Chereads / THE UNTOLD PHRASE / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

Isang linggo na ang nakalipas nang nagsiumla kaming magtraining dito sa kompanya. Sa ngayon ay tinutulungan ako ni ate Jasmin at ate Emily sa pagsasagot ng homework ko.

Kainis kasi yung prof. namin. Tapos na nga yung oras tas nagbigay pa ng homework. Edi ayun ngarag ako. Pero okay lang naman, tapos na naman yung practice namin saka kumakain na lang ng hapunan.

Medyo nalate kami ng pagdating dahil may kinailangan pang gawin si Loraine kasama ang mga kaklase niya. 6 na kami nakarating at wala na din kaming oras para magpalit pa kaya dumeretso na kami ng naka uniform.

"Shuta, natapos din ako." Aking banggit sabay hagis ng mga libro sa gilid. Nauna akong kumain kayla Loraine para matapos ko na yung homework ko. Wala si Dianne bukas at may pupuntahan daw sila. Edi sana ol umaalis. Napahiga na lang ang ulo ko sa lamesa sa pagod ng utak.

"Kira, Raine, sama kayo?" Napatayo naman ako at lumingon kay ate Em.

"San kayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya na akbay na ang bag. Tumayo na din ang iba at inakbay ang kanilang mga dalahin.

"Pupunta kami sa may park. Mag n-nght trip lang. Kakain din kami dun, meron kasi dung mga stall." Pageexplain nito. Hindi din kasi kumain ng marami si ate Em kaya siguro gutom siya.

At dahil sa ako ay gala, syempre pumayag ako. Inayos ko na ang lahat ng gamit kong nakakalat at sumabay sa kanila sa paglabas ng building. Chinat ni Loraine si kuya Kyle at ipinaliwanag na may pupuntahan pa muna bago kami uuwi. Inabot pa sila ng sagutan sa chat bago nakapayag ang kuya. Ngayon lang pi makakagala ng ganito, pagbigyan na.

Nang makarating kami sa park ay agad kong hinila si Loraine sa may punong puno ng lantern at iniabot ang cell phone ko. "Pa pic Raine."

"Kakadating lang, pic agad?"

"Oo, bili na."

Tanging buntong-hininga ang isinagot nito bago ako simulang picturan. Mga ilang take din kami kase maarte ako, Kailangan kase maganda ako everyday, every night, every looking out in the sky.

Nang makabalik ang iba ay sumabay na din sila sa pagpipicture. Si ate Jasmin naman ang naging photographer namin.

"Isa pa. One, two, three..." Click.

Hindi na tumigil ang pagpipicture namin at kahit kumakain ay sige pa din sa pagkuha. I mean nakikikain, di pala samin yung pagkain.

"Bili na, isolo mo!"

"Ayaw ko! Kayo na lang." Hinihila ko si Loraine sa may malapit sa magandang view kasi nga papapicturan ko siya kay ate Jasmin. Eto naman, ayaw kasi hindi daw siya mahilig magpapicture.

"Ang ganda ng suot mo eh. Dali kahit isa lang." Naka long sleeve kasi siya na lilac saka black na jumper shorts, nakapony tail ang buhok at nakawhite shoes. Ang kyut niya kaya tingan, tas ayaw pa papic.

Sa tulong din nila ate Sam, ay successful ang paghihila namin. Sa ngayon ay pinipicturan siya ni ate Jasmin habang tinuturuan ni ate Sam kung paano magpose. Sina ate Em at kuya Leo naman ay nagd-date dun sa may puno kanina. May sariling mundo ang magjowa, kaya wag nang makisali.

At dahil napagod ako kakahila kay Loraine (medyo may pagkakalakasan din kasi tinuturuan ng kuya magself defense kineme), nagdecide ang lola niyo na bumili ng water. Yes, healthy po tayo today, bawal juice o softdrinks. Nagtanong ako kay ate Sam kung saan pwedeng bumili ng tubig at itinuro niya ang isang vending machine dun sa may kalayuan.

Wala din ako magagawa since uhaw na uhaw pa ako daig pa ako ng tuyong dahon. Naglakad ako papunta sa may vending machine at bumili ng tubig. Shuta bat ang mahal nung tubig? 30 isa. Bente lang yun ah. Porke nasa veinding machine, mahal.

Nang makabili na ako ng tubig ay agad ko na tong ininom. Kumalahati din kasi kanina pa talaga ako uhaw. Hindi ako nakainom kanina dun sa may cafeteria kasi dumeretso ako sa pagsasagot.

Habang ako ay umiinom ay bigla akong nakarinig ng isang malakas na lagapak sa sahig. Napaigtad ako sa gulat at hinanap kung saan galing yun. Curious ako beh.

Dahan-dahan ako sa paglakad habang sinusuri ang lugar ng ingay. Napadpad ako sa may halamanan at napansin na ang ingay ay galing sa isang eskinita na katabi mismo ng park. Dali-dali akong pumunta dun at nagtago dahil baka magnanakaw pala ito at mahostage pa ako.

Eh bakit pa ako pumunta dito kung ganun? B*bo din eh no. Hayaan mo na, makikichismis na lang.

Sumilip ako ng dahan-dahan at nakita ang dalawang taong nagsusuntukan. G*gi, may away dito! Dapat alerto si ate dahil baka ilang minuto ay masama akong nakikisuntok, este sinutsuntok.

"BW*SIT KA! Ayaw mo talagang magpatalo?!" Tugon ng isang lalaki sabay suntok sa kaniyang kalaban. May pagka semi-bald ang buhok nito at matangkad. Naka grey na t-shirt ito na ngayon ay may kasamg dugo at pawis, at tattoo sa may braso nito.

Agad naman gumanti ang isa at sunod-sunod ang pagsusuntok. Ito naman ay medyo mahaba ang buhok, ngayon ay magulo dahil sa pag-aaway. Nakasando na black at itim din na pantalon. Mas maliit siya ng onti sa isa o mas matangkad, ewan ko ba? Hindi kasi nakastraight yung mga binti kaya di malaman. Basta matangkad sila pareho.

Hindi masyadong kita ang kanilang mga mukha dahil na din ang dilim ng pweesto nila. Gagsti naman, pwede bang next time lumipat kayo sa may liwanag para mas makita? Di malaman kung anong nagyayari eh.

Puno ng sugat ang mukha at katawan nilang dalawa, ngunit ni isa sa kanila ay ayaw paawat kaya nagpatuloy lang ang labanan. So ang gagawin natin, si kuya grey at kuya black na lang ang itawag ng maintindihan.

Nagpatuloy sa pakikipagsapalaran ang dalawang lalake. Si kuya grey ay isinuntok si kuya black sa may pisngi at agad itong binawian ni kuya black sa may mukha ni kuya grey. Agad namang nahawakan ni kuya grey sa buhok si kuya black at itunulak ito sa may dingding. Aray! Masakit! Ako yung nasaktan sa ginagawa nila.

Naisipa ng mabilis ni kuya black si kuya grey bago itong ihampas muli sa dingding. Tumayo agad si kuya grey at ang dalawa ay nagtulakan...

...Weyt kahingal magnarrate.

Sa Ilang saglit ay sumuntok muli si kuya black ngunit nakaiwas si kuya grey at malakas na sinapak nito ang tyan ni kuya black. Natumba si Kuya black at hinawakan ang tiyan habang namimilipit sa sakit. Hinablot ni kuya grey ang buhok ni kuya black at isinipa ang dibdib kaya ito ay natumba sa sahig.

Lumuhod si Kuya grey at patuloy na pinagsusuntok si kuya black. Hindi na makalaban si kuya black sa sobrang pagod na din kaya naawa na ako. Maygad bat kasi nakipag-away pa siya? ayan tuloy, mabubugbog-sarado pa siya.

Sa huling sapak nito ay hindi ko na kinaya at mabilis na ibinato ang bote na hawak ko papunta sa ulo ni kuya grey bago niya pa masapak si kuya black. 

"G*GO SINO YON!?" Tumigil sa pananapak si kuya grey at ibinato ang bote papunta sa direksyon ko. Mang magmataan ang mukha namin ay bigla akong nagpanic at tumakbo paalis sa gulo. Alam kong isang segundong titigan lang yun pero baka nakita nga ako, ay madamay pa ako dyan.

Shuta kakamarites mo ayan, muntik ka pang masama sa suntukan. Next time nga hahayaan ko na lang pag may marinig na kung ano...

...Syempre hindi noh! BAKA CHISMOSA AKO! Chariz lang.

Nakabalik ako sa may pwesto kanina na hingal na hingal.

"Anyare sayo? Paalam mo bibili ka tubig. Bat ka hiningal?" Tanong ni Loraine habang nakikikain ng binili nila ate Em.

Ayoko namang sabihing nanood ako ng gulpihan tas muntik nang masama. Baka sabihin ang chismosa ko, kahit totoo. "May humabol na aso."

"...Huh?" Takang tanong ni Loraine. "Aso? Tas ganyan ka kapawis."

"ANG LAKI KAYA NUNG ASO! MUNTIK NA NGA AKONG MAKAGAT EH! Buti na lang may naghawi dun sa aso." Medyo bilibabol naman ah. Hinabol din ako ng aso dati, nadapa pa nga ako kakatakbo.

"Eh nasan yung tubig mo? Kala ko ba bumili ka."

"...Binato ko sa aso. Tas alam mo be?! Hindi pa nasapol. Awit!" Galing ko tagalang magsinungaling. Hi-5 ebribadi!

Inobserbahan ako ni Loraine mula paa hanggang ulo bago dahan-dahang tumago. Eto ayaw maniwala, ang ganda na nga nung sabi ko! Pumunta na din kami kayla ate Em at kuya Leo na busy pang picturan ni ate Jasmin. Grabi kayo guys, ginawa niyong photgrapher si ate Jasmin. Si ate Sam naman ay katabi ni ate Jasmin, nanonood sa picturan.

Nagsiuwian na din kami matapos nang saglit na pag-uusap. Dumating na ang kuya ni Loraine at isinakay na kami. Kumaway muna ako sa kanilang apat bago umandar ang kotse.

****************

Pumasok na ako ng kwarto matapos maglinis sa banyo. Nagb-brilliant kase ako kaya dapat alaga si sken. Brilliant pa sponsore, baka naman.

Iniayos ko na ang uniform ko sabay ayos ng mga libro na kinalat ko sa may desk. Bwesit kasi akala ko naiwan ko yung notebook ko sa may school. May quiz pa naman kami bukas tas kakatanda ko lang dapat magrereview ako pag-uwi. Pero sayang naman kung mamiss ko yung pagpunta sa park kaya kinalimutan ko din.

Saka sayang, nakamarites ako kanina. Ang gandang chika yun. Machat nga si Loraine mamaya.

Nagreview muna ako ng isang oras at nang makasapit ang 1 ng umaga, ay inilagay ko na ang lahat ng gamit ko sa bag at nag-inat. Maygash ang sipag ko, umabot ako isang oras magreview. Usually di ako nagrereview ah.

Humiga na ako sa kama at tinext si Loraine tungkol sa chika ko bukas bago isinara ang selpon. Kumanta kanta muna ako bago dinaloy ng antok. Unti unting tumitiklop ang aking mga mata at dumausdos na sa pagtulog.

-AR PHANTOM