Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 12 - CHAPTER 11

Chapter 12 - CHAPTER 11

"Ah so kaya mo sinipa? lagot ka, pano kung di na yon gumaling?"

"G*ga ka! Hindi yun yung sinipa ko! Yung hita lang!"

"Wala naman akong sinabi ah, ikaw nag-isip nun. Wag mo ko idamay sa pagkagreen-minded mo." Hindi na ako nakasagot at tinalikuran siya. Naku naku Loraine, nabibwiset ako, wag ka na dumagdag.

"Mas bata pa naman yun sayo, child ab*ser ka." tignan mo, umulit pa.

"Anong mas bata?" Agad naman akong lumingon sa kaniya. Naku baka nagjojoke na naman toh. Nagmukha tuloy akong uto-uto.

"Tinanong ko kahapon. Pareho kayo ng birth month kaso mas matanda ka ng ilang araw."

Bago pa ako makareact ay tinawag na kami ni ate Em. "Loraine, Akira, tara na."

**************

This is it. Eto na.

"Nadala na ba lahat? Yung mga instruments? Make sure na nasa loob na lahat pati yung mga ibang gamit." Masigasig na nagsusuri si ate Bea habang kami nila ate Jasmin ay naka upo sa may bench.

Paalis na kami papunta sa resto para sa aming first gig, kami lang pala ni Loraine. Medyo kinakabahan na din ako kasi for the first time, makakanta na namin ng  live ang bagong kanta! Pero mas umiira lyung excitement ko. I can't wait na talaga!!

Pumasok na kami isa-isa sa van at sabay paandar ng makina. Owemji talaga! Di ako makatulog kagabi sa sobrang kabog ng dibdib ko kaya medyo puyat ako. Umidlip muna akong saglit bago maramdaman ang kamay na kanina pa humahampas sa braso ko.

"Huy, andito na." Sabi ni loraine at iniwanan ako sa loob. Uminat-inat muna ako bago matauhan sa sinabi niya. Hala, agad agad!?

Mabilis akong bumaba ng van at nakitang nandito na nga kami.

'Hari Randa Bistro'

...Natatae ko y*awa.

Inayos na namin ang mga gamit dahi hindi pa naman agad agad na kakanta kami, ano pagpasok namin kakanta agad? Hindi toh caroling, huy!

Maya maya pa naman kami mags-start dahi napaaga din ang dating namin. Mga 6 pm din kami dumating at 7 pa bago magsimula, hindi lang din kasi kami yung magg-gig. Bale by schedule pala dito sa resto, kaya siguro ang dami ding tao. Kabado bente na dis!

7-9 pm ang kantahan namin, medyo mataga din pero its alright,hindi naman ako nagrereklamo. Para din toh sa free food. Nang malaman ko yun, ginanahan talaga ako magpractice kaya umayos ka, Akira.

Kumain na kami ng miryenda bago matapos ang bandang nagpapatugtog.

At eto na, kami na ang magpeperform.

"Good evening everyone, we are EliXir." Pagbati ni ate Em sa mga manonood. "Before we take song requests, we would like everyone first to listen to our new song, Dalawang Pagitan."

Sa udyat niya ay agad na tumugtog ang mga istrumento. Napahawak akong mabuti sa mikropono habang sinusubukang pawalain ang kaba.

[Song: Dalawang Pagitan-EliXir

Manahimik ka na, ayokong sabihin

Ang nararamdaman ng puso

Itatago na lang sa aking sarili

Hahayaan itong mawala

Oh tadhana, ka'y kumalma

Hindi ko kailangang magmadali

Hayaan mo 'tong tumagal

Kasi ako din naman ay nangangamba

Bakit nga ba ika'y napansin?

Ngayo'y ang isip ko'y punung-puno mo

Parang isang panaginip na ayaw mawala sa isip ko

Ano ba ang meron?

Dalawang Pagitan, tatlong saIita

Tadhana matutong makinig

Kasi ako ay nalilito

Sino nga ba ang susundan,

Ang kaliwa o kanan?

Hirap akong magdesisyon

Gulung-gulo ang utak ko

Sana ay matapos na

ng aking masabi ang nararamdaman

Bakit nga ba ikaw ang nais?

Ngayon ako ay baliw na baliw

Uniindak sa bawat titig 

Basta ikaw ang kapiling

Ano ba ang meron?

Dalawang Pagitan, tatlong salita

Dalawang Pagitan...mahal ka sinta]

Nang matapos ang kanta ay nanginginig ang aking kamay. Sinasabi kong gusto kong maging singer pero hindi ko alam na ganto pala ito kakaba gawin. Nahirapan na akong tumingin sa tao dahil sh*tang gala namamawis ako. Nagdeodorant ako okey?! Baka sabihin niyong amoy putok ako!

Sa aking paglingon sa madla, bumungad sa akin ang masigabo nilang palakpakan.

Agad na nawala ang kaba sa akin at napalitan ito ng tuwa. Tumingin ako kay Loraine at sabay na tumango. Good job satin!

Sumunod na rito ang mga request ng mga customers. Nagplano kami habang nagpapractice na dapat isa-isa kaming kakanta. Bale magsosolo kami lahat, and yes kasama si kuya Leo, hindi pwede hindi! Madaya siya!

Para malaman kung sino ang unang kakanta sa amin ay nagbato bato pick kami bago umalis, anggaling no?

At syempre sino ba naman ang nauna kundi...Si ate Sam. Oh! Kala niyo ako na naman, tama na, masyado niyo na akong pinapahirapan. Pagpahigahin niyo naman yung main character. Parang hindi close eh.

[Song:KLWKN-Music Hero

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan

Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

Saksi ang buwan at butin sa pagmamahalan

Nating dalawa

Nating dalawa

Tanaw pa rin kita sinta

Kay layo ma'y nagniningning mistula kang tala

Sa tuwing nakakasama ka

Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata

Pag ikaw ang kasabay puso'y napapalagay

Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay...]

Masaya ang araw na ito. Nakakaexcite dahil ito na ang simula ng aking pagtupad ng pinakakaiintay ko.

Sapak na lang sa sumira ng araw ko.

***********

Malalim na ang gabi ngunit hindi hadlang para siya ay magpatuloy sa paglakad. Sabay ng kaniyang mga kasama, ang isa ay biglang umakbay habang patuloy sa paglakad.

"Balita ko may maganda daw inuman dito, tara."

Hindi na ito binigyang pansin ngunit sinagot ang alok. "Kayo na lang, wala kong gana."

"Ano bayan! Tara na! KJ toh!" Ani ng isa hanggang sa pinilit na din siya ng iba kaya nawalan ito ng paraan para umayaw. Sabay-sabay naman nilang itinulak ang kaibigan papasok sa isang bistro di kalayuan sa pinanggalingan.

"Hindi naman toh inuman." Sabi niya at akmang aalis ngunit agad ding napigilan.

"Inuman toh! Dalawahan kasi toh, resto saka bar. Dun banda ang inuman." Turo nito sabay hila sa kaniya.

Hinayaan niya na ang tropa ang pumili ng iinumin at umupo na lang sa may gilid. Habang nagmumuni-muni ay nahagilap niya ang bandang nagpeperform. Nang suriin niya ng mabuti ang kumakanta ay tila bumaba ang kaniyang balikat sa nakita.

[...Daling sabihin na ayaw mo na

Pero pinag-isipan mo ba?

Lapit nang lapit, ako'y lalapit

Layo nang layo, ba't ka lumalayo?

Labo nang labo, ika'y malabo, malabo...]

"Uy, ate mo yun diba Jake?" Paglapit ng isa sa mga kaibigan nito sa kaniya. "Di mo naman sinabi may gig kayo ngayon? Edi sana di ka na namin niyaya kanina."

Hindi na ito sinagot at pinatuloy ang pagsulyap sa stage. 

Natapos ang kanta ni Jasmin at ang susunod na kakanta ay si Akira. Ipinunas niya muna ang kamay sa pantalon bago simulan ang kanta.

[Song: ILYSB-LANY

Ain't never felt this way

Can't get enough so stay with me

It's not like we got big plans

Let's drive around town holding hands

And you need to know

You're the only one, alright

Alright

And you need to know

That you keep me up all night

All night...]

Tinitgang mabuti ni Jake ang babae at hindi mapigilang sumbatan ito sa isipan.

Siya ang sumipa sa kaniya nung nakaraan.

Tila wala naman itong ginagawang masama ngunit nakatanggap ito ng sipa sa hita. Medyo sumakit din ang parteng iyon dahil hindi sa aakalaing may taglay na lakas na ipapakita ang babae. Tanging irap na lamang kaniyang mabibigay sa ngayon. 

"May bago kayo? Ngayon ko lang yan nakita ah."

"Oo pati yun oh, yung nagb-base. Edi di mo na pala kailangan sumali eh, may pumalit na sa'yo." Ani ng isa sabay tawa ngunit mukhang hindi ito nagustuhan ng pinariringgan.

Tumayo si Jake sa kaniyang pwesto ang lumabas sa may exit door. Sinubukan siyang tawagin ng mga kasama ngunit patuloy na hindi sila pinansin.

Sinindihan niya ang sigarilyo at sumandal sa dingding.

Kani-kaniya niya pa nararamdaman ang kakaibang kutob magmula umalis siya. Ngayon ay napatunayan na ang dahilan. Tama nga talaga ang iniisip niyang hindi pumunta ngunit masyadong mapilit ang kaniyang mga tropa kaya wala siyang magagawa.

Nawalan na rin siya ng gana uminon kung kaya't iintayin niya na lang umalis ang banda bago siya bumalik.

Wala siyang planong magpakita sa ni isa sa kanila.

***************

"Hay sa wakas! Success!" Sambit ko sabay inat matapos bumaba sa stage. Hoy ang sakit din sa pwetan umupo ng dalawang oras noh? Try mo kaya.

At dahil gutom na ako, dumeretso na ako sa upuan namin. Nireserve kami ng may-ari ng Bistro ng upuan para sa kakainan matapos ng gig. Ambait talaga ni ser, plus points ka sakin. Basta dapat masarap yung pagkain.

"Congrats, natapos ang first gigniyong dalawa." Pagbati ni ate Em sabay upo sa tabi ni kuya Leo. "Anong feeling?"

"Nakakakaba." Sabay naming sambit ni Loraine na nagpagulat sa amin. Nagkatitigan kami bago mapatawa. Naku guys, naghahalo na ang brain namin. 

"Ganon talaga pag kakasimula pa lang, masasanay din kayo." sabi ni ate Sam kasabay ng pagdating ng pagkain. OMG ang sarap tignan! Pero mas masarap yan pag kinain ko!

"Psst." Habang kumakain ay narinig ako ang pagtawag sa kin ni Loraine.

"Bakit?"

"May chika ako." Agad namang tumalas ang pandinig ako at lumapit ng dahan-dahan sa kaniya.

"Ano yun? Dali!" Pagbulong ko sa kaniya dahil nakakahiya baka tingnan ako ng masama pag sumigaw ako. Masama na.

Inilapit naman niya ang bibig sa tenga at bumulong pabalik. "...kwento ko mamaya."

Hinampas ko ang braso nito at nagpatuloy siya sa pagkain. Y*wa ka Loraine! Ready na ako eh!

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain dahil nabadmood ako kay Loraine. Nagsimula na rin ang matinding kwentuhan kasabay ng mantinding inuman. Nakakainis si kuya Leo, kalahating baso ibinibigay sa kin. Mapapagalitan ako ni ate pag nalamang naglasing ako, alam niyo na.

Pero don't worry, hinaluan naman ito ng juice kaya kalahati ng kalahati ng baso lang ang alak...AH BASTA HINDI PA DIN YUN MAGANDA!!

Sa kagitnaan ng aming kasiyahan ay nakaramdam ako ng panginginig sa batok. Hindi naman ako naiihi pero nanginig ako. Tila ba may tumitingin sa akin sa likod. 

Lumingon ako ngunit walang mahagilap na tumitingin sa akin. Imagination ko na naman ba yun? Maygash kakacream stick mo yan!

Pinawalang-bahala ko na lang ang naramdaman at nagpatuloy sa inuman. Bahala siya kung sino man yun, unbothered ako for today's video!

-AR PHANTOM