Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 26 - CHAPTER 24: Q & A

Chapter 26 - CHAPTER 24: Q & A

BORED AKONG TUMINGIN SA LABAS NG BINTANA.

Ang daming sasakyan dito.

"Sorry for keep you waiting." Bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Philly. "It's okay, doc. I really need your help."

Pinaupo nya ako sa isang sofa at umupo sya sa katapat ko. Tiningnan ko ang wall clock and it's already 8:30 am. Hindi ako papasok ng half day dahil tingin ko, isa itong nararamdaman ko these past few days kung bakit hindi ako gaanong nakakapagconcentrate sa mga gawain sa office. Imagine, sobrang halaga nung meeting tapos nawala sa isip ko?

I'm too occupied.

Nagtext ako kay Luck na hindi ako makakapasok at baka after lunch time na akong makarating sa office. Not sure kung anong nireply nya dahil naka off na ang cellphone ko. Ayoko na munang masyadong mag-isip.

"So it's about of those dreams, right?"

"Yes and those weird familiarities." Naisip ko na naman ang secretary ko at weird na pakiramdam ko kalag nakikita or kahit naiisip man lang s'ya.

"Are you taking your medicines just like what I've told you?"

"Yes, doc. But it's just giving me headaches."

Nag-run siya ng tests tulad ng blood pressure, heart rate, Xray at kung anu-and pa. "While waiting for the results, can you tell me more about it?" Sabi niya nang muli syang umupo sa harap ko. Pinakuha nya rin kami ng meryenda sa assistant nya.

Dr. Philly looks intimidating at first pero ang totoo ay friendly sya mula sa tono ng pananalita hanggang sa mga words na pinipili nyang gamitin kaya naman hindi ka talaga maghehesitate na magsabi, parang magkaibigan lang kami.

"Since I came back to the Philippines, I have been feeling familiarity with various things." Tumikhim ako at uminom ng juice sa harap ko. "And there is this man that I don't even know a first yet I feel safe whenever he's around. Everything that he says and does, it all feels like de Ja Vu."

"Do you like him?"

Napatigil ako. Aminado akong I like Luck, naaalala ko na rin na sinabi ko sakanya ang nararamdaman ko noong nalasing ako. Pero bakit ngayon ay parang hindi ko kayang sabihin sa harap ni Dr. Philly?

Sya ang doktor ko mula noon at halos lahat naman talaga ay sinasabi ko sakanya dahil kahit ang nararamdaman ko ay nakakaapekto sa treatment saakin noon.

"Do you... love him?"

"I don't... know." Pagsisinungaling ko at pakiramdam ko ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko sa kaba.

Bakit kailangan kong magsinungaling? Kailangan ko bang itanggi yon?

"Okay." Aniya at ngumiti, ngingiti rin sana ako pero nakaramdam ako agad ng hilo. "Stay still, are you okay?" Pumipikit nang kusa ang mga mata ko. Nahihilo ako at parang masusuka kahit hindi naman.

"D-Doc..." Ang bigat ng talukap ng mata ko, hindi ko maigalaw hanggang dulo ng daliri ko. Nagpapanic ako pero ni hindi ako makaungol man lang.

"It's okay." Wala na akong nakikita pero rinig ko ang tunog ng yapak na papalapit. "You know? I think I need to give you higher dosages of your medicines."

Kung yon ang paraan para matapos na itong para akong napaparalyze, kailangan ngang ganon na nga ang gawin. Bahagya ko lang naimumulat ang mata ko pero blurred ang paningin ko.

"Mmmpp," sa wakas ay nakagawa rin ako ng tunog.

"I know what to do." Kasunod noon ay may naramdaman akong tumusok na kung ano sa braso ko. I think it's a syringe. "Trust me, stay still. Because I'm the only person you can trust aside from your family. And that guy you are talking about, he's doing some tricks that's triggering something on your brain so you'll feel familiarity even if there's really none."

Si Luck? Anong ginagawa nya at may ginagawa sya? Para saan?

"Don't think too much. You are not even in love with him." Naramdaman ko na naman ang syringe na tumusok sa kabilang braso ko and I somehow feel at ease right now. "You like the feeling he's giving to you, not him. You like the attention, you just like everyone liking you."

Naisip ko ang mga nangyari netong nakaraan and I agree. How foolish I am for thinking that I am inlove. Gusto ko lang ng atensyon. Kapag nasa iba ang pansin nya ay naiinis ako at nagseselos, hindi dahil gusto ko sya kundi dahil dapat nasaakin lang talaga ang atensyon nya.

I am his boss and I am an Enriquez. Dapat lang na sundin nya ako at pagtuunan ng buo nyang atensyon.

"Those familiarities? They're nothing. How can you feel that? You have a permanent amnesia."

Yes, that's too impossible. Pinaglalaruan lang siguro ko ng utak ko dahil stressed ko netong nakaraan dahil na rin sa pag-iisip ko tungkol sa 'feelings' ko towards Luck na wala naman pala talaga. Ngayong nalinawan na ako, gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"THANK GOD, YOU FINALLY ANSWERED!" Rinig ko maging relief sa pananalita ni Luck. It's already 3 pm at kalalabas ko lang mula sa office ni Dr. Philly, lumabas na rin ang results ng tests at binigyan nya ako ng mas mataas na dosage ng gamot ko.

"Hindi ako makakarating—"

"Wait, I think I saw you!"

"Huh?" Biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko at halos hindi ko namalayan ang paglabas ng aking secretary, binulsa nya ang phone sa suot na coat at lumapit.

"Are you okay?" Akmang yayakap saakin nang sumenyas ako na tumigil sya. "What happened?"

Ikaw, anong nangyari sayo?

Pawis na pawis at mukhang mas stress sya kesa saakin. "Oo naman. Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Boss, I searched you in every hospital —"

"Nagsabi naman ako sayo na baka lunch di ba? Medyo natagalan lang lumabas ang results kaya kaaalis ko lang din— oh, why am I even explaining?" Umirap ako at kita ko ang gulat sa muka nya.

"Baka hindi maayos ang pakiramdam mo, naisip ko lang na baka kailangan mo ng tulong sa kung anuman."

"I am perfectly fine. Especially now." Taas-noong sabi ko. "Tutal andito ka na, drive me home."

Hindi na sya umimik pero muka pa rin syang nag-aalala. Maybe it is the reason kung bakit nailagkamali ko ang nararamdaman ko sa pagmamahal. So funny, atensyon ang gusto ko, hindi pagmamahal nya. Mabuti nalang at nalinawan na ako ngayon.

Pinagbukas nya ako ng pinto saka sumakay sa driver's seat.

"But what exactly happened?" Ini-start nya ang sasakyan at napansin kong ito ang sasakyan na gamit nya mula noong una. Yung sinabi nya kahapon na hiram nya lang.

"Nahiram mo ulit?" Tukoy ko sa kotse at tumango sya na hindi lumilingon saakin. "Stress lang ako kaya nagconsult ako don sa doctor ko mula noon."

Hindi sya umimik, halatang hindi na alam ang sasabihin and I don't like it. I want him to talk. Gusto kong maramdaman na gusto nya akong kausapin.

Wala naman akong makitang magandang bagay dito sa kotse na 'to. Magpatugtog kaya ako ng music?

Sinubukan kong buksan ang radio pero pagplay ay napagtanto kong meron palang CD at bumungad ang hindi ko maintindihan na mga salita.

"Yeah, yeah, saranghae...

Mwol, mwol..."

Wala akong maintindihan na kahit ano pero alam kong korean song iyon. Never pa akong nanood at nakinig ng palabas at music ng korean dahil nang minsan na itatry ko sana, nahihilo ako kapag titingnan ko ang subtitle habang nanonood, di ko naman trip ang dubbed.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya. Nakakaloka ang kantang trip nya kung sakanya man nga itong nakasalang na CD. Hindi lang kasi halata. Pinatay ko nalang ulit yon saka sumandal habang naka-crossed arms.

"Can I ask you something?" Nilingon nya ako nang bahagya, tumango sya. "I mean, can we play something like question and answer? I am bored."

"S-su— ahm... Sure!"

Bakit nabubulol 'to?

"Ako unang magtatanong then ikaw. Ganon lang. You can ask everything and I can ask everything too. Pero kapag ayaw mong sagutin, pwedeng sabihin na 'next question' but you need to tell me the reason why don't you want to answer it. Got it?"

"Clear."

"Isa pa pala, isang beses ka lang pwedeng mag-pass."

"Okay."

Nag-isip ako. Ang totoo, wala naman talaga akong naiisip na tanong. Lalo namang hindi ako interesadong makilala sya nang mas malalim. Natotorete lang talaga ang utak ko sa katahimikan.

"What's the weirdest dream you've ever had when you're still a kid?"

"Being a pornstar." Walang pagdadalawang-isip nyang sagot, ni hindi na sya nag-isip pa o kumurap man lang.

"Are you being serious?" Walang gana ko syang tiningnan sa pag-aakalang nagbibiro sya pero nang tumango sya ay humagalpak ako ng tawa. "The heck, that's really weird."

"I agree." Tumawa rin sya nang mahina. "Okay, if you could travel to any year in a time machine, what year would you choose and why?"

Natigilan ako, masyadong marami akong gustong balikan lalo at wala akong maalala. "Year... 2006? I think I was already in highschool on that year. I want to know what I'm doing in school, am I doing great or just making fun of my teachers? Am I lazy to do my homeworks or always excited at reciting? Am I a man hater or does have many crushes?" Napaisip ako. Naalala kong matagal ko nang naiisip na kung sakaling meron man ngang time machine, babalik ako sa panahon na tingin ko ay masaya ako at syempre ay nakakaalala pa. But I cant. "My turn. What's the  most fun childhood memories you have"

"Noong kasama ko pa ang parents ko, I think I was 6 that time and we had a picnic together. Wala akong gaanong maalala sa pagkabata ko pero yun ang tunatak sa isip ko dahil iyon ang una at huling picnic naming magkakasama."

"Why?" Tutok na tutok ang atensyon ko sakanya habang sya ay para wala lang na nagkukwento.

"Because the day after that, mom left the house. Hindi ko pa alam ang nangyayari noon, 'yun pala ay nagkasundo na silang maghiwalay nang tuluyan. Kalaunan ay bumalik din naman sya, 'yun ay dahil gusto nya akong makasama."

"I am asking about the most fun childhood memories of yours. Not the most painful." Paglilinaw ko dahil tila baligtad ang sagot nya. Hindi ko rin ma gets kung saan ang pinakamasayang part don kung sakali.

"I know and that's my answer. Unang beses sa buhay ko na nakapasyal kami nang magkakasama at masaya bilang buong pamilya. Even though it's the last, I'm fine with it." Bahagya syang nakangiti at hindi ko alam ang sasabihin. He looks really happy while telling me that. "And it's not the worst."

Do I really want only his attention that's why I'm clinging into him? Or is it because I pity him? Parang gusto kong maawa sakanya pero wala naman akong makitang nakakaawa.

"Okay, what's your worst experience then?"

"It's my turn."

"Okay, fine, your t-turn." Binuksan ko ang bintana dahil pakiramdam ko ay nasusuffocate ako sa aircom. Pero ang sumalubong naman saakin ay polluted na hangin kaya sinara ko ulit iyon.

"What's your favorite movie to watch over and over again?"

I don't actually like watching movies because I prefer reading, but I remembered a movie I've watched when I was still on abroad. Pinanood ko iyon nang minsang dumalaw si Kuya Sandro, naaalala kong sya pa ang nagsabi saakin about sa movie at matagal na raw iyon.

"I really love the movie called 'WARM BODIES. You know, zombie Apocalypse, those weird dudes that looks like skeletal system and the love story of course."

Parang half-human, half-zombie ang lalaki roon at naaalala ko kung gaano ako kinilig at natawa noon sa male and female lead. Minsan ako manood ng movies and I prefer those with only light genre. Hindi ko kasi kinaya noong napanood ko ang A walk to remember na siyang recommended din ni Kuya Sandro.

"I can remember that." Inihinto nya ang kotse dahil red light. Medyo malayo pa kami sa bahay. Mas malayo kasi yung office ni Dr. Philly kesa sa company. "I love watching zombie movies and that movie is different from others because of... you know, the characters, the plot, the twist."

"And of course the actor is appealing! Kapag nanonood ako, tutok na tutok ako ron sa male lead kasi kahit ako siguro 'yung girl, kung ganon kagwapo ang zombie, go!"

"Really?" Tila hindi makapaniwalang aniya. Pinaandar ulit ang sasakyan dahil green light na.

"Uh-huh."

That was a lie though. Hindi porket gwapo at magaling e naaattract agad ako. Humahanga, pwede pa. Pero kung ako ang nasa movie? No. Una sa lahat, hinding-hindi ako magtitiwala sakanya malamang. Haller, zombie, iisipin kong t-in-ake out nya ako non para wala syang kahati sa pagkain saakin.

Pero kinikilig pa rin talaga ako sa kanila.

"Ako na." Nag-isip ako ng tatanong ko. Wala akong gaanong maisip. "If you could change one thing about yourself, what would it be?"

Doon sya labis na natigilan. Matagal syang hindi nagsalita, akala ko nga magpa-pass na sya. "I don't know. Maybe too possessiveness and jealousy? Hindi man ako ang tipo na hindi agad makikitang nagseselos, inside me, I'm already cursing and cussing nonstop."

Hmm that's interesting. Naalala kong sinabi nyang he likes me more, right? Nagseselos kaya sya sa iba? Pero wala akong maalala na nilalapitan ko pala.

I somehow want to see that. Naghahangad na naman ako. Masama ang mga iniisip ko at gusto ko but then again, Dr. Philly is right. Mapaghangad lang talaga ako nang sobra. Uhaw sa atensyon.

Nagpatuloy kami sa pagtatanong ng kung anu-ano na minsan e kahit hindi matinong sagot, okay lang. Hindi ko na namalayan na kung anu-ano na ang naitanong ko, mga bagay na hindi ganoon ka-personal dahil baka tanungin nya rin aki ng ganon. I don't like sharing personal infos.

"Who is your celebrity crush?"

"I don't have any." Masungit na sabi nya.

"Damot naman. Hindi pwede yan, it's too impossible."

"Wala nga. My attention is on the movie, not on those actresses." Tila may laman ang sinasabi nya, tipong nagpaparinig pero hindi ko alam kung para saan. "What's your biggest regret?"

"Not eating breakfast. Okay, what's the worst advice you've ever received?"

"My idiotic friend told me that if I want to start a conversation or to caught a woman's attention and make her talk to me, I must ask her what's her favorite number on electric fan. He said that it will make her laugh and at the same time, she'll be interested."

"Oh my God!" Tawang-tawa na naman ako nang maalala na tinanong nya saakin iyon. Kaibigan nya pala ang nag-advice sakanya non that's why I find it really weird. Hindi naman sya ang tipong makakaisip magtanong ng ganoon. "So you want to talk to me that bad, huh? You mean, you want to start a conversation but you don't know why?"

"I just tried it!" Mataas ang boses na aniya. Nang tingnan ko ay matalim ang tingin nya sa daan pero pulang-pula ang tenga nya. "I don't have the intention to say that but it just slipped!"

"Sabi mo eh." Inihinto nya ang sasakyan sa labas ng restaurant. Katamtaman lang ang laki noon at hindi masyadong matao, kita kasi mula sa labas ang loob. "What? Why?"

"Hindi ka pa nagbreakfast, right? Ito ang nag-iisang restaurant na hindi gaanong matao at simple lang. You prefer to eat in these kind of restaurants, right?"

Bumaba ako habang inaalala kung binanggit ko ba sakanya 'yon. Yung meryenda lang na kinain ko sa office ni Dr. Philly ang laman ng tyan ko at hapon na.

Magkasabay kaming pumasok at kaagad syang nag-order ng iba't-ibang putahe.

"Seriously, sinong bibitayin?" Nanlalaki ang mga mata kong pinanood ang mga nagseserve saamin ng mga pagkain. At kapag sinabi kong MGA, what I mean is suuupppeerrr daming pagkain talaga!

"We can eat these." Nakatulala pa rin ako sakanya. "What? Even you, alone, can eat all of these!" Tila siguradong-siguradong aniya pa.

Nanahimik ako at nagsimula nalang kumain. Appealing kasi ang hitsura ng mga pagkain at tuwing titingnan ko ay tila sila kumakaway saakin. Sakto, gutom pa naman talaga ako sa oras na 'to.

"So..." Tiningnan ko ang katapat ko habang ngumunguya pa rin ako. Wala pa halos bawas ang pagkain sa plato nya samantalang ako ay pangalawa na 'to. "What do you hate the most?"

Bumagal ang pagnguya ko. Ano nga bang kinaiinisan ko bukod sa gagamba? Bukod sa matataas na lugar? Masyadong marami para isa-isahin kong lahat kaya naman naisip ko nalang banggitin ang maaaring maging sagot ng lahat.

Uminom ako bago magsalita. "I hate liars." Tiningnan ko sya nang deretso sa mukha. "Even if they're doing it for good reasons, they're still lying."

"But what if... someone close to you is lying?" Nakatitig na rin sya saakin, tila hintay na hintay sa magiging sagot ko.

"Then, I'll cut ties with them. Cutting ties from liars is removing toxicity to your life. Wala akong gaanong itinuturing na malapit saakin bukod sa pamilya ko— dad ang Kuya Sandro. Kaya kung may 'ka-close' ko man bukod sa kanila na nagsisinungaling saakin ngayon, I won't mind leaving them lalo kung malaki ang kasinungalingang ginagawa nila."

"Bukod sa kanila?" Nangunot ang noo nya. Pansin ko ang pagbaba nya ng dalawang kamay nya na kanina ay nakapatong na sa mesa.

"Yep, because they're the only people I trust the most. Kung sakaling sila ang magsisinungaling, alam kong para saakin yon at hindi nila ako ikapapahamak."

Kita sa muka nya ang dismaya at lumbay. Why? Is he keeping a big secret to me? Hindi ko mapigilang maghinala lalo sa nakikita kong reaksyon sakanya. Is he lying to me about something? Or nagkataon lang ang lahat, tutal nagku-question and answer kami ngayon?

Tumikhim sya. "As you say so."

"What's your favorite thing about yourself?" Paglalayo sa kaninang topic na tanong ko. Nag-iiba na kasi ang atmosphere sa pagitan namin.

"Being not so transparent. Nagsisilbi saaking advantage na hindi alam ng marami kung anong nararamdaman ko at hindi halata saakin ang emosyon sa loob ko."

"Hindi ba? I know almost everytime when you're serious, happy or thinking deeply."

"How?"

Naalala ko netong mga nakaraan. Naisip ko lang ngayon na oo nga, kahit nakangiti sya, pansin ko kapag may iba syang iniisip. Kahit seryoso, alam ko kung kailan sya masaya. Minsan nga hindi ako makapaniwala na napapansin ko 'yon kaya ang ginagawa ko ay nag-iisip na mali lang ang palagay ko or imagination ko lang lahat 'yon.

Pero kung totoo man nga na alam ko, paano nga ba e madalas na expressionless sya.

"Because of your... eyes." Tama, his eyes, his dark green eyes.  Umiwas ako ng tingin saka uminom, kinalimutan na ang  masasarap na pagkain sa harapan ko. "What's the worst lie you ever told as a kid?"

Umayos sya ng upo saka uminom din ng tubig. Sinundan ko ng tingin bawat galaw nya kaya kita ko ang malungkot na ngiti na lumabas sa labi nya. "Sinabi ko sa parents ko na ayos lang saakin na maghiwalay sila at magkaroon ng bagong hiwalay na pamilya."

Halos makalimutan ko ang huminga. I already said it, I only like light genres when it comes to movies. Paano pa kapag ang pinag-uusapan ay totoong buhay?

I don't like him, I know. But imagining the little Luck telling to his parents that everything 's okay for him? Ang bigat sa dibdib. Why am I even imagining this? Fck.

Kinurap ko ang mga mata ko para pigilan ang luha ko na makulit at anumang oras ay gustong magbagsakan. Buti at nagsurvive ako bago sya tumingin ulit saakin. Wala na ang malungkot na ngiti nya, tunay na ngiti na ang naroon.

"What do you think about me?" Yun na yata ang pinakaawkward na tanong sa lahat. The most broad also. Anong ibig sabihin nya na tingin ko sakanya?

"Err, you're and efficient and effective secretary!"

Umirap sya saakin. At idagdag pa pala na ma-attitude sya. "Your turn to ask me."

"What's your biggest fear?" Mukang ang lungkot ng family nya noon. Ang lungkot ng childhood nya. Halatang marami na syang napagdaanan, kaya ano pa ba ang dapat nyang ikatakot?

Para sa taong tulad nya na ang dami nang napagdaanan na masasaklap ayon sa mga kwento nya kahit hindi man iyon deretsahan, meron pa bang bagay o pangyayari syang kinatatakutan?

Lumawak lalo ang ngiti nya. Hindi yung malawak na ngiting malungkot, hindi rin yung parang maluwag sa dibdib na ngiti ang ginawa nys, bagkus, yun ay ngiti na tila determinado. Halatang nag-aasam at umaasa.

"What I fear the most?"

Ikiniling nya nang bahagya ang ulo nya at deretsang itinitig saakin ang luntian nyang mata.

"Losing the same person I lost to the same peoples."