kayo." Tapos na kaming kumain at nagprisinta sila na sila rin magliligpit kasi malapit na rin daw ang time nila.

"Hindi po ba nakakahiya na pumunta kami ron?" Pahabol na tanong ng isa bago sila bumalik sa court dahil dumating na raw siguro ang na-late nilang coach. "Okay lang po bang pumunta kami ron?"

"Oo naman, ayos na ayos! Welcome kayong lahat, mas marami, mas masaya."

Kumaway-kaway ako sa kanila hanggang makaalis sila at mabawasan na rin ang mga students na nakatingin saamin dahil pumasok na sa kani-kanilang classroom.

Naglakad kami ni Luck at nagpaalam na sa Principal. Nakangiti akong lumabas ng gate, s'ya ay nagmamasid saakin.

Pagkahinto sa tapat ay tinext ko ang driver ko na syang naghatid din saakin dito. Nandyan lang naman s'ya sa malapit.

Umupo kaming dalawa sa labas ng school sa gilid ng gate kung saan ako nakaupo kanina.

Kinuha n'ya ang kamay kong nakapatong sa upuan. Tiningnan ko sya saka tiningnan ang kamay namin. "Well, uh, you see, I really like holding your hand."

"I like it too." Ngumiti s'ya saakin, I unconsciously hold his hand tighter. Bakit ba lalo syang gumagwapo sa paningin ko? Ang gwapo kapag nagsusungit, ang gwapo kapag ngumingiti. "Thank you... sa kanina. I feel like I'm really a highschool student, sir."

Kinipit nya ang nililipad na hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "So what do you think? Nalaman mo ba kung anong klase kang highschool student?"

"Tingin ko, maingay akong estudyante. I really enjoy talking to my 'classmates' I enjoy the little recitation earlier. Hindi rin ako sure pero sa tingin ko... I love cheering basketball players back then."

"Baka hindi naman. Maybe you enjoyed it because you're cheering for me."

Tinawanan ko sya and I disagreed para inisin lang s'ya dahil kita sa muka nya na hindi n'ya nagustuhan ang naririnig pero ayaw n'ya lang sabihin.

Dumating ang driver at sumakay na kami. Pagpasok palang ay alam kong kita na ng driver ang magkaholding hands naming kamay pero hindi ko s'ya pinansin.

"The anniversary is so near. This'll be a busy week again." Pinaglaruan nya ang mga daliri ko na kahawak ng kamay n'ya.

"Mabuti nalang nagkaroon tayo ng break kahit ngayon lang." Oo nga, para kaming nagbakasyon bigla sa pagpunta sa school na 'to.

Nag-asaran kami lalo na habang pinag-uusapan yung pagpapanggap kong student kanina at s'ya naman ay teacher.

"Magtataka yung teacher no'ng mga 'yon kung bakit tapos na ang lesson."

Hinaplos-haplos n'ya ang buhok ko gaya ng lagi nyang ginagawa para mapasandal ako sa balikat n'ya.

"And you enjoy your classmate's joke, huh?" Tukoy n'ya siguro doon sa katabi ko sa room na tinawanan ko.

"He just said that— the heck!" Gulat akong napalingon sa driver nang bigla itong pumreno. Buti nalang ay nahawakan agad ni Luck ang ulo ko kaya hindi iyon naalis sa pagkakasandal sa balikat nya.

Umupo ako nang maayos at napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na tibok mula roon. Dahil car accident ang dahilan bakit ako nawalan ng ala-ala, nagkaroon na ako ng trauma kahit pa wala naman talaga akong naaalala sa nangyari noon.

"Pasensya na po, ma'am, sir! Sorry ho, meron kasing tumawid na pusang itim."

"It's okay, please focus on the road." Sabi ko nalang habang meron pa rin akong kaba.

"Hey, it's okay." Bumalik si Luck sa paghaplos ss buhok ko at muli n'ya akong pinasandal sa balikat n'ya.

Maya-maya rin ay kumalma na rin ulit ako. Bumalik kami sa pagkukwentuhan kahit pa ngayon ay madalas na akong tumingin sa driver na mas nag-focus nga sa daan.

"Thank you for giving me a break." Nagkibit-balikat s'ya. Hindi na nakangiti but happiness is visible in his eyes. Para bang ngumingiti ang mga mata n'ya saakin.

"You are always welcome."

"Thank you for being my time machine, Luck. Now, let's go back to reality."

"As much as I don't want to go yet, we can't stay forever in this time machine."