Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

"Jake, welcome back." Ani ni ate Emily sabay baba ng kanyang gitara.

Sino toh? Shuta paki update naman ako oh!

Inobserbahan kong mabuti ang lalake mula paa hanngang ulo. Maayos ang porma, hindi pangjeje na ewan. Hindi ganun kaputi pero hindi din ganun kaitim, basta mas maputi sya sakin. Gwapo pero parang ang hirap ngumiti, kuya. Bakit naman kasi nakasimangot toh?

Parang binagyuhan na tinamaan ng tsunami sa daan. Sinamahan pa ng sugat niya sa mukha, parang nakipag-away pa toh.

Ilang saglit lang ay dumating na si ate Bea.

"Guys, nandito na ang sched nati--Oh, Jake! You're here." Tulad ng ibang miyembro, siya rin ay nagulat ng makita ang lalake. Shalala kayo sino ba kasi toh? "Ang tagal mo ding nawala. Are you here to join us again?"

Tinitigan lang ng binata si ate Bea at hindi nagsalita. Agad naman itong lumapit kay ate Jasmin at ibinigay ang isang bag bago umalis ng room na parang bula.

Nanahimik ang buong room matapos nito umalis. Ni isa sa amin ay hindi nakapagsalita. Ang awkward malala.

Nagkatitigan naman kami ni Loraine at tanging pagtaas na lang ng balikat ang kanyang nagawa. Bumuntong hininga na lang ako at napatingin kay ate Jasmin. Yun siguro yung tinatawagan niya nung nakaraan.

**********

"Ah, kapatid yun ni Jasmin, si Jake. Miyembro din siya ng banda kaso bihira lang siya sumali samin." Pag-eexplain ni ate Sam habang iniinom ang order na shake.

Pumunta muli kami sa isang resto na kakabukas lng last week. Ang rami nang kainan dito samin baga. Mukhang may dadagdag pa nga sa katabi.

"Bat parang ang sungit naman nun kanina. Makasimangot naman kanina tas ang bastos pa kay ate Bea. Nagtatanong eh di man lang sinagot." Ani ko sabay inom.

"Ganun tlga yun, buti nga hindi nagkaroon ng away ngayon eh. Dati pag bumabalik yun, hindi nawawala yung ingay kaya laging nagagalit samin si director eh." Sagot ni ate Emily.

"Ano siya parang temporary member ganun?" Tanong ni Loraine.

"Hindi naman, sadyang hindi lang talaga siya pumapasok. Pero hindi ibig sabihin nun tanggal na siya sa group. Siya kasi yung bassist namin bago ikaw. Nung bihira na lang siya sumali medyo nahirapan kami sa paggawa ng kanta. Siya kasi mostly yung nagpaparticipate na taga compose."

"Eh kung member pala sya bat naman namimili ng araw sumali? Di naman ata fair yun para sa iba diba? Porke ba kasama na sya dito sa grupo ibig sabihin pwede na nyang gawin kahit ano? Hindi nya ba gets yun?"

"Wala din naman kaming magawa." Ani ni ate Em. "Bihira ngang magkasundo tong magkapatid, pano pa kaya kaming iba?"

Okay, may point din naman, pero hindi parin ako mapakali. Pasensya na, perks of being chismosa ay laging nakikisali sa buhay ng iba. Sorry na inaamin ko na ako yun ng bonggang bongga. Nakakagigil kasi kanina! ARGHHH!! Pakening sh*t oh! 

Kala mo buhay nya eh noh? Ewan ko ba, bigla na lang ako nabad mood pagkatapos nun. Siguro kasi nagbago agad yung mood ng room kaya nadamay din ako. Buti pa tong si Loraine papetiks-petiks lang. Di aakalaing chismosa din kanina.

"So pano yun, okay lang na hindi siya magparticipate sa gig? Sabi niyo rin na member siya edi diba normal lang sa isama siya?" Pagsingit ni Loraine bago dumaitng ang order.

"Kung makakausap, edi maganda. Kaso di naman namin alam kung san siya pumupunta." Sagot ni ate Sam. "Pati tropa tinanungan na namin, di daw nila alam kung san sumusulpot."

"Pero okay lang yun. Babalik din yun." Pag-uudyok ni ate Em ngunit hindi yun nagpaayos ng pag ooverthink ko. What if hindi na bumalik, edi sayang si pag-asa diba? Magoverthink din tayo kasi para happy everyday. "By the way, sa sabado full day tayo ah."

Haluh bhi! May akad ako nun kasama kaklase ko. Ililibre daw kasi ako ng pagkain kaya sabi ko 'Sure! Why not?!' Oh diba, halatang gutom saka umaasa sa libre. 

"Cancel niyo na mga lakad niyo. Bawal umabsent."

"Yes ma'am." Bye bye libreng pagkain na aking minamahal, hanggang sa muli.

**************

"Hindi mo pa nga close tas makaasta ka, parang nagkita na kayo dati. Umamin ka, isa yun sa mga naka M.U. mo noh?"

"G*ga, ngayon ko nga lang nakita yun!" Sabi ko sabay bato ng unan. "Pero I admit naman, may istura sya, hehehehehehe!"

Nagulat naman ako ng biglang may lumipad na unan sa mukha ko. "Landi mo kahit kailan."

"TSE!"

By the way, nasa bahay ako nila Loraine dahil napag tripan kong makitulog sa kanila. Naiinis kasi ako kay ate, panay utos kahit kaya niya naman gawin. Like, so tamad ah! Saka magmomovie marathon din kami kasama si Mikee. Medyo malalate lang daw sya kasi maghuhugas pa ng pinggan.

"Ano ba papanoodin natin?"

"Kahit ano, basta yung zombie." Ani ko sabay tulong pumili ng papanoodin.

Nang makapili na kami, napag-isipan muna naming gumawa ng kakainin kasi magugutom kami. Ayoko magutom okay? Baka mamalnourish anak ko, 13 years nang hindi lumalabas sakin. "Bhi, ubos na stock namin. Bili ka nga sa 7-Eleven."

"Luh, bat ako? Ikaw na!"

"Aba! Mas matanda ka, dapat ikaw bumibili." Depensa ni Loraine.

"Mas bata ka! Dapat sumusunod ka sa utos ng matatanda!" Sabi ko pabalik.

"Ah so inaamin mo? Gurang ka na."

"G*GA! Basta!"

"Eh ayoko, baka makita ako ni kuya."

"Hindi yan, saglit ang naman ih!"

Ilang beses din kaming nagsagutan bago umisip ng paraan para malaman kung sino ang bibili. Pasensya na guys, ganto talaga kami dito.

"Tara bato bato pick. Matalo bibili." Ani ni Loraine sabay wagayway sa braso ko.

"Talo naman ako lagi dyan, madaya! Iba na lang!"

"Hoy hindi din ako magaling dito noh! Si Mikee kaya laging nananalo dito." At dahil may point siya dun, pumayag na din ako.

"Bato, Bato, PICK!"

***************

"Total po is *** pesos." ibinigay ko ang bayad saka kinuha ang mga pinamili. Nang makuha ko na ang sukli ay lumabas na ako ng 7-Eleven. 

SHUTA TALO AKO!! MADAYA!!

Nakakainis, natalo ako. Ako tuloy yung bibili, huhuhu... Ang yabang ko pa kanina tas eto pala resulta. Naubos tuloy pera ako. Edi wala na akong pangmine.

Ibinaba ko muna ang mga pinamili dahil marami-rami din toh. Mga dalawang malaking paper bag na puro tsitserya at inumin. Nagpahabol pa kasi si Loraine ng inumin dahil naubos na din ang stock nila ng juice, y*wa ka!

Habang nagmumuni-muni sa upuan ay may nakita akong isang pigura sa may sulok ng 7-Eleven. OMG, magnanakaw ba yon?

At dahil ako ang main character ng story na toh na pag may nakitang misyteryoso ay titignan, ay mausisa ko namang sinilip ang aninong aking nakita. Hopefully naman hindi toh magnanakaw, baka mahostage ako masama na, alam ko nang hindi ako ililigtas ng ate ako. Baka sabihin isa na naman yon sa mga kalokohan ko. Galing diba? 

Nang ako ay sumilip ay wala naman akong nakita kung sino, liwanag lang makita ko. Naku Akira, namamalik mata ka na. Sinasabi kasing wag na magpuyat, wala ka naman kachat, wala ka ding jowa, puro ka lang naman shared post.

And of course, sa sitwasyon na ito, isa lang ang gagawin ng main character...Edi syempre ituloy ang paninilip.

Medyo masikip din ang daan dito dahil sulok nga itong pinuntahan ko pero anong aking magagawa, ganto talaga pag main character, walang pake.

Sa sobrang pag-iimagine ko ng kung ano-ano, hindi ko napansin na may mabubungo na pala ako. At ayun na nga, muntik na kong matumba buti na lang nakahawak ako sa dingding.

"Sh*tang gala naman oh~" Reklamo ko sabay tayo ng maayos. Kung sino ka man, uso tumingin sa dinadaanan ha!? 

Nang maiayos ko ang aking sarili, hinanap ko ng mabuti ang taong nabunggo para makita ko ang mukha. How dare you ah?! Ang problema pa ay naninigarilyo siya kaya medyo napapa ubo din ako. Hindi naman sa hindi pa ako nakakaamoy, sadyang sobrang lapit niya sa akin kaya medyo masakit sa ilong.

Agad din naman akong umalis doon kasi parang sinasayda pang ibuga sa mukha ko yung usok. Seryoso? Gusto mo sapakin kita?

Nang lumabas ako ay sumunod na ang nasa likod ko. Nang lumingon ako upang makita siya, ako ay nagulat. P*kening sh*t! Eto yung kapatid ni ate Jasmin! James ba yun? Jack? John?Jane...g*ga pambabae yun! Ah basta J siya!

Nagtitigan naman kami at ilang saglit lang ay inirapan ako nito. "Tumingin ka sa dinadaanan mo, hindi ka naman bulag diba?" Aba p*tang*na toh ah! Ako pa sinisi, siya nga tong dapat tumingin. Nakatutok kaya sakin mga ilaw, pano ko kaya makita ng maayos, halos masilaw ako kanina!

"Hoy, excuse me! Ikaw tong dapat tumitingin! Saka ambastos mo kanina! Alam mo nang may tao, binubugahan mo pa ng usok!"

"Hindi kita binastos, hindi naman kita hinubaran."

"G*GA! HINDI LANG YUN ANG IBIG SABIHIN NG BASTOS! B*BO!" Hooomaygash! Ang sarap batukan ng hallowblocks sa ulo! "Kala mo nakakagwapo yan? Well sorry nagkakamali ka!"

"Bat naman ako papatol sayo?" Nagulat naman ako ng biglang lumapit itong lalaki na toh sa akin. Wag mong sabihing icocorner ako nito sa dingding? Alam niyo na, sa wattpad pag nag-aaway yung main character laging tinutulak ni guy si girlalu sa dingding. Well excuse me, masaydo tong mayabang para maging male lead ko. 

Lumapit siya ng lumapit hanggang napunta kami sa dingding. Owemji! Naurr!! Unti-unting lumapit ang mukha nito sa tenga ko at bumulong. Shalala naman oh! Hindi pa ako ready! Baka masapok ako ng ate ko. Well, medyo cute naman toh kaya sure! Why not? HAHAHHHEHEHEHEKKEKEKEKKEKE

"Sa liit mong yan, pagkakamalan kang elementary."

...Breathe in, breathe out.

Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo at taos-puso akong ngumiti...SAKA AGAD NA SINIPA ANG PINAKAMAMAHAL NIYANG HITA!! P*KYU KA! SABIHIN MO NA ANG LAHAT, PERO WAG NA WAG MONG IBABASTOS ANG HEIGHT KO, Y*WA KAAAA!!!

Natumba naman siya dahil napalakas din ang sipa ko pero I DON'T CARE! Kasalanan niya yan!

Agad kong kinuha ang mga pinamiling thank goodness hindi nanakaw at umalis sa 7-Eleven. G*go yun, panira ng gabi ko! Managinip ka sana na kinakain ng zombie!

-AR PHANTOM