Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 27 - CHAPTER 25: Patient

Chapter 27 - CHAPTER 25: Patient

IT'S BEEN 2 DAYS. Wala na akong napapanaginipan ulit na kakaiba at hindi na rin sumasakit ang ulo ko. I don't also feel De Ja vu anymore at tingin ko naman ay ayos yon dahil wala akong gaanong iniisip na nakakapagpa-frustrate saakin.

But there's a problem right now. My secretary is absent. Nagsabi na pala sya kaninang 6 am palang via text na hindi sya makakapasok today dahil sa emergency. Hindi nya na sinabi kung anuman iyon basta paulit-ulit syang humingi ng sorry sa text nya. Yes, it's a problem dahil itong araw pa naman ang pinakabusy mula nang pamahalaan ko ang company dahil tambak ang folders. I think.

12 pm na pero parang hindi pa rin nababawasan ang mga nakapatong na folder sa table ko. Wala sa isip ko ang maglunch. Hindi ko kasi nabasa agad ang text message nya kaninang umaga kaya wala na rin akong gaanong pagkakataon na humanap ng kapalit nya kahit ngayong araw lang. Masyado na rin akong umasa na hindi ko need ng secretary sa araw-araw.

Minamadali na ng mga investors ang pagrereview ko ng plans nila dahil sa mga susunod na araw ay iintindihin naman daw ang anniversary ng kumpanya. Take note, kaninang 8 am lang nila ibinigay at sinabi saakin na need ko na talaga tapusin. Dumagdag pa ang pagcontact saakin ng mga nakilala namin noon sa business party na dinaluhan namin ni Luck.

Bakit ba bigla silang nagkasabay-sabay? Parang mababaliw na ako pero hindi pa rin pwede, wala akong oras para mastress dahil ang mga oras na ito mismo ay nakakastress na.

How funny. Noon ay ako ang sabi nang sabi kay Luck na magtake ng leave or mag absent hanggang sa maayos ang anumang pinoproblema nya noon pero ngayon ko narealize na baka alam nya rin na kung sakaling umalis muna sya ay masiraan ako ng bait. Partida, tinutulungan na ako nila Mr. Roniel kaso tambak pa rin talaga lahat.

Nabawasan na nga 'to. Sobrang husay naman pala kasi talaga ni Kesler, yung pinsan ni Luck at kambal ni Jester. Kaninang 8 am ay nagpunta sya sa office ko. Naiadvance nya na ang nakaschedule nyang gawin for the whole week. Wala daw gaanong bagong ginagawa so nabobored sya at humingin saakin ng gagawin. Yung mga ibang document ay pinacheck ko na sakanya at pinaggawa ko na rin sya ng review nya about doon.

Kung di ako nagkakamali, 8 ang folder na nasa kanya. Nanghihingi sya ng dagdag pero nahihiya ako.

Tama lang pala talaga na ihire sya kasi nang itanong ko kay Mr. Roniel si Kesler, ang sabi nya ay mahusay ito. Si Mr. Roniel kasi ang nagtetrain sakanya pero dahil sobrang dali daw nitong matuto at halos natututunan nya ang gawain mag-isa ay halos hindi na ito tinuturuan. Ang husay!

Ayoko naman iasa ang iba sa mga empleyado kahit pwedeng pwede ko namang ipagawa ang mga to sa kanila. Alam kong busy rin sila at hindi naman tama na sila lang ang ma-stress.

Hindi ko na dapat isipin anumang emergency ang dahilan ng secretary ko pero napapaisip talaga ako. Gaano kaya kalala iyon?

Inaabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa pa nang biglang may narinig akong tatlong katok.

"Come in." Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang food delivery man. "I didn't ordered anything."

"Ma'am, padala po ito ni Mr. Luck Bernales." Natigilan ako. "Eto ho." Iminuwestra ko ang mesa sa gilid saka nagpasalamat dahil sinabi niyang bayad na iyon.

Tumayo ako at nilapitan ang pagkain. Menudo, adobo, rice at sisig ang naroon. Balak ko sanang takpan ulit yon kaso ay kumulo ang tiyan ko. Wala e, hindi naman siguro masama ang kumain kahit busy, di ba?

"Talagang may pa-lunch pa, wala na nga syang sahod today, nanlibre pa." Ganon nya ba talaga ako kagusto? Baka naman inlove na sya saakin, tipong kahit walang-wala sya e ibibigay nya pa rin ang lahat.

Hindi bale, para hindi sys umasa na gusto ko rin sya, babayaran ko nalang tong pagkain sakanya. Dapat nya na ring idesregard ang sinabi ko noon na gusto ko sya dahil dala lang iyon ng pagiging gwapo nya.

Kumain ako at unang nguya palang at napapikit na ako sa sarap ng menudo. Wow, parang lutong bahay. Namimiss ko na ang bahay namin tuloy, halos umuuwi nalang ako para magpahinga. Wala na naman syempre akong naaabutan liban sa mga katulong. Mahigpit pa rin ang bilin ni dad na wag muna syang dalawin sa hospital kasi talagang maselan ang sakit nya.

I miss dad, pagkatapos na pagkatapos dito ay dederetso ako sakanya kahit pa magalit sya sa pagsuway ko. Binilisan ko ang pagkain para mapadali din sa pagbalik sa ginagawa ko.

Busog na busog ako at inaantok pero hindi talaga pwede kaya nagbasa nalang ulit ako ng folders.

Business proposals, plans, costs, expenses, anniversary...

Halos umikot ang paligid ko nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko alam kung dapat kong ituring na saviour yon o ano e.

"Hello?" Hindi ako nag-abalang tingnan ang screen dahil meron akong pinipirmahan.

"Ms. Jessdre Enriquez?"

"Yes, speaking."

"It's about your dad..." Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa sinabi ng doktor kaya tarantang-taranta ako habang kinukuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas. "Papunta na ako dyan."

Nagbilin ako sa ilang empleyado na nakasalubong ko na kapag may naghanap saakin ay mayroon akong pinuntahang emergency.

Hindi ako tumawag ng driver namin, pumara nalang bigla ako ng taxi at nagpahatid sa hospital. Para akong nakalutang sa pagkaaligaga. I want to know what happened and how it happened kaya dumeretso kaagad ako sa doktor.

"After lunch time, he's always walking outside." Iminuwestra nya ang labas ng bintana kung saan may mga pasyente na naglalakad-lakad. "It's okay as long as he's wearing face mask at may kasama sya na magdadala sakanya doon sa pamamagitan ng wheel chair."

Ayos lang daw iyon para kahit papaano ay na-e-exercise ni dad ang katawan nya na makakatulong para mapaghandaan nya ang operasyon. Pero kaninang afterlunch nga habang nakatambay sya sa labas, nag-CR lang sandali ang nagbabantay sakanya nang magkagulo dahil bigla daw itong inatake sa puso.

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin or kung tamang manisi. Ang problema pa, may nakakita daw kanina na nang umalis ang bantay ni dad, may kumausap sakanyang lalaki na pasyente rin. Pag-alis nito ay doon sya inatake.

"Wala po bang nakakita sa muka ng kausap ni dad? Or nakarinig ng pinag-usapan nila?"

"Nakatalikod daw ang lalaki ayon sa nag-iisang witness kaya hindi nya nakita pero matangkad daw at mukang maganda ang pangangatawan. Iyon lang ang naaalala nya."

"Wala bang CCTV sa gawi na yon, doc?"

"Nasa tagong bahagi ang daddy nyo, ms. at doon ho ang blindspot ng CCTV jan."

Sa huli, hindi ko nalaman ang dahilan at ayokong mag-settle down sa 'inatake sya sa puso.'

"H-Hija... anong ginagawa mo dito?" Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti kahit alam kong di yon makikita ni dad dahil sa suot kong facemask.

Hinawakan ko ang kamay nya at nalungkot ako dahil hindi ko maramdaman ang init non dahil sa gloves na suot ko. "What are you feeling, dad? Nahi-nahihirapan ka pa rin bang huminga?"

"I am completely fine lalo ngayon na nakita na kita."

"Ikaw tong ayaw magpapunta saakin." Napahikbi ako dahil awang-awa ako sakanya. Lalo syang pumayat mula nang huli kaming magkita pero kahit ganon ay bakas pa rin sa muka nya ang saya. "I miss you so much, dad. Si kuya palaging gumagala." Sumbong ko.

"Sus, ang bunso ko," ngumiti sya nang matamis. "Gagaling na rin ang poging daddy mo pero sa ngayon, kahit gusto kitang nakikita, hindi muna pwede dahil mas mahihirapan ako kapag nahawa kita."

"Bilisan nyo magpagaling ah?

Gusto ko syang yakapin pero pinapalayo nya ako. Sabi rin kanina ng doktor na bawal ang physical touch. Lalo tuloy akong naiiyak. "Ano bang nangyari sainyo? Sino yung kausap nyo daw bago kayo atakihin sa puso?"

"Iyakin ka pa rin, 28 ka na. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend e." Aniya, malayong-malayo sa tanong ko.

"Dad, what really happened?" Ulit ko pero hindi nya iyon sinagot, bagkus sinabi nyang gusto nya ng magpahinga.

Ganyang-ganyan sya kapag may itinatago. Ano pa bang kailangan nyang ilihim saakin? Yung lalaking nakausap nya, bakit hindi nya sabihin kung sino yon at ang naging usapan nila tutal iyon ang may kasalanan ng nangyari sakanya. Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit lagi ko ring hindi ma-contact si Kuya Sandro.

3 pm.

Babalik nalang siguro ako sa office. Itinataboy ako ni dad, alam kong bukod sa umiiwas sya sa nga tanong ko ay ayaw nya rin na mahawa ako ng anumang sakit. Mahina kasi ang resistensya ko at gaya ng palagi nyang sinasabi, maraming sakit ang nakukuha sa hospital.

Naglalakad ako sa hallway nang may batang bumangga saakin. Napaupo sya at biglang humikbi. Tulala rin kasi ako kaya hindi ko agad napansin. Isa pa, pa-cross ang daan.

Agad ko syang niyuko at tinulungang tumayo. "Sorry, pretty girl."

Hindi tumuloy ang pag-iyak nya at tumitig saakin.

Muka syang foreigner dahil sa berdeng kulay ng mga mata nya. Inosente ang nanlalaki nyang mata na nakatitig saakin. Matambok ang namumula nyang pisngi at mapula rin ang labi.

"I am really sorry, are you okay?"

"Hala!" Napakurap-kurap sya na tila gulat sa muka ko. Nagulat din ako kasi nagtatagalog pala sya. "I know you!"

"Really?" Ngumiti lang ako. "What is your name?"

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko gamit ang maliliit nyang kamay. "You're real!"

"Yes, I am."

"So I can have a complete fam now? Wow!" Natawa ako sa cute na reaksyon nya, talagang napapalakpak pa.

Pero nangunot ang noo ko nang marealize ang sinabi nya. Irereto pa ata ako sa tatay nya.

Pinangigilan kong haplusin ang pisngi nya, muka namang aliw na aliw sya sa ginawa ko. "Sorry again for what happened. I also need to go because I have something important to do. Bye!" Naglakad ako paalis pero kaagad akong napapitlag nang may humawak sa laylayan ng suot kong pants.

Nung lingunin ko ay nagulat ako nang makita ang batang nabanggs ko na ngayon ay nakakapit saakin at patuloy na umaagos ngayon ang luha.

"Hey, what's wrong?"

"It's been a long time." Humikbi sya at kumirot ang puso ko. "You just came back and now you're leaving again, mom?"

"Ahm.. Kid..." I don't know what exactly to do. Hawak-hawak nya pa rin ang tela ng pants ko at dahil sa pag-iyak nya ay pinagtitinginan kami ng ilang pasyente at nurse habang ako naman ay nakatulala lang. Hindi ko alam ang magiging sagot.

Obviously, inaakala ng bata na 'to ay ako ang nanay nyang matagal nang di nya nakakasama. Gusto kong umalis dahil marami pa akong gagawin pero paano? Walang kasama tong bata at hindi ko naman maiiwan to ng ganto lang.

"Hala! Pinaiyak mo!" Nagulat ako sa pamilyar na boses sa likod ko pero hindi ko yon magawang lingunin dahil nang lilingon sana ako ay lalong humigpit ang kapit ng bata. "Jess! What's up!"

Si Bernard pala. Nagpunta sya sa harapan ko. Hindi ko inakala na magkikita kami ulit dito mismo sa hospital, ang huling pagkikita namin ay doon sa party.

"I didn't do anything!" Tukoy ko sa bata na nasa harap ko. Lumuhod si Bernard sa harap ng bata na ni hindi sya tinapunan ng tingin. "Seriously, pretty, I'm not your mom."

Lalong lumakas ang ngawa nito. "Trina, stop it. Tinatakot mo sya." Pigil ni Bernard.

"Huy, hindi naman!" Saway ko kay Bernard. Kilala nya pala tong napakacute na bata na to. "Tahan kana." Hinimas-himas ko ang ulo nito at kaagad nyang niyakap ang binti ko. Paanong tatakutin ako netong bata e ang cute-cute neto?

"Trina, seriously?" Inaalis ni Bernard ang kapit ng bata saakin kaya umupo nalang ako para pantayan sya at dahil baka matumba na rin ako sa paghihilahan nila. "She is not your mom!"

Doon ako ulit tiningnan ng bata sa muka at puno ng pagdadalawang-isip na lumingon kay Bernard. "She looks exactly like..."

"Ang layo, magkahawig lang sila, okay? She's Ms. Jessdre, hala ka, single pa yan." Kaso hindi nakikinig ang bata sakanya.

Ngumiti ako. "Sorry, I think nagkakamali kalang. Tahan na, do you want ice cream?" Tumango ito pero sumesenyas si Bernard saakin. Kumikiling-kiling ang ulo na parang may nai-stiffneck na hindi maintindihan. "What?" Hindi say nagsasalita, patuloy sa pagtagi-tagilid ng ulo.

"Hindi talaga ikaw ang mommy ko?" Naniniguro pa nga, yes bebegirl kasi ni wala akong bebe paano kita magiging anak? "Uncle handsome, sure na yan? Hindi talaga?" Baling nya kay Bernard nang umiling-iling ako.

Mag-tito pala tong dalawa. Akala ko mag-ama. Naisip ko pang kaya blue mata ni Bernard at green dito sa bata ay dahil nagmana ito sa ina. Okay, wrong, buti nalang hindi ako chismosa.

//

"I like that flavor, miss!" Naiilang na ako. Mula nang makalabas kaming hospital hanggang makapunta dito sa ice cream parlor ay miss na ang tawag nya saakin. Tinuro nya ang nakadisplay na chocolate flavored ice cream, kasa-kasama namin si Bernard dahil nakapangako na ako at hindi ko maintindihan ang senyas nya.

"Here." Ibinigay ko ang ice cream na para sakanya, chocolate din ang flavor ng saakin at ang kay Beenard naman ay Ube-macapuno.

"Thank you so much, miss." Napakapormal, hindi ko alam kung bakit noong pinapakitaan nya ako ng makalunod pusong emosyon habang tinatawag na mommy ay naiilang ako. Ngayon naman na pormal na, mas lalong hindi ako mapakali.

"Just call me Ate Jess, wag nang miss."

"As you say so." Kumain na sya ng ice cream.

Aba't parang nagsusungit pa tong bata yata ah? Poker face sya habang kinakagat nya ang ice cream at nginunguya. Oo, as in kinakagat nya, ako ang nangingilo para sakanya at mukang mas nag-eenjoy pa ang tito nya sa kinakain nitong ice cream dahil kuntodo ngiti nito.

Ang bilis namang magbago ng batang to. Ang bata pa, ang lakas na ng mood swing.

"Anong ginagawa nyo sa hospital? May sakit ka?" Naalala kong itanong ang kanina ko pang naiisip. Pero hindi naman sya mukang pasyente, parang konti nalang kaya pa netong magbreakdance sa harapan ko.

"Hindi." Simpleng sagot nya, ewan tuloy kung totoo. "Wala rin yang sakit." Pigil jya kaagad nang ang bata naman ang tingnan ko. "May pasyente kasi kaming binabantayan mula kaninang umaga."

"Oh, eh bakit iniwan nyo?"

"Iniwan. Kami nga tinakasan, biglang nawala nakalingat lang kami saglit." Hindi na ako nag-usisa pa, napansin kong prang ayaw nya rin pag-usapan dahil nag-iiwas sya bigla ng tingin.

Marami pala tong laman na ice cream cup na to? Pakiramdam ko ay namamanhid na ang dila ko sa lamig. Cup ang ice cream namin habang kay Trina ay naka-cone. Tahimik sya habang si Bernard ay kwento nang kwento ngayon tungkol sa huli naming pagkikita which is sa party nga.

"Daming nanghihingi ng number mo saakin sa mga kakilala ko. May mga business din naman sila kaso baka masira lang buhay mo kasi mga abnong playboy e."

"Kung naintroduce mo man sila, hindi ko na sigurado matatandaan kasi ang daming tao tapos bandang huli mejo lasing na ako."

"Oo, pansin ko nga. Nung kumuha ako ng pagkain, naaalala mo? Pagbalik ko di na ulit kita nakita. Akala ko non nagtampo ka kasi hindi kita ipinagkuha ng shanghai." Biro nya naman.

Umalis nga ako non dahil hinanap ko si Luck tapos don nangyari ang pag-amin ko— sa naipagkamali kong feelings at pag-amin nya na gusto nya ako.

"Bagay na bagay suot mo non sayo talaga. Anong reaksyon nung secretary mo?"

"Thank you ulit sa dress ah?" Hindi ko pinansin ang tanong nya ukol sa reaskyon ni Luck. Ano namang kinalaman nun sakin? Ah, sabi nya nga pala gusto nya ako. Pero bakit tinatanong ni Bernard yon? Alam nya ba? Paano?

The last time I check hindi naman sila close at mukang badtrip ito sakanya.

"Hindi ko na nakita noong umalis ka."

"Ah, di na ako... n-nakapagpaalam." Pagsisinungaling ako. Paano, kahit sya ay hindi ko na nakita dahil nga na-knock out na ako sa kalasingan.

Ayoko nalang ishare sakanya dahil baka bigyan nya ng ibang meaning at hindi nga naman magandang tingnan kapag may nakaalam na nang malasing ako nang gabing iyon ay si Luck ang naghatid saakin— ang secretary ko— sa condo ng pinsan nyang si Jester.

"Mga anong oras kana umalis non?"

"Hehe, di ko tanda pero siguro magte-12." Muntik na akong mapangiwi nang ituloy ko ang kasinungalingan ko.

"Non palang mas nabuhay ang party. Ang aga mo palang umalis." Nag-aree nalang ako at hindi na umimik pa. "Naaalala mo pala yung mga nakausap natin na hindi marunong nagtagalog non? Yung pinagtripan mo?"

"Wala akong pinagtripan!" Sansala ko. Wala naman talaga, lasing man o hindi, imposible na may pagtripan ako.

"Wala daw, sabi mo nga, burikat means handsome." Ngingisi-ngisi pa sya, kaagad kong tinakpan ang tenga ni Trina, yung pamangkin ni Bernard na busy pa rin sa pagkagat ng ice cream. "Ikaw yon! Wala akong kinalaman."

Hindi man lang mag-ingat to sa mga sinasabi nya. May bata sa tabi namin.

"Sus, ikaw ah, lagot ka kapag nalaman non ibig sabihin nun."

"Ni hindi ko nga rin alam ibig sabihin non!" Umirap ako at tumawa sya saka sinenyasan akong lumapit. Nakaupo kasi kami sa parang mahabang bench dito sa harap ng store. "Ano?"

Patuloy syang sumenyas na lumapit ako, kung tama ang intindi ko sa senyas nya, meron syang gustong ibulong. Nilinga ko sandali si Trina at binitawan ang tenga nya. Busy pa rin talaga ang bata!

Umusog ako ng nang konti sa upuan papalapit sakanya. Inilapit nya ang muka nya sa tenga ko saka ibinulong ang ibig sabihin ng salitang sinasabi nya. Nanlaki ang mata ko.

"S-Seryoso? Yun ang ibig sabihin ng burik— buset ka!" Tinuktukan ko ang ulo nya.

Tatawa-tawa syang lumayo, nagpatuloy ako sa pagkain ng ice cream saka nilinga ang katabi kong bulinggit.

"How old are you?"

"I'm five. And you?" Nakatitig sya sa kinakain nyang ice cream.

"28," pinunasan ko ng tissue ang pisngi nya na merong dumi ng ice cream.

"Thanks." Aniya dahil sa ginawa ko. "By the way, my dad is 30. You're not my mom but you can be. Next time I'll introduce him to you. Bye." Parang robot na ni hindi ako tiningnan,  hinila nya si Bernard paalis.

"Jess, kapag nakita mo secretary mo, sabihin mo saakin ha? May atraso saakin yon!" Pahabol nya habang patalikod na naglalakad para makaharap saakin.

Kumaway ako pero hindi talaga ako pinansin ng batang babae. Natawa nalang ako nang matapilok si Bernard pero bigla akong napahinto.

Shemay, masyado akong nakalimot. Marami pa pala akong tatapusin sa office!