"Beh!" Masigasig na bati ni Wena ngunit agad na tumigil ng mapansin ang dalwang babae na nasa lamesa. "Anyare dyan?" Turo nito kay Akira na para bang tamlay na tamlay.
"Edi ito, di nakapasok sa audition niya." Sagot ni Loraine habang busy magbasa sa kaniyang selpon.
"Shutang gala naman oh...Bat rejected?" Muni ni Akira habang ang mukha ay nakahiga sa lamesa.
"Wag ka nang magreklamo dyan, ah." iniabot ni Loraine ang pagkain kay Akira at kaniyang sinubo ito. "Sabi ko sayo wala rin yang kakarefresh mo ng email mo."
"Ikaw talaga may kasalanan nun." Iniangat ni Akora ang ulo at hinablot ang pagkain kay Loraine. "Ginayuma mo ko noh? Sinumpa mo ko na di ako makakapasok!"
"T*nga mo talaga." Binatukan ni Loraine ang pinsan at kinuha pabalik ang pagkain.
"Walanja to, lagi ka na lang nangbabatok!"
Dumating sina Dana at Nica tila ang saya ng diwa. Umupo sila sa tabi ni Wrna at biglang nagsitawanan.
"Eto na naman tong dalawa na toh." Pagmumungkahi ni Loraine.
"Ano kasi—"Sabi ni Nica habang pinipigil ang kaniyang tawa. "Diba, kanina pumunta kami sa court.."
"Oh tapos?"
"...Tapos sila Gav nagabbasketball. Wag ka, nagkatitigan kami nung dumaan ako dun, AHAHAHAHAHAHA." Humiyaw ng malakas si Nica na siyang kumuha ng atensyon ng maraming estudyanteng naglalakad.
"Ang ingay mo kahit kailan." Sambit ni Akira na nakisabay sa tawanan. Ilang segundo ay silang lima ay sama-samang nagsitawanan."Wala na, ang saya ko na." Reklamo nito.
"At least di ka nagluluksa dyan na parang nakipagbreak ka eh wala ka namang jowa." Sagot ni Wena na di makatigil sa kakatawa. Bigla namang napatigil si Akira sa pagtatawa at nanahimik.
"Wag ka mabad mood. Totoo naman kase." —Loraine
"Mas nababadmood ako, Raine."
*************
"Tumayo ka na dyan, ililibre ka na nga ih."
"Baka mamaya humingi ka ng bayad, ayoko na."
"Sabi mo eh, edi wag. Ako na lang bibili. Kuya isa ng—"
"Dalawa!" Agad kong pagpigil kay Loraine. "Kuya, dalawang shawarma. Regular."
Kakatapos lang ng klase at niyaya ako ni Loraine na kumain ng shawarma sa baba dahil daw dinadamay ko siya sa pagkabad mood. Okay na yun, sabay sabay tayong malungkot. Swerte din naman kasi wala akong pera dito, kahit manghingi siya wala siyang makukuha.
"Anyare?" Biglang tanong niya habang nag-iintay.
"San?"
"Wag ka magpanggap." Panimula niya. "Hindi lang naman yang audition yung problema mo. Hindi ka sinupot no?"
"Manghuhula ka ba?" Pagkamangha ko. Shuta, mind-reader pala tong si Loraine. Sana lahat may pawers. Charot lang, pero wow ah!
"G*ga toh, kakasabi mo lang sakin kahapon. Sabi mo pa nga magkikita kayo tas ano? Ako tong kasama mo." Ay oo nga pala. Kinuwento ko pala sa kaniya yung ka M.U. ko. G*go din naman yun, chinat ba naman ako pagtapos nung last subject. Di daw siya makakarating kasi may homework, ul*l kakakita ko lang sa kaniya sa computer shop ang lakas ng boses. Anong homework, homework? T*ng*na niya!
"Easy to get ka kase."
"Hindi kaya. Masama bang umasa na dumating?"
"Hindi, pero wag kang masyadong piling. Tatlong araw pa lang kayo magkachat, tas nagyayaya siyang magkita na agad."
Bago pa ako makasagot ay biglang dumaitng na ang order namin. Nagpatuloy ang usapan namin habang kumakain. Nagtagal din kami ng ilang minuto doon bago naglakad pauwi. Habang naglalakad ay nagkukuwenthuan kami tungkol sa mga pinaggagawa namin kanina. Malaman ko lang na tong si Dana at Nica nanlibre dun kayla Gav ng lunch. Hindi ako nakasama at dahil hinila ako ng kaklase ko at nagchikahan lang kami buong break.
Habang naglalakd ay nahagip ng atnesyon ko ang isang flyer na nakalagay sa poste.
[Altum Prime Entertainment: AUDITION TRYOUT]
Naramdaman ko si Loraine sa likod ko na nakitingin sa flyer.
"Bawi ka na lang next life."
"Walanja ka talaga."
Nang makauwi na kami ay agad kaming winelkam ng utos nila ate. Shuta naman, kakauwi lang, saing agad? Mamaya pa naman kakain ah.
Pumunta muna ako sa kwarto at nagpalit ng damit bago bumaba sa kusina at nagsaing na. Bat kasi lagi ako, yung isa dun panay k-drama lang naman?
Bumalik na ako sa kwarto at nanood sa tiktok. Katamad magpost ng video, katamad gumawa ng homework. Wag na lang mag-aral HAHAHAHAHA. Habang nililipat ko ang clip ay may dumaan sa akin na isang babaeng nagcocover ng kanta.
[...More than the movies that make me tear up
even Harry and Sally, Noah ang Allie have nothing on us...]
Inilapag ko sa kama ang selpon ko habang paulit-ulit na pinakinggan ang kanta. Marahan ang bawat tonong ibinigigay ng kanta. Ang sarap matulog kaso kakain na kami. Hindi pa naman ako pwede kumain ng mga 10 o 11 kasi maiingayan sila ate. Edi napagalitan ako diba?
Pano kaya kung magcover na lang ako? Eh.
..."LORAINE!!"
***************
"Thank you everyone. See you tomorrow." Pagtatapos ni Beatrice sa meeting. Nang makalabas na ang lahat ay umupo sa upuan ang babae at bumuntong hininga. Tulad nga ng napahayag ni Sam, walang nagbago sa progress. Halos ganoon pa din ang resulta ng isang linggong pagcocover ng mga kanta.
Lalong sumakit ang ulo nito sa nangyayari. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok si Jasmin na dala ang kanyang keyboard.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Beatrice.
"Pauwi si papa. Tutulungan ko pa si mama magluto." Paalam nito habang minamasdam ang manager. "Pwede ka naman kasing mag day-off, di naman masama."
"Pano kayo? Edi sabihin nilang pinabayaan ko kayo edi lalo tayong napag-usapan."
Umupo sa tabi ni Beatrice si Jasmin at inayos ang mga papeles na nakakalat. "Araw-Araw ka na din kasing nandito, minemessage na nga ako ni Rhian. Kung kailan ka daw uuwi."
"Tinatawagan nga rin ako ni mama. Nagrereklamo kasi hindi ko daw siya sinasabihan kung anong oras uuwi." Ani ni Beatrice habang tunatawa.
"Kaya nga sabi ko sayo mag day-off ka muna. Pati si ate Em sinasabihan ka na din tungkol niyan, ayaw mo daw makinig."
Nangalumbaba si Beatrice na nagpipirma habang si Jasmin ay nasa slepon nito, tila iniintay ang sagot ng katabi. Sa kaniyang pakikinig sa mga kanta, may napadaang isang video na kumuha ng atensyon ng isa.
[I've been tryna manifest and speak my happiness into existence
Who am I kidding?]
Akmang napatigil si Beatrice sa pagsusulat ang lumingon sa katabi, pinapakinggang mabuti ang kanta.
[Meditating everyday but journaling and burning sage don't fix it
Something's still missing...]
Lumapit si Beatrice kay Jasmin at nagpatuloy sa pakikinig.
[What if self help doesn't help my self esteem
Going through hell tryna fix the worst of me
Sometimes I feel like I'll feel this forever
Scared half to death it'll never get better for me
This is me, but...]
Nang matapos ang video ay tuluyang nanahimik ang kwarto. Tumingin kay Jasmin si Beatrice at nagmungkahi. "Ano sa tingin mo?"
"Maganda naman..." Sagot ng dalaga. "Sa tingin ko maayos sila kaso yung isa parang pinipilit yung boses, kung siguro pinili niyang kanta yung para sa boses niya. Yung isa naman kulang sa lakas. Bagay sa kanya yung kanta kaso hindi pa sya ganun kaconfident sa pagkanta. Parang baguhan pa lang."
Inulit muli ni Beatrice and video bago ibinalik and selpon kay Jasmin.
****************
"Ugh, sa wakas!" Malakas kong banggit matapos makapaghugas ng pinggan. Kanina pa ako inaantok, muntik na ata ako matatulog habang naghuhugas.
Pero at least nawala ang pokus ko dun sa audition...Charot lang, hindi pa rin talaga ako makamove on.
Bat ba naman kasi nireject, nakakainis tuloy. Sayang yung isang linggo ko kakaintay tas wala lang. Na bad mood tuloy ako ng tatlong araw.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago humiga sa kama. Sa school ko na lang gagawin yung sa math. Paturo ako kay Dianne. Syempre bago matulog, ako muna ay nag scroll scroll sa tiktok na parang hindi ako aabot ng 2 am kakanood.
Ayoko nang tawagan si Loraine dahil alam kong nagbabasa pa yun ng comic niya o kung ano uling tawag dun. Si Alex tulog na siguro dahil nakapatay na ang wifi nila. Si ate ayun, busy sa kung ano mang trip niya sa buhay.
Nakipagchat muna ako kay Dianne patungkol doon sa activity sa math. Tulad nga ng sinabi ko kanina, tuturuan niya daw ako bukas kaya kailangan ko nang matulog ng maaga. 1 na at patuloy pa rin ang pakikipagchat ko sa kaniya. Pero di ako makatulog, piste!
Kaya nagshared post na lang ako ng nag shared post. Ilang minuto ay nakatanggap ako ng chat galing kay Loraine.
[Loraine:
Matulog ka na g*ga! Puro ka share dyan.]
[Akira:
Matulog ka na din, walanja ka!]
[Loraine:
Mamaya, nasa last chapter na ako.]
[Loraine:
Wala ka namang kachat kaya matulog ka na.]
[Akira:
Potek ka. pangit mo kabonding.]
Tanging tawa na lang ang huling mensahe nito bago nawala. Nagbabasa na uli to. Obvious naman. Pero di ako makikinig sa kaniya noh. Patuloy ako na nagshare post. Ano sya, gold? Baka nakakalimutan niya, mas matanda ako.
Nagpatuloy na nga ako hanggang umabot na ako ng 2 ng umaga. Diba sabi ko na. Walanja ka, Akira! Sabing matutulog na, kanina pa.
Pinatay ko na ang selpon ay inilapag ito sa desk na katabi lang ng kama ko. Isinara ko na din ang ilaw bago bumalik sa kama at matulog. Sa oras na ang mata ko ay papikit na ay bigla ba namang tumunog ang selpon ko. Awit kayo, matutulog na nga ako!
Nakalimutan ko palang isara ang wifi kaya nagnonotif. Binuksan ko ang cp ko at may nakitang nagmessage sa akin.
"Sinong na namang nagmemessa—" Imbis na ako ay magreklamo, agad akong napaupo ng mabasa ang mensahe ng nagtext.
[Good Morning Ms. Akira Santos,
This is Tiocrus Entertainment. We would be happy to request if you would like to have an audition with us.]
-AR PHANTOM