Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

"Thank you po!" Ani ko sabay baba sa van kasunod ni Loraine. Kakauwi lang namin galing sa gig namin at sobrang antok na ako.

Kanina pa kaming 7 am sa studio tas umalis kami mga 11 para sa gig. Bale naging dalawa na ang schedule ng gig namin every week. Saturday and sunday lang naman ang gig namin dahil na rin may pasok at trabaho kami. Practice lang kami every monday to friday.

From 11 am to 1 pm ang unang gig tas 7 pm to 9 pm ang kasunod. Currently it's 10:30 na dahil mababait kaming mga bata. Eh basta may rason ako, wala ka ngayon ate Abi!

Umuwi na si loraine sa kanila at ako sa amin. Pagewang-gewang na talaga ako kanina sa van, buti na lang hindi tumama ulo ko dun sa may drum.

Bukas, 9 dapat nasa studio na kami. Magpapractice muna kasi kami bago umalis saka syempre kakain na din ng umagahan. Good luck kay ate Ali, siya tagatiklop bukas ng damit, HEHEHEHEHEKEKEKEKE.

***************

"...So that is why starting from today, Jake will be joining us once again." Masyang pagsabi ni ate Bea habang ang iba ay natutuwa sa kanyang pagdating.

WELL AKO HENDE!!

Ikaw ba naman na makita uli yung sinipa mo sa ano nung nakaraan? Ang awkward kaya! Ngayon pa nga lang hindi ako mapakali, tas wala pa si Loraine huhuhu...

Nasa Marikina kase ang lola niyo, nagpapacheck up sa mata dahil sa kakacellphone niya. Kasama niya ang kuya niya dahil umalis sila tita, so forda alone ang ferson for today's bidyow!

So mamaya mag-isa din ako uuwi. Sad.

Currently ako ay naka upo sa may dulo, yakap-yakap ang base ni Loraine. Bat kasi wrong timing beh?! Sabi ko na dapat pina-adjust niya sa sabagdo yung sched eh. Wawa ako, pano kung harangin ako nito sa labas tas sipain den.

Shaks talaga, dapat pala umabsent na din ako noh. Pero wala din, makikita ko din toh kinabukasan.

For better understanding, bago kami magsimula kanina magpractice, pumasok sa loob ng room si ate Bea kasama si Jake. Edi syempre gulat lahat, syempre lalo na ako. Then inexplain ni ate Bea na kinausap ng director si Jake if he wants na magpatuloy sa banda. Kung ayaw niya na, iteterminate na niya ang contract nito.

Ikaw ba naman na hindi magpractice ng halos isang taon, hindi ka sabihan nun. Mag o-one year na din kasi kami ni Lorane dito, isama niyo na yung time na in training pa lang kami. And sa almost one year na yon, hindi man lang kami nainform tungkol sa kaniya.

Eh, mukhang ayaw niya materminate kaya no choice siya kundi sumama sa min. So simula ngayon, kasama ko na ang hamal na ito.

Lord, why!? Nagsisimba naman po ako every Sunday ah! Bakit ako pa?! 

"Oy." Rinig kong pagtawag na nagpalingon ng ulo ko. Nakayuko kasi ako para dagdag drama, oh diba, ang galing kong actress!

Nakita ko si Jake na nakatayo sa tapat ko at iniirapan ako ng masama. Ikaw pa talaga ang may ganang umirap, matapos mo kong sabihang pandak?!

"Bakit?"

"Aki na."

"Yung ano?"

"Yan." Sabay turo sa base na yakap ko.

"Kay Loraine to. Humanap ka ng sa'yo."

Mukha namang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at agad na hinila ang base sa kaniya. "Bitaw!"

"Ayoko nga!" Hindi ko siya papayagang kunin toh, eto yung ginagamit ni Loraine eh! Ang raming base dito! Kumuha ka ng sarili mo!

Nagpatuloy ang away namin hanggang sa nakita na kami ng ibang memebers. Inihiwalay kaming dalawa matapos ng ilang minuto at pinagalitan ni ate Em.

"Hindi pa nga tayo nagsisimulang magpractice may away na agad? Ano na naman nangyayari?!" Pagsermon niya na may bahid ng galit.

"Pagsabihan niyo toh! Kinukuha ko lang yung gitara tas ayaw niya ibigay!" Galit na depensa ni Jake.

"Ang rami-raming base dyan oh tas eto pa talaga yung kukunin mo! Nakareserve na toh, okay?! Wag mo tong galawin!"

"Sabi nang akin yan eh! Bakit ba hindi ka marunong makaintindi! Ang liit mo na nga, b*bo ka pa! Pumili ka nga ng problema mo!"

"ABA G*GO KA AH! NUNG NAKARAAN MO PA AKO INIINSULTO AH! P*TANG*NA MO!"

Magpatuloy ng nagpatuloy ang away namin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Bea at ang director.

"What is going on here?" Tanong ng director na nagpatigil sa away namin.

Pinakalma muna kaming dalawa bago namin maexplain ang bawat side namin. Pero of course, nag-away kami ng saglit, tas nagalit uli si ate Em.

"Alright, I understand what's going on. First of all, there are rules SPECIFICALLY made in this company. Number 1, NO FIGHTING. As much as we do compete with other bands, violence between members is completely unacceptable.

Akira ,as far as I do understand your side, that bass belongs to Jake. In fact, every single bass in this room was bought by his own money. But the one you are holding is specifically his property alone. Loraine actually had to ask permission to Jake to use it.

And you Jake, I know you simply want to get the base, but insulting others is a violation. Especially when the person you offended was a woman. You know better than this yet you still did it. These are written in our rule book and look at what you two did.

I am very disappointed in both of you. I wish for harmony in this group, yet it's not even the start of the night, you two are already destroying the good air. For now, I will let this slide but if this happen one more time, I will have no choice but to sent this group on a hiatus."

"Director!" Sabay sabay na hiyaw ng mga miyembro maliban saming dalawang nag-away.

"No more excuses. I will leave now, continue practicing." Huling sabi niya bago umalis ng room kasama si ate Bea.

Agad namang nanahimik ang lahat, tila walang maisabi.

...Nakahiya.

***************

[Bat mo naman kasi hindi binigay? Kakasabi mo lang, ang raming base doon. Kaya ko din naman iplay yun.] Sagot ni Loraine habang ako nag nagmumukmok pa din sa kama. Magkavideo call kami ngayon dahil 12:40 na ng madaling araw.

"Eh Nakakabwiset kasi! Ibibigay ko na nga sana kasi baka magsapakan kami tas bigla ba naman akong sabihang pandak saka b*bo! Hindi ko palalagpasin yun ah!"

[Yan, dahil sa away niyo, muntik nang mag hiatus ang banda. Away pa.]

"Nakakagana ng loob, thlank you ah."

[Welcome.]

"P*ste." Sarsisim yun beh, baka lalo ako mabwiset.

[Well bukas, dapat magsorry ka ng lubos-lubos kundi baka magkagulo na naman ang practice bukas.]

"Ih, ayoko! Dapat siya muna magsorry."

[Yan ka na naman. Kaya ka iniwan ng ex mo eh.]

"G*GA HINDI DAHIL DUN YON!!!" Nagpatuloy ang aming usapan ng matagal dahil kung ano anong pinag-uusapan namin. Saka may chismis kasi ako, di ko na kaya itago, kailangan nang ilabas ng bongga.

"Oo nga pala, pano ka nagpaalam kay Jake na hihiramin mo yung base? Close ba kayo?"

[Hindi.] Simpleng sagot nito. [Nang-stalk ako sa fb tas nahanap ko account niya. Buti friend ni ate Jasmin. Ayun nagpaalam ako tas pinayagan ako.] Bat ganun? Ambait kay Loraine tas ako binabastos?!

"Dapat sinabi mo nun pa, nakakahiya kanina! Nakipag-away ako para sa wala!"

[Kasalanan mo yan, bigla-bigla kang nakikipag-away tas magrereklamo ka na nakakahiya ginawa mo. Dasurv mo yan.]

Ibinaba ko angl cellphone ko sa higaan at umikot sa kama. Shemay talaga! Hiyang-hiya ako kanina!! Parang glusto ko ibaon ulo ko sa lupa, mga 6 feet pababa.

G*GO KASI TONG JAKE NA TOH! Sana hindi masarap ulam mo! Sa'yo lang, hind yung kay ate Jasmin.

Ang daya! Ambait kay Loraine tas sakin hindi! Nakakainis!!!

Puro galit ko lang talaga kay Jake ang chapter na toh, don wori, titigil na ako. Next chapter maayos na ako, kasama ko na si Loraine.

"Kailan mo daw makukuha yung salamin?"

[Next week pa. Ilalgay pa kasi yung lens dun sa frame na pinili ko.]

****************

"Okay, so since nagpakilala na tayo kanina, hindi na natin kailangan mag introduction pa. So bale sa basics muna tayo unless you already know how to play the guitar." Panguna ni Emily nang makapasok sila sa recording room.

"Bumili ako ng violin kaso di ko siya nagagamit. Sira daw kasi yung bow tas kailangan palitan. Saka hindi pa ako nakakapag practice ng basics kasi naging busy din kami sa school." Pagsagot ni Loraine.

"Sige, bale ituturo ko muna tas pag nakaya mo na magplay, ipapasabay kita kay Leo ng drums. Pili ka muna ng base dun." Sabay turo sa dingding kung saan nakahilera ang anim na base.

Sinuring mabuti ni Loraine ang mga gitara bago nakapili ng nais.

"Ay, wag yan." Agad na napatigil si Loraine sa pagkuha sa guitar base.

Nagustuhan kasi ni Loraine ang kulay dahil nakakacool tignan. Color black ang body and blue ang pickguard. Dark brown to almost black naman ang neck part at black ang headstock. Binagayan ito ng silver na strings na nagpaakit ng husto sa babae.

"Bakit bawal?"

"Sa...meron kasing may-ari niyan. Pinagbilinan kaming bawal pagamit kahit kanino kaya hindi namin ginagamit."

Tila nawalan ng gana ang loob ni Loraine at ibinalik ang gitara. "Hindi ba pwedeng magpaalam sa may-ari?"

"Hindi lang kami sure. Di na din kasi namin nacocontact yung may-ari ng gitara."

"Sino po na yung may-ari? Ako na lang magpapaalam."

Halata ang pangangamba ni Emily sa mukha ngunit agad na sinagot ang kasama.

"Actually, kapatid ni Jasmin ang may-ari niyan."

Matapos ng ilang minutong pang-iistalk sa Facebook account ng kabanda ay nahanap din niya sa wakas ang hinahanap.

Nagpaalam ito kung maari bang gamitin ang gitara dahil nagagandahan siya dito at nag-intay ng ilang araw bago masagot.

Hindi ito pinayagan.

Ngunit hindi ito naging hadlang sa dalaga at nagpatuloy na pilitin ang kausap na ipahiram sa kaniya ang gitara. Matapos ng ilang araw, siya ay pinayagan. Tagumpay ang misyon para sa dalaga na magamit ang gitara.

Ito ang kwento kung paano nagagamit ni Loraine ang base guitar ni Jake.

-AR PHANTOM