"OH SHIT!" irit ko nang makita na si Luck ang nakaupo sa swivel chair ko.
Five pm na at nag-uwian na ang marami sa empleyado, kabang-kaba ako habang nakakarinig ng kaluskos noong papalapit na ako sa office ko. Hindi naman kasi gaanong nakasarado ang pinto kaya rinig ko ang sa loob.
Akala ko ay magiging horror na pagpasok ko. Naglakas loob nalang talaga ako dahil ang dami ko pang dapat tapusin.
"Fuck. I almost had a heart attack." Halatang gulat din na aniya pero mahina ang boses. Bumalik sya sa ginagawa, nagtitipa sya sa laptop habang may folders na nakabukas sa harapan nya. Meron din doong nakahandang ballpen at merong sticky note na nakakabit sa ilang folder na naroon sa gilid nya.
Ako rin naman nagulat. Akalain ko bang sya pala ang naandito.
Ibinaba ko ang isang heels ko na hinubad ko, buti nalang pala at napigilan ko ang sarili ko na maibato ito sakanya. Sinuot ko ulit iyon.
"Bakit pumasok ka? Akala ko may emergency?"
Nagpatuloy sya sa pagtipa, deretso sa monitor ang tingin nya. "Nabanggit ni Kesler na maraming gagawin at bukas lahat ng dealine."
"Kaya ko naman lahat yan." Nakabawi na ako sa pagkagulat at lumapit na sa mesa. "Mukang importante ang nilalakad mo, go na! Matatapos ko yan this day, kaya nga mag-oovertime ako."
Deretso syang tumayo at kinuha pati laptop. "Umupo kana. Hindi mo matatapos mag-isa lahat ng to, boss." Ngumiti sya nang bahagya. "Tutulungan kita or bilang pambawi ko sa pagkawala ko ay ako na gagawa nito. You may go home now."
Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang nga folder sa bandang gilid ng mesa. Binuklat ko iyon at nakita kong may ilang mga nakalagay na note na sure akong sya ang may gawa. Medyo makapal na rin tong mga folder. "Kanina ka pa ba dito?"
"Not really. More than an hour ago?" Inginuso nya ang sofa at mesa sa gilid. "Can I work here?"
"S-Sige." Namamangha ko pa rin tiningnan ang mga nagawa nya na. "Wow, you're really smart, huh? Ang dami mong natapos."
"Most of them are obviously scams or made by competitors to stress you out so you don't need to worry too much. Inalis ko na ang mga 'yon kaya mas konti nalang ang gagawin ko."
Scam? Competitors? Woah, kulang pa talaga ang alam ko sa business at marami pa akong dapat matutunan. "But wait, paano mo nalaman lahat ng to? Wala ka naman background sa business managing ayon sa resume mo."
Nagkibit balikat lang sya saakin.
"I'll be done with all of that tomorrow so you can rest, boss."
"2 brains is better than one. Tapusin na natin 'to." Tumahimik na kaming dalawa. Kumuha ako ng folder sa harapan ko pati na rin ang laptop ko ay binuksan ko saka sinimulang trabahuhin ang mga iyon.
8 pm na at umorder ako ng pagkain pati na rin kape. Sandali lang kaming kumain at muli nang nagtrabaho.
After every 20 minutes sa harap ng laptop ay pinagpapahinga ko ang mata ko. Kinukurap-kurap ko ang mga ito o kaya naman ay ang mga pipirmahan ko nalang ang inaasikaso ko.
Nilingon ko ang kasama ko, tahimik lang sya at busy pa rin. Teka, bakit sobrang tahimik naman yata ng isang to?
Alam kong tahimik sya pero doble-doble naman ngayon.
"Lakasan ko ba ang aircon?" Tanong ko at hinawakan ang remote ng AC.
"W-Why? Naiinitan ka ba?" Tila kinakabahang tanong nya. Umiling ako. "Sure?" Tumango naman ako. "Okay, good, because I'm cold."
Aniya at iminuwestra saakin na giniginaw nga raw sya pero tumutulo naman ang pawis.
"Nilalamig ka?" Paniniguro ko at nang makitang mukang nagsasabi sya ng totoo ay imbes na lakasan, hininaan ko ang air-condition.
"Thanks."
Tinuloy ko na ang ginagawa ko pero maya't-maya ay sinusulyapan ko sya at nabobother ako kasi bukod sa mas lalo na syang pinagpapawisan ngayon ay inuubo na rin sya.
"Stop looking at me from time to time. You can take a nap, I am fine. Nilalamig lang talaga ako." Kahit hindi sumusulyap ay kahanga-hanga na alam nya ang ginagawa ko.
Lakas ng pakiramdam!
Hindi ko na sya tiningnan. Well, pinilit ko naman. Kaso ay napapatingin pa rin ako tuwing inuubo sya. Tsaka bakit bawal ba syang tingnan? Akala ko ba gusto nya ako? Bakit nagsusungit na naman sya?
Naalala ko tuloy bigla yung bata kanina, si Trina. Green eyes din yon tapos sinungitan din ako matapos malaman na hindi ako ang nanay nya. Kapag green eyes ba talaga, masusungit?
Nagfocus ako hanggang sa nang pagtingin ko sa wall clock, nagulat nalang ako na 11 pm na pala. Medyo konti nalang ang gagawin pero ngalay na ngalay na ang pwet ko sa pag-upo. Mabigat na rin ang talukap ng mata ko. Kumurap-kurap ako kaso hindi ko na kaya.
Dumukdok ako sandali paharap kay Luck na busy pa rin ngayon. "Wait lang, I'll just... take a nap." Sabi ko habang unti-unting sumasara ang aking mata.
"GOOD MORNING!" Bati saakin ng hindi ko nakikilalang gwardya. Ngumiti ako at bumati rin ng good morning sakanya.
Naglakad ako papasok sa malaking building at tumayo malapit sa mga receptionists.
"Good morning! As usual, masyado kayong maaga!" Anang babaeng dumaan, halatang empleyada siya. Hindi ko kilala pero ngumiti din ako.
"Alam mo naman..." Binitin ko ang sasabihin ko nang makitang papasok na sa entrance ang hinihintay ko. "Sige." Lumapit ako sa lalaki saka ubod nang laki na ngumiti.
"Stop smiling, will you?" Maaligasgas ang boses nya. Matigas at nakakatakot pero hindi ako huminto, lalo syang iniinis.
"Good morning!" Umismid sya. Alam kong umismid sya kahit hindi ko nakikita ang muka nya.
Pero bakit nga ba hindi ko nakikita? Bakit dumilim ang lahat? Paanong nakikita ko ang buong paligid pero sa muka ay lumalabo ang paningin ko?
Kinurap ko ang mga mata ko.
"Open the goddamn door." Hindi ko namalayan na nasa harap kami ng isang pintuan. Pinihit ko ang seradura at iminuwestra na pumasok sya pero sinenyasan nya akong ako ang pumasok.
Magtatanong sana ako pero bigla syang naglabas ng baril at itinutok sa ulo ko. Nahigit ko ang paghinga ko. "W—what are— are you... d-doing?"
Bumigat ang paghinga ko, nahirapan akong sumagap ng hangin sa kaba. "Jump." Tiningnan ko ang tinitingnan nya at nakita na imbes na kwarto, tila bangin pala ang nasa likod ng pinto na binuksan ko. "Jump or I'll kill you?"
Sa kaba dahil sa taas ng bangin, nalimutan ko ang baril na hanggang ngayon ay nakatutok saakin. "Don't do this... please..." Pagmamakaawa ko, tumulo ang luha ko pero hindi ko sya nakitaan ng awa. "Don't do this, Luck."
Wala akong mabasang emosyon sa berde nyang mga mata. "Why would I? You have anything. Bakit ako maaawa sayo?"
Hindi ko maalala kung paano kami napunta sa sitwasyon na to at hindi ko rin alam ang dahilan ng galit na nababasa ko ngayon sa berde nyang mga mata. Ang mata na noon ay halos saakin lang ngumingiti at gustong tumingin. Bakit ginugusto nya ako ngayon na patayin?
"Wala akong ginagawang masama sayo, alam mo yan!" Sigaw ko saka humagulgol. Nakatingin lang sya saakin, walang pakialam.
"Jump or I'll shoot you?" Matigas pa rin ang boses nya.
Umiling-iling ako.
"Then I've got no choice." May sumigid na kirot sa balikat ko. Umusok ang dulo ng hawak nyang baril, mala demonyo syang ngumiti saakin habang ako ay nadala sa pwersa at napaatras habang hawak ang dumudugo kong balikat. "You need to die."
Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting nahuhulog sa kawalan. Naramdaman ko ang malakas na hangin na tumatana sa palaglag kong katawan pero hindi ko maiwasang tingnan sya habang nakatingin pa rin saakin.
Nakasilip sya sa ibabaw ng bangin, may ngiti sa mga labi pero naaninag ko ang lungkot mula roon. Hindi ko inaasahan na sa huli, gugustuhin nya rin pala akong mawala. Pero mas hindi ko inasahan ang susunod nyang ginawa, tumalon din sya!
Minulat ko ang mga mata ko. Hinabol ko ang hininga ko, para akong inahon mula sa pagkalunod. Nagulat ako nang makita na malapit ang muka ko sa isang natutulog na tao.
Nakaupo si Luck sa visitor's chair na nasa harap ng mesa ko pero inilipat nya iyon ngayon sa tabi ko. Nakadukdok sya sa mesa paharap saakin.
Tinitigan ko sya na mahimbing na natutulog. Tumitig ako sa maamo nyang mukha. Natakot ako sa panaginip— bangungot ko pero hindi ko magawang isipin at hindi ko maiisip yon habang nakatingin sa maamo nyang mukha.
Hindi ako umalis sa pagkakadukdok. "You killed me in my dream..." Bulong ko, iniangat ko ang kamay ko at bahagyang hinaplos ang pisngi nya pero dampi lang iyon, masyadong nakakahipnotize ang itsura nya, nakakagigil dahil kitang kita ko lalo ang napakaperpektong muka nya sa paningin ko. "But you're making me feel alive in real life."
Inilapat ko ang dalawa kong daliri sa noo nya, sa kilay, t-in-race ko ang ilong nya saka hinaplos ang mapula nyang labi gamit ang aking hinlalaki.
Inilapat ko ang buong palad ko sa pisngi nya habang patuloy na hinahaplos ang labi nya, nakakabaliw. Bakit ko to ginagawa? Patuloy kong tinatanggi na hindi ko sya gusto pero bakit gusto ko tong gawin?
Nanlaki ang mata ko at napasigaw ako nang hawakan nya ang kamay ko, nanginginig ako at halos magwala ang tibok ng puso ko sa gulat.
Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko saka dinala iyon sa labi nya, bahagyang hinalikan. Halos magwala ang buong sistema ko, nakadukdok pa rin kaming dalawa kaya naman saktong pagmulat nya ng mata ay nagkatitigan kami.
"Thank you for staying." Bulong nya. Hindi ko alam ang sasabihin. "Thank you for not leaving this time." Hinalikan nya ulit ang kamay ko habang nakatitig saakin. Hindi ko sure kung humihinga pa ba ako dahil nakakalabas kaluluwa ang ginagawa nya.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero hinigit nya ako, gumulong ang upuan ko papalapit lalo nang yakapin nya ako nang mahigpit pero may napansin ako.
"You... you're hot!" Hinaplos ko ang noo nya para makasigurado at halos mapaso ako dahil sobrang init nga noon. "May sakit ka!" Umalis ako sa pagkakayakap nya at nakita kong dumukdok ulit sya sa mesa, nakapikit ulit ang mga mata.
Tumayo ako at tiningnan ang cellphone ko kung sinong pwedeng tawagan. It's already 2 in the morning. Mabuti at nakita kong online pa si Bernard sa kanyang social media account.
Ilang ring lang ay sinagot nya agad ang tawag. "I am so sorry for calling you. Can you please help me?"
"What happened?" Pinaliwanag ko sakanya ang nangyari at mabilis syang pumayag na tulungan ako.
Binaba ko ang cellphone at nag-aalalang tiningnan si Luck. Kinapa ko ulit ang noo nya at mas lalo syang naging mainit kaysa kanina.
"Don't worry, huh? Just wait a bit." Ninenerbyos na ako, mabuti nalang at hindi nagtagal, dumating si Bernard. Pinasan nya si Luck. Nabanggit nya kasi noon na nakatira sya sa malapit lang dito sa company.
"Makulit kasi tong secretary mo." Halatang naiinis na aniya, hindi pa rin siguro sila okay dahil lagi syang sinusungitan nito.
"I am so sorry again for bothering you." Gantong oras kasi, ang mga security guards ay lumilibot ngayon sa iba't-ibang bahagi sa paligid nitong building kaya lalo lang akong kakabahan kapag hinanap ko pa sila at iniwan si Luck.
"It's nothing. Okay nga na ako ang tinawagan mo tungkol sa gantong bagay." Magkatulong namin siyang ipinasok sa kotse ni Bernard. Naguilty ako dahil nagstretching pa sya pagkababa kay Luck, halatang nangalay kaso ay hindi naman ako makakapagdrive. Trauma.
Sa tabi ako ni Luck kaya sa likod ako pumwesto. Nakahiya man kay Bernard, nag-aalala naman ako. Pinatong ko ang ulo ni Luck sa balikat ko habang patuloy na hinahaplos ang ulo nya dahil parang nangangaligkig sya sa lamig. Ang kabilang kamay ko ay nasa likod nya at nakaalalay sa katawan nya.
Ngayon lang ba sya nagkasakit? Pero inuubo na sya kagabi. Kaya pala sinabi nyang nilalamig sya kahit pawis na pawis. Bakit hindi ko napansin. Akala ko rin, dahil nga sabi nyang nilalamig sya, normal lang na namumula ang muka nya.
May tinawagan si Bernard sandali habang nagdadrive at may ilang words akong naintindihan tulad ng stretcher, staff at hospital.
"Pinayagan ko pa syang magtrabaho." Napapikit ako sa inis sa sarili ko. Marami na syang nagawa bago ako dumating sa opisina. Tinulugan ko pa sya.
"Stop stressing yourself."
"But he's sick."
"It's still not you your fault." Mas binilisan ni Bernard ang pagpapatakbo, kinabahan ako doon pero mas kinakabahan ako sa katabi ko. "He's stress. It's also over fatigue."
"How did you know?"
"Well, he looks stress to me."
Iyon ang kung sakali man ay hindi ko napapansin dahil kapag magkasama kami, it's either magsusungit sya o ngingiti nang matamis. Madalas magsusungit tapos ngingiti or vice versa.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng hospital, gaya ng inaasahan ko ay may staffs doon na mayroong dalang stretcher. Tulong-tulong nilang inilipat doon ang inaapoy sa lagnat kong secretary at sumunod kami ni Bernard papasok.
"Salamat ulit nang marami, Bernard."
"No worries. What about you? Hindi ka pa ba uuwi? Don't worry about him, tatawag ako ng magbabantay sakanya."
"I am too worried—"
"If you are worried, then rest." Pansin ko na seryoso ang muka at tono ni Bernard habang nakatingin sa pinto kung saan ipinasok si Luck. "Nagtrabaho sya kahit may sakit, mababalewala yon kapag ikaw naman ang nagkasakit or kung hindi mo maaayos ang mga ginawa nyo magdamag." May punto s'ya. Sayang nga naman ang pinaghirapan namin kung hindi ko aayusin iyon.
"He'll be okay, right?"
"Oo naman! Sa sungit nyang yan, wala lang yang lagnat na yan." Bumalik sa pagiging playful ang tono ng pananalita nya. "Dito muna ako sandali habang hinihintay yung magbabantay sakanya."
"Salamat ulit. Alam kong paulit-ulit na but I owe you this time."
"You did great. Now, rest. Tinawagan ko ang kuya mo. Naghihintay sya sa harap netong hospital."
Natigilan ako at magtatanong sana ukol roon pero masyado na akong pagod. Nadrain ako hindi ng ginawa namin kundi dahil sa pag-aalala nang sobra.
Nagpaalam ako at lumabas. Nakita ko nga si Kuya Sandro sa tapat, nakasandal sa gilid ng kotse nya. Agad nya akong nakita kaya ngumiti sya habang kumakaway.
Pagod na ako pero hindi ko talaga mapigilan ang paggana ng mga tanong sa isip ko.
"Jess, are you okay? Let's go home." Inakbayan nya ako at inalalayan na sumakay sa kotse. Nang makasakay sya ay in-start nya agad iyon. "Don't pressure yourself too much. Failure is inevitable and I'm sure, that old man will still always be proud of you kahit pa—"
"Why are you angry at dad again?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko, alam ko ang dahilan bat sya galit mula noon. Pero hindi ko na maalala. Or more on, hindi malinaw saakin ang galit nya.
"You know it already." Pinilit nyang hindi ipahalata pero ramdan ko ang kaba at gulat sa boses nya.
"I don't know." Masyadong maraming nangyari kaya hindi ko na itinanong. Akala ko rin ay natural lang na nagkakagalit ang mag-ama. "I don't know the reason."
"We don't need to talk about it now. Just rest—"
"You know Luck, sinabi nya saakin na school mates kayo noon. But how did you know Bernard? Bakit galit na galit ka kay dad? Sinabi mong may nagawa syang masama noon, pero ano nga ba yon?"
"It's something you shouldn't know..."
"But why? I want to know. Bakit hindi ko pwedeng malaman?"
"Bernard Villafranca, he's also a school mate." Ngumiti sya sandali saakin saka tumingin sa daan. "About my anger towards dad... it's something that will make you angry too. But he needs us now. So I'm sorry that I can't tell you."
Hindi na ako nagtanong pa. Anong pwedeng gawin ni dad na ikagagalit ko rin? Anong ginawa nya noon?
Naduduwag akong alamin lalo. Siguro kung pipilitin ko, malalaman ko paunti-unti pero nakakatakot. Sadyang merong mga katotohanan na tempting alamin pero at the same time ay nakakaduwag.
"When the right time comes... I promise to tell it to you. Kapag kaya mo na. Kapag kaya ko na..." Tumango ako sakanya saka nagpasya nang magpahinga kahit sandali.
Mahirap lalong makatulog dahil nadagdagan ang iniisip ko.
"Sasabihin ko sayo kapag hindi naako naduduwag. Kapag kaya ko nang tanggapin ang galit mo."