Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 30 - CHAPTER 28: I'M JEALOUS

Chapter 30 - CHAPTER 28: I'M JEALOUS

"BAKIT BA ANG HILIG MONG IWAN CELLPHONE MO!" Dagling binatukan ni Jester si Kesler nang magkakaharap na kami na nakatayo sa gilid ni Luck.

"Bakit ang hilig mo rin mambatok! Akala mo mas ikinalamang mo yan sa kagwapuhan ko!"

"Okay, kids... that's enough." Pagpigil ni Luck sa mga pinsan nya.

We were caught on the scene. Bumukas bigla ang pinto habang hinahalikan nya ako at hindi ko man nakikita, alam kong pulang-pula ako.

Parang bibigay ang tuhod ko sa kahihiyan kaya nakayuko akong bumalik sa kaninang inuupuan ko. Sinulyapan ko si Luck, halo-halong emosyon ang nasa muka nya pero wala doon ang kahihiyan dahil sa nakita ng dalawang pinsan nya.

"It's okay, there's no need to be shy." Tiningnan ko sandali si Jester at dagli syang siniko ng kakambal nya. "Wow, chocolates!" Nagtatakbo sya papalapit sa chocolates na nasa mesa saka kumuha ng ilan.

"Bugok, galing yan kay Jess, para yan kay Kuya Luck." Bumagsak ang mga balikat nya saka lulugo-lugong binalik ang mga iyon.

"H-Hindi naman lahat yan para sakanya. Okay lang na kumuha ka." Pilit ko pero umiling-iling s'ya.

Dinampot nya mula sa mesa ang malaking bouquet ng bulaklak na dala rin namin. Lahat kami ay nagmamasid sakanya habang tinitingnan nya iyon. "Sabihin nyo ang totoo, galing ba to sa isang stalker ko na hindi makamove on sa kagwapuhan ko?" Halatang nagbibiro lang naman sya kaya hindi namin napigilang ngumiwi.

"Galing din kay Jess yan at para pa rin kay Kuya Luck." Si Jester na inagaw ang bulaklak kay Kesler at inabot kay Kuya Luck. "Tingnan mo baka may love letter." Bulong nya pero rinig na rinig ko naman.

Sumunod si Luck, asa naman sya na maglalagay ako ng letter. "There's nothing here." Tiningnan nila akong tatlo na para bang disappointed sila, kinunutan ko lang sila ng noo. Kitang-kita ko sa muka ni Luck na ngiting-ngiti sya at halatang nagbibiro lang naman.

"Bakit ba magkakaroon ng love letter? Ano yan, nanliligaw- holy shit!" Bulalas ni Jester habang gulat na nakatingin saakin. "Flowers, chocolates... nanliligaw ka nga kay Kuya?"

"Hindi ah!" Mabilis pa sa alas-cuatro na pagtanggi ko. Pero yung magkakambal ay hindi tumigil sa pagtingin ng may malisya na para bang itinatanggi ko lang ang katotohanan.

"You two can get out now." Mariing sabi ni Luck sa dalawa. Hindi naman sya mukang galit, halatang gusto lang talagang palayasin yung kambal.

Sumimangot ang mga ito saka dahan-dahang naglakad patalikod habang nakatingin sakanya nang matalim. "Kuya... wala kang puso!" Kunwari ay naiiyak pang ani Jester.

"Oo, wala na. Nasa kanya na eh." Sagot ni Luck sabay turo saakin.

Biglang naghiyawan ang dalawa na parang kilig na kilig na teenagers saka nag-unahan pa paalis.

Lalo akong namula habang nakatingin sakanya. Ngumiti sya na parang walang mali sa sinabi nya. "What?"

"A-Ang korni mo!" Sabi ko para pigilan ang pagngiti at kilig sakanya. Nakakatawa, mas parang teenager ako sa dalawa dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon.

"It's because of you. Lumalabas lang naman ang kakornihan ko sayo so bear with it, please?" Hinawakan nya ang kamay ko at nahihiya man, nakaramdam ako ng saya kaya hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.

Bumukas ulit ang pinto. Babawiin ko sana ang kamay ko pero hinawakan nya iyon nang mahigpit habang hinihintay kung sino ang papasok. Napatingin ako sa pinto at nanlaki ang mga mata nang makita si Kuya Sandro.

Wala siyang reaksyon. Napatingin sya sa magkahawak na kamay namin ni Luck saka bumalik sakin ang tingin nya. "Dinalaw ko si dad and I heard you're here kaya pinuntahan kita."

Isinarado nya ang pinto. Bahagya syang naglakad papalapit pero huminto rin naman kaagad.

"Kuya-"

"You heard from whom?" Kita ko ang pagtatangis ng bagang ni Luck at ang sama-sama nang tingin nya kay Kuya.

"Aren't you going home? Pauwi na kasi ako." Si Kuya, totally ignoring Luck's question and murderous look.

Huminga ako nang malalim. "Medyo kararating ko lang kuya, mamaya-maya pa ako aalis."

"Do you want me to wait for you?" He asked, his voice is still gentle kahit pa nagbabago ang tingin nya kapag napapalingon kay Luck.

"Ihahatid ko nalang sya, Mr. Enriquez." Lumingon si Kuya sa likod nya at nakita namin si Bernard na madilim din ang mukha.

"It's Sandro, Villafranca." Diin ni Kuya, kay Bernard nakaharap.

"Yeah, Sandro. Sandro Enriquez." Kumuyom ang kamao ni Kuya. "Why? You're Sandro Enriquez, right?"

I don't know what's with our surname pero halatang ginagamit iyon ni Bernard para galitin si Kuya.

Hindi natapos ang usapan namin kagabi, nakatulog din kasi ako. Maraming bagay pa ang hindi malinaw saakin at ayaw nyang sabihin but still, I know him as a good person at ayoko pa rin na meron syang nakakaaway.

"I am so sorry kuya, uuwi nalang ako mamaya-maya. You don't need to wait for me."

Tumingin s'ya saakin saka bahagyang ngumiti, natanggal na rin ang pagkakakuyom ng kamay n'ya. "Sure. Ingat ka."

"Ingat ka rin."

Binigyan sya ng daan ni Bernard saka ito nagmamadaling lumapit saamin. "Sinong mas pogi saamin? Ngayon mo sabihin." Anito kay Luck na inungusan lang s'ya.

Wait, what just happened? Isang gabi lang ang nakakalipas bakit parang bigla na silang naging magkaibigan? Kung umasta si Bernard e parang close sila. Sabagay, feeling close naman talaga ang isang to kahit kanino.

"Ikaw, Jess, sa tingin mo? Sinong mas pogi saamin?" Puno ng pag-asam ang muka nya. Umingos din ako.

"Ganyan kana ah? Ganyan kayo, sige magsama kayo."

"Oo talaga!" Sigaw ko dahil paalis na sya. Sinabi ko iyon para pilosopohin sya pero narealize ko ang dating non nang kami nalang ulit dalawa. Luck is smiling playfully at me. "Bakit?"

"Magsasama tayo?"

"Mr. Bernales, I was just joking!"

"Parang hindi ganon ang dating ah?" Pang-iinis nya. Malakas kong hinatak ang kamay ko para mapabitaw sya. Tumawa sya nang malakas sa ginawa ko. "I was just teasing you. Come on, hold my hand again." Parang batang aniya, pilit inaabot ang kamay ko.

Nilagay ko yon sa likod ko. "I don't want to."

"Okay, ulitin mo nalang yung sinabi mo saakin kanina." Patuloy sya sa pangungulit.

"Anong sinabi? Wala akong sinasabi."

"You said you like me too."

"Wala akong naaalala." Pagmamatigas ko. I can sense that he still wants to tease me. "Don't you need to rest already?" Nag-aalalang tanong ko, completely changing the topic nang mahagip ng paningin ko ang IV na nakakabit pa rin sakanya.

"This is the first time I became happy a the hospital." I can now sense seriousness in his voice, pinakatitigan ko sya, hindi ko napansin na nakuha nya ulit ang kamay ko, hindi ko ito binawi. "I have so many horrible memories in hospitals but now's different."

"Anong pagkakaiba?"

"Dahil ngayon nandito ka na. Nandito kayo para saakin at nag-aalala. Back then what I have is myself. Merong mga pumupunta pero hindi ko nararamdaman ang sincerities nila, kung meron man nga. I also remembered years ago, I woke up in the hospital and received a very bad news that made me feel like I'm living in hell. "

"Oh," my only reaction. I badly wanna ask questions pero hindi ko alam kung masyado iyong private. Seeing him now, looks like he already moved on from that horrible past but I'm still not so sure.

"Now, I woke up and you're here. Holding my hand."

Matagal kaming nagkatinginan dahil wala akong maisip sabihin.

"Sabi mo noon wala ka nang pamilya, tapos may mga pinsan ka pa pala." Kunwa'y naalala ko. Ngumiti lang s'ya at hindi nagreact. "But, hey, I am happy that I made a difference in your life in a good way."

"You did changed my life a lot."

Dahil nakasandal sya sa headboard ng kama ay mabilis nya akong nahila sa kamay para mas mapalapit ako saka inilapit ang muka ko gamit ang kamay nya na nasa batok ko. Binigyan nya ako ng magaan na halik sa labi.

Nang maghiwalay kami, para syang baliw na ngiting-ngiti na naman.

"Nakakarami kana ah!"

Umiling sya. "Seeing you here made me really well." Inilapat nya ulit ang labi nya sa labi ko, kahit saglit lang yon ay nagwala na naman ang puso ko at lahat ng laman-loob.

Nahihiya akong bahagyang lumayo. "Sus, magpipick-up line ka na naman eh!"

Tumawa kaming dalawa. "Hindi naman talaga ako magaling don, naubos na ang nalalaman kong pick up lines. Konti lang kasi 'yon."

"Mabuti naman."

"I am too happy knowing that you like me too. Naisip ko tuloy na sana noon pa ako nagkasakit."

"Hoy, hindi naman dahil may sakit ka kaya-"

"I know." Buong tiwala nyang sambit. "O kaya, sana palagi nalang akong magkasakit."

"Hindi pwede!" Kontra ko. Sira ba ulo nito?

"Oo nga pala, dahil nag-aalala ka. Baka next time mabili mo lahat ng brand ng chocolates para saakin." Halatang nagsisimula na namans syang mang-inis.

"Tsaka marami tayong trabaho. Kaya ngayon, magpahinga kana para gumaling ka agad-" tiningnan ko ang oras sa pulsuhan ko. "Gosh, magte-ten pm na pala. I need to go and you need to rest."

Kinuha ko ang bag ko at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi saka nagtatakbo paalis. Paglabas ay napasandal ako sa pinto ng kwarto nya at napapikit habang nakahawak sa dibdib ko na kumakabog nang malakas.

"HEY!" Para akong daga na nahuli sa akto. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad para sana hindi na makaabala dahil mukang ang mga kasam-bahay ay tulog na pero pagkaakyat ko palang sa hagdan ay nakita ko si Kuya Sandro na halatang hinihintay ako dahil nasa tapat pa ng kwarto ko.

"K-Kuya..." Kabado kong tawag sakanya. Hindi ko alam kung itatanong nya ba ang nakita nya kanina pero ang sigurado ako ay meron na syang ideya kung anong meron.

"Kumain kana ba?"

"Dumaan ako sa resto pauwi. Kumain na ako." Dahil pinilit din naman ako ni Bernard na kumain, sya ang naghatid saakin at nagpumilit ako na hanggang dyan nalang sa gate.

"Oh, okay. Gusto ko lang masigurado na nakauwi ka ng safe." Ngumiti sya saka iminuwestra ang pinto. "Sleep well, goodnight, Jess." Tumalikod sya saka umalis.

Hindi ko alam kung bakit parang merong kakaiba sa pakikitungo nya saakin. Hindi ko maiwasang isipin kung kailan ko napansin pero nag-iba ang paraan nya ng pagngiti, pananalita at pagkilos sa harap ko. Weird dahil ganon pa rin naman sya tulad ng dati.

Naglinis ako at nagbihis ng pantulog. Humiga ako sa kama saka kinuha ang phone ko. Dagli kong tinext si Bernard.

"Thank you so much again."

Sent!

Kaagad akong nakareceive ng reply mula sa kanya.

"No prob, really."

Nagscroll ako sa phone book ko at hindi maiwasang mangiti at kiligin habang inaalala ang nangyari kanina. Ibinaon ko ang muka ko sa unan at umirit, soundproof naman ang kwarto ko kaya ayos lang.

Nang hindi mawala ang kilig ko sa pagsigaw ay nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa mahulog ako.

"My God, nababaliw na po yata ako. I can't believe I am doing this right now." Bulong ko pero humiga ako sa kama at inulit ang ginagawa ko kanina.

Normal pa ba 'to? Naloloka na yata ako. Ni hindi naman malinaw ang namamagitan saamin pero habang inaalala ang mga ngiti, ang sinabi nya kanina at ang halik nya ay wala akong nararamdamang iba kundi kasiyahan.

Nang makita ko sya kanina at nakausap, hindi na ako nagdalawang-isip na balewalain ang mga napag-usapan namin ni Dr. Philly at ang mga hinuha niya.

Speaking of that!

Tumayo ako saka kinuha ang gamot ko sa bag ko pero walang laman iyon, yung bote lang ang naandoon. Kinalkal ko ang drawer ko dahil doon nakalagay ang iba pero wala ang mga iyon doon.

"Shit, nakalimutan ko lang ba saan ko nilagay?" Kinalkal ko ang iba ko pang gamit para hanapin ang gamot. Napapitlag ako nang makarinig ng malakas na kalabog sa labas.

Tumakbo ako at nakita ang bukas na salaming pintuan patungo sa verandah. Tinamaan ako ng kaba. Nang tingnan ko sa baba, wala naman akong makitang kahit ano roon. Isinarado ko ang glassdoor.

Baka naman guni-guni ko lang.

Nagpatuloy ulit ako sa paghahanap ng gamot ko. Nang walang makita kahit saan ay kinuha ko ang phone ko para sana magpadala ng mensahe kay Dr. Philly. Nabanggit nya saakin noon na wala dito sa Pilipinas ang gamot ko at kapag naubusan ako ay sabihin ko agad sakanya para makapagpadala sya mula sa ibang bansa. Hindi rin kasi pwedeng bilhin iyon, kailangan ng reseta at approval ng doktor ko.

Nagtipa ako ng mensahe para kay Doc.

Doc, my meds are missing. I am so sorry but I can't remember where did I put them and I can't see even a piece of it now. Even the meds I was taking with lower dosage is nowhere to be found.

Nang dumalaw kasi ako nakaraan ay binigyan nya ako ng mataas na dosages ng gamot. Baka naiwan ko lang iyon sa opisina pero kung sakaling hindi ko man makita bukas, mas okay na may nakahanda na ako. Nakakahiya man ang pagkawala ng gamot ko dahil sa pagiging makakalimutin ko, makakatulong daw kung magigiging mas honest ako kay Doc, sabi nya. Bawat pangyayari kasi saakin ay maaaring makaapekto sa mental health ko.

Pero bago ko pa maisend iyon ay tumunog na ang cellphone ko dahil sa tawag. Dagli ko iyong sinagot nang makitang si Luck yon.

"Why aren't you sleeping yet? It's already 11." Bungad ko but he just chuckled.

"Ang sarap mapagalitan lalo kung galing sa'yo."

"Baliw ka! Magpahinga kana, Luck, seriously, hindi ka gagaling ng ganyan. Wag ka ring gaanong gumamit ng phone." Patuloy ako sa pagsesermon.

"I'm not really using my phone but I missed you that's why I called. How can you do this to me? Kaaalis mo lang pero namimiss na agad kita."

Napangiti ako pero pinigilan kong iparamdam sakanya ang saya ko. "Enough with the sweet talks. You still need to sleep-"

"One of the reasons why I called is not just because I miss you. I mean, I really miss you now but I saw Bernard smiling earlier."

"Bakit? Kailan?"

"Matapos nyang ihatid ka, bumalik sya dito. He showed me that you texted him."

Ramdam sa boses nya ang pagtatampo pero imbes na seryosohin, ang naiimagine ko sakanya ay isang batang nagtampo kasi hindi binilhan ng laruan. Wala rin naman kasing dahilan ang pagtatampo nya kung sakali.

"You didn't messaged me." Tumawa ako pero hindi nya alintana iyon. I am now experiencing again his mood swings. "I am jealous."

"You don't need to be jealous."

"Nagseselos ako at iyon ang nararamdaman ko." Nanahimik sya sandali at akala ko nga ay pinatay nya na pero nagsalita ulit sya. "May karapatan na naman akong magselos, di ba?"

"Hindi mo naman kailangan ng karapatan para magselos, di ba? Kasi nagkukusa yan. Hindi lang naman ang mga nasa relasyon ang pwedeng magselos." Paglilinaw ko. "Walang papel ang pinipirmahan para iparating na: 'oh, pirmahan mo to, katunayan ito na may karapatan kanang magselos.'"

"Yeah, I get it. Let me rephrase it then. May karapatan naman na akong sabihin sayo nang harapan, iparamdam na nagseselos ako at sabihan ka sa bagay na nakakapagpaselos saakin, di ba? It's okay with you, right?"

Halos pareho pa rin naman 'yon pero hindi ko na lang sinabi. Nagegets ko naman ang punto nya. Na hagayan na nyang sasabihin ang pagseselos nya kasi may something saamin.

At sabihin ko mang hindi okay, hindi naman mapipigilan yon. Tsaka ayos din yon, ang totoo kapag ipinaparamdam nyang nagseselos sya, lalo akong kinikilig. He's not a bad guy when jealous, kapag nagseselos sya, pakiramdam ko ay ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

"Oo naman."

"Then I am jealous of that Mr. Roñel, I am jealous of Bernard, of those men who looked and talked at you at the party last time."

"You can be jealous but you don't need to. Bakit ka magseselos e ikaw lng naman ang gusto ko." Rinig ko ang pagsinghap nya sa kabilang linya. Natawa ako.

"I see, you like taking my breath away, huh? Well then, Jess, I think my heart can't handle it anymore if ever you say something like that again. That's too much to handle, I need to take my rest then."

"Goodnight." Hindi mawala ang ngiti na paalam ko.

"Good night, sleep well."