...Weh? Di nga?
Shuta nanaginip pa ata ako ah, Hahahahahahahaha---
Agad namang tumunog ang selpon ko at lbas amg pangalan ni ate Emily.
[Beh, magaling ka na ba? May meeting kase tayo mamayang 7. Pinapatawag ng director lahat mg members ng banda para sa meeting. Chat ko na rin si Loraine, hane?]
...Wala. Ordinaryong meeting lang toh. Magmemeeting kami kasi may pag uusapan pa kami tungkol doon sa pag re-recording. Normal lng toh, HAHAHHAHA—
[Kita mo na? Tandaan mo ah, 7. Tinatamad akong sunduin ka kaya mangunguna na ako] -Mensahe ni Loraine.
[Wag ka na magoverthink dyan, I'm sure nakita mo na naman. Deny ka pa malala dyan.]
*****************
"I'm sure na nakita na naman ninyo ang resulta. Congratulations, the song has reached 12, 000 streams." Ani ng direktor sabay palakpak kasama ng iba pang mga tao na nasa tapat namin. Sila ata yung mga board member or something.
"I was quite skeptical about adding the both of you in the band but I guess I was wrong. Beatrice was very lucky to find the two of you." Sobra na makaenglish boss, wala na ako maintindihan sa sinasabi niyo.
"So, for the other announcements, band, this is Mr. Charles Aranda. He is the owner of the Hari Randa Bistro. If you know yung resto kung saan may nag gi-gig na mga banda, then that is his restaurant."
Napuntahan na namin yon ng kaklase ko. Natandaan ko nung kumain kami doon, may kumakanta ng gwapo tas shaks! Ang ganda ng boses bhiii! Type ko gag*. Syempre nagkunwari akong vinividyohan yung banda nila. Di nya alam, sya lng pinipicturan ko.
Magpapakatotoo na ako, kesa naman abihan niyo pa akong plastik. Mas plastik kayo!
"Mr. Greyson has been a friend of mine for a very long time. Actually, ang first gig ng EliXir ay sa bistro ko. Nirecommend nya yung banda kasi naghahanap din ako ng pwedeng kumanta that time. I listened to their songs and then I approved it. I am very thankful din sa banda kasi nagboom ang resto with ther prescence. Sunod sunod na din ang mga nagrequest for gigs and then lumaki na ang pangalan all around the city."
"Dapat nga po kami na ang nagt-thank you." Sambit ni ate Bea. "Naging successful ang debut ng banda with you help."
"It was nothing. Eager din namana kong subaybayan bawat comeback niyo. Yung bagong release, I love it so much!" Puri niya sa amin. Nakakahiya ah pero nakakasaya ng feeling.
"It was the new members who came up with that song. By the way, This is Akira Santos and Loraine Fajardo." Binati naman namin ni Loraine si Sir Charles at nakipagkamayan sa kaniya.
"I love the song, truly. How did you two come up with it?"
"Ah, Ano po...naghumming-humming lng po ako sa bahay tas po yung tono na naisip ko pinarinig ko po kay Loraine. Sya na po yung umisip nung lyrics." Pageexplain ko habang si Loraine ay tumatango na lang. Ang ganda ng ambag mo beh, pramis.
Nagpatuloy ang usapan ng mga ilang minuto bago matapos ang aming usapan.
"I have to get going now. Mukhang may dumating na guest sa resto ang I have to be there ASAP. I'll be seeing all of you kapag nabigay ko na ang schedule. Congratulations again EliXir."
"Thank you po." Banggit ni ate Em bago makalabas ng room ang bisita. Hay sa wakas, kanina pa tlga ako kinakabahan. Parang tinatawag na ako ng inang kalikasan sa kaba.
"I think we understand what we're going to do. I will be giving Beatrice the schedule once na maibigay na sa akin toh. As for now, I would like you guys to practice the songs because hindi lng ito ang kakantahin ninyo. As far as I know it, The performance will consist of about 5 songs. One from the band and 4 from the customer's requests. After that, next band naman. Our band will perform for 4 weeks as our agreement says, hindi ko lng alam kung kailan kayo magsisimula."
Nang matapos ang meeting, agad naman kaming niyaya ng iba sa isang kainan malapit lng sa building. Nagmessage na din si Loraine sa kuya niya incase na maghanap. Alam niyo naman, mas magkapatid pa sila ng panganay namin.
Habang iniintay ang order ay sari-sarili kaming nagcecellphone kase why not?
Kanina pa kami sa building usap ng usap tas usap na naman dito? Kapagod kaya, sayang laway ko.
Habang busy kakafacebook, napansin kong kanina pa may tinatawagan si ate Jasmin. May problema kaya or something? Umeeksena na naman ang pagkamarites ko hamal.
"Hindi na naman sumasagot?" Paglapit ni Ate Em sa kaniya.
"...Kanina ko pa sya tinatry wala talaga."
"Hayaan mo na muna, uuwi din naman yan."
"Minsan hindi nga ih. Si mama din di sinasagot." Ayoko talaga maging chismosa pero nakacurious yung usapan.
Sa pagkakaalam ko nangyari na din tong eksena na toh. Hindi ko lng maalala kung kailan ba. Tintry pang tawagan muli ni ate Jasmin ang tinatawagan ngunit palpak. Matapos ng ilang saglit, dumating na ang order namin. Luh panira, nakikichismis eh.
At dahil natapos na kami kumain, malamang umuwi na kami. Sa susunod na lng ako chichismis, pag napag-usapan na lng nila uli. Hehehe...
********
"Luh bhi narinig ko yung kanta niyo! Ang ganda super!" Pagpupuri ni Dana habang si Nica naman ay pinapakinggan yung kanta.
"Syempre naman. Ganun talaga pag magaganda!" Agad naman akong nakatanggap ng batok mula sa likod kaya naman nabitawan ko yung kinakain ko.
"Gag* ka talaga Loraine!"
"Ikaw tong gag*. Anong konek ng mukha mo sa kanta?"
"Wala...Pero wala kang pake dun."
"Eh bat si Loraine di kumanta? Diba kasali ka din dito?" Tanong ni Wena habang nakikinuod kay Nica. Busy kasi yung cp sa jowa kaya di magamit. Hay naku, pano tataas stream nyan?
"Ayaw niya, ewan ko ba dito."
"Apat na kayong kakanta tapos idadagdag pa ko? Okay na yun ang rami na."
"Sa kpop naman lahat ng member kumakanta ah. Dapat sa next comeback niyo kakanta ka na din." Pag-aya ni Nica matapos kalikutin ang selpon.
"Hindi ako kpop idol. Saka banda naman toh, hindi naman lahat kumakanta. Basta ayoko."
At dahil hindi mapilit ang chaka, edi hinayaan na lang. Edi wag kung ayaw niya, ako na lng.
Ilang saglit ay biglang may nakiupo sa upuan namin. Napatingin ako sa katabi ko at nakit ko si Gavin na nanganain ng pagkain ko.
"Shalala ka! Magnanakaw!" Galit kong sambit sabay agaw ng pagkain palayo sa kanya.
"Eto ang damot, nakikihingi lng eh." Sabi ni Gavin.
"Hihingi ka dyan! Di ka nga nagpaalam!"
"Edi paalam. Pahingi na andamot talaga nito." Sabay akmang pag-agaw sa pagkain ko pero mabilis ako. Kunin mo na lahat wag lang tong pagkain na toh!
"Nilalabas kasi yung pagkamagnakaw, yan tuloy." Asar ni Nica at humingi sa akin ng pagkain.
"Nahiya naman ako sa kumuha nung chocolate ko. Sabi ko pahawak pagbalik ko wrapper na lng."
"Hoy wala kang sinabi! Bigla ka na lang nag-aabot dyan!"
Hindi na ako nakinig sa awayan nito kasi mamaya magkakabati din. So eto na nga ang chika: Etong si Gavin yung sinasabing crush ni Nica. Eto yung laging sinusubaybayan sa court na kala mo girlfriend. Alam naman ni Gavin na crush siya nito kaso wala lang sa kanya. Sge lang amp.
Pero seryoso, kung ako sayo Nica, lipat na ako. Ayaw pumatol eh, wag na magsayang ng oras. Based on my experience, walang iiral sa kakashared post mo. Uso move on bhe, gayahin mo ko.
Nang matapos ang pasok namin ay dumeretso na kami sa building para magpractice ng kakantahin sa gig. Nakakaexcite so much gusto kong magLBM.
"Good evening." Bati ni Ate Sam pagkapasok namin ng recording room. Siya lang ang nag-iisa sa room kaya medyo napataka ako.
"Good eve. Ikaw lang mag-isa?"
"Kakataring lang din namin ni Jasmin. Nandun sila sa may cafeteria." Nang maayos na namin ang aming sarili saka naman dumating ang iba galing sa cafeteria. Shalala si Kuya Leo, may dalang plato. Ang raming dala tas siya lang kakain, ang galing diba?
Matapos ng uting pag-uusap ay nagsimula na din kaming kumanta. Nagtry din kami ng mga random na kanta para pag kunware request samin. Sabi naman ni ate Em pwedeng gamiting yung cp para magsearch ng lyrics kaya medyo nawala kaba ko. Kala ko kailangan memorize na memorize, pano pag di alam yung kanta?
[...I could tell you were lonely too
One look and then it all began for you and me,
The moment that we touched I knew that there would be
Two less lonely people in the world and it's gonna be fine,
Out of all the people in the world, I just can't believe you're mine
In my life when everything was wrong, something finally wen--]
Biglang napatigil ang kanta namin ng biglang may pumasok sa recording room. Nung una, inakala ko si Ate Bea lang pero nagkakamali ako.
Lalake ang pumasok sa room na may hawak na bag.
Tiningnan ko ang iba at napansin kong may halong gulat ang mukha nila nang makita nila ang lalake. Ano meron? Kakilalang balikbayan ba ito at gulat na gulat sila? I mean, mukha namang galing ibang bansa shuta bhe na orl.
Nagkatitigan naman kami ni Loraine at kami na lang nag-bulungan.
"Shuta sino yan?" Tanong ko sa kanya.
"Malay ko ba. Ngayon ko lang nakita yan." Bulong ni Loraine pabalik.
"...Jake, welcome back." Agad na bati ni ate Em at ibinaba ang gitara.
Wait! WEYT! Pakiexplain muna ah! Shalala kayo na O-OP ako!
-AR PHANTOM