"Bii, bilhan mo ko ice cream..."
"G*ga,may lagnat ka na nga tas kakain ka pa ice cream!" Sermon ni Loraine matapos ihampas sa akin ang unan ko. Grabe ka bi, may langnat na nga ako, nambabato ka pa... Ambad mo!
"Yan ang napapala ng maligo sa ulan. Wag mo kong sisihin ngayon."
"Di ako naligo, G*GA! NAIWAN KO KASI YUNG PAYONG KAYA TUMAKBO AKO!"
"Sabi kasing wag na at kunin na lang kinabukasan kaso ano, yan di ka nakikinig. Deserve mo yan bhie."
"Pangit mo kabonding Loraine!"
"Wag ka na sana makasama sa sabado." Ani nito sabay dila bago umalis ng kwarto. Wag, gusto ko ngang sumama eh.
Plano kasi naming pumunta sa mall at maggala kaming banda. Celebratory day daw para dun sa kanta na kakalabas lang.
Yes guys, lumabas na ang kanta namin. Aym so excited Waaaahhhh! Kakalabas lang kahapon, gusto ko sana tingnan kung ilan yung nag stream kaso ako ba naman na peborit ni Lord, syempre biniyayaan ako ng lagnat.
Shutang ina bat ba kasi ako nilagnat?! Ang maganda lang dito hindi ko kailangang pumasok kaso nakakainis talaga!!
Pumunta dito si Loraine para ibigay yung homework na padala ni Dianne. Eh ayoko gaiwn yan. Bahala si prof. De charot, baka ibagsak ako. Pag umayos na ko saka ko gagawin yan.
So ganto kasi nangyari last week...
*************
"So... Pano?" tanong ko habang nakatitig sa kaniya.
"Ba malay ko. Di pa naman ako nakakapagsulat ng kanta."
"Kaya mo yan. Parang essay lang ang gagawin eh. Marunong ka naman dun diba?"
"Ah so, ako lang gagawa?" Tanong ni Loraine sabay irap sa akin. "T*nga kasama ka din dito kaya mag-isip ka din!"
"Shuta ka! Di ko nga magawa yung essay ko tas ngayun papagawan mo ko ng kanta? Ang usapan lang boi kakanta, bat may pa sulat sulat pa?"
"Loko ka ba?! Syempre kasama na yun don! Kung magiging singer ka eh di asahan mo na din na dapat marunong ka magsulat ng kanta. Pano kung walang nagsulat ng kanta sayo? Edi useless lang yung pagiging singer mo!"
Nagtagal ng ilang minuto ang aming pag aaway bago may kumatok sa aking kwarto.
"Pasok."
Bumkas ang pinto at bumungad ang mukha ni Mikee. "Samahan niyo ko. Bili ako Brilliant."
Ngayon ay nasa bilihan kami at iniintay na makabili si Mikee. Suki na kasi siya dito kaya naging close na sila nung tindera. Laging may free na sabon to pag bumibili ng brilliant. Andaya nga eh, ayaw ako bigyan ni isang sabon.
Bumili din kami ng miryenda dahil gutom na ako saka di pa ako nakakain ng tanghalian. Ayoko kumain, bakit ba? Desisyon ako!
Nang makauwi ako ay binungad ako nang napakasayang balita sa buong buhay ko.
"Ira, kunin mo na yung sampay."
Lord magsisimba naman ako bukas, wag nyo akong pagalitan. Gusto ko man bundyakan si ate, ayoko ko. Baka mapalayas ako ng wala sa oras. Delikado wala akong bahay niyan.
Dahil banal ako at nagsisimba ako linggo, linggo, kinuha ko na ang mga sampay at inilagay to sa kwarto ko kasi ako din ang magtitiklop.
Tas natandaan ko pa gagawa pala kami kanta. Shuks pano na toh? Siguro yung tono na lang noh...Oo tas si Loraine na bahala dun sa may lyrics. Yun...Sige sige.
So ayun na nga, naghumming lang ako ng naghumming hanggang sa may naubo din sa wakas. Natapos na din ako magtiklop kaya dumeretso agad ako kwarto ni Loraine at pinarinig sa kaniya yung tono. Baka genius yan, Akira.
Ang galing ko talaga, tas ang ganda pa.
"Tungkol ba saan yung kanta?" Tanong niya.
"Basta kahit ano beh. Yung babagay dun sa tono. Basta wag english! Hamal ka papanosebleedin mo pa ako!"
Agad naman siyang sumimangot ngunit bumalik din nang nagpramos akong bibilhan konsiya ng donut sa baba. At sa tulong ng isa't-isa, kami ay nakagawa ng kanta sakto bago kami kakain ng hapunan. O diba tapos? Debale ng bara bara yun, basta maganda yun sa kin.
************
"Well I guess the extension was worth it. This looks good." Ani ng director sa lyrics na pinasa namin.
"Pasensya na po uli kasi pinaexteend pa namin. Ngayon lang po kasi kami magsusulat ng kanta." Ako lang po ito, don wori. Ganda lang.
"No worries. I understand." Ibinaba niya ang papel sa desk ang umayos ng postura. "Now that you two have accomplised you task, next week, you should be able to record the full song. For now, I want you two to complete this with other members. Meaning, you will add the instrumentals of the song. In one week tops, I know the song might be finished. Mabilis gumawa ng instrumentals ang banda, that's the reason why they are still standing until today."
Nang makabalik kami sa recording room ay nagsimula na ang aming pagpupulong. Tulad nga ng sabi ni direktor, mabilis gumawa ang banda at sa isang oras ay nabuo na namin ang unang parte ng kanta.
"Taasan kaya yung key sa second chorus, para mas magandang tingan." Ani ni Loraine.
"Sa buong chorus?" Tanong ni ate Jasmin.
"Siguro dito lang sa part na toh. Tinry kasi namin kagabi ni Akira yung tono tas naisip namin tataas yung part dito."
Nang sumapit na ang 10 ay tumigil na din kami sa pagpapractice. Malapit na rin naming matapos yung instrumental. Unting dagdag na lang dito, dyaan, magiging okay na siya.
Bukas pag-uusapan na rin namin yung lineup ng kanta, kung anong part yung makukuha mo. Ayaw sumali ni Loraine sa lineup kasi mas gusto niya daw magfocus dun sa part nya sa bass. Malilito din daw siya kasi hindi pa siya sanay.
Sumapit na ang isang linggo at eto na ang araw na irerecord na namin ang kanta. Kinakabahan na ako dahil ito ang first time na magrerecord ako sa isang studio. Ang isang linggo namin ay napuno ng practice, meeting at ngayon ay ang araw na pinakahinihintay ko.
"Alright then, Akira are you ready?"
"Yes po!" Pwede bang tantanan niyo yung kakaenglish niyo? Nanonosebleed po ako ng gingawa niyo. "Medyo kabado."
Nagsimula nang tumugtong ang instrumental matapos irecord ay biglang nagsalita ang producer.
"Shall we do it in another tone? Try singing it higher."
Umabot din ng ilang take ang part ko bago kami nakatapos. Hay sa wakas!
Sumunod sa akin si ate Sam na inabot din ng matagal bago nakalabas. Pagkatapos niyon ay nagrecord pa kami na kasama ang buong banda.
Ang rami pala nitong gagawin. Nagkaroon din ng solo solo ang bawat instrument at habang pinapakinggan ko ito, ay hindi ko mapigilang humanga. Ang galing Loraine beh, pero mas maganda ako, HAHAHAHA!
After siguro mga 8 hours sa studio ay nakalabas din kami para kumain ng hapunan. FINALLY! TAPOS NA SIYA!!
"Congrats sating lahat! Natapos na natin yung kanta!" Ani ni ate Em sabay taas ng kaniyang baso. Pumunta kami sa isang restaurant para magcelebrate pagkatapos namin umalis ng building. Iyayaya sana namin si Ate Beatrice kaso busy siya. Kasama niya yung ibang head at may meeting de avance naman siya kaya nauna na lang kami. Tinext naman daw siya ni ate Em kaya ok na.
"Ang galing ah, ambilis natin ngayon. Usually aabot kami ng dalawang araw sa pagrerecord."
"Dalawang araw straight?" Gulat kong tanong. Ano yun di sila kumakain, natutulog? Basta record lang.
Sandali nga, umiiral na naman yung pagkab*bo ko. Akira ano ba?!
"Parang ganun na din." Sagot ni ate Em. So, hindi ako b*bo guyz, kayo yon. "Minsn kasi pagnagrerecord kami nagkakagulo dun sa studio kaya natatagalan kami."
"Anong gulo? Mukha namang maayos yung studio." Banggit ni Loraine bago sumubo.
"Well, mahabang kwento. Basta minsan kasi may hindi nagkakasundo." Ahh oki.
Habang kami ay kumakain ay biglang umulan ng malakas. Hala, wala akong payong. Hindi ako nakapagdala. Hindi rin daw nakapagdala si Loraine kaya wala kami choice. Pero alam ko may hawak ako kanina eh, kasi pumasok ako sa kwarto ni ate Alli tas kinuha yung payong nya.
Ay, natandaan ko na. Nandun yung payong sa may entrance, patay ako kay ate pag nawala ko yun. Matapos naming kumain ay medyo tumila naman ang ulan kaya nagexcuse muna ako sa kanila at agad na tumakbo papunta dun sa building. Nakuha ko ang payong at sakto dumating ang kuya ni Loraine. SInabi ko sa kaniya na kumain muna kami sa restaurant at ayun na, dumeretso kami sa restaurant at kinuha si Loraine bago magpaalam sa iba.
Sorry na kuya Kyle kung nabasa yunh kotse. Di kasi ako sinamahan ni Loraine eh, edi sana sabay kaming mapapagalitan.
At ayun after mga ilang araw, nakaramdam ako ng ubo't sipon saka nilagnat na ako. GUSTO KO NANG PAKINGGAN YUNG KANTA NAMIN!! Kaso wala akong lakas para buksan yung cell phone ko. So ayun, iintayin ko na lang bumaba ito... HUHUHU!
************
After two days, shaks, nakaalis din ako sa aking lungga. Uminat inat na ako habang minamasdan ang magandang araw sa aking bintana. Aym so hapi!
Kinuha ko ang cellphone sa desk ko at binuksan na ang wifi para tawagan si Loraine. Tanghali na din yung gising ko kaya di na ako nakapasok. Tawagan ko siya tas sabihin ko ganda ko, HAHAHAHAHA.
Nang mabuksan ko na ang wifi, nagulat ko ng sunod sunod na nagvivibrate ang cp ko. Nu meron? Dalawang araw lang naman ako di nag online, grabe magnotif si fb. Magshahare na ako uli don wori.
Ngunit ang aking hinihinala ay mali pala. Takte ano toh?!
-AR_PHANTOM